You are on page 1of 21

Ang labanan sa Bataan ay isa sa mga kilalang pangyayari noong

panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at tinuturing na isa sa mga


lugar kung saan matindi ang naging labanan ng mga mananakop na
Hapones at pinaghalong Pilipino, Amerikano, at Australyanong mga
sundalo. Isa ang Bataan sa mga natirang okupadong lugar ng mga
tinatawag na Allied Forces sa rehiyon at ang pagbagsak at pagsuko ng
Bataan ay nagresulta sa isa sa mga madahas na yugto ng kasaysayan,
ang Bataan Death March. Isang mahalagang pangyayari ang Labanan sa
Bataan, lalo na sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay nangyari dahil sap ag-
aaway ng puwersang ‘Allies’ at puwersang ‘Axis Powers’ sa isang
labanang naaalala natin bilang ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa
panig ng ‘Axis Powers’ sumali ang mga Hapon habang ang mga
Amerikano ay sumali sa mga ‘Allies’. Dagdag na sa malaking
impluwensiya ng Amerikano sa Pilipinas, may layunin ding sakupin ang
Asya ang mga Hapon. Maraming mga nangyari sa panahon na ito na
nagpakita ng nasyonalismo ang katapangan ng mga Pilipino ngunit ang
isang malaking nagpakita nito ay ang Labanan sa Bataan. Pagkatapos
salakayin ng mga Hapon ang Pearl Harbor, naghanda na ang Pilipinas at
ipinadala ang USAFFE sa Bataan. Kasali na rito ang maraming Pilipino
na agad-agad na sumagot sa depensa ng bayan. Noong dumating na ang
mga Hapon at sinimulan ang kanilang pagsakop, unti-unti nang humina
ang depensa sa Bataan. Nagdesisyon ang pamahalaan ng Amerikang
tulungan muna ang Europa kaysa sa Asya. Pinatawag na rin ang tanyag
na Heneral MacArthur papunta Australia upang hindi siya makuha ng
mga Hapon. Dahil sa pagkawala ng tulong ng Amerika at ng isang
tanyag na heneral, bumagsak na rin ang Bataan. Kahit sa mabagsik na
pakikipaglaban ang ibinigay ng mga sundalo, nasira pa rin ng mga
Hapon ang linya ng mga sundalong Pilipino at Amerikano. Dahil dito,
sumuko si Heneral Wainwright noong Abril 9, 1942. Ngunit, sa kabila
ng pagkatalong ito, hindi sumuko ang mga sundalo ng Pilipinas. Marami
pa ring lumaban at namatay para sa kalayaan ng Pilipinas. Kahit sa
pagkawala ng Maynila at Bataan, nagpatuloy pa rin silang lumaban. Sila
ay nagsilbing halimbawa ng tunay na nasyonalismo at pagmamahal sa
bansa. Kaya, sa ating pag-alaala sa mga naganap noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, huwag nating kalilimutan ang mga matatapang
na mga Pilipino na lumaban pa rin sa harap ng pagkatalo at kamatayan.
Dapat tularan nating lahat ang kanilang dedikasyon at pagmamahal sa
bayan. Ang mga ito kasi ay ang mga katangian ng tunay na Pilipino.
Nangyari noong Enero 31, hanggang Pebrero 8, 1945, sa pagitan ng mga
pwersang pagpapalaya ng mga sundalong Pilipino at Amerikano kasama
ang mga gerilyang Pilipino para sa labanan ang pananakop ng mga
sundalong Hapones, kasama sa kampanya ng pagpapalaya ng Pilipinas
para ma sigurado ang Look ng Maynila para sa gamitin ang kanlungan
atmagkaroon ng lugar upang ang mga sundalong Pilipino at Amerikano
ay maghahanda sa Labanan ng Pagpapalaya sa Maynila. Ito ay ang
pagpapalakad sa mga sundalong Pilipino at Amerikano mula Mariveles,
Bataan hanggang San Fernando, Pampanga ng wala sa kanilang pinakain
o pinainom, kaya't ang iba sa kanila ay namatay sa daan.
Walang awa silang pinagpapapalo kapag nagpapahinga. Napilitan ang
mga sundalong ito na inumin ang tubig sa imburnal dahil sa matinding
pagkauhaw at pagkagutom. Ang mga sundalong bihag kasama na ang
mga maysakit at sugatan ay may bilang na 36,000. May limang libo ang
mga namatay sa sakit, sugat o kaya'y pinatay sa saksak ng bayonete
habang lumalakad ng walang pahinga, pagkain, at tubig. Marami sa
kanila ang tumakas, ang mga nahuling tumakas ay pinagbababaril.
Ngunit may mga nabuhay parin pagkatapos pag-babarilin at sila ay
pumunta sa ibat-ibang lalawigan.

