You are on page 1of 35

Araling Panlipunan

6
Ika-apat na Markahan
Modyul 2 ( Aralin 3 at 4 )
People Power Revolution 1

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Aralin Mga Pangyayari na
Nagbigay-daan sa Pagbuo ng
“People Power Revolution 1”
3
Layunin

Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na

nagbigay-daan sa pagwawakas ng Batas Militar
 Naiisa-isa ang mga pangyayari na nagbigay- daan sa pagbuo ng
“People Power Revolution 1”

Tuklasin

Magandang araw!
Hindi na nakayanan ng mga tao ang paghihirap na
kanilang naranasan dulot ng deklarasyon ng Batas
Militar na naganap sa ilalim ng pamumuno ni
Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ang mga karanasang
ito at ang mga sumusunod na pangyayari ang nagbigay-
daan sa isang mahalagang kaganapan sa kasaysayan
ng demokrasya ng Pilipinas- ang 1986 People Power
Revolution 1.

7
Gawain 1.1

Basahing mabuti ang mga pangyayari na nagbigay- daan sa pagbuo ng

People Power Revolution 1 upang maiisa-isa mo ito pagkatapos ng aralin.

Mga Pangyayari na
Nagbigay-daan sa
Pagbuo ng People
Power Revolution 1

Deklarasyon ng Batas Militar

Isinailalim ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang
Pilipinas sa Batas Militar noong Setyembre 21,1972 sa
bisa ng Proklamasyon 1081.Nagkaroon ng mga
programang pang-agrikultura , pangkalikasan at
pangkultura. Naging tampok na proyekto rin ang iba’t
ibang imprastraktura tulad ng mga tulay,kalsada at mga
paaralan.
Sa kabila ng mga nabanggit na programa ay nagkaroon ng malawakang
paglabag sa karapatang pantao,pagpahirap sa mga bilanggo, paghuli at
pagkulong sa mga kalaban ni Marcos sa politika, pagbawal sa pagsagawa ng
rali at demonstrasyon at paglimita sa kalayaan sa pagpapahayag ng mga
mamamayan.

Kailan isinailalim ni Pangulong Marcos

ang Pilipinas sa Batas Militar?

Ano-ano ang mga mabuti at di-

mabuting nagawa niya sa ilalim ng
batas na ito?

Tama ba ang iyong mga

sagot?Tingnan sa pahina
13 . Kung tama magaling !
Kung hindi basahing muli
ang tungkol sa deklarasyon
ng Batas Militar.

8
PPPPagbagsak ng Ekonomiya

Maraming dahilan kung bakit bumagsak ang ekonomiya ng bansa sa

ilalim ng pamamahala ni Pangulong Marcos tulad ng:
 Pagpaslang sa kalaban at pangunahing kritiko ni Pangulong Marcos na
si dating Senador Benigno A. Aquino, Jr. noong Agosto 21, 1893 nng
siya ay bumalik sa Pilipinas.
 Pagkaroon ng sunod-sunod na rali at demonstrasyon na humiling na
bigyang katarungan at pagpaslang kay Aquino, pagpapalaya sa mga
political prisoners at ang pagbalik ng kalayaan at katarungan sa ating
bansa.
 Pagtaas ng halaga ng langis.
 Malaking utang ng Pamahalaang Marcos sa World Bank at International
Monetary Fund(IMF) na umabot sa mahigit 17.2 bilyong dolyar.
 Paglisan ng mga dayuhang namuhunan sa mga kalakal sa bansa.
 Pagsara sa maraming bangko.
 Paglipat ng mga puhunan ng mga negosyanteng Pilipino sa ibang
bansa.
 Pag-alis ng mga mamamayan ng kanilang perang nakalagak sa mga
bangko.
 Pagtanggi ng mga bangko na magpautang pang muli sa pamahalaan.
 Pag-iwas ng mga turistang na pumunta sa ating bansa dahil walang
seguridad.
 Pagtaas ng halaga ng dolyar at pagbaba ng halaga ng piso.
 Paghina ng produksyon dahil sa kakulangan ng pundo na naging
dahilan ng pagbawas ng manggagawa o tuluyang pagsasara ng mga
pabrika.

Dahil sa laganap na kahirapan na dinaranas ng bansa, lalong umigting

ang galit at hinagpis ng mga tao sa pamahalaan.

Bakit bumagsak ang

ekonomiya ng Pilipinas sa
panahon ng Batas Militar?

