You are on page 1of 23

MGA HAMON SA

KASARINL AN NG
PILIPINAS
P R E PA R E D B Y V A LY N R . ENC ARNAC I ON
MAHALAGANG TANONG
Paano hinarap ng mga Pilipino ang
pangunahing suliranin at hamon sa
kasarinlan ng bansa pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
• Mababasa sa maraming aklat sa kasaysayan na ang
Pilipinas ang unang bansa sa Asya na nagkamit ng
kalayaan mula sa kamay ng mga kanluraning
mananakop. Sinasabing nakamit ng bansa ang
kasarinlan noon pang Hunyo 12, 1898. Ngunit alam
mo bang marami ring nagsasabing ang Pilipinas ay
hindi pa ganap na Malaya noong 1898, sapagkat hindi
pa ito maituturing na isang ganap na estado?
• Ano nga ba ang estado?
ANG PAGSILANG NG IKATLONG REPUBLIKA
• Ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas ay patuloy na umiral sa
Washington, USA kahit napasailalim ang bansa sa kapangyarihan ng mga
Hapones. Si Quezon ay nanungkulan bilang pangulo ng Komonwelt
hanggang sa siya ay mamatay. Humalili sa kanya ang pangalawang
pangulong si Sergio Osmeña.
• Tinupad ng Estados Unidos ang pangako nitiong pagkakaloob ng
kasarinlan sa Pilipinas tulad ng itinadhana sa Batas Tydings-McDuffie.
• Nang mamatay si Roosevelt, humalili sa kanya ang pangalawang
Pangulong si Harry Truman. Ipinagpatuloy ni Trumann ang mga programa
ni Roosevelt para sa Pilipinas partikular na ang pagkakaloob ng
kalayaan sa Pilipinas noong Hulyo 4, 1946.
• Nangako ang Amerika na tutulungan ang bansa sa
pagbangon pagkatapos ng matinding dagok na
dinanas sa nagdaang digmaang pandaigdig.
• Noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ni Harry S.
Truman ang kasarinlan ng Pilipinas.
• Ganap ng inalis ang Pilipinas sa kapangyarihan ng
mga Amerikano at tuluyan nang nagsarili bilang
isang republikang nag-aangkin ng ganap na
soberaniya bilang estado.
• Bilang tanda ng pagpapahayag sa kasarinlan ng Pilipinas ay binasa
ni Paul McNutt, komisyonado ng Amerika ang pahayag ni
Truman na nagsabing:
“the United States of America hereby withdraws and surrenders
all rights of possession, supervision, jurisdiction, control of
sovereignty now existing and exercised by the United States of
America in and over the territory and people of the Philippines and
on behalf of the United States of America, I do hereby recognize the
independence of the Philippines as a separate and self-governing
nation and acknowledge the authority and control over the same of
the Government instituted by the people thereof under the
constitution now in force….
•Pagkatapos nito ay ibinaba ang bandilang
Amerikano at itinaas ang bandilang Pilipino
bilang tanda ng pagwawakas ng kapangyarihan
ng Estados Unidos sa Pilipinas.
•Ito ang pagsisimula ng Pilipinas bilang isang
ganap na estado na ngayo’y kabilang na sa
mga bansang malalaya at nagsasarili.
HAMON AT SULIRANIN SA KASARINLAN PAGKATAPOS
NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Labis ang pinsalang natamo ng Pilipinas dulot ng nagdaang digmaang pandaigdig. Kaya
ng maging isang ganap na Republika ang Pilipinas noong 1946, naharap ito sa
malaking suliranin tulad ng mga ss:
1. Pagsasagawa ng malawakang pagbabagong-tatag upang
muling maibangon at maitayo ang mga nawasak na mga tirahan
at gusali.
2. Pagresolba sa pagkakaroon ng malaking kakulangan sa
mga hayop na gagamitin sa pagsasaka na nangamatay sanhi ng
digmaan.
3. Pagsasaayos ng mga taniman at sakahan upang muling
mapakinabangan at mataniman
4. Paglutas sa suliranin sa salapi dulot ng
pagkabangkarote ng pamahalaan sanhi ng pananakop
ng Hapones
5. Pagsasaayos ng mga industriyang nasira sa
pamamagitan ng pang-aangkat ng mga bagong
makinarya
6. Pag-aangkop ng Sistema ng Edukasyon sa
bagong kalayaan ng bansa
7. Pag-aangat sa pagpapahalagang-moral at
espiritwal ng mga Pilipinong lubos na naapektuhan
sanhi ng giyera.
SULIRANING PANGKABUHAYAN AT PANLIPUNAN
• Tinatayang pangalawa ang Pilipinas sa Warsaw, Poland sa lawak
ng pinsalang natamo nang bagsakan ito ng bomba noong
digmaan. Nasunog ang ilang gusali sa Maynila tulad ng
Philippine General Hospital (PGH), Unibersidad ng Pilipinas
(UP) at Batasan.
• Ang Intramuros na kinagawiang sentro ng kultura at politika ay
naging bodega ng mga kompanyang nagkakargamento at naging
tirahan ng mga informal settler na galing sa probinsya.
• Maraming tao ang galing probinsya na nagsilipat sa Maynila sa
pag-aakalang magiging maganda ang kanilang buhay dito
• Maraming tao ang nagtayo ng tirahan sa mga estero, tabi ng
riles ng tren, gilid ng parke, ilalim ng tulay, at sa mga bakanteng
loteng pag-aari ng bayan o pribadong mamamayan. Laganap
ang problema sa isyu ng “squatting”
• Dahil dito, nagsikip ang Kamaynilaan at ang Lungsod Quezon
(Quezon City)
• Upang masolusyunan ang problemang ito, itinatag ng
pamahalaan ang Pambansang Pangasiwaan ng Paglilipat-tirahan
at Pagsasaayos (National Resettlement and Rehabilitation
Administration o NARRA)
• Ang samahang ito ang nangasiwa sa paglilipat ng mga “informal
settlers”
UGNAYANG PILIPINO-AMERIKANO SA ISYUNG PANGMILITAR
AT KALAKALAN AT REAKSIYON NG MGA PILIPINO
PHILIPPINE REHABILITATION ACT
• Dahil sa pinsalang dulot ng digmaan, napilitan si Pangulong Manuel
Roxas na tanggapin ang tulong pinansiyal na pinagkaloob ng mga
Amerikano. Pinagtibay ng Kongreso ang Philippine Rehabilitation Act
kung saan ipinagkaloob ng mga Amerikano ang halagang $620 milyon.
• Inilaan ang $120 milyon sa pagpapagawa ng mga tulay, kalsada at iba
pang impraestrukturang kailangan para maayos ang pamumuhay ng
mga mamamayan. Ang $100 milyon para sa kagamitang military. Ang
$400 ay para sa iskolarship ng mga Pilipinong ipapadala sa US upang
mag-aral. Ang matututuhan nila ay gagamitin sa pagpapabuti ng
kalagayan ng bansa
BELL TRADE ACT AT PARITY RIGHTS
• Naglaan din ng halagang $800 milyon bilang bayad-pinsala sa mga ari-arian
ng mga sibilyang naapektuhan ng digmaan. Para makuha ito pinatibay ang
Bell Trade Act o ang malayang kalakalan sa pagitan ng Amerika
at Pilipinas sa loob ng walong taon mula 1946 hanggang 1954.
• Hindi patas ang kasunduan dahil malayang nadadala ng US ang mga kalakal
sa Pilipinas. Samantang ang Pilipinas ay may kota ang mga pangunahing
kalakal.
• Itinakda rin ang Parity Rights – ang magkaroon ng pantay na karapatan
ang mga Amerikano sa mga Pilipino na magnegosyo sa bansa.
• Maituturing itong labag sa batas dahil ayon sa ating Saligang Batas ang
dayuhan ay dapat 60 porsiyento ng negosyo ay pag-aari ng Pilipino sa mga
negosyong nagbibigay ng serbisyo sa publiko tulad ng edukasyon,
telekomunikasyon at elektrisidad.
KASUNDUANG BASE MILITAR
Isa pang ginawa ni Pangulong Manuel Roxas na nagbigay ng higit pang
kapangyarihan sa Amerika na mahawakan ang bansa ay ang paglagda
niya sa Military Bases Agreement (MBA) noong Marso 14, 1947. Ito
ay ang pananatili ng 23 base-military ng Amerika sa iba’t ibang sulok
ng Pilipinas gaya ng Clark Air Base sa Pampanga, Subic Naval Base sa
Olongapo, Zambales at Camp John Hay sa Baguio.
REAKSIYON NG MGA PILIPINO
Umani ng matinding batikos ang mga administrasyong Roxas. Para
sa marami ay naging Pro-American si Roxas na nagbigay daan sa
neocolonialism – isang paraan ng panghihimasok ng malakas na
bansa sa pamamagitan ng panggigipit sa ekonomiya at politika at
makontrol o maimpluwensiyahan ang kalayaan.
Dahil dito tumindi ang colonial mentality ng mga Pilipino
PUNAN ANG FISH BONE ORGANIZER
Talakayin ang itinakda ng Bell Trade Act at ang kaugnayan nito
sa parity rights sa tulong ng paksang nakatala sa ibaba.