Ang Labanan ng Corregidor na nangyari noong Mayo 5-6,1942 ang


pagtatapos ng pangangampanya ng mga Hapones upang sakupin ang
Komonwelt ng Pilipinas. Nagsimula noong 9 Abril 1942, ang
pagmartsang ito ay nag-umpisa sa Mariveles, Bataan patungong San
Fernando, Pampanga (na umabot ng 88 kilometro ang layo), hanggang
Capas, Tarlac at muling naglakad ng layong 13 kilometro hanggang
matunton ang Himpilang O'Donnell. Tumagal ang pagmamartsang ito
ng anim na araw Sa pag-alis ng heneral, itinalaga si Jonathan Mayhew
Wainwright IV bilang kahalili nito sa Corregidor, at si Heneral Edward
P. King naman ang siyang naatasang mamuno sa pakikipagdigmaan sa
Bataan.Unti-untin naramdaman ng kawal ng mag Amerikano ang
paghina ng kanilang hukbo laban sa mga atake ng bansang Hapon
Maliban dito, naging madalang na rin ang pagdating ng mga rasyong
pagkain, gamot at sandata mula Estados Unidos, at patuloy na dumarami
ang nagkakasakit at napipinsala. Dahil dito, wala ng ibang alternatibo
kundi ang pagsuko sa mga Hapon.
Matatandaang bago umalis si Quezon patungong Corregidor ay inawan
niya sina Jose Vargas at Jose P. Laurel at tinagubilinan silang
pangalagaan ang kapakanan ng bayan sa panahon ang bansa ay nasa
madilim na kalagayan sa kamay ng mga Hapones. Nang tuluyan nang
masakop ng mga Hapones ang Maynila ay hinirang si Jorge B.Vargas
bilang pangulo ng Komisyong Tagapagpaganap (Philippine Executive
Commission) noong ika-23 ng Enero 1942 at ang pamahalaan ay
tinatawag na Central Administrative Organization (CAO) na binubuo ng
anim na kagawaran .Narito ang pamahalaang sentral na binuo ng mga
Hapones sa Pipinas.
Jorge B.Vargas

Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas


Mga Kagawaran
Mga Tagapayong Hapones
Katurungan Edukasyon,Kalusugan,at Kapakanang Bayan Panloob

Pananalapi Agrikultura at Komersiyo Gawaing Bayan at Komunikasyon

Katarungan: Edukasyon,Kalusugan at Kapakanang Bayan: Panloob:


Jose P. Laurel Claro M. Recto Benigno S. Aquino
Sr.
Pananalapi: Agrikultura at Komersiyo: Gawaing Bayan at
Komunikasyon:

Antonio delas Alas Rafael Alunan Sr. Quintin Paredes

Mga Patakarang Pang-Ekonimiya sa Panahon ng Mga Hapones

Greater East Asia Co-Prosperity Sphere


Pinangakuan ng mga Hapones ang mga Pilipino na bibigyan ng kalayaan
kung ito ay makikiisa sa patakaran nilang Greater East Asia Co-Prosperity
Sphere. Binuwag ang mga partido pulitikal at itinatag ang Kapisanan sa
Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI).

Pamahalaang Puppet
Isang Pamahalaang Puppet ang itinatag na republika. Bagaman isang
Pilipino ang pangulo, mga Hapones pa rin ang makapangyarihan. Ang
mga kautusang ipinalabas ni Pang. Laurel ay hindi ipinatupad kapag hindi
ito makakabuti para sa mga Hapones

Preparatory Commission for Philippine


Independence
Itinatag ang Preparatory Commission for Philippine Independence upang
bum ng bagong Saligang Batas. Sa bisa nito, itinatag ang Ikalawang
Republika ng Pilipinas sa pamumuno ni Jose P. Laurel bilang pangulo.

