You are on page 1of 18

6 6

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul 4: Mga Pangunahing
Suliranin at Hamong Kinaharap ng
mga Pangulo mula 1986 hanggang
sa Kasalukuyan

https://guthriejensen.com/blog/7-philippine-presidents-different-
leadership-styles/

Tagalikom/Tagakontekstuwalisa: ELENITA M. CAPURAS


Teacher III
City Central Elementary School
1
MGA PANGUNAHING SULIRANIN
AT HAMONG KINAHARAP NG MGA
Aralin PANGULO MULA 1986 HANGGANG
SA KASALUKUYAN

Pamantayang Pangnilalaman:

Naipapamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa


pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at hamon ng
kasarinlan
Pamantayang Pangkasanayan:
Nakapagpapakita ng pagmamalaki sa kontribusyon ng mga nagpunyaging mga
Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan
Kakayahan:
Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino
mula 1986 hanggang sa kasalukuyan

Paksa/Subject Code:
Mga Pangunahing Suliranin at Hamong Kinaharap ng mga Pangulo mula 1986
hanggang sa Kasalukuyan (AP6TDK-IVc-d-4)

Unang Araw

Alamin
Magandang buhay! Sa mga nakaraang modyul, napag-aralan mo ang
matagumpay na pagpanumbalik ng demokrasya at sa sama-samang pagkilos ng mga
Pilipino para sa hangaring kalayaan sa kamay ng isang diktaturya.

Sa modyul na ito, aalamin natin kung anong mga hamon ang hinarap ng bawat
panunungkulan. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang:

➢ naiisa-isa ang mga suliranin at hamon ng bawat pangulo mula 1986


hanggang sa kasalukuyan;
➢ nasusuri ang ibat-ibang pangyayaring naganap sa bawat panunungkulan
mula 1986 hanggang sa kasalukuyan;
➢ naipahahayag ang sariling opinyon tungkol sa mga suliranin ng bansa at ang
mga paraan ng paglutas nito.

2
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng sagot sa kuwaderno.

1. Pangulo ng bansa na hindi natapos ang termino dahil sa impeachment na kanyang


kinaharap.
A. Corazon C. Aquino C. Joseph E. Estrada
B. Gloria M. Arroyo D. Rodrigo R. Duterte

2. Pangulo ng bansa na may islogan na “Philippines 2000”.


A. Corazon C. Aquino C. Gloria M. Arroyo
B. Fidel V. Ramos D. Joseph E. Estrada

3. Siya ang kauna-unahang pangulo na galing sa Mindanao.


A. Benigno C. Aquino III C. Joseph E. Estrada
B. Fidel V. Ramos D. Rodrigo R. Duterte

4. Kilala siya sa kanyang tagline na “Tuwid na Daan”.


A. Benigno C. Aquino III C. Joseph E. Estrada
B. Corazon C. Aquino D. Rodrigo R. Duterte

5. Ang Ikalawang Pangulo ng Pilipinas na nagkaroon ng dalawang termino bilang


Pangulo.
A. Corazon C. Aquino C. Gloria M. Arroyo
B. Fidel V. Ramos D. Joseph E. Estrada

6. Kilala bilang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas.


A. Corazon C. Aquino C. Gabriela Silang
B. Gloria M. Arroyo D. Meriam Santiago

7. Ito ang pinakamahalagang kontribusyon ni Corazon C. Aquino dahil sa


pagpapatibay ng sistemang demokratiko sa bansa.
A. Pagsasapribado ng ahensiya
B. Pagpapatupad ng Day Care Law
C. Pagbabalangkas ng Saligang Batas
D. Pagkakabuo ng Kapisanan ng mga Kababaihan

8. Ito ang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao upang malupig
ang mga terorista na naghahasik doon ng kaguluhan.
A. federalismo C. batas militar
B. parlamentaryo D. constitutional authoritarianism

9. Ang pangulong nakilala sa kanyang tagline na “Erap sa Mahirap”.


A. Benigno C. Aquino III C. Joseph E. Estrada
B. Fidel V. Ramos D. Rodrigo R. Duterte
3
10. Malaki ang halagang nawawala sa bayan taon-taon dahil sa korupsiyon o
katiwalian. Ang lahat ay may kaugnayan sa katiwalian MALIBAN sa _______.
A. nepotismo C. pagtaas ng sahod ng mga guro
B. panunuhol D. hindi pagbabayad ng tamang buwis

Ikalawang Araw

Balikan
Bago mo pag-aralan ang modyul na ito, sagutin mo muna itong maikling pagsubok hinggil
sa iyong nalalaman at natatandaan.