Bakit umigting ang galit at

hinagpis ng mga tao sa
pamahalaan?

9
Pagtiwalag ng Militar

Itinatag ng mga junior military officers ng Sandatahang

Lakas ng Pilipnas o Armed Forces of the Philippines (AFP) ang
Reform the Armed Forces Movement o (RAM). Layunin nito na
ayusin ang sistema ng pamamahala at pagkakaloob ng mga
posisyon sa hanay ng mga militar at matigil ang korapsiyon, mga
ilegal at kriminal na gawain na kinasangkutan ng mga opisyales
ng Sandatahang Lakas. Ang padrino system ( pagkaloob ng
posisyon at pagbigay ng pabor sa mga kaibigan at kakilala na
may mataas na posisyon) sa AFP ay tinutulan ng RAM.
Hindi nakagawa ng pagbabago ang RAM sa
pamamagitanng mapayapang paraan. Ipinasya nitong magkodeta
o pag- agaw sa kapangyarihan ng pamahalaan. Natuklasan ito ni
Marcos at dinakip ang mga opisyal. Noong Pebrero 22, 1986,
tumiwalag sa pamahalaan sina Minister Juan Ponce Enrile ng
Tanggulang Pambansa at Hen. Fidel Ramos, Vice Chief of Staff.
Mula sa Kampo Aguinaldo nagpasiya sina Enrile, Ramos at mga
kasama nilang sundalo na lumipat sa Kampo Crame.

Bakit nawalan ng kasiyahan sa

hukbo ang mga batang opisyal ng
Hukbong Sandatahan ng Pilipinas?

Ano-ano ang mga naganap sa

Pebrero 22, 1986?

10
Asasinasyon / Pagpaslang kay Sen. Benigno C. Aquino,Jr.II

Bumalik sa Pilipinas si Sen. Ninoy Aquino, matapos ang tatlong

taong panatili sa Amerika.Pinaslang si Sen. Aquino noong Agosto
21,1983 sa pagkababa niya sa eroplano sa Manila International
Airport habang siya ay patungo sa pribadong sasakyan na inilaan
para sa kanyang kaligtasan.Maliban sa kaniya, pinaslang din si
Rolando Galman na sinsabing pumatay kay Sen.Ninoy Aquino.
Ang asasinasyon kay Aquino ay lalo pang nagpalalim sa
naramdamang galit ng mamamayan sa pamahalaan dahil
pinaniwalaan nila na si Marcos ang nasa likod ng nasabing
krimen.Sunod-sunod na rali at demonstrasyon bilang protesta sa
pagpaslang kay Ninoy, sa mga katiwalian ng pamahalaan at hiningi
ang pagbitaw ni Marcos sa panunungkulan.

Kailan at saan naganap ang asasinasyon kay

Sen. Aquino?

Bakit nagprotesta ang mga tao matapos

paslangin si Benigno “Ninoy” Aquino,Jr. II?

11
Dagliang Halalan / 1986 Snap Election

Dahil sa krisis pang-ekonomiya,

pagkamatay ni Benigno Aquino, paglabag
sa karapatang pantao, pagkulong sa
mga kalaban ni Marcos sa politika at sa
malawakang kilos-protesta, humina
ang suporta at pagkilala kay Pangulong
Marcos sa labas ng Pilipinas.Upang
patunayan na siya pa rin ang nais ng
taong bayan na mamuno,tumawag siya
ng snap election o dagliang halalan noong
Pebrero 7,1986.Pinili ng mga nagkaisang
Pilipino si Corazon Aquino na tumakbo
bilang pangulo laban kay Marcos.
Nangyari ang malawakang dayaan sa eleksiyon.Patunay dito ang pag-alis
ng mga computer technicians dahil pinipilit sila na baguhin ang bilang ng boto
pabor para kay Marcos.Matapos ang bilangan,dalawa ang naging pangulo ng
Pilipinas.Idineklara ng Batasang Pambansa na si Marcos ang nanalo.Ayon
naman sa National Movement for Free Elections( NAMFREL),SI Corazon
Aquino ang nagwagi.Nag-ikot si Cory sa iba’t ibang bahagi ng bansa at
nanawagan na iboykot ang mga produkto ng mga kompanya na kilalang crony o
kaalyado ni Pangulong Marcos.