Philippine Commodities Distribution Control


Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain dahil sa pagkasira ng mga taniman
at sakahan. Ang presyo ng mga bilihin ay nagsitaasan. Upang mabigyang
lunas ang kakulangan ng pagkain, binuo ng pamahalaan ang Philippine
Commodities Distribution Control upang magrasyon ng mga pagkain.

Mickey Mouse Money


ginamit ang word na Mickey Mouse Money o ang ibig sabihin ay halos
walang halaga dahil nung unang panahon kung gusto mo ng isang
bayong na bigas kailangang tumbasan mo rin ito ng isang bayong na
Mickey Mouse Money. Block Letters Ang unang titik ay tumutukoy sa
lugar kung saan inilabas ang salapi at ang pangalawang titik ay ang dami
ng salaping inilabas ng pamahalaang Hapones.

Ikalawang Republika ng Pilipinas

Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas, opisyal bilang Republika ng


Pilipinas (Hapones: フィリピン共和国, Firipin kyōwakoku), o kilala sa
Pilipinas bilang Republika ng Pilipinas na itinataguyod ng mga Hapones,
ay isang papet na estadong itinatag noong ika-14 ng Oktubre, taong
1943, pagkatapos ng pagsakop ng Hapon sa Pilipinas. Batid ng mga
Hapones na matindi ang hangarin ng mga Pilipinong maging malaya. Ang
damdaming ito ay kinasangkapan ng mga Hapones upang mahikayat ang
mga Pilipinong makiisa sa kanilang layunin. Noong Hulyo 4, 1943
nagdaos ng kumbensyon ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa
Bagong Pilipinas) upang piliin ang 20 kasapi na bubuo sa komisyon sa
paghahanda sa kalayaan ng Pilipinas. Ang tungkulin ng komisyon ay
bumuo ng saligang batas na magiging batayan ng Republika ng Pilipinas.
Hinirang na pinuno ng komisyon si Jose P. Laurel. Ang saligang batas ng
1943 ay pinagtibay ng komisyon noong ika-4 ng Setyembre, 1943. Ang
saligang batas na ito ay nasusulat sa wikang Filipino at Ingles at binubuo
ng panimula at 12 artikulo. Itinatag nito ang Ikalawang Republika ng
Pilipinas at nagtatadhana ng pagkakaroon ng Pambansang Kapulungan
ay hihirang ng magiging pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nasa kamay
niya ang kapangyarihang ehekutibo. Walang pangalawang pangulo. Nasa
Kataas-taasang Hukuman ang kapangyarihang hudikatura. Itinatadhana
rin ang pagtatayo ng isang Konseho ng Estado na magsisilbing tagapayo
ng pangulo. Noong ika-20 ng Setyembre, 1943 pinili mula sa mga kasapi
ng KALIBAPI ang 108 kinatawan sa Pambansang Kapulungan. Hinirang ng
kapulungan bilang Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas si Jose P.
Laurel. Noong ika 14 ng Oktubre 1943 ay pinasiyahan ang Ikalawang
Republika ng Pilipinas. Sa ilalim ni Pangulong Laurel, nalikha ang mga
bagong kawanihan, tanggapan at komisyon at binago ang sistema ng
hukuman. Matamlay ang naging pagtanggap ng mga Pilipino sa
republikang ito. Batid nila na ang kalayaang ipinagkaloob ng mga
Hapones ay huwad at ang republika ay isang pamahalaang papet. Ito ay
dahil ang mga Pilipinong opisyal ay tau-tauhan lamang ng mga Hapones.
Walang kalayaan si Laurel na mamuno ayon sa mithiin ng mga Pilipino.
Ang mga tagapayo ay hindi nagpapayo kundi nag-uutos ng dapat gawin.
Ang kanilang mga iniuutos ay pawang pabor sa kagustuhan at layunin ng
mga Hapones. Ngunit may mga pagkakataong nangibabaw kay Laurel
ang kayang maka-Pilipino. Minsan hindi niya sinusunod ang mga utos ng
Hapones kung alam niyang hindi ito makabubuti sa mga Pilipino.
Ikinagagalit ito ng mga Hapones sa kanya. Ang mga pinuno ng
republikang papet ay tinaguriang kolaborador ng mga Pilipino dahil
tumutulong sila sa mga gawaing pampulitika ng mga Hapones. Bagamat
tau-tauhan lamang sila at walang tuwirang pagkakasala sa bayan, nilitis
at pinarusahan pa rin sila pagkatapos ng digmaan.
Death March
USAFFE
USAFFE (United States Army Forces in the Far East) o Hukbong Katihan
ng Estados Unidos sa Malayong Silanganwas isang pormasyon ng militar
ng Estados Unidos Army na aktibo mula 1941 hanggang 1946. Ang
punong-tanggapan ng bagong command ay nilikha noong ika-26 ng
Hulyo 1941, sa No. 1, Calle Victoria, Manila, Luzon, Pilipinas, kasama si
General Douglas MacArthur bilang komandante.Ang paglikha ng
kautusang ito ay humantong sa subordination ng punong-himpilan ng
Philippine Department of U.S. Army, bilang command service, dahil ang
pagpaplano at taktikal na kontrol ay nasa ilalim ng kontrol ng USAFFE.
oong Hulyo 17, ginawa ni Gerow ang mga sumusunod na
rekomendasyon:
Ang Pangulo ay dapat tumawag sa serbisyo ng Estados Unidos ng lahat
ng organisadong pwersang militar ng Komonwelt ng Pilipinas;. Si Heneral
MacArthur ay dapat tawaging aktibong tungkulin bilang isang Major
General at itinalaga bilang kumander ng Army Forces sa Far East;. $
10,000,000, mula sa Pondo ng Pangulo ng Pangulo ay dapat na itinalaga
upang masakop ang mga gastos ng pagpapakilos at pagsasanay ng
Philippine Army; Ang pagsasanay sa Philippine Army ay tinustusan mula
sa pondo ng asukal sa asukal, o mula sa iba pang mga pondo; at 425 mga
opisyal ng reserba ng U.S. Army ay ipapadala sa Pilipinas para tumulong
sa pagpapakilos at pagsasanay.

