You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY
Cabid-an, Sorsogon City

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: _______________________ Antas/Seksyon: ______ Q:3 - Lesson 4a

I. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

*Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng ang digmaang pandaidig sa kasaysayan


ng mga bansang Asyano

1. Nasusuri ang epekto at implikasyon ng mga digmaang pandaigdig sa pag-angat ng

mga malawakang kilusang nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya.

2. Natutukoy ang mga kaganapan sa Timog at Kanlurang Asya bago at pagkatapos

maganap ang una at ikalawang digmaang pandaigdig.

3. Naiisa-isa ang epekto ng nasyonalismo sa sigalot etniko sa Timog at Kanlurang Asya.

II. Pangkalahatang Ideya

Ang pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang higit na nag-

udyok sa mga Asyano na magkaroon ng pagbabago sa kanilang mga bansa sa Timog

at Kanlurang Asya. Ito rin ang nagtulak sa mga Asyano na ipaglaban ang kalayaang

minimithi para sa kani-kanilang bansa, sa pangunguna ng kanilang mga lider

nasyonalista. Tunghayan natin ang tunay na nangyari ng panahong iyon.

III. Mga Gawain:

SURI-TEKSTO
1
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (1914-1918)

* Agosto 1914 sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig. Ang dahilan ay ang pag-

aalyansa ng mga bansang Europa. Ang alyansa ng Germany, Austria-Hungary ay

tinawag na Central Powers., samantalang ang Allies naman ay binubuo ng France,

England at Russia. Isa pa ring mahalagang pangyayari na nagpasiklab sa nasabing

digmaan ay ang pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinad ng Austria.

* Ang digmaan ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga pamayanan, ari-arian,

pagkamatay ng maraming Iranian, at nagdulot ng pagkagutom.

*Natalo sa digmaan ang Central Powers sa Versailles, France. Kasunod nito ay ang

isang kasunduang tinawag na Treaty of Versailles na naghudyat sa pormal na

pagtatapos ng digmaan. Isa sa mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang

pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya, at dahil din sa pagbagsak ng

Imperyong Ottoman. Ipinalabas ang Balfour Declaration noong 1917 ng mga Ingles

kung saan nakasaad na ang Palestine ay bubuksan sa mga Jew o Israelite upang

maging kanilang tahanan. Ito ang naging dahilan upang magkaroon ng hindi

pagkakaunawaan ang mga Muslim at Jew na noon ay nagsimula nang magsibalik sa

Kanlurang Asya mula sa Europa.

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

* Nagsimula sa Europa ang Ikalawang Digmaang Pangdaigdig noong Setyembre 1939.

Taong 1942, isang kasunduan ang pinangunahan ng United States, ang Tehran

Conference. Ang kasunduan ay nagsasaad na lilisanin ng Russia at Great Britain ang

bansang Iran na hindi naman tuluyang naisakatuparan bagkus ay nagdulot pa ito ng

Azerbaijan Crisis. Ito ang nagbigay daan sa Cold War na kinasangkutan ng United

2
States at kaniyang mga kaalyado kontra Russia kasama rin ang kaniyang mga

kaalyadong bansa.

SIGALOT SA TIMOG ASYA

Paghahati ng India at Pakistan

* Pinamahalaan ng Britain ang India. Sa panahong ito, naging matindi ang hidwaan sa

pagitan ng mga Hindu at Muslim, kaya’t pagkaraang ibigay ng Britain ang kalakayaan

ng India noong Agosto 15, 1947, nahati ito sa dalawang bansa, ang India at Pakistan.

*Si Jawaharlal Nehnru ang unang punong ministro ng India na namuno sa loob ng 17

taon. Si Muhammad Ali Jinnah naman ang nagtatag sa Pakistan. Tinagurian siyang

“ Ama ng Bansang Pakistan”

Paghihiwalay ng Dalawang Pakistan

* Nagkaroon ng hidwaan sa teritoryo ang dalawang bansa at dahil dito nahati ang

Pakistan sa dalawa- West at East Pakistan. Ang rebelyon sa East Pakistan noong

1971 ang nagbigay- daan sa paghihiwalay ng dalawang Pakistan at pagkakatatag ng

Bangladesh na dating tinawag na East Pakistan.

Tensiyon sa Sri Lanka

* Sa ilalim ng pamamahala ng mga British, ang mga Tamil ay higit na nagkaroon ng

daan sa mataas na edukasyon kaysa sa nga Sinhalese at sila ang ngingibabaw sa mga

posisyon sa pamahalaan at iba pang propesyon o hanapbuhay at nangangahulugan

naman nito ay pagbaba ng bilang ng mga manggagawang Tamil.