A. Panuto. Pagtapatin ang hanay A sa hanay B. Isulat sa kuwaderno ang titik ng sagot.

Hanay A Hanay B

1. Umalis ang pamilyang Marcos A. Agosto 21, 1983


patungong Hawaii B. Pebrero 7, 1986
2. Nagpatawag ng dagliang halalan C. Pebrero 16, 1986
o snap election si Pangulong Marcos D. Pebrero 22, 1986
3. Tumiwalag sina Fidel V. Ramos E. Pebrero 25, 1986
at Juan Ponce Enrile sa pamahalaan
4. Pinaslang si Benigno “Ninoy” Aquino
sa Manila International Airport
5. Nanawagan si Corazon Aquino na
huwag kilalanin ang resulta ng halalan

B. Ayusin ang mga ginulong titik upang mabuo ang mahalagang konsepto. Isulat sa
kuwaderno ang nabuo mong salita.
Noong 1987, napagtibay ang bagong saligang batas kaya naman isang bagong
1. ASDE _________________________________
republika rin ang naitatag. Ang mga naging pangulo ng Ikalimang Republika ay sina
Dito naganap ang malawakang rebolusyon noong 1986
Corazon C. Aqunio, Fidel V. Ramos, Joseph E. Estrada, Gloria-Macapagal Arroyo,
Benigno C. Aquino III, AT Rodrigo R. Duterte.
2. ELPOEP REWPO _________________________________
Mapayapang paraan ng pagbabago
Ngunit hindi naging madali ang landas na tinahak nang bawat pangasiwaan.
Maraming suliranin ang pilit na binigyan ng kalutasan, patatagin at naghahangad na
3. PANS TIONLECE _________________________________
maging matagumpay ang kanilang panunungkulan.
Dagliang eleksiyon noong 1986
Sa araling ito, susuriin natin kung paano binigyang-pansin ang mga suliraning
4. TIRW FO AHBEAS SUPROC ________________________________
kinaharap ng bawat pangulo mula 1986 hanggang sa kasalukuyan.
Karapatan ng isang mamamayan

5. YASARMOKDE ________________________________
Kasalukuyang sistema ng Pamahalaan

4
Tuklasin

MGA PANGUNAHING SULIRANIN AT HAMONG KINAHARAP NG MGA


PANGULO MULA 1986 HANGGANG SA KASALUKUYAN

Sa pag-alis ng pamilyang Marcos sa Pilipinas, ganap na ring nagwakas ang


pamahalaang diktaturya at ang batas militar. Sa pamamagitan ng EDSA People
Power Revolution mapayapa at sama-samang kumilos ang mga Pilipino kaya naibalik
ang demokrasya sa bansa.

Noong 1987, napagtibay ang isang bagong saligang batas kaya naman isang
bagong republika rin ang naitatag. Ang mga naging pangulo ng Ikalimang Republika
ay sina Corazon C. Aquino, Fidel V. Ramos, Joseph E. Estrada, Gloria M. Arroyo,
Benigno Simeon C. Aquino III, at Rodrigo R. Duterte.

https://guthriejensen.com/blog/7-philippine-presidents-different-
leadership-styles/

5
Ikatlong Araw

Suriin

PANUNUNGKULAN NI CORAZON C. AQUINO


(Pebrero 1986 - Hunyo 1992)

Si Corazon C. Aquino ay ang


kauna-unahang babaeng naging
pangulo ng Pilipinas. Siya ang
maybahay ni dating Senador Benigno
“Ninoy” Aquino. Ang kanyang
pamamahala ay kinakitaan ng payak
at malinis na pamumuno. Ngunit bago
ang kanyang panunungkulan bilang
pangulo, maraming suliranin ang
kanyang kinaharap gaya ng:

