You are on page 1of 2

Elpidio Quirino

Elpidio Quirino

Kasalukuyang Nanunungkulan

Ika-6 Pangulo ng Pilipinas


Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika

Panahon ng Panunungkulan

Abril 18, 1948 (halal Disyembre 30,


1949) - Disyembre 30, 1953

Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890—Pebrero 29, 1956) ay isang pulitiko at ang
ikaanim na pangulo ng Pilipinas. Nagsilbi siya mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30,
1953.

Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at
Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the
Philippines) noong 1915.

Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy
noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya
ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong
Abril 17, 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang
komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo,
muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.

Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa
atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.

Siya ang unang Ilokanong pangulo.


PROGRAMA SA PAMAMAHALA

Bilang pagpatuloysa nalalabing panunungkulan ni pangulong roxas, kaagad na binalangkas ni Pangulong


Quirino ang magiging programa ng kanyang pamamahala. Ayon dito,tutuunan ng pangunahing pansin
ang mga sumusunod:

1.) Reorganisayon ng pamahalaan para sa higit na epektibong paglilingkod ng mga sangay at tanggapan
nito.
2.) Pagpapataas sa produksyon upang mabigyan ng hanapbuhay ang libong bilang ng mga walang
hanapbuhay.
3.) Mahigpit at tapat na pagpapatupad batas sa pagbubuwis.
4.) Pagpapanatili at pangangalaga sa dangal ng bansa .
5.) Patuloy na pakikipaglaban ng Pilipinas sa ibang bansa.
6.) Pagtatayo ng presidential Action Committee on Social Amelioration (PACSA).

Mga Pagsisikap na Pangkapayapaan

Inutos niPangulong quirino ang muling pagkakaloob ng amnestiya sa mga kasapi ng kilusang
HUKBALAHAP. Binuksan ding muli ang mga usapang pangkapayapaan. Mula rito ay isang kasunduan ang
nabuo.Napasangayo ang mga HUK na isuko ang kanilang mga sandata sa pamahalaan kapalit ng
pagtanggap ng amnestiya mula sa pamahalaan.

Nagpatupad din ng patakaran ng pag akit sa mga HUK magbalik -loob sa pamahalaan. Pinondahan ng
pamahalaan ang isang programang laan para sa pagpapanibagong-buhay ng mga sumuko at magsisisuko
pang mga kaspi ng nasabing samahan. Itinalaga para mangasiwa sa programang ito si Kalihim Ramon
Magsaysay ng Tanggulang Pambansa.

Mga Pagsisikap na Pangkabuhayan

Sa Pamamahala ni Pangulong Quirino ay bahagyang umunlad ang produksyon.

Noong Nobyembre 14, 1950, isang kasunduang nagsasaad ng Pangulong Estados Unidos sa paglutas ng
ilang mga suliranin ng bansangPilipinas ang nilagdaan Nina Pangulong quirino at G. Foster.Ito ang
Kasunduang Foster-Quirino. Sa kasunduaan, tutulungan ng Estados Unidos ang paglutas ng mga dati
nang suliraning tulad ng pagbabahagi ng lupa at maliit na ani sa kaanyuan.

Sa panahon ng panunugkulan ni pangulong Quirino, isinasali, ang bansa sa isang pag-aaral at


pagsisiyasat na naglalayong antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ng bansa. Ang misyong ito ay
pinamunuaan ni Daniel Bell,padalang kinatawan ng Estados unidos sa Pilipinas.

Sa panahon ni Pangulong Quirino, naitatag ang Bangko Sentral ng Pilipinas.Noong Enero 3, 1949 ginanap
amg pagpapanasiya sa nasabing ahensya ng pamahalaan. Ang Banko Sentral ang inaasahang gaganp sa
gawaing pagpapanatili sa katatagan ng piso bilang pananalaping gamit ng bansa

You might also like