You are on page 1of 7

Teaching Social Studies

to the Elementary
Inihanda ni:

Jamaimah Mutia

Ipinasa kay:

Perfecto M. Garcia III, LPT

March 13, 2020

Mga layunin:

1. Natutukoy ang mga naging suliraning pangkabuhayan ng bansang Pilipinas


pagkatapos ng digmaan at ang naging pagtugon sa mga suliranin.

2. Natatalakay ang ugnayang Pilipino-Amerikano sa konteksto ng kasunduang militar na


nagbigay daan sa mga pagtayo ng base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas sa
kasunduang militar.

3. Naibibigay ang kahulugan ng parity rights at ang ugnayang kalakalan sa Estados


Unidos.

4. Naipapaliwanag ang epekto ng colonial mentality pagkatapos ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig.

5. Nasusuri ang naging kalagayan ng kabuhayan ng mga Pilipino pagkatapos ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

6. Naipapaliwanag ang implikasyon ng naging ugnayan ng mga Pilipino-Amerikano sa


kasarinlang bansa.

Teaching Social Studies in Elementary


MGA HAMON SA KASARINLAN NG PILIPINAS

 Ang Pagsilang ng Ikatlong Republika

Ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas ay patuloy na umiral sa Washington, USA


kahit napasailalim ang bansa sa kapangyarihan ng mga Hapones. Si Quezon ay
nanungkulan bilang pangulo ng Komonwelt hanggang sa siya ay mamatay. Humalili sa
kanya ang pangalawang pangulong si Sergio Osmeña.

Tinupad ng Estados Unidos ang pangako nitong pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas


tulad ng itinadhana sa Batas Tydings-McDuffie.

Nang mamatay si Roosevelt, humalili sa kanya ang pangalawang Pangulong si Harry


Truman. Ipinagpatuloy ni Trumann ang mga programa ni Roosevelt para sa Pilipinas
partikular na ang pagkakaloob ng kalayaan sa Pilipinas noong Hulyo 4, 1946.

Nangako ang Amerika na tutulungan ang bansa sa pagbangon pagkatapos ng


matinding dagok na dinanas sa nagdaang digmaang pandaigdig.

Noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ni Harry S. Truman ang kasarinlan ng Pilipinas.


Ganap ng inalis ang Pilipinas sa kapangyarihan ng mga Amerikano at tuluyan nang
nagsarili bilang isang republikang nag-aangkin ng ganap na soberaniya bilang estado.

Bilang tanda ng pagpapahayag sa kasarinlan ng Pilipinas ay binasa ni Paul McNutt,


komisyonado ng Amerika ang pahayag ni Truman na nagsabing:

“the United States of America hereby withdraws and surrenders all rights of
possession, supervision, jurisdiction, control of sovereignty now existing and exercised
by the United States of America in and over the territory and people of the Philippines
and on behalf of the United States of America, I do hereby recognize the independence
of the Philippines as a separate and self-governing nation and acknowledge the
authority and control over the same of the Government instituted by the people thereof
under the constitution now in force…”

Pagkatapos nito ay ibinaba ang bandilang Amerikano at itinaas ang bandilang Pilipino
bilang tanda ng pagwawakas ng kapangyarihan ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Teaching Social Studies in Elementary
Ito ang pagsisimula ng Pilipinas bilang isang ganap na estado na ngayo’y kabilang na
sa mga bansang malalaya at nagsasarili.

 Hamon at suliranin sa kasarinlan pagkatapos ng ikalawang digmaang


pandaigdig

Labis ang pinsalang natamo ng Pilipinas dulot ng nagdaang digmaang pandaigdig.


Kaya ng maging isang ganap na Republika ang Pilipinas noong 1946, naharap ito sa
malaking suliranin tulad ng mga sumusunod:

1. Pagsasagawa ng malawakang pagbabagong-tatag upang muling maibangon at


maitayo ang mga nawasak na mga tirahan at gusali.

2. Pagresolba sa pagkakaroon ng malaking kakulangan sa mga hayop na gagamitin sa


pagsasaka na nangamatay sanhi ng digmaan.

