You are on page 1of 6

Mariano Untal Memorial High School

Bagontapay ,Mlang, Cotabato


Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan
I. LAYUNIN:
1.Natutukoy ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng imperyalismo sa Silangang Asya.
2. Napapahalagahan ang mga pangyayaring naganap a panahon ng imperyalismo.
3.Naiuulat ang mga naganap na pangayayari sa panahon ng imperyalismo sa Silangang Asya.
II. PAKSANG ARALIN:
Paksa: Imperyalismo sa Silangang Asya
Sanggunian: Asya, Pagkakaisa sa Ginta ng Pagkakaiba,Pahina 330-333
Kagamitan: Kagamitang biswal,manila paper,cartolina at mga larawan

III. PAMAMARAAN:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1.Panalangin

Hinihiling ang lahat na tumayo para sa Ama naming


ating panalangin. Amen…..

2.Pagbati ng Guro

Magandang hapon sa lahat. Magandang hapon po maam.


Magsi-upo ang lahat. Salamat po maam.

3. Pagtala sa lumiban

4.Tuntunin sa klase

Sa ating talakayan ngayon ano ang Maupo ng maayos,makinig at itaas ang kanang
inyong dapat gawin? kamay kung sasagot maam.

5. Balik-aral

GINULONG TITIK: Sanhi ng


Imperyalismo. Ayusin ang mga
sumusunod na titik upang makabuo ng
salita.

EPKMUITSONY KUMPETISYON
KAMINRAYA MAKINARYA
DINUSRTIALY INDUSTRIYAL
DRPOUKYONS PRODUKSYON
KNAASAGB BAGSAKAN
C.Panlinang na Gawain

a. Pagganyak
FOUR PICTURES, ONE WORD
Magpapakita ng larawan ang guro at aalamin ng mga
mag-aaral ang tamang sagot..Isang salita lamang ang
tumpak na kasagutan.

Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Ang nakikita ko po sa larawan maam ay opyo,mapa
ng Japan at China at mga nagpapaligsahan.

Mula sa mga larawan anong isang salita ang naiiisip Imperyalismo po maam
ninyo?

Pipili ang guro ng isang mag-aaral upang isulat sa pisara IMPERYALISMO


ang tamang sagot.

Sa inyong sariling opinyon ano ang imeryalismo? Ang imperyalismo po maam ay ang pananakop ng
mga dayuhan dominasyon ng isang
makapangyarihang nasyon-estado as aspektong
pampolitik,pangkabuhayan at kultural na
pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado
upang maging pandaigdigang makapangyarihan.

Anu-anong mga bansa ang nasa larawan? Japan at China maam.


Saan sila nabibilang na rehiyon sa Asya? Silangang Asya po maam.
Ano ang paksa natin ngayon? Imperyalismo sa Silangang Asya maam.

Magaling!
Bigyan natin siya ng wow galing klap! 1 2 3,1 2 3 wow galing wow!

b. Paglalahad ng layunin
Pipili ang guro ng isang mag-aaral na babasahin ang *Natutukoy ang mga pangyayaring naganap sa
mga layunin sa paksa. panahon ng imperyalismo sa Silangang Asya.
*Napapahalagahan ang mga pangyayaring naganap
a panahon ng imperyalismo.
*Naiuulat ang mga naganap na pangayayari sa
panahon ng imperyalismo.

c. Pagbubukas ng mahirap na salita:


Isolationism Hinihiwalay ang sarili mula sa mundo.
Sphere of Influence Hinati-hati ang China ng mga Kanluraning bansa.
Open Door Policy Kung saan naging bukas ang kalakalan ng China.

D. Gawain
a. Pagtatalakay ng Paksa

b.Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Bawat pangkat


ay bibigyan ng kaukulang gawain tungkol sa
imperyalismo sa Silangang Asya.

Magtalaga ng isang lider at sakretarya. Mayroon silang 5


minuto upang gawin ang mga gawain at 3 minuto upang
ibahagi ito. Idikit ito sa pisara.

Kunin ang mga papel sa inyong upuan. Itaas ang kanang


kamay ng kulay berde ,kayo ang unang pangkat. Ang
kulay pula kayo ang ikalawang pangkat. At ang kulay
dilaw,kayo ang pangatlong pangkat.

Pamantayan sa Paggawa
Indikador Natatangi Mahusay Hindi
Mahusay
5 3 1
Nagagawa ng Nagawa ng Hindi
maayos ang maayos ang nagawa ng
gawain at Gawain maayos ang
Nilalaman kumpleto ang ngunit hindi Gawain at
detalye. gaanong hindi
kumpleto kumpleto
ang mga ang mga
detalye. detalye.
Ang lahat ng Hindi lahat Iilan
miyembro ay ng lamang ang
Kooperasyon
nagtutulunga miyembro gumagawa
n upang ay ng naturang
madaling nagtulunga gawain.
maisagawa n upang
ang gawain. maisagawa
ang gawain.
Naibahagi Naibahagi Hindi
ng maayos at ngunit maaayos na
Presentasyon
malinaw ang hindi naibahagi at
naturang gaanong hindi
gawain. naintindhan naintindiha
ang pag- n ang pag-
uulat. uulat.
Pangkat una : Venn Diagram
Panuto: Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng China
at Japan sa panahon ng impperyalismo.

