You are on page 1of 10

6

ARALING PANLIPUNAN
Kwarter II – Linggo 6
Patakaran at Resulta
ng Pananakop ng mga Hapones

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


CONTEXTUALIZED LEARNING
SCHOOLS DIVISION ACTIVITY
OF PUERTO PRINCESASHEETS
CITY
SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan - Baitang 6
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter II – Linggo 6: Patakaran at Resulta ng Pananakop ng mga Hapones
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Maria Lea A. Magbanua


Pangnilalamang Patnugot: Marites L. Arenio, Maria Lea A. Magbanua
Editor: Marites Q. Manlangit
Tagawasto: Preciosa G. Tatel
Tagasuri: Marites L. Arenio, Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin

Tagaguhit: Maria Lea A. Magbanua


Tagalapat: Maria Lea A. Magbanua

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Marites L. Arenio, EPS-Araling Panlipunan
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon, Rodney M. Ballaran,
Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Pangalan: Baitang at Seksyon:

Aralin 1
Patakaran at Resulta ng Pananakop
ng mga Hapones
MELC: Nasusuri ang mga patakaran at resulta ng pananakop ng mga Hapones

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga patakaran sa pananakop ng mga Hapones
2. Natutukoy ang mga resulta ng pananakop ng mga Hapones
3. Nasusuri ang mga patakaran at resulta ng pananakop ng mga Hapones

Ating Alamin at Tuklasin


Ano-ano ang kaganapan sa bansa matapos
Paghawan ng bumagsak ang Bataan at Corregidor sa kamay ng mga
Balakid Hapones? Alamin natin at tuklasin ang mga
patakarang pinairal sa bansa at ang resulta ng
“Puppet Government” kanilang pananakop.
– tau-tauhang
pamahalaan sapagkat Ang Pamahalaang Militar ng Japan
ang mga namumunong Noong Enero 3, 1942, itinatag ng Japanese
Pilipino ay walang Military High Command ang Pamahalaang Militar ng
kapangyarihan at Japan. Pinamunuan ito ni Heneral Misami Maeda.
sunud-sunuran Naging mahigpit ang pinairal na patakaran ng mga
lamang sa kagustuhan Hapones na sinusunod nang may takot ng ilang
ng mga Hapones. Pilipino. Ang sinumang kumontra sa hukbong
“Mickey Mouse Hapones ay pinarurusahan. Isang proklamasyon ang
Money” – tawag sa ipinalabas na nagsasaad na sa bawat Hapones na
salaping papel ng mga mapatay ay sampung kilalang Pilipino ang kapalit na
Hapones na ikinalat sa papatayin ng mga Hapones. Nagpatupad ng curfew at
bansa dahil ito ay ipinagbawal ang pagsisindi ng ilaw kung gabi.
halos walang halaga na Ipinagbawal ang pag-awit ng Pambansang Awit ng
tila isang laruan Pilipinas at paggamit ng bandilang Pilipino at
lamang. Amerikano. Hindi rin pinahintulutan ang halalan at
Kempetai – mga pampublikong pagpupulong. Isinara ang lahat ng
makapangyarihang
paaralan, palimbagan, tanggapan ng telegrapo, at
sundalong Hapones na
nagpapalaganap ng istasyon ng radyo. Lahat ay ipinasailalim sa
takot at karahasan sa pamahalaan ng mga Hapones. Masasabing mahirap
bansa. ang kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng
Pamahalaang Militar ng Japan.
Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas
Noong Oktubre 14, 1943, pinasinayaan ang Republikang tangkilik ng mga
Hapones. Si Jose P. Laurel ang nahalal na Pangulo ng Pilipinas ng tinawag na
“Puppet Government” ng ilang historian. Lumagda si pangulong Jose P. Laurel sa
kasunduang pangmilitar sa Japan. Bahagi ng kasunduan ang pagpapahintulot ng
Pilipinas na magamit ng mga Hapones ang lahat ng kakailanganin ng mga ito para
sa pagpapatuloy ng digmaan sa kalakhang East Asia.

