You are on page 1of 10

WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEET

Araling Panlipunan 7 Quarter 4, Week 4

ANG ASYA AT ANG DALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Pangalan: _____________________________________ Seksiyon: ________________

Kasanayang Pagkatuto at Koda:


Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng mga digmaang pandaigdig sa
kasaysayan ng mga bansang Asyano.

Layunin: Unang araw


Nakapagtatalakay ng karanasan at implikasyon ng mga digmaang pandaigdig sa
kasaysayan ng mga bansang Asyano.

Pangunahing Konsepto: Ang Unang Digmaang Pandaigdig

Sumiklab ang unang digmaang pandaigdig noong Agosto 1914. Kumplikado ang
dahilan: ang pag-alyansa ng mga bansang Europa at ang pag—uunahan nila sa teritoryo
at iba pang interes. Ang Germany ay kaalyado ng Austria-Hungary ay tinawag silang
Central Powers, at ang France, England at Russia naman ay tinawag na Allied
Powers. Ang pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand na tagapagmana ng trono ng
Austria-Hungary ang nag-umpisa ng mobalisasyon ng militar sa Europa.

Bagamat nakasentro sa Europa ang digmaan, nagkaroon din ng labanan sa Asya


dahil sa Sphere of Influence at interes ng kanluranin sa Asya. Dahil kakampi ng England
ang Japan agad-agad sinakop ng Japan ang mga teritoryo ng Germany sa China at sa
Pacific.

Noong 1917 ay sumali ang United States sa digmaan sa panig ng Allies. Sumunod
naman ang China pagkatapos salakayin at mapalubog ng isang submarine ng Germany
ang isang barko ng France na may sakay na mga Tsino.

Sa India nagkaisa ang mga kilusang nasyonalista at pangkalayaan at sumuporta sila


sa panig ng mga Allies. Kasabay nito ay pansamantalang nagka-isa ang kilusang
pangkalayaan ng mga Hindu at mga Muslim.

Nais ding sumali ang Pilipinas sa Unang Digmaang Pandaigdig at itinaguyod ni


Gobernador Heneral Francis Burton Harrison at Manuel Luis Quezon ang Guardia
Nacional ng Pilipinas na naglalayon na maipakita sa United States at sa boung daigdig
na handa na ang Pilipinas sa Kasarinlan.

Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig

Natalo ang Central Powers sa digmaan at isinagawa ang pagpupulong sa Versailles


France upang pormal ng tapusin ang digmaan at pag-usapan ang kaparusahan ng mga
tatlong bansa. Humina ang Europe dahil sa tagal, hirap at gastos ng digmaan,
samantala ang United States at Japan naman ay lumakas dahil malayo sa kani-
kanilang lugar ang nangyaring digmaan at sila ay tinawag na mga superpower o
pinakamakapangyarihang bansa noong panahon yaon.

Pagkatapos ng Unang Digmaang pandaigdig, naitatag ang League of Nations upang


maiwasan na ang pagkakaroon ng digmaan sa daigdig. Ang Japan ang tanging
miyembro nito na galing sa Asya.

Isa pang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpasok ng mga


Kanluranin sa Kanlurang Asya na bahagi ng Ottoman Empire na kaalyado ng Central
Powers na nanghina at dahan-dahang bumagsak pagkatapos ng digmaan. Noong 1914,
ay nadiskubre ang langis sa lugar na ito at lumaki ang interes ng mga kanluranin ditto.
Gawain 1: Sulat Panayam!
Panuto: Sa gawaing ito ay magkakaroon ng panayam tungkol sa pangyayari sa Unang
Digmaang Pandaigdig. Sagutin mo ang mga tanong na nasa kaliwang speech ballon at
ilagay mo ang iyong sagot sa kanang speech ballon.

1. Ano ang sanhi ng


Unang Digmaang
Pandaigdig? 1.

