You are on page 1of 6

DAILY LESSON Baitang Ika-anim na Baitang

Paaralan Asignatura Araling Panlipunan 5


PLAN Guro Markahan Ikalawang Markahan
10:50-11:30 A.M. 40
Oras Petsa
Mins.

Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa pamamahala at mg pagbabago


sa lipunang Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Amerikano at ng
Pamantayang pananakop ng mga Hapon at ang pagpupunyagi ng mga Pilipino sa makamtan
Pangnilalaman ang kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at
pagkakakilanlang malayang nasyon at estado.

Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto,


dahlan, epekto at pagbabago sa lipunan ng kolonyalismong Amerikano at ng
pananakop ng mga Hapon at ang pagmamahal sa kontribusyon ng
Pamantayan sa
pagpupunyagi ng mga Pilipino namakamit ang gamit na kalayaan tungo sa
Pagganap
pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang nasyon at
estado.
I. LAYUNIN
1. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa
mga mamamayang Pilipino ng pamamahala ng mga dayuhang
mananakop
Pamantayan sa
(AP6KDP-IIh-9)
Pagkatuto
2. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa
mga mamamayan ng Alimono ng pamamahala ng mga dayuhang
CODE mananakop na Hapones
3. Nakikisimpatiya sa mga karanasan ng mga mamamayan ng Alimono
sa naging epekto ng pamamahala ng mga dayuhang mananakop na
Hapones
PAKSA: Sariling Pananaw Tungkol sa Naging Epekto sa mga Pilipino ng Pamamahala ng mga
Dayuhang Mananakop AP6KDP-IIh-9
SANGGUNIAN:
K-12 BEC C. 9 Pah. 61 ng 120
II. NILALAMAN Batayang Aklat – Makabayan Kasaysayang Pilipino V pah.180-193
https://www.youtube.com/watch?v=tWLtTIEjowM
http://ph.imges.search.yahoo.com/images/view

KAGAMITAN:
Activity Sheets, laptop, TV, larawan, video clips,rubrik
III. PAMAMARAAN A. PANIMULANG GAWAIN
1. Awitin ang Lupang Hinirang nang madamdamin. Ang guro ay siyang taga-kumpas.

https://www.youtube.com/watch?v=tWLtTIEjowM

2. Itanong:
Ano ang mensahe ng awitin? Bilang batang Pilipino, paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa
ating bayan?

B. PANLINANG NA GAWAIN

1. PAGGANYAK
Magpakita ng larawan na kuha noong World war II.

http://ph.imges.search.yahoo.com/images/view

Ano ang inyong makikita sa larawan?


Ano kaya ang naging epekto ng pananakop ng mga dayuhang ito sa mga Pilipino?

2. PAGTATALAKAY NG ARALIN
A. Sabihin sa mga bata:
Sa napag-aralan na nating mananakop na mga dayuhang Hapones, ating nalaman na may mga
hindi mabuting ginawa sila sa ating bayan.

Ngayon naman ay ating alamin ang epekto ng pamamahala ng mga dayuhang Hapones sa mga
mamamayan ng Barangay Alimono noon at bibigyan natin ito ng ating sariling pananaw.

Basahin natin ang dialogo na hango sa panayam ni Feirdz Ivan Weg Barrera, Senior High
School ng Assumption School Iloilo Inc. Ang panayam na ito ay noong March 18, 2017 sa dalawang
resindente ng Barangay Alimono. Sila ay sina Floserfida Castor, 85 na taong gulang at Cresencia
Panizales, 90 na taong gulang na kanyang mga kapitbahay na nabubuhay na sa panahon ng pananakop
ng mga Hapones.( Tanungin ang mga mga bata sa pagkakakilanlan ng tatlong tauhan.)

B. Bigyang buhay ang usapan. Pumili ng tatlong mag-aaral na gumanap ng bawat tauhan.

Magandang araw po!


Ano po ang mabuti at di
mabuting epekto sa inyo ng
pamamahala ng mga dayuhang
mananakop na Hapones?

“Sa panahong ito kami ng mga tao rito sa


Feirdz Ivan Weg E. barangay Alimono ay walang katiyakan ang
Barrera aming pamumuhay sa araw-araw. Palagi
kaming takot.Hindi kmi maaaring gumala sa
mga kalsada kapag gabi kaya kung may mga
emerhensya sa ganitong oras ay nahihirapan
kmi. Pinapatay din ang lahat ng ilaw sa gabi
kaya kung gusto mong gawin ang mga hindi
natapos na gawain sa araw ay hindi mo
magagawa. Marami kaming nahihirapan sa
ganitong sitwasyon. Matinding gutom din
ang dinanas namin.

Floserfida Castor

.”Kinukumpiska rin ang lahat na mga baril o


anumang armas at bawal gumamit ng radio
at makinig ng mga pangyayari at balita
lalong-lalo na ang mga ulat tungkol sa mga
Amerikano. Natatakot silang lumusob ang
mga Amerikano. Halos wala akong maalaala
na mabuting dulot ng kanilang pamamahala
dahil lahat ng kilos naming ay limitado at
wala kaming karapatang magreklamo.
Cresencia Panizales Nabubuhay kami sa takot, hirap at panganib
araw-araw.”