Bakit tumawag ng snap election si

Pangulong Marcos?
Kailan naganap ang snap election?
Sino ang pinili ng nagkaisang
Pilipino na tumakbo bilang pangulo
laban kay Ferdinand Marcos?
Ano ang nangyari sa eleksiyon?

Tama ba ang iyong mga

sagot,
tingnan sa pahina 14.
Kung mali,
muling basahin ang tungkol
sa
dagliang halalan upang
lalong maunawaan ito.

12
Gawain 1.2

Gamit ang cluster map, iisa-isahin ang mga pangyayaring nagbigay-daan

tungo sa 1986 Snap Election. Isulat sa loob ng bawat bilog ang iyong
mga sagot.

Mga
Pangyayaring
Nagbigay-daan
tungo sa 1986
Snap Election

Tingnan ang pahina 14 para malaman kung tama ba ang iyong mga sagot.

13
Suriin

Gawain 2.1

Suriin ang mga pangyayaring kaugnay sa pagbigay-daan tungo sa pagbuo

ng People Power Revolution 1.Lagyan ng ☺ ang patlang.(Gawin ito sa
Apendiks 2.1)

___________1.Pagbaba ng halaga ng pananalapi

___________2.Pagkakaroon ng snap election
_____________ 3.Pamumuno ng simbahang Katoliko
___________4.Pagpaslang kay Ninoy Aquino
___________5.Pagdami ng mga dayuhan sa bansa
___________6.Deklarasyon ng Batas Militar
___________7.Pagtiwalag ng mga sundalo sa pamahalaan
___________8.Pagbagsak ng ekonomiya
___________9.Pagsulat ng Saligang Batas 1987
___________10.Bumaba ang bilang ng rebelde laban sa pamahalaan

Tama ba ang iyong mga sagot ?

Tingnan sa pahina 14.

Magaling kung tama, kapag

hindi tingnan muli ang tungkol
sa mga pangyayaring
nagbigay-daan tungo sa
pagbuo ng People
Power Revolution 1.

14
Pagyamanin

15
Gawain 3.1

Panuto:Gamit ang tree diagram, iisa-isahin ang mga pangyayari na

nagbigay-daan sa People Power 1. Hanapin ang mga pangyayari
sa loob ng kahon. Titik lang ang isagot.

a. Pagtaas ng halaga ng dolyar

b. Itinatag ang Reform the Armed Forces Movement (RAM)
c. Malawakang paglabag sa karapatang pantao
d. Pagbawal sa pagsagawa ng rali at demonstrasyon
e. Pinaslang si Ninoy Aquino sa Manila International Airport
f. Nangyari ang malawakang dayaan sa eleksiyon
g. Pagsara ng maraming bangko
h. Paghuli sa mga kalaban ni Marcos sa politika
i. Ayon sa NAMFREL, Si Corazon Aquino ang nagwagi sa pagkapangulo
j. Malaki ang utang ng pamahalaang Marcos sa World Bank
k. Mula sa Kampo Aguinaldo lumipat sina Enrile at Ramos sa Kampo Crame
l. Pinaslang din si Rolando Galman na sinasabing pumatay kay Aquino
m. Pagkatapos nailibing si Aquino, hiningi ang pagbitaw ni Marcos sa
Panunungkulan
n. Idineklara sa Batasang Pambansa na si Marcos ang panalo
o.Tinutulan ang padrino system

Mga Pangyayari na Nagbigay-daan sa

People Power 1

Deklarasyon ng Pagbagsak ng Pagtiwalag ng

Batas Militar Ekonomiya Militar

1 3 4 6 7 9
2 5 8

Pagpaslang ni Dagliang Halalan

Ninoy Aquino 1986

10 12 13 15
11 14

Isaisip
16
Gawain 4.1

Isa sa mga pangyayari na nagbigay-daan sa People Power 1 ay ang

deklarasyon
ng Batas Militar sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos.Sa panahong ito
naranasan ng mga Pilipino ang pagkawala ng kalayaan at karapatan.

Kung ikaw ay nabubuhay sa panahon ng Batas Militar,ano ang maitutulong

mo
upang maibalik ang nawalang kalayaan at karapatan?

_____________________________________________________________________

Gawain 4.2

Naghihikahos ang maraming Pilipino dahil sa COVID-19 na patuloy na

lumalaganap hindi lang sa ating bansa kundi sa buong daigdig.