Pangkat Dalawa: Fish Bone Diagram


Panuto: Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
China at Japan sa panahon ng imperyalismo.

Pangkat tatlo: Graphic organizer


Panuto: Isulat ang mga pangyayari sa China at Japan.

Tapos na ang limang minuto unang pangkat


ibahagi na ang inyong ginawa.
Pagbibigay ng iskor. Bawat lider ng pangkat ay magbi
bigay ng sariling obserbasyon sa ibang pangkat.
Ang nanalo ay ang .

Bigyan ng kris aquino klap!

E Paunlarin

Bakit nagkaroon ng Imperyalismo sa Silangang Asya? Nagkaroon ng imperyalismo sa Silangang Asya


maam dahil sa rebolusyong industriyal kungsaan
naimbento ang makinarya kayat dumami ang
produkto.Naghanap ang mga kanluranin ng bansang
mababagsakan nito.
May maganda bang naidulot ang imperyalismo sa Mayroon po maam,naging modern ang mga Asyano
Silangang Asya? Mayroon?Wala? dahil sa mga dala ng mga dayhan na niyakap ng mga
Asyano.

Wala po maam dahil kinamkam lamang ng mga


dayuhan ang mga likas na yaman ng mga Asyano at
pinakinabangan lamang ito.

F. Pagnilayan at Unawain
Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang pakikitungo ng Nagkakatulad ang China at Japan maam pareho
China at Japan sa mga dayuhan? nilang binukod ang kanilang mga sarili upang
mapaunlad ang kanilang ekonomiya at mapatingkad
ang kanilang kultura at nilimitahan, hinigpitan at
tingihan ang ang mga dayuhan ngunit di naglaon ay
binuksan ang mga daungan. Ang China binuksan ito
dahil sa kasunduan habang ang Japan ay dahil sa
takot at niyakap ang modernisasyong dala ng mga
dayuhan.
Magaling!

G. Isabuhay

Sa kasulukuyan ,bilang isang Hapon nais mo bang


baguhin ang hakbang na ginawa ng inyong pinuno sa Ang sagot ng mga mag-aaral naiiba-iba.
panahon Imperyalismo? bakit?

Mahalaga ba ang mga nangyari sa panahon ng


imperyalismo sa Silangang Asya?

F.Pagbubuod:
Laro
Pangkatin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral.
Aayusin nila ang mga ginupit na papel at
ididikit ito sa kinabibilangang bansa.

Japan China

IV. PAGTATAYA:
Sagutin sa isang kapat na papel.
Panuto: Piliin ang tamang sagot.Isulat ang titik lamang sa inyong sagutang papel.

1. Isang halamang gamot na kapag inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto.


A.Opyo C. Ilang-ilang
B.Hopya D. Nutmeg
2. Ang epektong dulot ng pagkatalo ng China sa digmaang Opyo ay .
A. Hinati ng mga Kanluranin ang China
B. Pinag-isa ang China ng mga kanluranin
C. Lumaksa ang ekonomiya ng China
D. Mas binigyan karapatan ang mga Tsino
3. Ano ang ginawang hakbang ng Kanluranin lalo na ng United States ng magkaroon ng banta na
ipasara ang kalakalan sa China?
A. Sphere of Influence
B.Open door Policy
C.Digmaang Opyo
D.Isolationism
4. Ano ang ginawa ng Japan at China upang mapalakas at mapaunlad ang kanilang bansa?
A.Binukod ang sarili
B. Nakipag-ugnayan sa mga Kanluranin
C. Ipinaubaya sa Kanluranin ang pamamahala sa bansa
D.Pagbenta ng mga hilaw na materyales
5. Ano ang nakitang paraan ng lider ng Japan upang mapabuti ang kanilang bansa sa kabila ng
pananakop ng Kanluranin?
A. Yumakap sa mordenisasyon
B. Yumakap sa kultura ng mga dayuhan
C.Niyakap ang relihiyong Kristiyanismo
D. Niyakap ang mga dayuhan

V. TAKDANG ARALIN:
Isulat sa isang kapat na papel.
Anu-ano pang mga bansa ang nakaranas ng imperyalismo sa Timog-Silangang Asya?

Inihanda ni:

JENELYN E. GANUAY G.ERIC FELES


TAGAPAKITANG GURO COOPERATING TEACHER

DR.DERBIE PADOJINOG G. RUBEN CRISPIN


H.T- 1 ST COORDINATOR DEAN, DEPARTMENT OF EDUCATION

MRS.DECIE N. BANTAY
PRINCIPAL

You might also like