3. Pagsasaayos ng mga taniman at sakahan upang muling mapakinabangan at


mataniman

4. Paglutas sa suliranin sa salapi dulot ng pagkabangkarote ng pamahalaan sanhi


ng pananakop ng Hapones

5. Pagsasaayos ng mga industriyang nasira sa pamamagitan ng pang-aangkat


ng mga bagong makinarya.

6. Pag-aangkop ng Sistema ng Edukasyon sa bagong kalayaan ng bansa

7. Pag-aangat sa pagpapahalagang-moral at espiritwal ng mga Pilipinong lubos na


naapektuhan sanhi ng giyera.

 Suliraning Pangkabuhayan at Panlipunan

Tinatayang pangalawa ang Pilipinas sa Warsaw, Poland sa lawak ng pinsalang natamo


nang bagsakan ito ng bomba noong digmaan. Nasunog ang ilang gusali sa Maynila
tulad ng Philippine General Hospital (PGH), Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Batasan.

Teaching Social Studies in Elementary


Ang Intramuros na kinagawiang sentro ng kultura at politika ay naging bodega ng mga
kompanyang nagkakargamento at naging tirahan ng mga informal settler na galing sa
probinsya.

Maraming tao ang galing probinsya na nagsilipat sa Maynila sa pag-aakalang magiging


maganda ang kanilang buhay dito

Maraming tao ang nagtayo ng tirahan sa mga estero, tabi ng riles ng tren, gilid ng
parke, ilalim ng tulay, at sa mga bakanteng loteng pag-aari ng bayan o pribadong
mamamayan. Laganap ang problema sa isyu ng “squatting”

Dahil dito, nagsikip ang Kamaynilaan at ang Lungsod Quezon (Quezon City)

Upang masolusyunan ang problemang ito, itinatag ng pamahalaan ang Pambansang


Pangasiwaan ng Paglilipat-tirahan at Pagsasaayos (National Resettlement and
Rehabilitation Administration o NARRA)

Ang samahang ito ang nangasiwa sa paglilipat ng mga “informal settlers”.

 Ugnayang Pilipino-Amerikano sa isyung pangmilitar at kalakalan at


reaksiyon ng mga Pilipino

 MGA DI-PANTAY NA KASUNDUAN AT PAGSANDAL SA UNITED STATES

Sa pamamahala ni Roxas, dalawa ang kanyang naging programa; ang


pagpapalaki ng produksiyon at ang muling pagkakaroon ng mga industriya.

Ipinayo ng mga dalubhasa sa ekonomiya ng Philippine-Maerican Agricultural


Mission noong 1947 ang paggamit ng mga makinarya at mga siyentipikong
paraan ng pagsasaka dahil sa kakulangan ng hayop na gagamitin. Upang
matulungan ang mga tao at pribadong korporasyon na makapagbagonv buhay,
itinatag ang Rehabilitation Finance Corporation (RFC) na sa ngayon at kilala
bilanv Development Bank of the Philippines. Ito ay nagpautang ng puhunan sa
maliliit na mangangalakal at sa mga taong nais magpagawa ng sariling bahay.

Teaching Social Studies in Elementary


 PHILIPPINE REHABILITATION ACT

Dahil sa pinsalang dulot ng digmaan, napilitan si Pangulong Manuel Roxas na


tanggapin ang tulong pinansiyal na pinagkaloob ng mga Amerikano. Pinagtibay ng
Kongreso ang Philippine Rehabilitation Act kung saan ipinagkaloob ng mga Amerikano
ang halagang $620 milyon.

Inilaan ang $120 milyon sa pagpapagawa ng mga tulay, kalsada at iba pang
impraestrukturang kailangan para maayos ang pamumuhay ng mga mamamayan. Ang
$100 milyon para sa kagamitang military. Ang $400 ay para sa iskolarship ng mga
Pilipinong ipapadala sa US upang mag-aral. Ang matututuhan nila ay gagamitin sa
pagpapabuti ng kalagayan ng bansa.