Corazon C. Aquino

• Sunod-sunod na kudeta o pagtatangka ng ilang miyembro ng militar na


agawin ang kapangyarihan mula sa pangulo;
• Walang matatag na saligang batas;
• Kahirapan sa pagbawi ng mga umano’y nakaw at tagong-yaman ng
pamilyang Marcos;
• Pagbagsak ng usaping pangkapayapaan;
• Malayang pagpasok ng mga dayuhang produkto o liberalisasyon ng mga
produkto sa bansa;
• Pang-aabuso, paglabag sa karapatang pantao, at mga krimen gaya ng
pagnanakaw;
• Malaking pagkakautang ng bansa dahil sa ginawang pangungutang ni dating
Pangulong Ferdinand Marcos;
• Paghihirap ng mga mamamayan at kawalan ng trabaho sa bansa;
• Pagbagsak ng ekonomiya ng bansa dahil sa kawalan ng tiwala ng mga lokal
at dayuhang negosyante.

Isa sa pinagtuunan ng pansin ni Pangulong Aquino ay ang pagpapanumbalik


ng demokrasya sa bansa. Binuwag niya ang Saligang Batas ng 1973 na nagbigay
ng absolutong kapangyarihan kay dating Pangulong Marcos bilang diktador.
Naglagay siya ng pansamantalang saligang batas na kinilalang Freedom
Constitution. Binuo ang isang Constitutional Commission, na ang naging pangulo ay
si Cecilia- Muňoz Palma, upang bumalangkas ng bagong konstitusyon.

6
PANUNUNGKULAN NI FIDEL V. RAMOS
(Hunyo 1992 – Hunyo 1998)

Namana ng administrasyong Aquino ang maraming problema sa nakaraang


administrasyon na unti-unting mang sinubukang solusyunan, hindi naman ito kinaya sa
loob ng anim na taong termino lamang, kaya hindi naiwasang namana ulit ito ng sumunod
na pangulo. Ito ang sumalubong sa pag-upo ni Fidel V. Ramos bilang pangulo.

Si Fidel V. Ramos ay naging pangulo


ng bansa noong Hunyo 30, 1992 hanggang
Hunyo 30, 1998. Ang kanyang naging
pangalawang pangulo ay si Joseph E.
Estrada. Ang kahirapan, mataas na antas ng
kriminalidad, kawalan ng trabaho,
panibagong banta ng kaguluhan sa
Mindanao, at kawalan ng maayos na
panlipunang paglilingkod ay ilan lamang sa
mga problemang kinaharap sa pagsisimula
ng kanyang panunungkulan.
Fidel Valdez Ramos

Hinangad ni Pangulong Ramos na magkaroon ng kapayapaan sa bansa at


mapanatili ang kaunlaran nito. Layunin din ng kanyang administrasyon na maiayos ang
ekonomiya at mapag-ibayo ang pakikipagkaibigan sa ibang bansa. Ngunit upang
maisakatuparan ito, kailangan muna niyang masolusyunan ang lumalalang
kriminalidad, kaguluhan, at kawalan ng kapayapaan sa bansa.

PANUNUNGKULAN NI JOSEPH E. ESTRADA


(Hunyo 1998 – Enero 2001)

Nang manalo si Fidel V. Ramos


bilang pangulo ng bansa, naging
pangalawang pangulo si Joseph E.
Estrada. Sumikat ito bilang isang
artista hanggang sa pumasok sa lokal
na politika bilang alkalde ng San Juan
at pambansang politika ng siya’y
naging isang senador. Nakuha niya
ang puso ng mga mahihirap. Nakilala
siya sa tagline na “Erap Para sa
Mahirap”.

Joseph Ejercito Estrada

7
Nakilala ang “Erap jokes” na sumasalamin sa mas mababang akademikong
kakayahan ni Estrada kung ikukumpara sa mga naunang pangulo na sina Ferdinand
E. Marcos, Corazon C. Aquino, at Fidel V. Ramos. Si Pangulong Estrada ay hindi
nakatapos ng pag-aaral, ngunit nakapaglingkod naman siya bilang alkalde at kalauna’y
naging senador.

