You are on page 1of 10

6

ARALING PANLIPUNAN
Kwarter II – Linggo 8
Paraan ng Pagmamahal sa Bayan
ng mga Pilipino

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


CONTEXTUALIZED LEARNING
SCHOOLS DIVISION ACTIVITY
OF PUERTO PRINCESASHEETS
CITY
SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan - Baitang 6
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter II – Linggo 8: Paraan ng Pagmamahal sa Bayan ng mga Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Maria Lea A. Magbanua


Pangnilalamang Patnugot: Marites L. Arenio, Maria Lea A. Magbanua
Editor: Marites Q. Manlangit
Tagawasto: Preciosa G. Tatel
Tagasuri: Marites L. Arenio, Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin

Tagaguhit: Maria Lea A. Magbanua


Tagalapat: Maria Lea A. Magbanua

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Marites L. Arenio, EPS-Araling Panlipunan
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon, Rodney M. Ballaran,
Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Pangalan: Baitang at Seksyon:

Aralin 1
Paraan ng Pagmamahal sa Bayan
ng mga Pilipino
MELC: Napahahalagahan ang iba’t ibang paraan ng pagmamahal sa bayan na ipinamalas
ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga paraan ng pagmamahal sa bayan na ipinamalas ng
mga Pilipino
2. Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagmamahal sa bayan na ipinamalas
ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan
3. Napahahalagahan ang iba’t ibang paraan ng pagmamahal sa bayan na
ipinamalas ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan

Ating Alamin at Tuklasin


Ayon kay Jose Abad Santos, “Hindi lahat ay
nagkakaroon ng pagkakataong mamatay para sa
Paghawan ng
bayan.” Sinabi naman ni Pangulong Sergio Osmeña
Balakid
Sr., “Kalimutan natin ang pagkakaiba ng ating mga
USAFFE – United paniniwalang pampulitika at isaisip na nabibilang tayo
States Armed Forces sa iisang bansa.” Mapapansin mong ilang salinlahi na
in the Far East ang nakipaglaban at nasawi alang-alang sa
pagtatangol sa kalayaan ng ating bayan. Ngayon, tayo
Gerilya – tawag sa ay nabubuhay taglay ang kalayaang kanilang
mga sundalong
ipinaglaban. Salamat sa lahing Pilipino! Marapat
Pilipino at sibilyan na
namundok upang lamang na saluduhan ang kagitingang kanilang
lihim na nagawa para sa bayan. Tunay na ipinamalas nila ang
makipaglaban pagmamamahal sa bayan.
Batay sa mga nakaraang aralin, natutuhan
HUKBALAHAP – mo na sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Hukbo ng Bayan dahil sa paghahangad ng bansang Hapon na maging
Laban sa Hapon
makapangyarihan sa Asya Pasipiko. Naglaban sa
BUDC – Barrio United Pilipinas ang bansang Amerika at Hapon na
Defense Corps, nagresulta sa pagkamatay at paghihirap ng mga
konseho ng mga Pilipino. Ang kaganapang ito ang nagbigay-daan sa
mamamayan na pagbubuo ng mga grupo at hukbo, pagbubuklod, at
nagtatanggol sa mga pagkakaisa ng mga Pilipino laban sa mga Hapones.
taganayon Ano-ano ang iba’t ibang paraan ng pagmamahal sa
bayan na ipinamalas ng mga Pilipino sa panahon ng
digmaan? Paano natin ito mapahahalagahan?

Paraan ng Pagmamahal sa Bayan sa Panahon ng Digmaan

 Nagsanib-puwersa ang Hukbong Pilipino at Hukbong Amerikano sa USAFFE


upang magiting na ipagtanggol at mapigilan ang pagpasok ng mga Hapones
sa Pilipinas.