KEMPETAI
Kempeitai - pulis-militar ng mga Hapones na nanguna sa pagsasagawa ng
terorismo sa bansa sa pamamagitan ng pagpapahirap sa mga Pilipinong
napatutunayan o maging napaghihinalaang lumalaban sa pamahalaang
Hapon.

MAKAPILI
Ang Makapili (Malayang Katipunan ng mga Pilipino) ang mga
tumutulong sa mga Hapones na makita ang mga sinasabing
gerilya.Maraming pilipino ang nagtaksil sa bayan sa pamamagitan ng
paraang ito.

HUKBALAHAP
Ang Hukbóng Báyan Lában sa mga Hapón, mas kilala bilang Hukbalaháp,
ay isang kilusang gerilyang binuo ng Partido Komunista ng Pilipinas
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang armadong bahagi nitó
laban sa mga Hapon. Nagsimula bilang armadong kilusan laban sa mga
Hapon, ito ang nagpasiklab ng malaking rebelyon laban sa Pamahalaan
ng Filipinas sa panahon ng pamumunò ni Pangulong Carlos Quirino. Sa
panahong ito higit na ginamit ang pinaikli pang tawag na Huk sa
Hukbalahap.Ang kilusang Huk ay binubuo ng mga magsasaka mula sa
Gitnang Luzon. Sinasabing may malalim na ugat ito sa sistemang
encomienda ng mga Espanyol, isang sistemang sanhi ng pagkakaroon ng
malalawak na lupaing hawak ng iilan at ng malubhang pag-abuso sa mga
magsasaka. Ang patuloy na pagsikil sa karapatan ng magsasaka ang sanhi
ng mga kilusang nagsilang sa Huk.

Patakarang Homestead
Ang patakarang Homestead ay tumutukoy sa paggawad ng isang
sukat ng lupa ng pamahalaan na maaaring makamit ng isang
mamamayan upang tirhan o gamitin sa iba't ibang personal na
layunin.