Nakaranas ng maraming
pagsubok ang pamamahala ni
Pangulong Estrada tulad ng malalakas
na bagyong tumama sa bansa bunsod
ng La Niňa, isyu ng kidnap – for-
ransom, iba’t- ibang krimen, at
terorismo sa Mindanao. Ngunit
pinakamalaking kontrobersiya sa
kanyang administrasyon ay ang
pagkakasangkot niya mismo sa isyu ng
jueteng na isang ilegal na sugal sa
bansa.
Luis Chavit Singson

Umalingawngaw ang isyu ng sugal na jueteng nang isangkot si Pangulong Estrada


ng gobernador ng Ilocos Sur na si Luis “Chavit” Singson na nagsabing tumatanggap ang
pangulo ng kita mula rito.

Ang isyu ng katiwalian ang


naging mitsa ng malalimang
imbestigasyon hanggang umabot ito
sa impeachment trial ni Pangulong
Estrada noong Disyembre 2000.
Naging dahilan ito sa sunod-sunod na
protesta laban sa kanya at pagbaba
ng tiwala ng mga mamamayan.

.
Impeachment trial kay Joseph E. Estrada

Nagkaroon pa ng tinatawag na EDSA People Power Revolution 2 na nagresulta sa


pagbaba sa puwesto ni Pangulong Estrada noong Enero 20, 2001. Pumalit sa kanya ang
pangalawang pangulo na si Gloria Macapagal Arroyo na nanumpa sa dating Punong
Mahistrado ng Korte Suprema na si Hilario G. Davide.

8
PANUNUNGKULAN NI GLORIA MACAPAGAL- ARROYO
(Enero 2001- Hunyo 2010)

Naging makasaysayan ang


EDSA People Power Revolution 2 sa
Pilipinas dahil muli nitong ipinakita ang
lakas ng mga mamamayan nang hindi
dumadanak ang dugo. Itinuturing din
itong makasaysayan dahil nagresulta
ito sa pag-upo sa puwesto ng
ikalawang babaeng pangulo ng bansa,
si Gloria Macapagal Arroyo.

Gloria Macapagal-Arroyo

Malaki ang paghanga ng nakararami sa magandang edukasyong natamo ni Gloria


M. Arroyo. Nagtapos siya ng pag-aaral na may karangalan sa mga sikat na paaralan
at unibersidad. Siya ay hindi lamang isang ekonomista kundi isa ring propesor. Bilang
pangalawang pangulo ng administrasyong Estrada, pinamunuan niya ang Department
of Social Welfare and Development o DSWD.

Dahil sa pag-alis sa puwesto kay Pangulong Estrada, ipinagpatuloy ni Gloria M.


Arroyo ang natitirang taon ng pamamahala nito mula 2001 hanggang 2004. Ito ang
itinuturing na unang termino niya bilang pangulo.

Gaya ng ibang naging lider ng bansa, nasangkot din siya sa iba’t ibang isyung
katiwalian at iregularidad. Isa na rito ang “Hello Garci” Scandal kung saan nagkaroon
diumano ng sabwatan sa pagitan ni Pangulong Arroyo at Virgilio Garcillano, isang
komisyoner ng COMELEC. Lumitaw ang mga sinasabing wiretapped telephone
conversation nina Arroyo at Garcillano na kalauna’y inamin niya at humingi ng
paumanhin at sinabing isa iyong “lapse of judgement”. Dahil dito, nagkaroon ng kilos
protesta at inihain ang impeachment complaint laban sa kanya sa parehong taon,
ngunit ito ay nabigo. Maraming grupo ang nagpahayag ng pagkadismaya sa
nangyaring ito at humiling ng kanyang pagbibitiw sa puwesto. Ngunit natapos pa rin
niya ang kanyang panunungkulan noong 2010 kaya nagkaroon siya ng dalawang
termino bilang Pangulo ng bansa.