1
 Ang masigasig na pag-atake ng mga Hapones sa gawing Silangan ng Bataan
ay napigilan ng 41st Division na pinamumunuan ni Brigadier General Vicente
Lim. Dahil sa katatagan ng 41st Division sa pakikipaglaban, tinagurian itong
Rock of Bataan.
 Nang bumagsak ang Bataan, maraming sundalong Pilipino at Amerikano ang
tumakbo sa kabundukan at nagtatag ng samahang gerilya na lalaban sa mga
Hapones at nagpanatili ng pag-asa ng kasarinlan.
 Sa ilalim ng init ng araw, gutom, uhaw, pagod, kahinaan, sakit, at kalupitan
ng mga sundalong Hapones ay hindi malilimutan ng marami nating
kababayan at sundalong Pilipino na nagpakita ng pagmamahal sa ating
bayan ang makasaysayang Death March.
 Ipinamalas ng mga kawal na Pilipino ang kagitingan at pagmamahal sa bayan
sa pagtatanggol sa Bataan at Corregidor dahil ang mga lugar na ito ang
nagsilbing huling tanggulan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.
 Hindi tuluyang sumuko ang mga opisyales na Pilipino at nanindigang
ipagpapatuloy ang pakikidigma kahit nasa kabundukan.
 Ang nabuong HUKBALAHAP ay naglayong mapabagsak at makamit ang
kalayaan sa pagmamalupit ng mga Hapones, mapanatili ang katahimikan ng
bayan, at pangalagaan ang sakahang kinamkam ng mga Hapones.
 Nabuo rin ang Konseho ng mga Mamamayan na nasa istruktura ng Barrio
United Defense Corps (BUDC) na nagdulot ng edukasyong pampulitika,
malayang pamamahala, at nagpalakas ng pagiging matapat ng tao sa
adhikain ng pakikipaglaban para sa bayan.
 Habang nasa Washington si Pangulong Manuel Quezon, itinatag niya
“Government in Exile” na may layong mabigyang inspirasyon ang mga
Pilipinong naghihirap sa mga kamay ng mga Hapones.
 Hindi nawalan ng pag-asa ang mga Pilipino. Nanalangin silang darating ang
panahon ng kalayaan sa bansa. Ang pagbabalik ni Douglas MacArthur ay
naghudyat ng kalayaan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones.
 Sa pagtatangol sa bansa sa panahon ng digmaan, ipinamalas ng mga Pilipino
ang kanilang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng kanilang
pagkakaisa, katapatan sa bayan, kagitingan, at kabayanihan.
(Pinagkunan: Michael DC Rama et al., PILIPINAS Isang Sulyap at Pagyakap,
Batayang Aklat AP I, Makati City:EdCrisch International, Inc.,
2006, 213-221.)
Pagpapahalaga sa mga Aral ng Digmaan
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nag-iwan ng napakalaking kasiraan
sa kabuhayan at imprastruktura ng Pilipinas. Ngunit ang pampisikal na
pagkasira ay isang aspekto lamang ng malaking suliranin na kinakaharap ng
bansa. Ang pagkasira ng panloob na damdamin ng mga mamamayan ay lalong
malubha. Ang digmaan ay nag-iwan ng matinding aral sa mga Pilipino na ang
pag-aalitan ay hindi kinakailangang wakasan sa mga mararahas at madudugong
komprontasyon kung hindi kailangan. Ito ay dapat gawin sa pamamagitan ng
mapayapang pag-uusap sa pagitan ng mga pinuno ng mga bansa. Dapat ring
isaalang-alang ang mga buhay na maaring masawi, pagkasira ng mga ari-arian
ng bayan, pagbaba ng moralidad ng mga mamamayan ng isang bansa, at
paggalang sa kapwa. Ang kapayapaan ay kailangang bigyan ng diin sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga istruktura at direktang pakikipag-ugnayan
sa iba’t ibang tao mula sa kanilang magkakaibang perspektiba.
(Pinagkunan: Zenaida Q. Reyes at Nerissa S. Tantengco, Daloy ng Kasaysayan at
Pamahalaang Pilipino, Batayang Aklat sa Unang Taon, Quezon City:
Book Media Press, Inc. 1997, 212-213.)

2
Tayo’y Magsanay
Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Gumuhit ng masayang mukha sa
bilog kung ang pangungusap ay tumutukoy sa paraan ng pagmamahal sa bansa at
malungkot na mukha kung hindi.
1. Ipinamalas ng mga kawal na Pilipino ang kagitingan at pagmamahal sa
bayan sa pagtatanggol sa Bataan at Corregidor.
2. Hindi nawalan ng pag-asa ang mga Pilipino na makakamit ang kalayan
ng bansa.
3. Namundok ang mga Pilipino at gumawa ng karahasan sa kapwa
Pilipino.
4. Naging matatag sa pakikipaglaban ang mga Pilipino sa kabila ng
paghihirap sa kamay ng mga Hapones.

5. Ang makasaysayang Death March ay pagpapakita ng pagmamahal sa


Inang Bayan.