Bilang isang anak,paano ka makakatulong sa iyong pamilya na malabanan

ang sobrang kahirapan sa buhay dulot ng pandemyang ito?

____________________________________________________________________

_______________________________________________________________

17
Tayahin

Gawain 5.1

Gamit ang ladder web, iisa-isahin ang mga pangyayaring nagbigay-daan

tungo sa pagbuo ng People Power Revolution 1 noong 1986.Piliin sa
kahon ang mga pangyayari.

Mga Pangyayari na Nagbigay-daan sa

People Power Revolution 1

●Paghirang sa mga miyembro ng Komisyong Konstitosyonal

●Nabawasan ang mga Overseas Filipino Workers
● Dagliang Halalan 1986
●Asasinasyon kay Ninoy Aquino
●Krisis pang-ekonomiya
●Patuloy na demokrasya
●Paglahok sa mga proyektong pambayan
●Pagkaroon ng mga komunista
●Proklamasyon ng Batas Militar
18
●Kawalang tiwala sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Apendiks

Gawain 1.1

Pangalan:______________________________________________ Iskor:_________
Sagutin:
1. Kailan isinailalim ni Pangulong Marcos ang Pilipinas sa Batas Militar?

2. Ano-ano ang mga mabuti at di-mabuting nagawa ni Marcos sa ilalim ng Batas

Militar?

3. Bakit bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ng Batas Militar?

4. Bakit umigting ang galit at hinagpis ng mga tao sa pamahalaan?

5. Bakit nawalan ng kasiyahan sa hukbo ang mga batang opisyal ng Hukbong

Sandatahan ng Pilipinas?

6.Ano-ano ang mga naganap sa Pebrero 22, 1986?

19
7.Kailan at saan naganap ang asasinasyon kay Sen. Aquino?

8.Bakit nagprotesta ang mga tao matapos paslangin si Benigno “Ninoy” Aquino,Jr. II?

9. Bakit tumawag ng snap election si Pangulong Marcos?

10. Kailan naganap ang snap election?

11. Sino ang pinili ng nagkaisang Pilipino na tumakbo laban kay Ferdinand Marcos?

12. Ano ang nangyari sa eleksiyon?

20
Gawain 1.2

Pangalan:____________________________________________Iskor:_________

Gamit ang cluster map, iisa-isahin ang mga pangyayaring nagbigay-daan

tungo sa pagbuo ng People Power Revolution 1. Isulat sa loob ng bawat bilog ang
iyong
mga sagot.

Mga
Pangyayari na
Nagbigay-daan
sa People Power
Revolution 1

21
Gawain 2.1

Pangalan:_____________________________________ Iskor:________

Suriin ang mga pangyayaring kaugnay sa pagbigay-daan tungo sa pagbuo

ng People Power Revolution 1. Lagyan ng ☺ ang patlang.

___________1.Pagbaba ng halaga ng pananalapi

___________2.Pagkakaroon ng snap election

___________3.Pamumuno ng simbahang Katoliko

___________4.Pagpaslang kay Ninoy Aquino

___________5.Pagdami ng mga dayuhan sa bansa

___________6.Deklarasyon ng Batas Militar

___________7.Pagtiwalag ng mga sundalo sa pamahalaan

___________8.Pagbagsak ng ekonomiya

___________9.Pagsulat ng Saligang Batas 1987

___________10.Bumaba ang bilang ng rebelde laban sa pamahalaan

Gawain 3.1

Pangalan:_____________________________________________Iskor:_________

. Panuto:Gamit ang tree diagram, iisa-isahin ang mga pangyayari na

nagbigay-daan sa People Power 1. Hanapin ang mga pangyayari
sa loob ng kahon. Titik lang ang isagot.

a. Pagtaas ng halaga ng dolyar

b. Itinatag ang Reform the Armed Forces Movement (RAM)
c. Malawakang paglabag sa karapatang pantao
d. Pagbawal sa pagsagawa ng rali at demonstrasyon
e. Pinaslang si Ninoy Aquino sa Manila International Airport
f. Nangyari ang malawakang dayaan sa eleksiyon
g. Pagsara ng maraming bangko
h. Paghuli sa mga kalaban ni Marcos sa politika
i. Ayon sa NAMFREL, Si Corazon Aquino ang nagwagi sa pagkapangulo
j. Malaki ang utang ng pamahalaang Marcos sa World Bank
k. Mula sa Kampo Aguinaldo lumipat sina Enrile at Ramos sa Kampo
Crame