Gloria Macapagal Arroyo Virgilio O. Garcillano

9
PANUNUNGKULAN NI BENIGNO SIMEON C. AQUINO III
(Hunyo 2010- Hunyo 2016)

Ang administrasyon ni Benigno Simeon


“Noynoy” C. Aquino III ay kilala sa tagline nito na
“Tuwid na Daan”. Si Aquino ay nanalo sa eleksiyon
noong 2010 at ang kanyang pangalawang pangulo
ay si Jejomar C. Binay.

Nanggaling si Pangulong Aquino sa pamilya


ng mga politiko. Anak siya ng dating senador na si
Ninoy Aquino at ng dating Pangulong Corazon
Aquino. Nang mamatay ang kanyang ina, umugong
ang panawagan na tumakbo sa pagkapangulo si
Noynoy kung saan ang kanyang plataporma ay
sumentro sa pagbabago dahil sa noo’y sunod-
sunod na isyu ng katiwalian sa pamunuan ni
Pangulong Gloria Arroyo. Benigno Simeon C. Aquino III

Naging senador din siya bago tumakbong pangulo ng bansa. Tumayo ang kanyang
pamamahala sa paglaban sa korupsiyon. Ilang katiwalian ng nakaraang administrasyon
ang naimbestigahan at kinasuhan gaya ng dating Pangulong Arroyo. Kasama rin sa mga
kinasuhan ay sina Janet Lim Napoles at mga senador na sina Jose Pimentel “Jinggoy”
Estrada, Ramon Bong Revilla, Jr. at Juan Ponce Enrile dahil sa Pork Barrel Scam. .

Janet Lim Napoles Jose Pimentel E. Estrada

Ramon Bong Revilla Jr.

10
Ang administrasyong Aquino ay nakaranas din ng iba’t ibang pagsubok, gaya ng
naganap na hostage-taking sa isang bus sa Quirino Grandstand noong Agosto 2010.
Karamihan sa sakay ng bus ay mga turistang galing Hongkong. Ang kakulangan ng
koordinasyon ng mga namamahala ay nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa
siyam katao. Sinasabing ang pangyayaring ito ay nagkaroon ng di-mabuting epekto sa
relasyon ng Pilipinas at ng Tsina na nakasakop sa Hongkong.

Quirino Grandstand hostage – taking

Isa pang pagsubok sa administrasyong Aquino ang bagyong Yolanda na


nanalasa sa Kabisayaan noong 2013. Nagresulta ito sa pagkasira ng maraming
imprastraktura at pagkamatay ng humigit-kumulang 7,000 katao. Masalimuot ang
naging kalagayan ng mga tao pagkatapos ng sakuna, at naging malaking isyu ang
mabagal na proseso ng pagtulong sa mga nasalanta at ng rehabilitasyon ng
maraming probinsiyang naapektuhan.

Epekto ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan

11
SAF 44

Malaking dagok din sa administrasyong Aquino ang iba’t ibang usaping may
kinalaman sa terorismo at seguridad ng bansa. Noong 2015 naganap ang isang
madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao sa pagitan ng Special
Action Force (SAF) ng Philippine National Police at ng mga rebeldeng grupo ng
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front
(MILF). Layon ng misyong ito na hulihin ang mga teroristang Malaysian at matataas
na opisyal ng BIFF. Ngunit dahil umano sa kakulangan sa koordinasyon ng ilang
pinuno ng PNP at ng bansa, namatay sa engkuwertro ang 44 na miyembro ng SAF,
kaya nakilala sila bilang SAF 44.

PANUNUNGKULAN NI RODRIGO R. DUTERTE


(Hunyo 2016 - Kasalukuyan)

Ang pagkapanalo ni Rodrigo R. Duterte ay


itinuring na makasaysayan dahil siya ang kauna-
unahang pangulo na galing sa Mindanao
(bagaman siya ay ipinanganak sa Leyte). Siya ang
pinakamatandang naging pangulo ng bansa sa
edad na 71. Siya ang kauna-unahang kandidatong
mula sa lokal na politika na nanalo sa
pinakamataas na puwesto sa bansa.