1
Samantala, ayaw makiisa ng mga Pilipino sa mga Hapones. Upang makuha
ang tulong ng mga Pilipino at mawala ang katapatan ng mga mamamayan sa
Amerika, naglunsad ng propaganda ang mga Hapones gaya ng “Asia para sa mga
Asyano”, “Pilipinas para sa mga Pilipino!” at “Isa lang ang Asya!”.
(Pinagkunan: Michael DC Rama et al., PILIPINAS Isang Sulyap at Pagyakap,
Batayang Aklat AP I, Makati City: EdCrisch International, Inc.,
2006, 216-218.)
Patakarang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
Ito ay naglalayong labanan ang Kanluraning kultura at tuklasin ang
katutubong kulturang Asyano ayon sa kanyang pinagmulan bago dumating ang
mga Kastila at Amerikano. Ang tunay na kahulugan nito ay nais ng mga Hapones
na yakapin ng mga Pilipino ang kulturang Hapones sapagkat ito raw ay isang
kulturang Asyano. Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagkontrol sa
kaisipan ng mga Pilipino sa mga pangunahing institusyon:
Ang Media o pamamahayag ang siyang pinakaunang nakontrol ng mga
Hapones. Ginamit nila ito upang magpalaganap ng impormasyon, kautusan, at
babala. Siniguro ng mga Hapones na tanging kabayanihan lamang nila sa
pakikidigma ang lalabas sa mga babasahin. Ang lahat ng ito ay hindi rin
nagtagumpay sapagkat natuto ang mga Pilipino na magbasa nang baliktad. Lahat
ng nababasa nila sa pahayagan ay kabaligtaran ng nangyayari sa tunay na buhay.
Dahil dito, naging laganap ang kapihan bilang pook-balitaan at reklamuhan ng mga
Pilipino.
Upang maipatupad ang patakaran sa edukasyon, nagbukas ng mga paaralan
at iginiit dito ang masusing pagsunod sa kautusan tungkol sa edukasyon.
Inumpisahang buksan ang mababang paaralan sapagkat naniniwala sila na
madaling baguhin ang isipan ng mga bata. Bagamat naging malawakan ang
kautusang ito, kakaunti ang pumasok dahil marami sa kanila ang mas nanaising
kumita upang mayroong pantawid-gutom at ang iba naman at nagsuspetsa sa
motibo ng mga Hapones.
Ang relihiyong Iglesia Katolika ang bingyang-pansin ng mga Hapones
sapagkat ito ang pinakamakapangyarihan at may pinakamaraming kasapi. Dahil
alam nila ang napakalaking impluwensiya ng simbahang ito sa kaisipan ng mga
Pilipino, pinamahalaan nila ang mga gawain nito. Ang relihiyong protestante na
ipinalaganap ng mga Amerikano ang siyang nakalasap ng pahirap sa mga Hapones.
Tanging ang mga Pilipinong Protestante lamang ang nais ng mga Hapones na
mamahala. Subalit hindi sila nagtagumpay sapagkat naging matapat ang mga
Pilipino sa mga Amerikanong pastor kaya’t hindi nila hinawakan ang mga posisyon
ng mga Amerikanong Protestante.
Patakarang Pangkabuhayan
Ang pinakapangunahing layunin ng mga Hapones sa pananakop ay
pangkabuhayan kaya’t nagpalaganap ng takot at karahasan ng mga Hapones bilang
paraan ng pagdidisiplina at pagkontrol sa mga Pilipino. Dahil dito, nawalan ng
kapayapaan at katahimikan sa kanayunan at kalunsuran kaya’t bumaba ang
produksyon ng mga magbubukid. Sinadya ng mga Pilipino na hindi magtanim
sapagkat kinukumpiska ng mga Kempetai o mga sundalong Hapones ang kanilang
produkto nang walang kabayaran. Naging ugali tuloy ng mga Pilipino na magtago
ng anumang pagkain o produkto kaysa ipagpalit sa perang wala namang halaga.
Ang pagdami ng pera sa pamilihan at ang kakaunting produktong ipinagbibili ang
siyang nagpababa ng halaga ng perang Hapon kaya tinagurian itong ”Mickey Mouse
Money”. Naging pagbibili at pagbebenta o buy and sell ang siyang uri ng ekonomiya
sa halip na agrikultura.
(Pinagkunan: Zenaida Q. Reyes at Nerissa S. Tantengco, Daloy ng Kasaysayan at
Pamahalaang Pilipino, Batayang Aklat sa Unang Taon, Quezon City: Book Media
Press, Inc.,1997,192-201.)
2
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek ( ) ang kahon kung
sang-ayon ka sa kaisipang ipinahahayag at ekis ( X ) kung hindi sang-ayon.
1. Pagsasailalim ng mga Hapones sa Pilipinas sa Pamahalaang
Militar.

