Professional Documents
Culture Documents
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A CALABARZON
Sangay ng Batangas
Bilaran National High School
Bilaran, Nasugbu, Batangas
Banghay Aralin
sa Araling Panlipunan 7
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo).
Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng Koloyalismo at Imperyalismo ng mga
kanluranin saunang yugto (ika-16 hanggang ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog-
Silangang Asya.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad
at pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon
(ika-16 hanggang ika-20 siglo).
Pamantayan sa Pagkatuto
Natataya ang mga epekto ng kolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. Natutukoy ang mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Ikalawang Yugto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangang Asya;
2. Naipakikita ang mga dahilan, paraan at epekto ng pananakop ng mga kanluranin
sa Silangang Asya sa pamamagitan ng masining na pagtatanghal; at
3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Silangang Asya.
I. Paksang Aralin
Aralin : Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Ikalawang Yugto
ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangang
Asya
Sanggunian : Asya:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,
pah.330-333
Mga Kagamitan : Pisara, Yeso, Visual, Telebisyon, Laptop
Code : AP7KIS-Ivb-1.4
II. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Pagdarasal
3. Pampasiglang Gawain
4. Pagtatala ng Liban
5. Balitaan
B. Balik-Aral
1. Ano-ano ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa Unang yugto ng Imperyalismong
Kanluranin sa Asya?
C. Pagganyak
ARRANGE ME!
https://youtu.be/SUb1Uz7rbb8?si=X-oV7lj1UZumvxk1
E. AKTIBITI
Panuto: Hatiin sa tatlong pangkat ang mga mag – aaral. Bawat pangkat ay may gawaing
nakalaan na kailangan matapos sa loob ng limang minuto.
G. Abstraksyon
Panuto: Ang guro ay hahatiin ang klase sa dalawang grupo at magbibigay ng mga
katanungan na kailangan sagutin upang manalo.
H. Aplikasyon
1. Kung ikaw ay isa sa mga hapones na nabubuhay noong Melji era, sang-ayon ka ba
kay Emperador Mutsuhito sa pakikitungo sa mga dayuhan? Ipaliwanag.
2. Sa kasalukuyang panahon, kung sakali na may mananakop na dumating sa bansa, ano
ang iyong gagawin?
III. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba.
1. Ito ay tawag sa paghiwalay ng China sa daigdig dahil sa mataas na pagtingin sa
kanilang kultura.
2. Isinasagawang ritwal ng mga dayuhang mangangalakal bilang paggalang sa
emperador ng China.
3. Halamang gamut na kapag inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto.
4. Tawag sa pagiging bukas ng China sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa na walang
sphere of influence.
5. Emperador ng Japan na tinagurian ang kaniyang pamumuno na Melji era.
Gabay sa Pagwawasto:
1. C
2. E
3. D
4. G
5. A
Inihanda ni:
JHONALYN V. PANALIGAN
Student Teacher
Batsilyer ng Pang Sekondaryang Edukasyon
Larangan ng Araling Panlipunan
Binigyang-pansin ni:
Inaprubahan ni:
MARICEL U. GASMIDO
Ulong Guro II