Si Rodrigo R. Duterte ay anak nina Vicente


at Soledad Duterte. Ang kanyang ama ay naging
gobernador ng noo’y hindi pa nahahati ang
lalawigan ng Davao, samantalang isang guro
naman ang kanyang ina. Rodrigo R. Duterte

12
Siya ay nakatapos ng Political Science sa Lyceum of the Philippines sa Maynila
at kalauna’y kumuha at nagtapos ng Abogasya sa San Beda College of Law sa
parehong lungsod. Pagkatapos ng EDSA People Power Revolution noong 1986, si
Duterte ay itinalaga bilang Officer- In-Charge Vice Mayor ng Lungsod ng Davao. Noong
1988 ay nanalo bilang alkalde at nanilbihan hanggang 1998. Naging kinatawan din
siya ng Lungsod ng Davao.

Sa pag-upo ni Pangulong
Duterte, itinalaga niya si Ronald M. dela
Rosa o kilala rin sa tawag na “Bato”
bilang punong hepe ng Philippine
National Police o PNP, na siyang
nangasiwa ng war on drugs. Lumikha
ng ingay ang giyerang ito hindi lamang
sa Pilipinas kundi maging sa ibang
bansa dahil sa mga kaso umano ng
extrajudicial killings o pagpatay na hindi
dumadaan sa proseso ng batas.

Ronald M. dela Rosa

Isa pa sa isyu ng war on drugs ni Pangulong Duterte ay ang Oplan Tokhang na


hango mula sa salitang Cebuano na “toktok-hangyo”, na ang ibig sabihin ay “katok at
pakiusap”. Nagbahay- bahay ang mga pulis upang magbigay ng babala sa mga
pinaghihinalaang gumagamit (user) o nagbebenta (pusher) ng mga iligal na droga.

Nagkaroon ng pambobomba sa
Lungsod ng Davao noong Setyembre
2, 2016 kung saan hindi bababa sa 15
katao ang namatay. Makalipas ang
ilang araw, nagpalabas ng
proklamasyon si Pangulong Duterte na
nagdeklara ng “state of lawlessness”
sa buong Mindanao at inatasan ang
Sandatahang Lakas ng Pilipinas at
Philippine National Police na sugpuin
at iwasang kumalat ang karahasan sa
iba pang bahagi ng bansa.

Davao bombing

13
Ideneklara ni Pangulong Duterte ang
batas militar sa buong Mindanao
kasunod ng pag-atakeng ginawa ng
Maute Group sa Lungsod ng Marawi
noong Mayo 23,2017. Ang Maute
Group ay sinasabing nagpahayag na
ng katapatan sa teroristang Islamic
State of Iraq and Syria (ISIS). Sa
naganap na giyera sa lungsod, hindi
bababa sa 165 sundalo ang namatay
habang humigit-kumulang 1,000 ang
nasawi sa mga terorista.

Giyera sa Lungsod ng Marawi

Muling hinamon ng ilang kritiko ang pagdedeklara ng batas militar sa buong


Mindanao, ngunit kinatigan ng Korte Suprema ang nasabing deklarasyon na
nanatili hanggang Disyembre 2018.

Ikaapat na Araw

Pagyamanin
Panuto. Sagutin ang sumusunod na pahayag o tanong sa kuwaderno.

A. Magbigay ng limang (5) suliraning pambansa sa kasalukuyan


1. _______________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. _______________________________________________________
4. _______________________________________________________
5. _______________________________________________________

B. Sa inyong simpleng paraan, paano kayo makatutulong sa paglutas ng mga ito?


1. _______________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. _______________________________________________________
4. _______________________________________________________
5. _______________________________________________________

Isaisip

Walang perpekto sa mundo, kaya hindi maitatangging ang bawat administrasyon


ay kinakitaan ng kahinaan, di-magandang pamumuno, at mga patakarang hindi
nagustuhan ng mga Pilipino. Ang ika-21 siglo ay larawan ng malaking pagbabago sa
pananaw ng mamamayan sa pamahalaan at politika ng bansa. Unti-unting umaangat
ang Pilipinas sa larangan ng ekonomiya. Nabago rin ang pagkilatis ng mga Pilipino sa
mga taong magsisilbi sa kanila. Ang patuloy na pagbabago ay inaasahan sa tuluyang
pag-unlad ng Pilipinas at maging malaya mula sa impluwensiya ng mga dayuhan.