2. Paghalal kay Jose P. Laurel bilang pangulo ng Ikalawang


Republika ng Pilipinas.

3. Pagtuklas ng katutubong kulturang Asyano ayon sa kanyang


pinagmulan bago dumating ang mga Kastila at Amerikano.

4. Pagpapalaganap ng takot at karahasan bilang paraan ng


pagdidisiplina sa mga mamamayan.

5. Pangungumpiska ng mga produkto ng walang kabayaran.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay A - Patakaran ng
Pananakop o B - Resulta ng Pananakop ng mga Hapones. Isulat lamang ang titik
sa patlang.
_______ 1. Naging pagbibili at pagbebenta o buy and sell ang siyang uri ng
ekonomiya sa halip na agrikultura.

_______ 2. Isang proklamasyon ang ipinalabas na nagsasaad na sa bawat


Hapones na mapatay ay sampung kilalang Pilipino ang kapalit na
papatayin ng mga Hapones.

_______ 3. Natuto ang mga Pilipino na magbasa nang baliktad. Lahat ng


nababasa nila sa pahayagan ay kabaligtaran ng nangyayari sa
tunay na buhay.

_______ 4. Kakaunti ang pumasok sa paaralan dahil marami sa mga Pilipino


ang mas nanaising kumita upang mayroong pantawid-gutom at
ang iba naman at nagsuspetsa sa motibo ng mga Hapones.

_______ 5. Naglunsad ng propaganda ang mga Hapones gaya ng “Asia para


sa mga Asyano”, “Pilipinas para sa mga Pilipino!” at “Isa lang ang
Asya!”.

Nakabuti ba sa mga Pilipino ang mga patakarang ipinatupad ng mga Hapones?

3
Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Isa-isahin ang mga patakaran ng pananakop ng mga Hapones batay sa
mga nakalahad na resulta nito. Pumili ng sagot sa ibaba at isulat ito sa kahon.
 Pamahalaang Militar ng Japan  Patakaran sa Media o Pamamahayag
 Ikalawang Republika ng Pilipinas  Patakarang Pangkabuhayan
 Patakaran sa Relihiyon  Patakaran sa Edukasyon

Patakaran ng Pananakop Resulta ng Pananakop


1. Sinadya ng mga Pilipino na hindi magtanim sapagkat
kinukumpiska ng mga Kempetai o mga sundalong
Hapones ang kanilang produkto nang walang
kabayaran.
2. Ang mga namumunong Pilipino ay walang
kapangyarihan at sunud-sunuran lamang sa
kagustuhan ng mga Hapones.
3. Naging matapat ang mga Pilipino sa mga
Amerikanong pastor kaya’t hindi nila hinawakan ang
mga posisyon ng mga Amerikanong Protestante.
4. Masasabing mahirap ang kalagayan ng mga Pilipino
sa ilalim ng pamahalaang ito.
5. Naging laganap ang kapihan bilang pook-balitaan at
reklamuhan ng mga Pilipino.