22
Mga Pangyayari na Nagbigay-daan sa
People Power 1

Deklarasyon ng Pagbagsak ng Pagtiwalag ng

Batas Militar Ekonomiya Militar

1 3 4 6 7 9
2 5 8

Pagpaslang ni Dagliang Halalan

Ninoy Aquino 1986

10 12 13 15
11 14

Gawain 4.1

Pangalan:_____________________________________________Iskor:_________

Isa sa mga pangyayari na nagbigay-daan sa People Power 1 ay ang

deklarasyon ng Batas Militar sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos.Sa
panahong ito naranasan ng mga Pilipino ang pagkawala ng kalayaan at karapatan.

Kung ikaw ay nabubuhay sa panahon ng Batas Militar,ano ang maitutulong mo

upang maibalik ang nawalang kalayaan at karapatan?

___________________________________________________________________

Gawain 4. 2

23
Naghihikahos ang maraming Pilipino dahil sa COVID-19 na patuloy na
lumalaganap hindi lang sa ating bansa kundi sa buong daigdig.

Bilang isang anak,paano ka makakatulong sa iyong pamilya na malabanan ang

sobrang kahirapan sa buhay dulot ng pandemyang ito?

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

______________________________________________________________

Gawain 5.1

Pangalan:_____________________________________________Iskor:_________

Gamit ang ladder web, iisa-isahin ang mga pangyayaring nagbigay-daan

tungo sa pagbuo ng People Power Revolution 1 noong 1986.Piliin sa
kahon ang mga pangyayari.

Mga Pangyayari na Nagbigay-daan sa

People Power Revolution 1

24
●Paghirang sa mga miyembro ng Komisyong Konstitosyonal
●Nabawasan ang mga Overseas Filipino Workers
● Dagliang Halalan 1986
●Asasinasyon kay Ninoy Aquino
●Krisis pang-ekonomiya
●Patuloy na demokrasya
●Paglahok sa mga proyektong pambayan
●Pagkaroon ng mga komunista
●Proklamasyon ng Batas Militar
●Kawalang tiwala sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas

Ang Kontribusyon ng “People Power 1”sa

Aralin Muling Pagkamit ng Kalayaan at
4 Kasarinlan sa Mapayapang Paraan

Layunin

 Natatalakay ang mga pangyayari sa bansa na nagbigay –daan sa

pagwawakas ng Batas Militar
1.Nabibigyang halaga ang kontribusyon ng ”People Power 1”sa
muling pagkamit ng kalayaan at kasarinlan sa mapayapang
paraan

Ikaapat na Araw

Magandang bati!
Alam mo ba kung paano nakamit muli ng mga
Pilipino ang demokrasya sa mapayapang paraan?

25
Tuklasin

Alam mo, matapos ang 21 taong

panunungkulan, bumagsak sa kapangyarihan si
Pangulong Ferdinand E. Marcos. Hindi niya
nakayanan ang nagkaisang lakas ng bayan o
People Power 1.Sa pamamagitan ng pagkakaisa,
sama-samang pagkilos at taimtim na panalangin,
nagkaroon ng isang mapayapang rebolusyon o
pagbabago.
People Power 1 o Rebolusyon sa EDSA

Ang People Power 1 ay isang mapayapang

demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa
Pilipinas, mula Pebrero 22-25 ng taong 1986.
Tinatawag itong Rebolusyon sa EDSA
(Epifanio de los Santos Avenue) dahil
nagpamalas ito ng Tunghayan natin kung
lakas ng bayan makasaysayang pangyayari ng People
ang saan
Power, ang pamana ng sambayanang Pilipino sa daigdig. Ang
nagbukludbuklod ang iba’t-ibang sektor ng
kontribusyon nito sa muling pagkamit ng kalayaan at kasarinlan at
lipunan upang ipahayag
kung paanoang pagtutol
natin sa
ito mabibigyang halaga.
diktadura at igiit ang kanilang hininging pagbabago.
Sa “EDSA Rebolusyon ”ay nagsimula nang tumiwalag sina Juan Ponce
Enrile,ang kalihim ng Tanggulang Pambansa at Fidel B. Ramos, Vice Chief of
Gawain 1.1
Staff” ng Sandatahang Lakas. Sinuportahan nila si Corazon Aquino dahil siya
ang nanalo mabuti
Panuto:Basahing sa halalan.Hiningi nila upang
ang teksto sa kahon ang pagbitiw
maunawaanni itoMarcos sa
at masagot
ang mga kasunod na tanong
panunungkulan.Nanawagan .
sila sa mamamayan na suportahan ang kanilang
pagkalas.