14
Isagawa

Panuto: Suriin kung kaninong panunungkulan naganap ang sumusunod na pangyayari


sa bansa. Pillin sa loob ng kahon ang sagot at isulat sa kuwaderno.
Corazon C. Aquino Gloria M. Arroyo
Fidel V. Ramos Benigno C. Aquino III
Joseph E. Estrada Rodrigo R. Duterte

1. Bagyong Yolanda

2. Digmaan sa Marawi

3. EDSA People Power Revolution 2


4. “Hello Garci” scandal
5. “Kudeta” o tangkang pag-agaw ng pamahalaan

Ikalimang Araw

Tayahin

Panuto. Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng sagot
sa kuwaderno.

1. Ano ang idineklara ni Pangulong Duterte sa buong Mindanao upang malupig


ang mga terorista na naghahasik doon ng kaguluhan?
A. tokhang C. smoking ban
B. batas militar D. extrajudicial killings

2. Alin ang nagpatunay tungkol sa “Hello Garci’ scandal?


A. Pinaalis kung saan nagtipon-tipon ang mga tao
B. Maraming mamamayan ang nawalan ng tiwala sa pangulo
C. May mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Arroyo ang umalis
D. Lumitaw ang mga sinasabing wiretapped telephone conversation sa pagitan
nina Pangulong Arroyo at Komisyoner Garcillano

3. Sinong pangulo ang nakilala sa kanyang tagline na “Erap Para Sa Mahirap”?


A. Benigno C. Aquino III C. Joseph E. Estrada
B. Fidel V. Ramos D. Rodrigo R. Duterte

15
4. Ang pangulo na kilala sa tagline nitong “Tuwid na Daan”.
A. Benigno C. Aquino III C. Joseph E. Estrada
B. Fidel V. Ramos D. Rodrigo R. Duterte

5. Sinong pangulo ng bansa ang hindi natapos ang termino dahil sa impeachment?
A. Benigno C. Aquino III C. Gloria M. Arroyo
B. Corazon C. Aquino D. Joseph E. Estrada

6. Sino ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas?


A. Corazon C. Aquino C. Gabriela Silang
B. Gloria M. Arroyo D. Meriam Santiago

7. Ito ang pinakamahalagang kontribusyon ni Corazon C. Aquino sa bansa dahil sa


pagpapatibay ng sistemang demokratiko sa bansa.
A. Pagsasapribado ng ahensiya
B. Pagpapatupad ng Day Care Law
C. Pagbabalangkas ng Saligang Batas
D. Pagkakabuo ng Kapisanan ng mga Kababaihan

8. Sinong pangulo ang naiwanan ng malaking pagkakautang ng bansa gawa ng


dating administrasyon?
A. Corazon C. Aquino C. Fidel V. Ramos
B. Gloria M. Arroyo D. Joseph E. Estrada

9. Sino ang naging pangalawang pangulo ng Pilipinas na nanungkulan ng


dalawang termino?
A. Corazon C. Aquino C. Joseph E. Estrada
B. Gloria M. Arroyo D. Rodrigo R. Duterte

10. Malaki ang halagang nawawala sa bayan taon-taon dahil sa korupsiyon o


katiwalian. Ang lahat ay may kaugnayan sa katiwalian MALIBAN sa ______.
A. nepotismo C. pagtaas ng sahod ng mga guro
B. panunuhol D. hindi pagbabayad ng tamang buwis

