Professional Documents
Culture Documents
Noong Hunyo 12, 1898, IDINEKLARA NI EMILIO AGUINALDO ANG KALAYAAN ng ating bansa mula sa
PANANAKOP NG SPAIN. Setyembre 15, 1898 nang magkaroon ng PULONG ANG KONGRESO NG
MALOLOS. Bumuo ito ng SALIGANG BATAS na siyang naging BATAYAN NG PAMAHALAAN AT
PINAGTIBAY NITO ANG KALAYAAN NG PILIPINAS noong Setyembre 29, 1898. Bagama't ang
pamahalaang ito ay HINDI KINILALA ng United States dahil sa pananakop nito sa ating bansa, ang
pamahalaang ito ang kinikilala natin ngayon bilang Unang Republika ng Pilipinas.
Batay sa batas na ipinasa ng Kongreso ng United States, binigyan ng SAMPUNG TAON ang mga
Pilipino upang MAGHANDANG MAKAPAGSARILI AT ITATAG ANG PAMAHALAANG
COMMONWEALTH. Ang batayan ng pamahalaang ito ay ang SALIGANG BATAS 1935.
Nang pasinayaan ang malasariling Pamahalaang Commonwealth noong Nobyembre 15, 1935,
nanumpa si Manuel L. Quezon bilang Pangulo at si Sergio Osmeña, Sr. bilang Pangalawang Pangulo.
Sa pamumuno ni Quezon, hinarap ng mga Pilipino ang mga layuning maihanda ang bansa para sa
araw ng kalayaan nito.
Nang sakupin ng mga Hapones ang ating bansa, bago pa man ipinahayag na OPEN CITY ang
MAYNILA, inilipat ni Pangulong Quezon ang PAMAHALAANG COMMONWEALTH sa CORREGIDOR
noong Disyembre 24, 1941. Inatasan niya si Jose P. Laurel na maiwan sa Maynila upang sumalubong
sa mga Hapones. Pebrero 20, 1942, nang inilikas ni Manuel L. Quezon kasama sa Pangalawang
Pangulong Osmeña ang Pamahalaang Commonwealth, pati na ang kanyang pamilya, mula sa
Corregidor patungong Washington, USA. Patuloy itong kumilos sa kabila ng pananakop ng Japan sa
Pilipinas. Sa kasamaang palad, si Manuel L. Quezon ay namatay noong Agosto 1, 1944.
PANUNUNGKULAN NI SERGIO S. OSMEÑA
(Agosto 1, 1944 - Mayo 28, 1946)
Si Pangalawang Pangulong Sergio S. Osmeña Sr. ang pumalit kay Pangulong Quezon bilang Pangulo
ng Commonwealth.
Tumulong si Osmeña sa kampanyang pagpapalaya sa Pilipinas. Kasama rin siya ng mga Pilipinong
heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong
Oktubre 20, 1944.
Naibalik ang kabisera ng Commonwealth sa Pilipinas noong Pebrero 28, 1945. Sa isang seremonyang
ginanap sa Malacañan Palace, ibinalik ni Heneral MacArthur kay Pangulong Osmeña ang lahat ng
kapangyarihan at tungkulin ng Pamahalaang Commonwealth ayon sa Saligang Batas. Ipinahayag ni
Heneral MacArthur ang pagtatatag ng Pamahalaang Commonwealth sa Pilipinas.
Itinatag ang PUBLIC SERVICE COMMISION. Pinabalik ang mga kawani ng mga tanggapan ng
pamahalaan. Nagtatag ng mga BAGONG TANGGAPAN upang matugunan ang mga pangangailangan
ng bayan. Ang mga TALAANG PAMAHALAAN AT MGA KUWENTA NG PANANALAPI ay kanyang
IPINAAYOS. PINAIMBENTARYO niya ang mga halaga ng mga ari - ariang napinsala ng digmaan. Sa
tulong ng halagang $81,000 na IBINIGAY NG PAMAHALAANG AMERIKANO, sinimulan agad ang
pagsasaayos ng mga gusali, daan, at impraestrukturang nasira ng digmaan.
Itinatag muli ang mga HUKUMAN upang MATUGUNAN ANG MGA PANGANGAILANGAN NG
HUDIKATURA. Binuksang muli ang Kataastaasang Hukuman, Court of Industrial Relations, at ang mga
mababang hukuman.
MGA SULIRANIN
Naging mabigat na suliranin ang ISYU NG KOLABORASYON para kay Pangulong Osmeña, lalo na nang
ipahayag ni Pangulong Franklin Delano Roosevelt ng United States na AALISIN AT ITITIWALAG ANG
LAHAT NG TUMULONG SA PAMAHALAANG HAPONES.