Bunga ng mga ito sa kalakalan ng Estados Unidos at ating bansa


Gamit ang graphic organizer, talakayin ang mga katanungang nakatala sa ibaba:
Bilang pagpapahalaga, lagyan ng tsek (√) ang mga gawaing sa
palagay mo ay naging epekto ng “colonial mentality” pagkatapos
ng ikalawang Digmaang Pandaigdig. Magbigay ng paliwanag para
sa iyong napiling sagot.
1. Pagtangkilik sa sariling atin
Paliwanag: _________________________
2. Paghanga at gawing panginoon ang mga dayuhan
Paliwanag: __________________________
3. Pag-asa na lamang sa mga programang pang-ekonomiyang
inaalok ng mga dayuhan
Paliwanag: _________________________
4. Pagmamalaki sa ating kultura
Paliwanag: ______________________
5. Pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan
Paliwanag: ______________________
MAGSAGAWA NG ISANG PANEL DISCUSSION
Hatiin sa tatlong pangkat ang klase upang higit na mabigyang-diin ang
bawat kasunduan nang panahong iyon. Bawat pangkat ay pipili lamang
ng isang kasunduang bibigyang-diin.

Philippine Rehabilitation Act Parity Rights

Kasunduang Base-Militar
RUBRICS
PAMANTAYAN LAANG AKING
PUNTOS PUNTOS
1. Nagpakita ng mastery at pokus sa paksang tinalakay.
5
2. Nasagot ang lahat ng tanong ng mga manonood nang
wasto, kasiya-siya, at may paggalang.
5
3. Nagpamalas ng tiwala sa sarili sa pamamagitan ng
maayos at malinaw na pagpapahayag ng mga
5
impormasyon at emosyon.
Kabuuang Puntos
15
5 – napakahusay 3 – katamtaman 1 – sadyang di mahusay
4 – mahusay 2 – di gaanong mahusay

You might also like