16
17
BALIKAN ISAGAWA
A. B. 1. Benigno C. Aquino III
1. E 1. EDSA 2. Rodrigo R. Duterte
2. B 2. PEOPLE POWER 3. Joseph E. Estrada
3. D 3. SNAP ELECTION 4. Gloria Macapagal-Arroyo
4. A 4. WRIT OF HABEAS CORPUS 5. Corazon C. Aquino
5. C 5. DEMOKRASYA
PAGYAMANIN
(Maaring pumili sa mga sumusunod na sagot)
A.
1. extrajudicial killings
2. korupsiyon
3. pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan
4. Human Rights Violations
5. Climate Change
6. Kalamidad
7. kahirapan
8. polusyon
9. Walang trabaho
10. Populasyon
B. Malayang pagsagot ng mga mag-aaral
Susi sa Pagwawasto
MGA SANGGUNIAN

BOOKS
❖ Antonio B. Columbres, Felipe M. Ferrer, Pia B. Hernandez, Ed.D.,Cerilo L.
Labucay,Kasaysayan ng Pilipinas ,K to 12 7,Espesyal na Edition 3,ISBN 978-971-07-
2925-8,Vibal Publishing House, Inc.
❖ LGM, Alvenia P. Palu-ay,Makabayan: Kasaysayang Pilipino 5 SEMP 2 Watana Phanit
Printing & Publishing Co., Ltd., ISBN 971-0422-03-0, 2006
❖ Allene G. Saisa-Julian at Nestor S. Lontoc , Phoenix Publishing House,Inc,2016,ISBN
978-971-06-37773-7
❖ Agnes m. Delos Reyes, Rheena M. Soquila, SIGLO (Batayang Aklat sa AP), St.
Augustine Publications, Inc. 2019, ISBN-978-971-683-956-2
Onlne Resources without Author
❖ https://en.wikipedia.org/wiki/Benigno_Aquino_III#/media/File:President_Benigno_S._
Aquino_III's_6th_SONA_(02)_(cropped).jpg
❖ http://repository.library.ceu.edu.ph/
❖ http://malacanang.gov.ph/joseph-ejercito-estrada/
❖ Chavit Singson.Retrieved from https://readph.com/kilalanin-ang-pinaka-magandang-
anak-na-babae-ni-chavit-singson-na-si-chelsey-singson/
❖ Joseph Estrada.Retrieved from
https://thefilipinoservant.wordpress.com/2011/01/20/edsa-ii-isang-dekada/
❖ Impeachment picture.Retrieved from
https://m.facebook.com/tvpatrol.abscbn/photos/a.254759724579424/3603043673582
92/?type=3&__tn__=-R
❖ Gloria Macapagal-Arroyo.Retrieved from
https://m.facebook.com/tvpatrol.abscbn/photos/a.254759724579424/3603043673582
92/?type=3&__tn__=-R
❖ “Hello Garci” .Retrieved from Garci pic - https://www.mindanews.com/photo-of-the-
day/2011/07/hello-garci/
❖ Virgilio Garcillano.Retrieved from- Garci pic - https://www.mindanews.com/photo-of-
the-day/2011/07/hello-garci/
❖ Janet Napoles.Retrieved from - https://tl.wikipedia.org/wiki/Janet_Lim-Napoles
❖ Ramon Revilla - https://philippinesreport.com/bong-revilla-cleared-sa-pandarambong-
na-kaso-ng-pork-barrel-scam/
❖ Jinggoy Estrada.Retrieved from -
https://themanilajourno.wordpress.com/2014/06/24/mugshots-lumabas-pa-rin-sa-
media-sen-jinggoy-estrada-ikinulong-na/
❖ Quirino Grandstand HostageTaking https://aurorametropolis.blog/tag/quirino-
grandstand/
❖ Yolanda.https://madmacarta.wordpress.com/2013/11/12/si-madma-at-ang-bagyong-
yolanda/
❖ SAF 44 - https://tnt.abante.com.ph/tag/saf-44/
❖ Martial sa Mindanao - https://news.abs-cbn.com/news/10/18/17/balikan-halos-5-
buwang-bakbakan-sa-marawi
❖ Bomba sa davao - https://pinoyweekly.org/tag/terrorism/
❖ DelaRosa.Retrieved from - https://en.wikipedia.org/wiki/Ronald_dela_Rosa
❖ RodrigoDuterte- https://tokyo.philembassy.net/the-philippine-president/president-
rodrigo-roa-duterte/

18

You might also like