2. Anong dalawang
magkalabang alyansa 2.
sa Unang Digmaang
Pandaigdig?
3. Anong mga
bansa ang 3.
kasapi ng
Central
Powers? 4. Anong
mga bansa 4.
ang kasapi
ng Allied
Powers?
5. Anong alyansa ng
mga bansa ang 5.
6. Ano ang epekto ng nagawagi sa unang
Unang Digmaang digmaan Pandaigdig? 6.
Pandaigdig?

8. Bakit
7. Ano ang League naitatag ang
7.
of Nations? League of
Nations? 8.

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng League of Nations para


magkasundo ang Allied powers at Central Powers upang mapangalagaan ang
Pandaigdigang Kapayapaan?
ANG ASYA AT ANG DALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Layunin: Ikalawang araw


Nakapagpapaliwanag ng mga implikasyon ng mga digmaang pandaigdig sa
kasaysayan ng mga bansang Asyano.

Pangunahing Konsepto: Ang Asya sa Gitna ng Dalawang Digmaan

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, nag-umpisa ang pag-aarmas ng iba’t


ibang bansa. Nagkaroon ng arms race o pagpaparami ng mga armas pandigmaan. Dahil
sa hinala na baka mauwi ito sa isa pang digmaan.

Noong 1929 ay bumagsak ang stock market sa United States at nag umpisa ang
Great Depression. Nahirapan ang maraming bansa, lalong-lalo na ang Japan. Nagkaroon
ng pagkawala ng trabaho, paghihirap at kakulangan sa pagkain. Dahil walang magawa
ang pamahalaan, dumami ang radikal at ultra-nasyonalismong samahan na naghangad
na lalong mapalakas at manakop ang Japan.

Lumakas din sa India, ang kilusang Nasyonalismo at nagkaisa ang grupo ng Hindu
at Muslim pagkatapos ang Unang Digmaang Pandaigdig sa pangunguna ni Mahatma
Gandhi at ng kanyang di-marahas na pamamaraan. Nagkaroon ng malawakang mga
welga, demonstrasyon, boykot at hindi pagsunod sa utos ng mga English. Noong 1935
ipinasa ng mga English ang batas na nagbibigay ng higit na awtonomiya sa pamahalaan
ng India.
Sa Pilipinas ay tuloy-tuloy ang kampanya sa Kalayaan. Noong 1943 ay ipinasa ang
Batas na Tydings-McDuffie na nagtatakda ng sampung taong pamamahalang
Commonwealth at pagkatapos ay Kalayaan.

Patungo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Noong dekada 1930, nagkaroon ng matinding hidwaan sa pagitan ng China at Japan


na nang lumaon ay nauwi sa tuluyang digmaan sa pagitan ng dalawa. Nais ng Japan na
protektahan ang mga interes nito sa China at handa silang lumaban para rito. Nag
protesta ang League of Nations at ang United States sa pagsakop sa Manchuria pero
binalewala ito ng Japan. Lalong lumalim ang hidwaan ng China at Japan at ng Japan at
Amerika.

Upang palakasin ang kaniyang pwersa, nakipag-alyado ang Japan sa Germany at


Italy, dalawang bansang may pamahalaang militaristiko rin at kapwa malakas din.
Noong Setyembre 1940 ay nilagdaan nila ang Triple Pact at tinawag na Axis Power ang
kanilang alyansa. Sa kabilang panig, ang United States, England, France at iba pang
bansa ay tinawag na Allied Powers. Nagprotesta sila sa ginawa ng Japan sa China.
Tinugunan ng United States ang pagiging agresibo ng Japan sa pamamagitan ng
pagpapahinto ng pangangalakal ng Japan tulad ng langis at iba pang bagay na
kinakailangan ng mga industriya nila. Binalak ng Japan na lusubin ang Timog
Silangang Asya para pakinabangan ang mga likas na yaman nito. Kailangang biglaan
ang paglusob upang maparalisa ang hukbong sandatahan ng US na noon ay nakabase
sa Pearl Harbor.
Gawain 2: Ang Aking Saloobin sa mga Bansa sa Asya sa Gitna ng Dalawang
Digmaan!
Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa implikasyon ng mga bansa sa Asya sa Gitna
ng Dalawang Digmaan. Isulat ang iyong sanaysay sa malinis na papel.