Gawain 2
Panuto: Suriin ang sitwasyon sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang.
Sitwasyon: Kamakailan ay lumaganap ang nakawan sa Barangay Sicsican.
Sunud-sunod na gabi ang ginawang pagpasok ng mga magnanakaw sa mga
kabahayan. Dahil dito, nagpasya ang pamunuan ng barangay na magpatawag ng
pagpupulong upang malutas ang problema. Binigyan ka ng pagkakataong
magmungkahi ng patakaran upang malutas ang suliranin ng barangay. Anong
patakaran ang iyong imumungkahi?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

Paano nga ba ang tamang pagdidisiplina sa mga mamamayan ng bansa upang


magkaroon ng kaayusan at kapayapaan?

4
Ang Aking Natutuhan
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo ang talata ng iyong
natutuhan sa aralin. Pumili ng sagot sa ibaba.

Nang lubusang mapasailalim sa pananakop ng mga Hapones ang


Pilipinas, lumaganap ang takot at karahasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ito ay dahil sa mga ________________ na kanilang ipinairal upang disiplinahin
at pasunurin ang mga Pilipino. Masasabing naging mahirap ang kalagayan
ng mga Pilipino sa ilalim ng Pamahalaang ________________ ng Japan. Naging
tau-tauhan at sunud-sunuran lamang sa mga Hapones ang mga Pilipinong
namuno sa Ikalawang ________________ ng Pilipinas. Ang patakarang
______________________________________________________ ay naglayon lamang
na yakapin ng mga Pilipino ang kulturang Hapones sapagkat ito ay isang
kulturang Asyano. Naging lubhang napakahirap ang katayuan sa buhay ng
mga Pilipino dahil sa patakarang ____________________________ ng mga
Hapones. Ang lahat ng ito ay nagresulta ng pagkakaisa, pagtutulungan at
pagiging matatag ng mga Pilipino.