26
Ano ang People Power 1?
Kailan at saan ito naganap?
Bakit tinatawag itong Rebolusyon sa
EDSA?
Paano ito nagsimula ?

Nanawagan sina Corazon Aquino at Arsobispo ng Maynila,

Jaime Cardinal Sin sa mga mamamayan na magpunta sa EDSA
upang suportahan sina Enrile ,Ramos at kasamahang sundalo na
tumiwalag sa pamahalaang Marcos. Maraming tumugon sa
kanilang panawagan. Nagkaisa ang maraming tao na nakilahok
mahirap man o mayaman -mga sibilyan, sundalo at alagad ng
simbahan .Nagdala din sila ng kanilang pangangailangan tulad ng
pagkain, gamot at inumin para sa mga nagbarikada.

Napigilan ang mga sundalong tapat kay Marcos na makapasok

sa Kampo Crame na kinaroonan nina Enrile at Ramos.Sa pakiusap
ng taumbayan sa mga sundalo isa-isang iniwan nila si Marcos.

Noong Pebrero 25,1986, ang buong pamilya ni Marcos kasama

ang malalapit na kamag-anak, kaibigan at kapartido ay tumakas sa
Hawaii,Estados Unidos sa tulong ng United States. Nagtagumpay
ang People Power 1.

Sino-sino ang mga nanawagan na

magpunta sa EDSA?
Sino-sino ang tumugon sa
kanilang panawagan ?
Paano nila sinuportahan ang mga
nagbarikada?
Paano nagwakas ang People
Power 1?

27
Mahalagang kontribusyon ng EDSA People Power 1 ang pagpatalsik sa
pamahalaang Marcos at ito ang naging simula sa pagsulong ng demokrasya.
Nabigyan ang mga Pilipino ng pagkakataon na maging malaya at naipaglaban
ang kalayaan upang magkaroon ng demokrasya ang bansang Pilipinas.
Ang rebolusyong ito ang nagpasawalang bisa ng Saligang Batas 1972 na
pinalitan ni Corazon Aquino ng Saligang Batas 1987 na siyang ating
kasalukuyang saligang batas. Isinasaad sa Saligang Batas na hindi na
maaaring tumakbo muli ang isang presidente ng bansa. Binigyan lang ng anim
na taon para mamuno.

Ano-ano ang mahalagang kontribusyon ng

EDSA People Power 1?

28
Mahalaga ang People Power sapagkat ipinamalas nito sa
daigdig na ang mga Pilipino ay nagkaisang lumaban sa
diktaturang pamahalaan para maibalik ang demokrasya.
Pinatunayan ng mga Pilipino na ang pagbabago ay maaaring
maisagawa sa isang mapayapang rebolusyon.
Ang mga Pilipino ay hindi na muling papayag na mawala ang
kalayaan, karapatan at katarungan sa bansa kaya ingatan at
bantayan natin ‘to. Ipagmalaki natin ang People Power. Ipagdiriwang
ito taon-taon. Purihin ang mga Pilipinong lumahok sa mapayapa
ngunit epektibong rebolusyon. Sa panahon ng eleksiyon, piliin at
ihalal lamang ang mga kandidatong may pagmamahal sa
demokrasya.Tutulan ang mga kalabisan ng mga namumuno.
Maki-alam at maki-isa sa mga gawain ng pamahalaan.

Gawain 1.2

Panuto: Basahing maigi ang teksto sa itaas.Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa
kahalagahan ng People Power sa muling pagkamit ng kalayaan at kasarinlan sa
mapayapang paraan.Isulat sa kahon ang iyong talata.