Ang Aking Saloobin sa Implikasyon ng mga bansa sa Asya sa Gitna ng Dalawang


Digmaan

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay


Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang
Puntos
Pag-unawa Malinaw na nailahad ang sagot sa 5
mga gabay na tanong
Organisasyo Kumprehensibo at malinaw ang 5
n daloy ng ideya. Maayos na
naipahayag ang pagkakaiba at
pagkakaugnay ng mga tinalakay na
konsepto
Nilalamanan Wasto at makatotohanan ang 5
impormasyon. Nakabatay ang
nilalaman sa mga tinatalakay na
paksa.
Teknikalidad Sumunod sa pamantayan ng 5
sanaysay tulad ng paggamit ng
tamang bantas, kaayusan ng
pangungusap, at pagdebelop ng
kaisipan.
Kabuuan 20
Gawain 3: Pagsulat ng Repleksyon tungkol sa implikasyon ng Digmaan sa
Pamumuhay ng Tao!
Panuto: Sumulat ng repleksyon tungkol sa implikasyon ng Digmaan sa pamumuhay ng
tao. Isulat ang iyong repleksyon sa malinis na papel.

Ang Implikasyon ng Digmaan sa Pamumuhay ng Tao

1. Kung ikaw ay nasa kapanahunan ng Digmaan, ano ang


iyong opinyon tungkol sa implikasyon ng Digmaan sa
pamumuhay ng tao?

Rubrik sa Pagsulat ng Repleksyon


Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Pag-unawa Malinaw na nailahad ang sagot sa mga 5


gabay na tanong
Organisasyo Kumprehensibo at malinaw ang daloy 5
n ng ideya. Maayos na naipahayag ang
pagkakaiba at pagkakaugnay ng mga
tinalakay na konsepto
Nilalamanan Wasto at makatotohanan ang 5
impormasyon. Nakabatay ang
nilalaman sa mga tinatalakay na
paksa.
Teknikalidad Sumunod sa pamantayan ng sanaysay 5
tulad ng paggamit ng tamang bantas,
kaayusan ng pangungusap, at
pagdebelop ng kaisipan.
Kabuuan 20

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang implikasyon ng Digmaang Pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang


Asyano?
ANG ASYA AT ANG DALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Layunin: Ikatlong araw


Nakapag-ugnay ng karanasan at implikasyon ng mga digmaang pandaigdig sa
kasaysayan ng mga bansang Asyano.

Pangunahing Konsepto: Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Nag-umpisa sa Europa noong Setyembre 1939 ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Huling nagsimula ang Digmaang Pandaigdig sa Asya. Nagsimula ito nang nilusob ng
Japan ang Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941 sa Hawaii (Disyembre 8 sa Asya).
Kasabay ang pagsalakay sa Thailand, Malaya, Hong Kong at iba pang lugar. Dahil dito
ay nabigla ang US at iba pang bansang kaalyado nito. Bumagsak ang mga teritoryong
sakop ng England, Netherlands at US. Mabilis ang pagsakop ng Japan sa Timog
Silangang Asya. Kinailangan ng Japan ang Timog Silangang Asya dahil sa likas na
yaman ng mga bansa. Ang Thailand ay nagsilbing neutral o walang pinapanigan noong
panahong ito, ngunit pinayagan nitong dumaan ang mga Hapones sa teritoryo nito
papunta sa Malaya at Burma. Maraming Indonesian at Malay ang maluwag na
tinanggap ang mga Hapones, nakuha sila pansamantala ng propaganda ng Japan na
susuportahan nito ang paglaya ng mga dating kolonya ng kanluranin. Idineklara ng
Japan ang Burma bilang Malayang Bansa sa pamumuno ni Ba Maw. Ang Pilipinas din
ay idineklara nilang malaya noong Oktubre 1943 sa pamumuno ni Jose P. Laurel.