Upang malutas ang ISYU NG KOLABORASYON, itinatag ni Pangulong Osmeña ang HUKUMANG
BAYAN o PEOPLE'S COURT. Ito ang NANGASIWA SA PAGHAHARAP NG KASO LABAN SA MGA
MAMAMAYANG NAKIPAGSABWATAN O NAKIPAGTULUNGAN SA MGA HAPONES.
Isa si Manuel Roxas sa mga NAPARATANGAN NG PAGTULONG SA MGA HAPONES. Napawalang sala
siya dahil sa TULONG ni Heneral MacArthur. Ikinatwiran nila na ginawa lamang ni Roxas iyon upang
MAKAIWAS SA KARAHASAN NA MAAARING IDULOT NG KANILANG PAGTANGGI SA MALULUPIT NA
SUNDALONG HAPONES.
Dahil sa mga Amerikano, nagbago ang pagpapahalaga ng mga Pilipino. Naiba ang pakikitungo sa mga
magulang. Nawala ang pagmamano sa nakatatanda. Ang pagbati ng "Hi!" ang ipinalit nila sa
pagmamano. Ang pagbubuklod ng mag - anak na Pilipino ay naging maluwag. Sumulat sa wikang
Ingles ang mga maraming Pilipino. Nagbago rin ang pananamit ng mga Pilipino. Bestida ang naging
kasuotan ng mga babae. Ang mga sapatos nila ay may mataas na takong at may handbag.
Amerikana, polo shirt, at kurbata naman ang naging kasuotan ng mga lalaki. Ang ilan sa ating mga
pangalan tulad ng John, Charles, Mary, at Ann ay galing din sa mga Amerikano. Ang ilan sa mga
pagkain ay nabago rin. Nadagdag ang steak, hotdog, corned beed, at soft drinks.
Nang sumunod na halalan, si Osmeña ang sinuportahan ng mga dating magsasakang lumaban sa
mga Hapones dahil sa poot ila sa pakikipag - tulungan ni Roxas sa mga Hapones. Si Roxas ang
sinuportahan ang United States. Siya ang nagwagi bilang bagong pangulo ng Pilipinas noong 1946.
ANG PAMAHALAANG IKATLONG REPUBLIKA
PANUNUNGKULAN NI MANUEL A. ROXAS
(Hulyo 4, 1946 - Abril 15, 1948)
Nang maging malaya ang ating bansa mula sa pamamahala ng United States noong Hulyo 4, 1946, si
Manuel A. Roxas ang nahalal na Pangulo ng Pilipinas. Ang pamahalaang iyon ay tinawag na
IKATLONG REPUBLIKA. Si Elpidio R. Quirino naman ang nahalal na Pangalawang Pangulo.
Naging lubhang mabigat ang gawain ni Pangulong Roxas dahil sa mga SULIRANING DULOT NG
DIGMAAN. Gayunpaman, buong sikap niyang hinarap ang mga suliraning ito upang magkaroon ng
bagong buhay ang bansa. Pinagsumikapan niyang lutasin ang mga suliranin, tulad ng pagsasaayos ng
KABUHAYAN, KATIWASAYAN, KAAYUSAN, at MABABANG MORALIDAD NG LIPUNAN.
Sinikap ng pamahalaang Roxas na makipag - ugnayan sa Japan. Ito ay upang matiyak na hindi
magiging panganib sa kapayapaan ng daigdig ang Japan at upang humingi ng bayad - pinsala sa mga
nasira ng digmaan.
Ang bansang Pilipinas ay nagkaroon ng UGNAYANG DIPLOMATIKO sa mga bansang EUROPE tulad ng
FRANCE at ITALY.
Nang itatag ang Nagkakaisang mga Bansa (United Nations) pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ang Pilipinas ang isa sa mga unang naging kasapi nito. Sinikap ng pamahalaang Roxas na
magkaroon ng ugnayang diplomatiko sa Nasyonalistang China. Subalit nagkaroon ito ng maraming
suliranin. Ang pinagtibay na batas ng Kongreso na nagbigay ng priyoridad sa mga Pilipino, na umupa
ng mga puwesto sa mga pamilihang - bayan, ay nakaapekto sa mga Tsino sa bansa. Ang pakikipag -
ugnayan ng bansang Pilipinas sa China ay natuloy lamang noong Abril 18, 1947.
Upang matulungan ang mga tao at pribadong korporasyon na makapagbagong buhay, itinatag ang
Rehabilitation Finance Corporation (RFC) na sa ngayon ay kilala bilang DEVELOPMENT BANK OF THE
PHILIPPINES. Ito ay NAGPAUTANG NG PUHUNAN sa maliliit na mangangalakal at sa mga taong nais
magpagawa ng sariling bahay.