Rubrik sa Pagsulat ng Talata

Napakahusay Mahusay Mahusay-husay Di -gaanong-

5 4 3 Mahusay 1

May kaisahan May kaisahan ang May kaisahan ang Walang kaisahan
ang mga mga kaisipan mga kaisipan
kaisipan

Ugnay-ugnay Ugnay-ugnay ang Di-gaanong ugnay - Di ugnay-ugnay

ang mga mga kaisipan ugnay ang mga ang mga kaisipan
kaisipan kaisipan

Tumutugon sa Tumutugon sa Di-gaanong Di-tumutugon sa

hinihinging hinihinging tumutugon sa hinihinging
kaisipan kaisipan hinihinging kaisipan
kaisipan

Malinis at Malinis at maayos Kulang sa linis at Di- malinis at

maayos ang ang pagkasulat ayos ang pagkasulat maayos ang
pagkasulat pagkasulat

29
Pangalan______________________________________Iskor_______________

Suriin

Gawain 2.1

Suriin ang mga gawaing may kaugnayan sa pagbibigay halaga sa kontribusyon

ng People Power 1 sa muling pagkamit ng kalayaan at kasarinlan sa
mapayapang paraan. Lagyan ng ang patlang.(Gawin ito sa Apendiks 2.1)

___________1.Sasali sa mga mahahalagang pagdiriwang tulad ng People Power 1

___________2. Purihin ang mga taong lumahok sa People Power
_____________ 3. Ihalal ang mga kandidatong namimigay ng pera
___________4. Sa pagpili ng kandidato, suriin ang kanilang pagkatao kung may
pagmamahal ba sila sa demokrasya
___________5. Huwag makialam sa mga gawain ng pamahalaan
___________6 .Makikiisa sa proyekto ng pamahalaan
___________7. Malayang ipahayag ang hinaing sa pamahalaan
___________8. Ibagsak ang pamahalaan kahit gumagawa ito ng mabuti para sa
mamamayan
___________9 .Pagsulat ng kahit ano sa pader ng gusaling pampubliko
__________ 10. Ipagbunyi ang mga taong gumagawa ng kabutihan para sa pamahalaan

30
Tama ba ang iyong mga sagot ?
Tingnan sa pahina 38.

Magaling kung tama, kapag

hindi balikan muli ang teksto
sa itaas.

Pagyamanin

Gawain 3.1

Bakit mahalaga ang muling pagtatag ng kasarinlan at kalayaan?

Gamit ang grapiko, isulat ang mga dahilan nito.

Mga dahilan kung bakit mahalaga ang muling

pagtatatag ng kasarinlan at kalayaan

31
Isaisip

Gawain 4.1

Mahalaga ba ang pagkakaisa sa panahon ng kagipitan?

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Gawain 4.2

Magbigay ng isang sitwasyon na nagpapakita ang katatagan at pagkakaisa ng mga

Pilipino at kung paano ito nilampasan.

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

32
Tayahin

Gawain 5.1

Paano mabibigyang halaga ang kontribusyon ng People Power 1 sa muling

pagkamit ng kalayaan at kasarinlan sa mapayapang paraan? Piliin sa kahon
ang iyong mga sagot at isulat ito sa loob ng bawat bilog ng cluster map.

Paano
mabibigyang
halaga ang
kontribusyon ng
People Power 1 sa
muling pagkamit
ng kasarinlan at
kalayaan sa
mapayapang
paraan?

● Ihalal ang mga kandidatong may pagmamahal sa demokrasya

● Ipagbunyi ang People Power 1
● Sirain ang mga pampublikong kagamitan
● Maki-isa at makilahok sa mga gawaing pampamahalaan
● Sundin ang Saligang Batas 1987
● Paglahok sa mga illegal na gawain
● Suportahan ang mga komunista
● Tutulan ang katiwalian ng mga namumuno
● Kawalang tiwala sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas
● Ipagdiriwang ang mga mahahalagang kaganapan ng ating
bansa tulad ng Araw ng Kalayaan at EDSA People Power 1

33
Gawain 1.1

Pangalan: ____________________________________________Iskor:_________
Sagutin:

1. Ano ang People Power 1?

____________________________________________________________

____________________________________________________________

.
2.Kailan at saan ito naganap?
____________________________________________________________

____________________________________________________________

3.Bakit tinatawag itong Rebolusyon sa EDSA?

____________________________________________________________

____________________________________________________________

4.Paano ito nagsimula ?

____________________________________________________________

____________________________________________________________

5.Sino-sino ang mga nanawagan na magpunta sa EDSA?

____________________________________________________________

____________________________________________________________

6.Sino-sino ang tumugon sa kanilang panawagan ?

____________________________________________________________

____________________________________________________________

7.Paano nila sinuportahan ang mga nagbarikada?

____________________________________________________________

____________________________________________________________

8.Paano nagwakas ang People Power 1?