Pagsulong ng wika
Isinatupad ang restorasyon ng Unibersided ng Pilipinas na naatasang
payabungin ang wikang pambansa at itaguyod ang diwa ng
nasyonalismo.
ENERO 1942 Pinahuntulutan ng mga Hapon ang mga Pilipino na
pamunuan ang sariling pamahalaan bagamat ito ay nasa pamamatnubay
ng batas militar. Sinikap rin nilang mapalaya ang mga Pilipino sa kamay
ng mga Amerikano at pilit na binura ang mga impluwesiyang iniwan ng
mga Anglo-Amerikano. Ordinansa Militar Blg. 13 Ipinasa noong ika- 24
ng Hulyo 1942 na nagsasaad na ang opisiyal na wika ay Niponggo at
Tagalog.PUPPET REPUBLIC Ang malasariling pamahalaan ng Pilipinas na
naglayong mabigyan ng boses ang mga Pilipino sa pamamahala ng bansa
ngunit naging sunud-sunuran lamang sa ilalim ng kapangyarihan ng mga
Hapon .Executive Order No. 10 Inilithala noong 1943 na isinaad na ang
pagtuturo ng tagalog sa lahat ng paaralang elementarya at ipinakilala
bilang isang asignatura ang pag-aaral ng wikang tagalog sa kurikulum ng
paaralan. Ang Wikang Pambansa sa Panahon ng Hapon
Anu-ano ang mga pagbabago na naganap
noong Panahon ng mga Hapon?
Co- Prosperity Sphere for Greater East Asia
Ito ay itinatag ng mga Hapones na ang layunin ay pagbuklurin ang iba't
ibang bansa sa asya at tanggalin ang mga impluwensya ng mga Anglo-
Amerikano sa kabuhayang pampulitikal at panlipunan ng mga Pilipino.
Jose P. Laurel
Naniniwala ang mga Hapon na ang "Asya ay para sa mga Asyano" at ang
"Pilipinas ay para sa mga Pilipino"
Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Lipunan (KALIBAPI
Isang pulitikal na partido na ang direktor ay si Benigno Aquino, Sr. na ang
layunin ay mapabuti ang edukasyon at moral na henerasyon at
palaganapin ang wikang Pilipino sa buong kapuluan ng Pilipinas.
Benigno Aquino, Sr.

Pagkilala sa Karapatan ng Kababaihan sa Pagboto


Sa pangunguna ni Pura Villanueva-Kalaw, isinulong ng grupo ng mga
kababaihan na mabigyan sila nang katulad na karapatan ng mga lalaki na
makaboto sa halalan. Unang pagtatangka ni Villanueva-Kalaw na
mapayagan ang mga babae na nakaboto sa pamamagitan ng panukalang
batas. Hiniling niya kay dating Assemblyman Filemon Sotto ng Cebu na
ihain sa Kongreso ang panukala noong 1907 ngunit hindi ito nakapasa.
Taong 1919 nang ipasa ng Senado sa pamamahala ni dating Senate
President Manuel Quezon ang “woman’s suffrage bill," na iniakda ni
dating Senador Pedro M. Sison. Ngunit hindi pa rin ito naging batas dahil
hindi pinagtibay ng mga mambabatas sa Kamara de Representantes. Sa
kabila ng kabiguan, lalo namang lumakas ang panawagan na payagang
makaboto ang mga Pinay. Dalawang ulit na hiniling sa Kongreso ni
Governor General Leonard Wood noong 1921 at 1923 sa Kongreso na
ipasa ang suffrage bill para sa mga kababaihan ngunit wala pa ring
nangyari.

