You are on page 1of 7

CLASS OBSERVATION 2 IN ARALING PANLIPUNAN 6

Paaralan Novaliches Elementary Baitang


Anim
School
LEARNING
Guro Darleen J. Villena Asignatura Araling Panlipunan
PLAN
Petsa Enero 10, 2024 Markahan Ikalawang Markahan
Oras 10:40-11:40 Bilang ng Araw Isang Araw

I. LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Maipapaliwanag ang paraan ng
pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa
Kalayaan laban sa Hapon
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa
pamamahala at mga pagbabago sa lipunang
Pilipino sa panahon ng kolonyalismong
Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at
ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamtan
ang kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang
pagsasarili at pagkakakilanlang malayang
nasyon at estado
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at
pagpapahalaga sa konteksto,dahilan, epekto at
pagbabago sa lipunan ng kolonyalismong
Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at
ang pagmamalaki sa kontribusyon ng
pagpupunyagi ng mga Pilipino namakamit ang
ganap na kalayaan tungo sa pagkabuo ng
kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang
malayang nasyon at estado
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat Naipaliliwanag ang paraan ng pakikipaglaban ng
ang pinakamahalagang kasanayan sa mga Pilipino para sa kalayaan laban sa Hapon
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Mga Paraan ng Pakikipaglaban ng mga Pilipino
para sa Kalayaan Laban sa Hapon
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC Araling Panlipunan Grade 6 (p. 44),
PIVOT BOW R4QUBE #14 (p. 177)
b. Mga Pahina sa Kagamitang Araling Panlipunan 6 (Pag-usbong ng
Pangmag-aaral Nasyonalismong Pilipino) p. 190-202
Self Learning Module sa Araling Panlipunan 6, p.
31-33
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at Cellphone, larawan, papel, ballpen
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
Panalangin:

Kumustahan muna tayo:


 Nauunawaan ba nila ang kanilang pinag-
aaralan.

Pampasiglang Gawain:
 Pagshake ng mga kamay (10
beses)
 Pagstretch ng braso (10 beses)
 Pag-upo at pagtayo (5 beses)

Balik Aral:
 Sino ang naging Pangulo ng
Republika ng Papet?
 Salaping pinairal ng mga Hapones
sa bansa?
 Naging maayos ba ang resulta ng
pananakop ng mga Hapones? Bakit
meron? Bakit wala?

A. Introduction (Panimula)
 Pagmasdan ang mga larawan.

 Ano ang kanilang ginagawa?


 Ano ang tawag sa kanilang
ginagawa?

 Dahil sa digmaang naganap sa panahon


ng mga Hapon, nanaig ang takot sa mga
Pilipino. Naging mahina ang kalakalan at
industriya. Napabayaan ang pagsasaka.
Nasabak sa kahirapan at kagutuman ang
mga Pilipino. Sa kabila nito, sila ay naging
maparaan at malikhain. Natuto silang
magtanim ng mga gulay at mag buy-and-
sell upang kumita, matugunan ang
kagutuman at kahirapan.

 Ang naranasang kahirapan ng mga


Pilipino ang lalong nagpasidhi ng kanilang
kamalayan upang ipaglaban ang
kalayaan. Maraming mga Pilipino at
Amerikano ang nagpasiyang namundok.
Nagtatag sila ng mga kilusan na
pinamunuan ng mga USAFEE at mga
sibilyan at ipinagpatuloy ang pakikibaka
laban sa mga Hapon.

A. Development (Pagpapaunlad)  Ang guro ay magpapakita muli ng mga


larawan.

Pagtatatag ng Kilusang Gerilya


Sa panahon ng mga Hapones nakaranas ang
maraming Pilipino ng kahirapan at kalupitan.
Dahil sa karanasang ito, marami sa mga Pilipino
ang buong giting na ipinaglaban ang kalayaan,
kaya naman ang mga USAFFE na nakaligtas sa
kamay ng mga Hapones ay piniling mamundok at
sumama sa kilusang gerilya. May mga ibang
Pilipino rin na pumanig sa mga Hapones at
tinawag silang MAKAPILI.