Gawain 2
Panuto: Piliin mula sa Hanay B ang pangungusap na nagpapaliwanag ng paraan
ng pagmamahal ng mga Pilipino na ipinamalas sa panahon ng digmaan batay sa
pagkakatatag ng sumusunod sa Hanay A. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot
sa kahon.
Hanay A Hanay B
1. Government A. Naging matatag ang hukbo sa
in Exile pakikipaglaban upang mapigilan ang pag-
atake ng mga Hapones sa Silangang bahagi
ng Bataan
2. 41st Division B. Nanindigan ang mga kasapi sa
pakikipaglaban sa mga Hapones at
nagpanatili ng pag-asa ng kasarinlan.
3. Samahang C. Nagpamalas ng kagitingan ang mga
Gerilya sundalong Pilipino upang ipagtanggol dahil
ang mga lugar na ito ang nagsilbing huling
tanggulan ng mga sundalong Pilipino at
Amerikano sa pagpasok ng mga Hapones
4. Konseho ng mga D. Mabigyang inspirasyon ang mga Pilipinong
Mamamayan naghihirap sa mga kamay ng mga Hapones
5. Bataan at E. Nagpalakas ng pagiging matapat ng tao sa
Corregidor adhikain ng pakikipaglaban para sa bayan

Ano-ano ang naidulot sa bansa ng mga ipinamalas na paraan ng pagmamahal


sa bayan ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan?

3
Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Punan ng salita o mga salita ang bawat talulot ng bulaklak bilang
pagpapahalaga sa mga aral ng digmaan. Maari kang kumuha sa teksto ng aralin o
magbigay ng sariling salita.

PAGPAPAHALAGA
SA MGA ARAL NG
DIGMAAN

Gawain 2
Panuto: Paano mo mapahahalagahan ang iba’t ibang paraan ng pagmamahal sa
bayan na ipinamalas ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan? Magbigay ng
dalawang pagpapahalaga.

1. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sa paanong paraan maipakikita ang pagmamahal sa bayan?

4
Ang Aking Natutuhan
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo ang talata ng iyong
natutuhan sa aralin. Pumili ng sagot sa ibaba.
Iba’t iba ang paraan ng ______________________ na ipinamalas ng mga
Pilipino para sa bayan sa panahon ng digmaan. Nagsanib-puwersa ang Hukbong
Pilipino at Hukbong Amerikano sa USAFFE upang magiting na ______________
at mapigilan ang pagpasok ng mga Hapones sa Pilipinas. Ang pag-atake ng mga
Hapones sa gawing Silangan ng Bataan ay napigilan ng 41st Division.
Ipinamalas ng mga kawal na Pilipino ang _______________ at pagmamahal sa
bayan sa pagtatanggol sa Bataan at Corregidor. Maraming sundalong Pilipino at
Amerikano ang tumakbo sa kabundukan at nagtatag ng samahang gerilya
upang mapanatili ang pag-asa ng kasarinlan. Hindi nawalan ng pag-asa ang
mga Pilipino. _________________ silang darating ang panahon ng kalayaan sa
bansa.
Sa pagtatangol sa bansa sa panahon ng digmaan, ipinamalas ng mga
Pilipino ang kanilang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng kanilang
________________, _____________ sa bayan , kagitingan, at _____________________.

katapatan kagitingan ipagtanggol


pag-asa kabayanihan pagmamahal
Nanalangin inspirasyon pagkakaisa

Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.
_____ 1. Ano ang dahilan ng pagsasanib-puwersa ang Hukbong Pilipino at Hukbong
Amerikano sa USAFFE?
A. Kalabanin ang mga kapuwa sundalong Pilipino.
B. Ipagtangol ang mga dayuhang nais sumakop sa bansa.
C. Tulungan ang mga Hapones sa pamamahala sa Pilipinas.
D. Ipagtanggol at mapigilan ang pagpasok ng mga Hapones sa Pilipinas.
_____ 2. Bakit tinaguriang Rock of Bataan ang 41st Division na pinamumunuan ni
Brigadier General Vicente Lim?
A. Dahil mahilig sila sa tugtuging Rock n’ Roll.
B. Dahil sila ang matitibay na sandigan ng mga kawal.
C. Dahil sa katatagan ng 41st Division sa pakikipaglaban.
D. Dahil sa kabatuhan ng Bataan sila nagkukubli sa pakikipaglaban.
_____ 3. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pamumundok ng maraming sundalong
Pilipino at Amerikano?
A. Takot sa mga Hapones C. Kawalan ng tapang
B. Pagbagsak ng Bataan D. Kawalan ng armas sa pakikidigma