Taong 1933 nang makalusot at maging batas ang panukala


(Commonwealth Act No. 34) na payagan ang mga babae na bumoto.
Subalit naging panandalian lang ang tagumpay dahil pinawalang-bisa ito
sa isinagawang Constitutional Convention noong 1934. Patuloy na
nakipaglaban ng mga kababaihan sa kanilang karapatan hanggang iutos
ng ConCon na idaan sa plebisito ang usapin. Nakasaad sa kondisyon na
kailangang makakuha ng 300,000 boto ng mga babae para maging batas
ang karapatan ng mga Pinay na bumoto. At sa unang pagkakataon,
bumoto ang mga babae sa plebisito noong Abril 30, 1937. Pagkatapos
bilangin ang mga boto, lumitaw na sa 492,725 babae na bumoto,
447,725 sa kanila ang nanindigan sa kanilang karapatan sa halalan.
Noong 1942, inutos ng pamahalaan na ipagpatuloy ang kampanya sa
produksyon ng pagkain upang madagdagan ang ani ng mga gulay at
paghalili sa bigas. Nagtatag ng Food Administration Noong Disyembre
1943 naitatag ang Food Administration.
Ano ang Implasyon?
nagpatuloy parin ang krisis ng pagkain gumawa siya ng mga hakbang
upang malutas ang mga suliraning pangkabuhayan.
naging hamon sa pamahalaan ni Laurel na tulungan ang mga nagugutom
at naghihirap na mga Pilipino.
Ano ang dahilan sa paghina ng produksyon at mga kabuhayan sa
Panahon ng Hapones?
ito ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyong bilihin sa halos
lahat ng pamilihan sa buong bansa.
gumawa siya ng mga hakbang upang malutas ang mga suliraning
pangkabuhayan.
nagpatuloy parin ang krisis ng pagkain.
naging hamon sa pamahalaan ni Laurel na tulungan ang mga nagugutom
at naghihirap na mga Pilipino.
gumawa siya ng mga hakbang upang malutas ang mga suliraning
pangkabuhayan.
naging hamon sa pamahalaan ni Laurel na tulungan ang mga nagugutom
at naghihirap na mga Pilipino.
Sa inyong palagay, paano tinugunan ng pamahalaan ang mga pang-
aabuso ng mga hapones dito sa ating bansa?
nagpatuloy parin ang krisis ng pagkain.
gumawa siya ng mga hakbang upang malutas ang mga suliraning
pangkabuhayan.
naging hamon sa pamahalaan ni Laurel na tulungan ang mga nagugutom
at naghihirap na mga Pilipino.
Bakit tinatawag ng mga pilipino na Mickey Mouse ang salaping inisyu ng
mga hapones sa kanilang pamumuno dito sa ating bansa?
nagpatuloy parin ang krisis ng pagkain.
gumawa siya ng mga hakbang upang malutas ang mga suliraning
pangkabuhayan.
naging hamon sa pamahalaan ni Laurel na tulungan ang mga nagugutom
at naghihirap na mga Pilipino.
Pagtatag ng mga tanging hukuman para sa mga kaso.
Nagtatag ng bigasan sa bayan.
Pagtatag ng mga Kooperatiba sa Maynila.
Nagtatag ng Food Administration.
Nagtatag ng Bigasan sa Bayan
Enero 1944 itinatag ang bigasan sa bayan. (BIBA).
Pagtatag ng mga tanging hukuman para sa mga kaso
itinatag ni Laurel ang mga tanging hukuman para sa mga kaso ng
pananamantala (profiteering) at pag-iimbak ng pagkain (hoarding).
Pagtatag ng mga Kooperatiba sa Maynila
para makatulong sa BIBA sa pagtitipon ng mga butil.
Naglikha ng National Distribution Corporation
Nilikha ni Laurel ang National Distribution Corporation (NADISCO).
Sinunod naman ang mga tao ang utos ng pamahalaan, subalit nanatili
parin ang problema sa kakulangan ng bigas.
Ititnatag ito upang mangasiwa sa mga gawain ng mga ahensyang may
kinalaman sa produksyon ng pagkain, pamamahagi nito at pagkontrol ng
presyo.
Layunin nito para mangasiwa sa maayos na pamamahagi ng mga
pangunahing bilihin.
pinangasiwaan ito ng mga pilipino at tanging pilipino lamang ang
maaring bumili.
layunin nito para mangasiwa sa pagbili ng bigas at iba pang butil.
ang mga grabeng kaso ay maaring parusahan ng panghabam-buhay na
pagkabilanggo o kamatayan.
More presentations by ronie amit

You might also like