____________________________________________________________

____________________________________________________________

9. Ano-ano ang mga mahalagang kontribusyon ng People Power 1?

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

34
Gawain 1.2

Pangalan:______________________________________Iskor:______________

Panuto: Basahing maigi ang teksto sa itaas.Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa
kahalagahan ng People Power sa muling pagkamit ng kalayaan at kasarinlan sa
mapayapang paraan.Isulat sa kahon ang iyong talata.

Rubrik sa Pagsulat ng Talata

Napakahusay Mahusay Mahusay-husay Di -gaanong-

5 4 3 Mahusay 1

May kaisahan May kaisahan ang May kaisahan ang Walang kaisahan
ang mga mga kaisipan mga kaisipan
kaisipan

Ugnay-ugnay Ugnay-ugnay ang Di-gaanong ugnay - Di ugnay-ugnay

ang mga mga kaisipan ugnay ang mga ang mga kaisipan
kaisipan kaisipan

Tumutugon sa Tumutugon sa Di-gaanong Di-tumutugon sa

hinihinging hinihinging tumutugon sa hinihinging
kaisipan kaisipan hinihinging kaisipan
kaisipan

Malinis at Malinis at maayos Kulang sa linis at Di- malinis at

maayos ang ang pagkasulat ayos ang pagkasulat maayos ang
pagkasulat pagkasulat

35
Gawain 2.1

Pangalan:____________________________________________Iskor:________________

Panuto: Suriin ang mga gawaing may kaugnay sa pagbibigay halaga sa kontribusyon
ng People Power 1 sa muling pagkamit ng kalayaan at kasarinlan sa
mapayapang paraan. Lagyan ng ang patlang.

___________1.Sasali sa mga mahahalagang pagdiriwang tulad ng People Power 1

___________2. Purihin ang mga taong sumali sa People Power
_____________ 3. Ihalal ang mga kandidatong namimigay ng pera
___________4. Sa pagpili ng kandidato, suriin ang kanilang pagkatao kung may
pagmamahal ba sila sa kasarinlan
___________5. Huwag makialam sa mga gawain ng pamahalaan
___________6 .Makikiisa sa proyekto ng pamahalaan
___________7. Malayang ipahayag ang hinaing sa pamahalaan
___________8. Ibagsak ang pamahalaan kahit gumagawa ito ng mabuti para sa
mamamayan
___________9 .Pagsulat ng kahit ano sa pader ng gusaling pampubliko
__________ 10. Ipagbunyi ang mga taong gumagawa ng kabutihan para sa pamahalaan

36
Gawain 3.1

Pangalan:_________________________________________Iskor:____________

Panuto: Bakit mahalaga ang muling pagtatatag ng kalayaan at kasarinlan?

Gamit ang grapiko, isulat ang mga dahilan nito.

Mga dahilan kung bakit mahalaga ang muling

pagtatatag ng kalayaan at kasarinlan

37
Gawain 4.1

Pangalan:_______________________________________Iskor:_____________

Sa iyong palagay, mahalaga ba ang pagkakaisa sa panahon ng kagipitan?

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Gawain 4.2

Magbigay ng isang sitwasyon na ipinakita ang katatagan at pagkakaisa ng mga

Pilipino at kung paano ito nilampasan.

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

38
Gawain 5.1

Pangalan__________________________________________Iskor__________

Paano mabibigyang halaga ang kontribusyon ng People Power 1 sa muling

pagkamit ng kalayaan at kasarinlan sa mapayapang paraan? Piliin sa kahon
ang iyong mga sagot at isulat ito sa loob ng bawat bilog.

Paano
mabibigyang
halaga ang
kontribusyon ng
People Power 1 sa
muling pagkamit
ng kasarinlan at
kalayaansa
mapayapang
paraan?

● Ihalal ang mga kandidatong may pagmamahal sa demokrasya

● Ipagbunyi ang People Power 1
● Sirain ang mga pampublikong kagamitan
● Maki-isa at makilahok sa mga gawaing pampamahalaan
● Sundin ang Saligang Batas 1987
● Paglahok sa mga illegal na Gawain
● Suportahan ang mga komunista
● Tutulan ang katiwalian ng mga namumuno
● Kawalang tiwala sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas
● Ipagdiriwang ang mga mahahalagang kaganapan ng ating
bansa tulad ng Araw ng Kalayaan at EDSA People Power 1

39
40

You might also like