5
_____ 4. Anong makasaysayang kaganapan ang hindi malilimutan ng marami
nating kababayan at sundalong Pilipino na nagpakita ng pagmamahal sa
ating bayan mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernado?
A. Death March C. Labanan sa Corregidor
B. Pagbagsak ng Bataan D. Labanan sa Look ng Maynila

_____ 5. Anong mga lugar kung saan ipinamalas ng mga kawal na Pilipino ang
kagitingan at pagmamahal sa bayan dahil ang mga ito ang nagsilbing huling
tanggulan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano?
A. Bataan at Corregidor C. Narra at Aborlan
B. Mariveles at San Fernando D. Zambales at Zamboanga

_____ 6. Alin sa sumusunod ang HINDI layunin ng nabuong HUKBALAHAP?


A. Mapanatili ang katahimikan ng bayan.
B. Makiisa sa layunin at adhikain ng mga Hapones.
C. Pangalagaan ang sakahang kinamkam ng mga Hapones.
D. Mapabagsak at makamit ang kalayaan sa pagmamalupit ng mga Hapones.

_____ 7. Habang nasa Washington si Pangulong Manuel Quezon, itinatag niya ang
“Government in Exile.” Ano ang layunin ng pagtatatag nito?
A. Mabigyang inspirasyon ang mga Pilipinong naghihirap sa mga kamay ng
mga Amerikano.
B. Mabigyang inspirasyon ang mga Pilipinong naghihirap sa mga kamay ng
mga Espanyol.
C. Mabigyang inspirasyon ang mga Pilipinong naghihirap sa mga kamay ng
mga Hapones.
D. Wala sa nabanggit

_____ 8. Paano hinarap ng mga Pilipino ang mga kalupitan at paghihirap na dulot
ng digmaan?
A. Hindi nawalan ng pag-asa ang mga Pilipino.
B. Nanalangin silang darating ang panahon ng kalayaan sa bansa.
C. Naging matatag sila sa lahat ng pakikipaglaban sa mga Hapones.
D. Lahat ng nabanggit

_____ 9. Paano natin mapahahalagahan ang mga aral ng digmaan?


A. Hindi tayo dapat nakikialam sa mga usapin ng bansa.
B. Huwag nating isipin ang kalalabasan ng anomang digmaan.
C. Pasalamatan natin na ang digmaan ay nagdulot ng kabayanihan.
D. Matuto tayo sa matinding aral na iniwan ng digmaan at sikaping
maipakita natin ang pagmamahal sa bayan.

_____ 10. Bakit dapat pahalagahan ang mga Pilipinong nagpamalas ng iba’t ibang
paraan ng pagmamahal sa bayan sa panahon ng digmaan?
A. Dahil sila ang mga namuno sa bayan.
B. Sapagkat sila ang mga bida sa kasaysayan ng bansa.
C. Sapagkat sila ang mga naunang henerasyon ng bansa.
D. Dahil sila ang mga nakipaglaban, nagpakasakit, at nagbuwis ng buhay
para makamtan ang kalayan ng ating bansa.

6
Susi sa Pagwawasto

Tayo’y Magsanay Ating Pagyamanin


Gawain 1 Gawain 2 Gawain 1 – posibleng sagot
 Hindi marahas na alitan
1. 1. D  Isaalang-alang ang buhay na maaaring
masawi
2. 2. A  Isaalang-alang ang masisirang ari-arian
 Isaalang-alang ang moralidad ng
3. 3. B mamamayan
 Paggalang sa kapuwa
4. 4. E  Bigyang diin ang kapayapaan
5. 5. C Gawain 2 - sariling sagot

Ang Aking Natutuhan


Ating Tayahin
1. pagmamahal
1. D 6. B
2. ipagtanggol
2. C 7. C
3. kagitingan
4. Nanalangin 3. B 8. D
5. pagkakaisa 4. A 9. D
6. katapatan 5. A 10. D
7. kabayanihan

Sanggunian
Aklat

Rama, Michael DC., Florencia C. Domingo, J.G.Rama, at Jayson A.Cruz.


PILIPINAS Isang Sulyap at Pagyakap Batayang Aklat Aralin Panlipunan I.
Makati City: EdCrisch International, Inc., 2006.

Reyes, Zenaida Q., at Nerissa S. Tantengco. Daloy ng Kasaysayan at Pamahalaang


Pilipino Batayang Aklat sa Unang Taon. Quezon City: Book Media Press,
Inc.,1997.

7
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng Contextualized Learning


Activity Sheets na ito. Hangarin nito ang iyong lubusang pagkatuto sa OPO HINDI
tulong ng iyong kapamilya.

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like