Ngunit dahil panahon ng digmaan at naging kuhanan ng Japan ng hilaw na


materyales ang Timog- Silangang Asya, nagkaroon ng malaking problema sa ekonomiya
ng rehiyon. Masama din ang trato ng ibang sundalong Hapones sa kapwa niya Asyano.
Hindi nagtagal nagkaroon ng mga kilusan laban sa Japan. Nagkaroon ng mga pag-
aaklas sa Java, Indonesia at sa Pilipinas.

Nakabangon kaagad ang US sa sinapit nitong trahedya sa Pearl Harbor. Matapos


bigyan ng prayoridad ang digmaan sa Europa, hinarap naman ng US ang Hapones.
Unti-unting natalo ang Japan sa mga digmaan sa Pacific at iba pang mga lugar sa Asya.
Dahan-dahang napalaya ng mga Allies ang mga sinakop na teritoryo ng Japan sa Timog-
Silangang Asya. Noong Agosto 1945 ay tuluyan ng natalo ang Japan. Napilitang sumuko
ang Japan matapos bagsakan ng bomba atomika ng US ang Hiroshima noong Agosto 6,
1945 at Nagasaki noong Agosto 9, 1945.

Mga Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Dahil sa digmaan ay maraming mga lungsod ang nasira sa Asya. Milyun-milyong


mamamayan ang namatay. Hirap at taggutom ang sinapit ng mga pinsala ng Japan.
Dahil natalo ang Japan, ito ay inokupa ng mga Allies sa pamumuno ng mga Amerikano
sa ilalim ni Heneral Douglas MacArthur. Nagkaroon ng bagong saligang batas ang Japan
at binuwag ang kaniyang sandatahang lakas. Natapos ang tinawag na Allies Occupation
of Japan noong 1952 matapos lagdaan ang Peace Treaty sa Sn. Francisco California.

Pinakalas ng karansan sa kamay ng Japan ang kilusang Nasyonalismo sa Timog


Silangang Asya. Matapos ang digmaan, masigasig nilang ipinaglaban ang karapatan
nilang lumaya. Ang Pilipinas ay lumaya noong Hulyo 4, 1946. Ang Vietnam ay
nagpahayag ng proklamasayon sa kanilang Kalayaan noong 1945 bagamat hindi ito
kinilala ng France na may sakop sa kanya. Pinagkalooban din Kalayaan ng England ang
Burma at Malaysia. Sa Indonesia naman, nag-umpisa ang armadong pakikipaglaban ng
mga Indonesian upang makamtan ang Kalayaan laban sa Dutch.
Sa isang banda napabilis ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang paglaya ng mga
bansa sa Timog-Silangang Asya. Matapos ang digmaan bumalik ang mga kanluranin sa
kanilang mga kolonya subalit nahirapan na silang mapasunod ang mg mamamayan.
Dahil sa naranasan nila sa pakikipaglaban sa mga Hapones, maraming bansa sa
rehiyon ang handa nang makidigma upang makamtan ang kanilang Kalayaan.

Gawain 4. Ating Balikan ang mga Pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig!


Panuto: Punan ang Timeline ng mga mahalagang pangyayari sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.

Mga mahalagang pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Petsa Mga mahalagang pangyayari


1. Setyembre 1939
2. Disyembre7, 1941
3. Oktubre 1943
4. Agosto 6, 1945
5. Agosto 9, 1945

Gawain 5: Paggawa ng Concept Map sa mga epekto ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig!

Panuto: Punan ang Concept Map sa mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
mga bansang Asyano, Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.

EPEKTO NG
IKALAWANG
DIGMAAN
PANDAIGDIG SA MGA
BANSANG ASYANO

Pamprosesong Tanong

1.Ipaliwanag ang kasabihang ito “Sa Digmaan Walang nanalo, Lahat ay Talo!”?