Militar patakaran pangkabuhayan Republika


Greater East Asia Co-Prosperity Sphere

Ating Tayahin
Panuto: Suriin ang mga patakaran at resulta ng pananakop ng mga Hapones.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____ 1. Anong pamahalaan ang itinatag noong Enero 3, 1942 ng Japanese Militay
High Command na naglayong mahigpit na ipairal ang mga patakaran ng mga
Hapones?
A. Pamahalaang Amerikano C. Pamahalaang Komonwelt
B. Pamahalaang Espanyol D. Pamahalaang Militar ng Japan
_____ 2. Ano ang naging kalagayan ng mga Pilipino sa Pamahalaang Militar ng
Japan?
A. Masagana ang pamumuhay ng mga Pilipino.
B. Matatakutin ang mga Pilipino sa panahong ito.
C. Masunurin ang mga Pilipino sa mga patakaran ng mga Hapones.
D. Mahirap ang kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang ito.
_____ 3. Sa anong panahon nahalal na Pangulo ng Pilipinas si Jose P. Laurel?
A. Unang Republika ng Pilipinas C. Ikatlong Republika ng Pilipinas
B. Ikalawang Republika ng Pilipinas D. Ikaapat na Republika ng
Pilipinas
5
_____ 4. Bakit tinawag na “Puppet Government” ang pamahalaan ni Jose P. Laurel?
A. Sapagkat ito ay inihalintulad sa laruang “puppet”.
B. Sapagkat maraming “puppet” sa kanyang pamahalaan.
C. Sapagkat walang kapangyarihan at sunud-sunuran lamang ang mga
namumunong Pilipino sa kagustuhan ng mga Hapones.
D. Sapagkat hindi alam ng mga namumuno ang gagawin sa pamahalaan.
_____ 5. Aling patakaran ng mga Hapones ang naglayong labanan ang Kanluraning
kultura at tuklasin ang katutubong kulturang Asyano ayon sa kanyang
pinagmulan bago dumating ang mga Kastila at Amerikano?
A. Isa lang ang Asia
B. Asia para sa mga Asyano
C. Pilipinas para sa mga Pilipino
D. Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
_____ 6. Paano tinanggap ng mga Pilipino ang patakaran ng mga Hapones sa Media
o pamamahayag?
A. Naging malaya sila sa pamamahayag.
B. Nagsanay sila at naging bihasa sa pamamahayag.
C. Sinikap nilang sundin ang patakarang ito ng walang pag-aalinlangan.
D. Natuto ang mga Pilipino na magbasa nang baliktad. Lahat ng nababasa
nila sa pahayagan ay kabaligtaran ng nangyayari sa tunay na buhay.
_____ 7. Sa pagpapairal ng mga Hapones ng patakaran sa edukasyon, bakit
kakaunti ang pumasok sa paaralan?
A. Kakaunti ang paaralan sa panahong iyon.
B. Mga Hapones ang nagtuturo sa mga paaralan.
C. Maraming Pilipino ang ayaw sa patakaran ng mga Hapones.
D. Marami sa mga Pilipino ang mas ninais na kumita upang mayroong
pantawid-gutom at ang iba naman at nagsuspetsa sa motibo ng mga
Hapones.
_____ 8. Bakit relihiyong Iglesia Katolika ang binigyang pansin ng mga Hapones sa
pagkontrol ng simbahan?
A. Sapagkat ito ay pinalaganap ng mga Espanyol.
B. Sapagkat ito ang relihiyong nais nilang palaganapin.
C. Sapagkat ito ay pinamumunuan ng mga paring Amerikano.
D. Sapagkat ito ang pinakamakapangyarihan, may pinakamaraming kasapi,
at napakalaking impluwensiya sa kaisipan ng mga Pilipino.
_____ 9. Ano ang layunin ng patakarang pangkabuhayan ng mga Hapones?
A. Dumami ang kita ng pamahalaang Hapon.
B. Mapalago ang kabuhayan ng mga Pilipino.
C. Magkaroon ng pagkakakitaan ang mga Pilipino.
D. Makuha at makontrol ang produksyon at distribusyon ng mga produktong
Pilipino.
_____ 10. Bakit tinaguriang ”Mickey Mouse Money” ang pera ng mga Hapones?
A. Ang perang ito ay may larawan ni Mickey Mouse.
B. Si Mickey Mouse ang pambansang laruan ng mga Hapones.
C. Nais ng mga Hapones na ipakalat ang mga ito sa buong bansa.
D. Ito ang resulta ng pagdami ng pera sa pamilihan at ang kakaunting
produktong ipinagbibili na siyang nagpababa ng halaga ng perang Hapon
kaya’t ito’y nagmistulang isang laruan lamang.

6
Susi sa Pagwawasto

Ating Pagyamanin
Tayo’y Magsanay
Gawain 1
Gawain 1 Gawain 2 1. Patakarang Pangkabuhayan
2. Ikalawang Republika ng Pilipinas
1. X 1. B
3. Patakaran sa Relihiyon
2. / 2. A
4. Pamahalaang Militar
3. / 3. B
5. Patakaran sa Media o Pamamahayag
4. X 4. B
5. X 5. A Gawain 2
Sariling Sagot

Ang Aking Natutuhan


Ating Tayahin
1. patakaran
2. Militar 1. D 6. D
3. Republika 2. D 7. D
4. Greater East Asia Co- 3. B 8. D
Prosperity Sphere 4. C 9. D
5. pangkabuhayan 5. D 10. D

Sanggunian
Aklat

Rama, Michael DC., Florencia C. Domingo, J.G.Rama, at Jayson A.Cruz. PILIPINAS Isang Sulyap
at Pagyakap Batayang Aklat Aralin Panlipunan I. Makati City: EdCrisch International, Inc.,
2006.

Reyes, Zenaida Q., at Nerissa S. Tantengco. Daloy ng Kasaysayan at Pamahalaang Pilipino


Batayang Aklat sa Unang Taon. Quezon City: Book Media Press, Inc.,1997.

7
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng Contextualized Learning


Activity Sheets na ito. Hangarin nito ang iyong lubusang pagkatuto sa OPO HINDI
tulong ng iyong kapamilya.

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like