SIGALOT SA KANLURANG ASYA

Digmaang Arab-Israel

3
* Tinutulan ng mga bansang Arabe ang deklarasyon ng United Nations sa pagtatatag

ng Jewish nation kaya’t nagkaisa ang limang bansang Arabe na binuo ng Egypt, Syria,

Lebanon, Trans-Jordan at Iraq na salakayin ang Israel. Ang iba pang kaguluhang

kinasangkutan ng Israel at iba pang bansang Arabe ay ang Suez Crisis noong 1956, Six

Day War noong 1967 , at ang Yom Kippur War noong 1973.

Iba Pang Sigalot Sa Middle East

* Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Iran at Iraq dahil sa teritoryo na naganap mula

1980 to 1988. Noong Agosto 1990, sinalakay naman ng Iraq ang Kuwait na nagbunga

ng pagsiklab ng digmaan na tinawag na Persian Gulf War. Nagpatuloy ang tensiyon na

naghatid sa muling pag-atake ng Unites States sa Iraq noong 2003 upang mapatalsik

ang pamahalaang Iraqi.

Digmaang Sibil sa Lebanon

*Noong 1975, nagkaroon ng digmaang sibil sa Lebanon sa pagitan ng mga Kristiyano,

Muslim, at Druse kaya’t nahati ang mga bansa sa kanya-kanyang teritoryo. Nong 1982,

sumalakay ang Israel sa pagtatangka nitong puksain ang mga teroristang Palestinian.

Sigalot sa Afghanistan

* Natalo ang mga Soviet noong 1990 ng mga gerilyang Afghan, subalit ang mga sigalot

sa pagitan ng mga pangkat etniko na bumuo sa mga puwersang rebelde ay nagpatuloy

sa mga sumusunod na taon. Noong dekada 1990, nagawang kontrolin ang bansa ng

Taliban na isang pangkat na Islamic fundamentalist na nagpatupad ng mahigpit na

interpretasyon ng batas na Islamic sa Afghanistan. Ang pinadalang puwersa ng United

States sa Afghanistan ang nagpaalis sa Taliban sa kapangyarihan.

Ang Sigalot sa Cyprus

4
* Ang sigalot sa pagitan ng mga Greek Cypriots at Turkish Cypriots ay nag-ugat sa

tunggalian ng dalawang pangkat-etniko na hinikayat ng mga British sa panahon ng

kanilang kolonyal na pamamahala. Ang sigalot sa pagitan ng dalawang pangkat ay

naging marahas.

Pagsasanay 1

Panuto: Buuhin ang mga ginulong letra upang mabuo ang konsepto.

R A L T N C E R A G T E
O R W E P T R A I B N I

1. __________________ 2. ________________

P U R E O E L A I E L S

3. __________________ 4. ________________

Pamprosesong Tanong:

Ano ang ugnayan ng mga konseptong ito sa mga paksa na iyong pinag-aralan?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pagsasanay 2

PANUTO: Tukuyin ang pagkakaiba ng dalawang digmaang pandaigdig sa iba pang digmaan sa

kasaysayan. Lagyan ng tsek ( /) ang patlang ng iyong sagot.

_____ 1. Makabago ang mga armas na ginamit.

_____ 2. Nasangkot ang mga makapangyarihang bansa.

_____ 3. Labanan ito ng mga ideolohiya.

_____ 4. Pinalakas nito ang ekonomiya ng mga bansa.

_____ 5. Naging makapangyarihan ang Britain at France.

5
IV. Repleksiyon: Opinyo Ko, Mahalaga!

Kung ikaw ay isang mamamayan sa panahong iyon, ano ang gagawin mo upang

maipakita ang pagmamahal sa bayan at makalaya sa bansang mananakop? Sumulat

ng isang “Opinion Letter”

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

RUBRIC:
PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman 25
Kaangkupan ng Konsepto 25
Pagkasusunod-sunod ng kaisipang inilahad 20
Kaangkupan ng paliwanag sa paksa 20
Pagbuo ng pangungusap, baybay, grammar, gamit ng mga 10
titik at bantas
Kabuuan: 100

V. Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 1. Pagsasanay 2
Jumbled Letters 1. √ 5. √ 9. √
1.Central Powers 2. √ 6. √ 10. √

2. Great Britain 3. √ 7. √
3. Europe 4. √ 8. √
4. Allies
V. Sanggunian:
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba(Modyul para sa Mag-aaral),
pahina 235-238
Proto-type DLP in AP7, Karanasan at Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig sa
Kasaysayan ng mga Bansang Asyano
Inihanda ni:
JOCELYN S. DIAZ
Pamurayan Integrated School
Sorsogon West District-Sorsogon City
6

You might also like