You are on page 1of 6

Republika ng Pilipincas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A CALABARZON
Sangay ng Batangas
Bilaran National High School
Bilaran, Nasugbu, Batangas

Banghay Aralin
sa Araling Panlipunan 7

Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo).

Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng Koloyalismo at Imperyalismo ng mga
kanluranin saunang yugto (ika-16 hanggang ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog-
Silangang Asya.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad
at pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon
(ika-16 hanggang ika-20 siglo).

Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng pagpasok ng mga Kanlurang bansa
hanggang sa pagtatag ng kanilang mga kolonya o kapangyarihan sa Silangan at Timog-Silangang
Asya.

Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. Natutukoy ang mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo
sa Silangan at Timog-Silangang Asya;
2. Naipakikita ang mga dahilan, paraan at epekto ng pananakop ng mga kanluranin
sa pamamagitan ng masining na pagtatanghal; at
3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
I. Paksang Aralin
Aralin : Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Sanggunian : Asya:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,
pah.322-327
Mga Kagamitan : Pisara, Yeso, Visual, Telebisyon, Laptop
Code : AP7KIS-Iva-1.1
II. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Pagdarasal
3. Pampasiglang Gawain
4. Pagtatala ng Liban
5. Balitaan

B. Balik-Aral
1. Magbigay ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya na nasakop ng mga
kanluranin.
2. Ano ang pagkakaiba ng Kolonyalismo at Imperyalismo?

C. Pagganyak

LARAWAN-SURI!

TUG OF WAR

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang nasa larawan?
2. Ano ang ipinapahiwatig ng nasa larawan?
3. Anong konsepto at ideya ang maaring mong ibahagi sa klase na may kaugnayan sa larawang
natunghayan?
D. Presentasyon
Tatalakayin ng guro ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang
Asya.

https://youtu.be/b7Wg8qHyRxc?si=xNXtEbyDlS6LJBkC

E. AKTIBITI

Panuto: Hatiin sa tatlong pangkat ang mga mag – aaral. Bawat pangkat ay may gawaing
nakalaan na kailangan matapos sa loob ng limang minuto.

Galing sa Pag arte, Ipakita mo!

5-Napakahusay 3-Katamtaman 1-Di mahusay

4-Mahusay 2-Di gaanong mahusay


F. ANALISIS
1. Ano ang pangunahing dahilan ng mga kanluranin sa pagsakop sa mga lupain sa
Silangan at Timog-Silangang Asya?
2. Paano sinakop ng mga kanluranin ang lupain sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
Ipaliwanag.

G. Abstraksyon
Panuto: Kumpletuhin ang graphic organizer sa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

H. Aplikasyon
1. Kung ikaw ay nabubuhay noon, ano kaya ang maaari mong ginawa sa pagdating ng
mga mananakop?
2. Sa kasalukuyang panahon, kung sakali na may mananakop na dumating sa bansa, ano
ang iyong gagawin?
3. Bilang isang Asyano, may naging epekto ba sa pang araw-araw na pamumuhay ang
pananakop ng mga kanluranin sa atin? Ipaliwanag.

III. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba.
1. Bansang naghangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang Asya.
2. Dalawang rehiyon sa Asya na lubhang naapektuhan ng pananakop ng mga
kanluranin.
3. Dalawang bansa sa kanluranin na nanguna sa pananakop ng mga lupain.
4. Relihiyong pinalaganap ng mga kanluraning mananakop.
5. Pangunahing dahilan ng mga Español sa pananakop saPilipinas.

Gabay sa Pagwawasto:
1. B
2. G
3. A
4. E
5. F

IV. Takdang Aralin


Panuto:Punan ng tamang sagot ang tsart. Isulat ito sa isang malinis na papel.

Inihanda ni:

JHONALYN V. PANALIGAN
Student Teacher
Batsilyer ng Pang Sekondaryang Edukasyon
Larangan ng Araling Panlipunan

Binigyang-pansin ni:

JOAN KIRBY C. ERMITA


Gurong Tagasubaybay
Dalub Guro I
Inaprubahan ni:

MARICEL U. GASMIDO
Ulong Guro II

You might also like