2.Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong mensahe sa mga kabataan sa makabagong
panahon sa pangangalaga ng kapayapaan?

Sanggunian: Asya: Pag-usbong sa Kabihasnan


 Ang Asya at ang Dalawang Digmaang Pandaigdig
Pahina 322-329

--------------------------------------------------------------

Susing sagot:

Gawain 1: Sulat Panayam!

1. Ang pag-alyansa ng
1. Ano ang sanhi ng mga bansang Europa at
Unang Digmaang ang pag—uunahan nila
Pandaigdig? sa teritoryo at iba pang
interes.

2. Anong dalawang
magkalabang alyansa 2. Central Powers at Allied Powers.
sa Unang Digmaang
Pandaigdig?
3. Anong mga 3. Germany kaalyado
bansa ang ang Austria
kasapi ng -Hungary.
Central
Powers? 4. Anong 4.England, France at
mga bansa Russia sumunod naman
ang kasapi ang United Sates at China.
ng Allied
Powers?
5. Anong alyansa ng
mga bansa ang
6. Humina ang Europe dahil sa
6. Ano ang epekto ng nagawagi sa unang 5. Ang Allied Powers ang nagwagi sa tagal, hirap at gastos ng
Unang Digmaang Pandaigdig. digmaan, samantala ang United
Unang Digmaang digmaan Pandaigdig? States at Japan naman ay
Pandaigdig? lumakas

8. Bakit 7. Ito ay samahan ng


8. Layunin ng
7. Ano ang League naitatag ang mga bansa matapos ang
League of
of Nations? League of Unang Digmaang
Nations na
Pandaigdig.
Nations? maiwan ang
mga digmaan sa
daigdig.

Gawain 2: Ang Aking Saloobin sa mga Bansa sa Asya sa Gitna ng Dalawang


Digmaan!
(Ang pagbibigay ng puntos sa pagsulat ng saloobin ng mga mag-aaral ay batay sa rubrik)
Gawain 3: Pagsulat ng Repleksyon tungkol sa Implikasyon ng Digmaan sa
Pamumuhay ng Tao!
(Ang pagbibigay ng puntos sa pagsulat ng repleksyon ng mga mag-aaral ay batay sa
rubrik)

Gawain 4. Ating balikan ang mga pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig!

Mga mahalagang pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Petsa Mga mahalagang pangyayari


1. Setyembre 1939 Nag-umpisa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europa.
2. Disyembre 7, Nilusob ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii.
1941
3. Oktubre 1943 Idineklara bilang malayang bansa ang Pilipinas sa pamumuno
ni Jose P. Laurel.
4. Agosto 6, 1945 Binagagsakan ng bomba atomika ng US ang Hiroshima
5. Agosto 9, 1945 Binagagsakan ng bomba atomika ng US ang Nagasaki

Gawain 5: Paggawa ng Concept Map sa mga epekto ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig!

Maraming mga
lungsod ang
nasira

EPEKTO NG Milyun-milyong
Hirap at IKALAWANG mamamayan
taggutom DIGMAAN ang namatay
PANDAIGDIG

Napabilis ang Napalakas ang


paglaya ng mga kilusang
bansa sa Timog- Nasyonalismo sa
Silangang Asya Timog Silangang
Asya

Author: JAY ANTHONY A. BOYONAS


School: Butuan City School of Arts and Trades
Division: Butuan City
Email Address: jay.boyonas@deped.gov.ph

Tagasuri:
1. JOASH T. GUANZON
Teacher III, Araling Panlipunan Department
Butuan City School of Arts and Trades

2. HONORATO D. MENDOZA, PhDM


Head Teacher IV, Araling Panlipunan Department
Butuan City School of Arts and Trades

3. CARLOS C. CATALAN JR., PhDM


Division Araling Panlipunan Education Supervisor
Butuan City Division

You might also like