 BELL TRADE ACT AT PARITY RIGHTS

Naglaan din ng halagang $800 milyon bilang bayad-pinsala sa mga ari-arian ng mga
sibilyang naapektuhan ng digmaan. Para makuha ito pinatibay ang Bell Trade Act o
ang malayang kalakalan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas sa loob ng walong taon
mula 1946 hanggang 1954.

Hindi patas ang kasunduan dahil malayang nadadala ng US ang mga kalakal sa
Pilipinas. Samantang ang Pilipinas ay may kota ang mga pangunahing kalakal.

Itinakda rin ang Parity Rights – ang magkaroon ng pantay na karapatan ang mga
Amerikano sa mga Pilipino na magnegosyo sa bansa.

Maituturing itong labag sa batas dahil ayon sa ating Saligang Batas ang dayuhan ay
dapat 60 porsiyento ng negosyo ay pag-aari ng Pilipino sa mga negosyong nagbibigay
ng serbisyo sa publiko tulad ng edukasyon, telekomunikasyon at elektrisidad.

 KASUNDUANG BASE MILITAR

Isa pang ginawa ni Pangulong Manuel Roxas na nagbigay ng higit pang kapangyarihan
sa Amerika na mahawakan ang bansa ay ang paglagda niya sa Military Bases
Agreement (MBA) noong Marso 14, 1947. Ito ay ang pananatili ng 23 base-military ng

Teaching Social Studies in Elementary


Amerika sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas gaya ng Clark Air Base sa Pampanga, Subic
Naval Base sa Olongapo, Zambales at Camp John Hay sa Baguio.

 REAKSIYON NG MGA PILIPINO

Umani ng matinding batikos ang mga administrasyong Roxas. Para sa marami ay


naging Pro-American si Roxas na nagbigay daan sa neocolonialism – isang paraan ng
panghihimasok ng malakas na bansa sa pamamagitan ng panggigipit sa ekonomiya at
politika at makontrol o maimpluwensiyahan ang kalayaan.

Dahil dito tumindi ang colonial mentality ng mga Pilipino.

 COLONIAL MENTALITY

Nasanay ang mga Pilipino noon sa paggamit ng mga bagay na yari sa United States.
Naging ugali ang pagtangkilik sa mga produktong gawa sa United States at
napabayaan ang sariling atin. Inisip nila na ang mga bagay na yari sa United States,
pati na mga gawain at ugaling Amerikano o nabibilang sa maputing Iahi ay higit na
maganda at mabuti kaysa sa sariling atin. Sa madaling sabi, nagkaroon sila ng colonial
mentality. Dahil sa mga Amerikano, nagbago ang pagpapahalaga ng mga Pilipino.
Naiba ang pakikitungo sa mga magulang. Nawala ang pagmamano sa nakatatanda.
Ang pagbati ng "Hi!" ang ipinalit nila sa pagmamano. Ang pagbubuklod ng mag-anak na
Pilipino ay naging maluwag. Sumulat sa wikang Ingles ang maraming Pilipino. Nagbago
rin ang pananamit ng mga Pilipino. Bestida naging kasuotan ng mga babae. Ang mga
sapatos nila ay may mataas na takong at may handbag. Amerikana, polo shirt, at
kurbata naman ang naging kasuotan ng mga Ialaki. Ang ilan sa ating pangalan tulad ng
John, Charles, Mary, at Ann ay galing din sa mga Amerikano. Ang ilan sa mga pagkain
ay nabago rin. Nadagdag ang steak, hotdog, corned beef, at soft drinks.

NEOCOLONIALISM

Isang paraan ng panghihimasok ng malalakas at makapangyarihang mga bansa sa


pamamagitan ng paggamit ng panggigipit sa ekonomiya, pulitika at iba pang paraan.
Teaching Social Studies in Elementary
Mga Sanggunian:

Sabio, P., (2018). Pagsilang ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Retrieved from


slideshare.net/PrincessSarah

Sabio, P., (2018). Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Retrieved from


slideshare.net/PrincessSarah

Antonio, E., Banlaygas, E., Dallo, E., (2017). Pagtugon sa mga Suliranin, Isyu, at
Hamon sa kasarinlan ng Bansa (1946-1972). Sampaloc Manila:Rex Bookstore

Teaching Social Studies in Elementary

You might also like