C. Sagutin:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa usapan?
2. Ano-ano ang mga karanasan nina Cresencia at Floserfida sa pananakop ng mga dayuhang
Hapones ? Isa-isahin ang ito.
3. Nakabubuti ba ito sa kanila at sa mga mamayan ng kanilang lugar? Bakit o bakit hindi?
4. Ano kaya ang kanilang mga nararamdan sa panahong ito?
5. Bilang isang batang Pilipino sa panahong ito, paano ka makatutulong sa iyong pamilya para
maging ligtas kayo sa araw-araw?
3. MGA GAWAIN:
a. Hatiin sa 4 na pangkat ang mga bata.
b. Magkaroon ng kasunduan ukol sa rubrik na gagamitin.
c. Ibigay ang mga paalaala habang gumawagawa ng pangkatang gawain.

d. Pangkatang Gawain

ASIA’S SONG BIRDS- Sa inyong asignaturang Musika, kayo ay umaawit. Kaya ngayon makikiisa
kayo ky Bb. Regine Velasquez na ating Asia’s Song Bird. Kayo ay magbibigay ng inyong reaksyon o
pananaw batay sa linyang sinabi ni Cresencia Panizales na makikita sa inyong activity card. Itatanghal
ito sa pamamagitan ng isang madamdaming pag-awit.

ANG MGA PROBINSYANO- Sa inyong English at Filipinong asignatura kayo ay madalas na nag
dudula-dulaan kaya ngayon ating bigyang buhay ang mga pangyayari sa panahon ng pananakop ng mga
dayuhang hapones. Ang inyong eksena ay makikita sa inyong Activity Card.

COUNT ON ME- Sa inyong Mathematics Subject kayo ay nagbibilang ng mga numero. Ngayon
naman, kayo ay magbibilang para malaman natin kung ano nararamdaman ng mga mamamayan ng
Alimono ng pamamahala ng mananakop na Hapones.

KAPUSO MO, JESSICA SOHO- Kayo ay makisimpatiya at magpapahalaga kina Cresencia at


Floserfina sa mga hirap at takot na kanilang narasan sa pamamahala ng dayuhang mananakop na
Hapones. Gumawa kayo ng isang card para sa kanila.
e. Pag-uulat ng bawat pangkat. Bigyan ng marka ang mga bata ayon sa napagkasunduang rubrik.
MGA SUKATAN 5 4 3 2 1
1. Mahusay na nasunod ang pinagawa ng guro
2. Napukaw ng pangkat ang atensyon at
damdamin ng klase
3. May tamang kasagutan sa mga tanong/may
sapat na kaugnayan sa tinalakay na aralin ang
presentasyon
4. Nakikiisa ang bawat kasapi para mabuo ang
gawain
5. Nilinis at ibinalik sa tamang lalagyan ang mga
ginamit na kagamitan

Bigyang ng pagpupuri ang mga batang nakagawa ng outstanding na performance at hikayatin


naman ang mga may mababang performance para mas lalong gandahan pa nila sa susunod.

C. PANGWAKAS NA GAWAIN

1. PAGLALAHAT:
a. Takot, hirap at panganib ang nararamdan at dinanas ng mga mamamayang Pilipino
sa pamamahala ng mga mananakop na dayuhang Hapones.
b. Makapagbibigay tayo ng ating simpatiya at pagpapahalaga sa kanila sa pamamagitan
ng mga
simpleng awain tulad ng pagbibigay ng mga card, sulat o pag-aalay ng mga awitin.

2. PAGLALAPAT
Nakararanas kana ba na maging sunud-sunuran sa kung ano ang sasabihin ng iba kahit ayaw
mo na para lang makaiwas sa gulo? Ikuwento sa klase at sabihin ang naitutulong nito sa iyo at
ang nakuhang aral dito.

PAGTATAYA:

Basahing mabuti ang bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang naranasan ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Hapones?

a. Kasiyahan sa buhay
b. Kaginhawaan sa buhay
c. Kahirapan sa buhay
d. Lahat nang nabanggit
2. Kung ikaw ay nabuhay na sa panahon ng pamamahala ng mga dayuhang Hapones, alin
dito ang maari mong maitutulong para maging ligtas kayo ng pamilya mo?

a. Sundin ang mga bilin at payo ng mga magulang


b. Sumapi sa mga gerilya
c. Lumabas ng bansa
d. Sumapi sa mga Hapones

3. Dahil sa mga naranasan ng mga Pilipino sa mga Hapones, masasabi nating sila’y
_________.
a. Naging kawawa sa pamamahala ng mga Hapones
b. Naging matagumpay sa buhay sa pamamahala ng Hapones
c. Naging disiplinado sila at may narating sa buhay
d. Naging mapang-api sa mga Hapones
4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa mga mananakop na mga Hapones?
a. Mapang-api at malulupit
b. Masiyahin at matulungin
c. Mapagmatiisin at matapang
d. Palakaibigan at istrikto
5. Sa panahon ng pamamahala ng mga mananakop na Hapones ay maraming nasaktan, naapi
at nagutom. Pero patuloy pa ring lumalaban ang mga Pilipino sa kabila ng hindi
magandang nangyayari. Anong kaugalian ang kanilang ipinapakita?
a. Katapangan at pagmamahal sa bayan
b. Kasipagan at kaayusan
c. Pagkamasunurin
d. Pagkamasinop.

TAKDANG – ARALIN

Pag uwi sa bahay mamaya, magtanong sa inyong lola at lolo at iba pang matatandang kamag-anak na
nabubuhay noong panahon ng pamamahala ng mga dayuhang Hapones tungkol sa kanilang mga
nagging karanasan. Ikwento ito sa klase kinabukasan.

IV. MGA TALA Mastery Level: _______________ Instructional


Decision:_________________

V.PAGNINILAY

You might also like