You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A CALABARZON
Sangay ng Batangas
Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc.
Camp Avejar, Nasugbu, Batangas

Banghay Aralin
sa Araling Panlipunan 9

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa
pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan
tungo sa pambansang kaunlaran.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang
pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay
ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.

Pamantayan sa Pagkatuto
Naipapahayag ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. Nakakapagbigay ng kahulugan ng kita, pag iimpok at pagkonsumo;
2. Natatalakay ang ugnayan ng kita, pag-iimpok at pagkonsumo sa pamamagitan ng
masining na pagtatanghal; at
3. Napapahalagahan ang pag-iimpok at pagkonsumo sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng tao.
II. Paksang Aralin
Aralin : Kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag- iimpok
Sanggunian : Pag-unlad,pah.189-196
Mga Kagamitan : Pisara, Yeso, Visual Aids (manila paper at ..........
pentel pen), Telebisyon, Laptop
Code : AP9MAK-IIIc-6
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Pagdarasal
3. Pampasiglang Gawain
4. Pagtatala ng Liban
5. Balitaan
B. Balik-Aral
1. Ano ang pambansang kita?
2. Ano ang kahalagahan ng ng pambansang kita?

C. Pagganyak
Suriin mo!
Panuto: Suriin ang mga larawan at bigyan ng interpretasyon ito.

Pamprosesong Tanong:

1. Madali mo bang natukoy ang mga nasa larawan?


2. Sa iyong palagay, ano-ano ang koneksiyon ng mga ito sa isat’isa?
3. Mahalaga ba ang mga ito sa pamumuhay ng mga tao?

D. Presentasyon
Ang guro ay magpapanood ng isang presentasyon at magbibigay ng paunang kaalaman
ukol sa paksang tatalakayin. Ang guro ay hihingi ng ideya sa estudyante ukol sa paksang
tatalakayin sa pamamagitan ng isang gawain.

https://youtu.be/2OOLg-lJCSk
AKTIBITI

Panuto: Hatiin sa tatlong pangkat ang mga mag – aaral. Bawat pangkat ay may gawaing
nakalaan na kailangan matapos sa loob ng limang minuto.

Galing sa Pag arte, Ipakita mo!

5-Napakahusay 3-Katamtaman 1-Di mahusay

4-Mahusay 2-Di gaanong mahusay

ANALISIS

1.Ano ang tawag sa halagang binibigay kapalit ng serbisyo o produkto?


2. Ano ang tawag sa pagbili ng mga pangangailangan at kagustuhan ng isang tao?
3. Ano ang dalawang uri ng pag-iimpok ang maari mong gawin?
E. Abstraksyon
Buuin Natin!

Panuto: Gamit ang larawan, tukuyin ang hinihingi sa bawat aytem.

1. Ito ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyo.

K __ __ A

2. Ginagamit sa pagbili ng mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

P __ R __

3. Tawag sa paraan ng pagbili ng produkto o serbisyo.

P _ G K __ N _ __ M O
_ _

4. Paraan ng pagpapaliban ng paggastos.

S __ V __ N G __

5. Lugar kung saan pinaglalagakan ng pera.

B __ N G K __

F. Aplikasyon
1. Bilang isang mamamayan, sumasang- ayon ka ba na kaltasan ang manggagawa upang
ilaan sa pag iimpok?
2. Sa paanong paraan nakakatulong ang pag-iimpok at pagkonsumo sa pang-araw-araw
pamumuhay ng tao?
3. Para sayo, ano ang kahalagahan na naidulot ng kita, pag-iimpok at pagkonsumo?

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot sa loob ng kahon.

A. Pera D. Pagkonsumo
B. Savings E. Kita
C. Bangko F. Utang

___1. Kita na hindi ginamit sa pagkonsumo.


___2. Ginagamit sa pagbili ng mga pangangailangan.
___3. Nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at nais umutang o mag-loan.
___4. Binibigay ito sa tao kapalit ng produkto o serbisyo.
___5. Ito ang paraan ng pagbili ng produkto.

Gabay sa Pagwawasto:
1. B
2. A
3. C
4. E
5. D

V. Takdang Aralin
Panuto: Gumupit ng limang larawan sa dyaryo, magazine, o mga lumang aklat na
nagpapakita ng pag iimpok at pag konsumo. Idikit ito sa kwaderno at ipaliwanag kung ano
ang ipinapahayag ng mga ito.

Inihanda ni: Binigyang Pansin nina:

___________________________ _____________________________________
JHONALYN V. PANALIGAN PRINCESS LEA PAULA D. VILLAVEZA
BSED III-Social Studies Gurong Tagapatnubay

You might also like