Ang mga kasapi ng kilusan ay mga pari, guro


mag-aaral, mga opisyal at sundalong Pilipino.
Binuo ang kilusan upang mawakasan ang
pananakop ng mga Hapones sa bansa.
Kinakatakutan ng mga Pilipino ang kempei-tai,
ang pulisyang militar ng mga Hapones. Ang mga
nadadakip na gerilyang Pilipino ay ikinulong,
pinarurusahan at pinatay sa Fort Santigao.
HUKBALAHAP

Ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon


(HUKBALAHAP) ay isang kilusang itinatag upang
labanan ang mga Hapones. Ang kilusang ito ay
pinamumunuan ni Luis Taruc. Mga magsasaka
sa Gitnang Luzon at Katimugang Luzon ang
karamihan sa mga kasapi nito.

Labis ang galit ng mga kasapi ng HUKBALAHAP


sa mga Hapones. Sinisira nila ang mga
pampamahalaang gusaling itinayo ng mga
Hapones. Dahil dito, labis na nabahala ang mga
Hapones sa mga pagkilos ng HUKBALAHAP.

Mga Tanong Pagkatapos ng Talakayan

 Ano ang dalawang kilusan na naging


paraan ng mga Pilipino para
makipaglaban para sa kalayaan ng
Pilipinas?
 Ano ang tawag sa mga umanib sa Hapon
at ginawang ispiya laban sa kapwa
Pilipino?
 Kanino natatakot ang mga Pilipino kaya
ang iba sa kanila ay hindi sumama sa mga
kilusan?

Para sa pangkatang gawain:

Pagsagot ng Balangkas
Sagutan ang mga sumusunod na gawain:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: pahina 32

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


Isulat ang inyong tamang sagot sa inyong papel.

1. Ano ang itinatag ng mga Pilipino upang


labanan ang mga Hapones?
2. Sino ang namuno sa HUKBALAHAP?
3. Bakit binuo ng mga Pilipino ang mga kilusan?
4. Paano ipinamalas ng mga Pilipino ang
pagpapahalaga sa kalayaan?
5. Naging matagumpay ba ang nga Pilipino sa
pakikipaglaban sa mga Hapones?
Pangatwiranan?

B. Engagement (Pagpapalihan) Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: pahina 33

Punan ng tamang sagot ang mga patlang.

1. Ang mga USAFFE na nakaligtas sa kamay ng


mga Hapones ay piniling mamundok at sumama
sa ____________.
2. Ang mga Pilipino na pumanig sa mga
Hapones ay tinawag na ____________.
3. Ang mga nadadakip na gerilyang Pilipino ay
ikinulong, pinarurusahan at pinatay sa
____________.
4. Ang ___________________ ay isang kilusang
itinatag upang labanan ang mga Hapones.
5. Ang tawag sa mga ang pulisyang militar ng
mga Hapones ay ___________.

C. Assimilation (Paglalapat) Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: pahina 33

Isulat ang TAMA kung totoo ang pahayag at


MALI kung hindi totoo ang pahayag.

1. Si Jose Banal ang pinuno ng HUKBALAHAP


na namuno sa paglaban sa mga Hapones.
2. Pinlano ng mga HUK ang pagpapabagsak sa
pamahalaan ng mga Hapon sa Pilipinas.
3. Napigilan ang mabilis na pagsakop ng mga
Hapones sa pamamagitan ng pakikipagdigmaan.
4. Kinakatakutan ng mga Pilipino ang kempei-tai.
5. Naging kakampi ng mga Hapones ang mga
gerilya.

V. Karagdagang Gawain Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa mga


paraan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino para
sa Kalayaan laban sa Hapon. Isulat ito sa inyong
papel.

Inihanda ni:

DARLEEN J. VILLENA
Teacher I

Binigyang pansin ni:

JEFFRY M. FRESCO
Head Teacher II

You might also like