You are on page 1of 3

LESSON PLAN

Asignatura at Baitang ARALING PANLIPUNAN 7


Petsa Pebrero 20, 2024
Iskedyul 01:40 – 02:40 Hapon (Matulungin)
Duration 1 Oras
K – Naiisa-isa at natatalakay ang mga pangyayaring naganap na nagbigay daan sa
I. LAYUNIN pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
S – Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t-ibang ideolohiya sa mga malawakang kilusang
nasyonalista sa bansa,
A – Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng mga digmaan sa pagtatamo ng
Kalayaan ng mga bansang napasailalim sa mga kolonyalista.
II. PAKSA Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay…
 Naipamamalas ng mag - aaral ang pag - unawa sa pagbabago, pag - unlad
at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo).

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay…
 nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag- unlad at
pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)

Kasanayang Pampagkatuto:
 Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa
kasaysayan ng mga bansang Asyano.
 Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa pag - usbong ng
nasyonalismo at kilusang nasyonalista.
Paksa Digmaang Pandaigdig at Iba’t-Ibang Ideolohiya sa Pag-Usbong ng Nasyonalismo at
Kilusang Nasyonalista
Kagamitan  Mapa
 Visual Aid
 Powerpoint Presentation
III. PAMAMARAAN
a. Preparasyon a. Panalangin
b. Pagkuha ng attendance
c. Pagbabalik-aral
b. Pagganyak Digmaan Pic!
Pamprosesong mga tanong:
1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng collage?
2. Batay sa nakita mong collage, ano-ano ang naging kaganapan sa mga bansa ng
Timog at Kanlurang Asya matapos ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
c. Paglalahad Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig noong Agosto,1914. Komplikado ang
dahilan: ang Pag-aalyansa ng mga bansang Europa at pag-uunahan nila sa teritoryo
at iba pang interes.

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Nag-umpisa sa Europa noong Setyembre 1939 ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Sa Asya, nagsimula ito nang nilusob ng Japan ang Pearl Harbor noong
Disyembre 7, 1941 sa Hawaii (Desyembre 8 sa Asya). Mabilis ang pananakop ng
Japan sa Timog Silangang Asya dahil sa likas na yaman nito. Taong 1942, isang
kasunduan ang pinangunahan ng United States, ang Tehran Conference na
nagsasaad na kapwa lilisanin ng Russia at Great Britain ang Iran.
d. Gawain Panuto: Lagyan ng wastong impormasyon ang sumusunod na bahagi ng Concept
Map.

e. Paglalapat Paano nakaapekto ang naganap na digmaan sa paghahangad ng kalayaan ng mga


bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
IV. PAGTATAYA Gawain 7: Pagpipili-pili
Panuto: Piliin sa siklo ang tamang sagot na naglalarawan sa mga sumusunod na
pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Isang puppet state sa tau-tauhang estado na itinatag ng Japan sa China.
2. Binomba ng United States.
3. Neutral na bansa
4. Itinatag para maiwasan ang digmaan sa daigdig.
5. France, England, Russia.
6. Nagtatakwil sa Confucianismo.
7. Superpower sa daigdig.
8. Sinakop ang mga teritoryo ng Germany sa China
V.TAKDANG ARALIN Gawain 5: Lider Ko, Hanap Mo!
Panuto: Humanap at maglista ng apat (4) na personalidad na taga Timog at
Kanlurang Asya na naging instrumento sa pagbabago ng kanilang bansa at ang
inilunsad na gawaing naging instrumento ng pagbabago. Gumawa ng Talahanayan
nga kanilang nagawa. Isasagawa ito sa isang malinis na papel. Kinakailangang
magpakita ito ng mga sumusunod na batayan sa pagmamarka:

Inihanda ni:

CLAIRE E. OGUE
Teacher I

Sinuri nina:

ANTONIO D. CALLE JR.


Principal I

You might also like