Itinakda ng BELL TRADE ACT ang pagpapataw ng buwis sa anumang produktong nanggagaling sa
Pilipinas patungong United States pagkalipas ng 1954. Limang porsyento ng buwis ang ipapataw taon
- taon hanggang marating ang 100% sa taong 1974. Itinakda rin nito na may kota o takdang dami rin
ang asukal, bigas, tabako, abono, lubid, langis ng niyog, at butones na perlas na mailuluwas ng
Pilipinas sa United States, samantalang makapagluluwas ang United States nang walang takdang
dami o kota.
HINDI NAGING MAKATARUNGAN ang Bell Trade Act sa mga Pilipino. Hindi pantay ang PARITY
RIGHTS o ang KARAPATAN NG MGA PILIPINO AT AMERIKANO SA PAGLINANG NG MGA LIKAS NA
YAMANG PINAGKUKUNAN AT PAMAMALAKAD NG MGA PAGLILINGKOD NA PAMBAYAN.
Maraming pinuno ng Pilipinas ang tumutol dito, ngunit kung hindi nila ito tatanggapin, hindi
ipagkakaloob ng United States ang tulong na pinansiyal para sa bansa. Dahil sa kondisyong ibinigay,
sumang - ayon na rin ang mga Pilipino kaya't kinailangang amyendahan ang Saligang Batas ng 1935
tungkol sa paglinang ng likas na yaman ng bansa.
Hindi nakapagluwas ng maraming kalakal ang ating bansa dahil sa malaki ang
pinsalang natamo nito sa digmaan laban sa Japan. Dahil sa dami ng mga
kalakal na mula sa United States, mas malaki ang dolyar na lumabas sa
Pilipinas kaysa sa kinita nito. Nakalipas na ang walong taon nang makayanan
ng mga Pilipino ang magluwas ng maraming produkto sa United States. Ngunit
malaki na ang ipinataw na buwis sa mga ito.
Kapalit ng mga tulong / pautang ng United States pinagtibay ang Bell Trade
Relations Act noong Oktubre 1945. Itinadhana nito ang walong taong
malayang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa United States hanggang 1954.
MGA SULIRANIN
PANGKATAHIMIKAN
a. Bago pa naging Pangulo si Manuel A. Roxas, ang PARTIDO KOMUNISTA ng Pilipinas ay nabuo na
mula sa mga miyembro ng samahan ng HukBaLaHap o Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapon.
Pinamumunuan ito nina Luis Taruc at Jesus Lava. Noong una, layunin nito na labanan ang mga
Hapones, ngunit nagpatuloy pa rin sila sa pakikipaglaban kahit tapos na ang digmaan dahil galit sila
sa ginagawa ng pamahalaan. Naging madalas ang engkuwentro ng militar at Huk, pati ang mga
nagmamay - ari ng malalaking lupa. Tumagal ng DALAWANG TAON ang pagpupunyagi ng
pamahalaan ni Roxas na malutas ang problema sa Huk, subalit hindi ito nagtagumpay.
b. Ang pagsasaayos sa kabuhayan ay patuloy na naging mahirap para sa Pamahalaang Roxas dahil sa
pagkasira ng mga daan, tulay, bahay, gusali, paaralan, aklatan, museo, at iba pa, bukod pa ang sa
kalakalan.
c. Kawalan ng katiwasayan at kaayusan --- Dumami ang masasamang - loob sa Maynila. Nanatili pa
ang mga Huk sa mga lalawigan sa kabila ng pagtatapos ng digmaan.
d. Mababang moralidad ng lipunan --- Maraming maling gawi at taliwas na pagpapahalaga at pag -
uugali ang natutuhan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Hapones.
PAKIKIPAG - UGNAYANG MILITAR SA UNITED STATES
Naging malapit ang ating bansa sa United States noong mga panahong iyon sa paniniwala ni
Pangulong Roxas na ang katatagan ng bansang Pilipinas ay nakasalalay sa pakikipagkaibigan sa
United States.
Ipinagpatuloy ang kasunduan ng Pilipinas at United States tungkol sa Base Militar na pinirmahan
noong Mayo 14, 1947 kung saan binigyan ang United States ng karapatang upahan ang mga base
militar sa loob ng 99 na taon. Bukod sa Kasunduang Tulong Militar (Military Assistance Agreement)
na unang nilagdaan noong Marso 21, 1947 ay nilagdaan pa ang isa pang kasunduan noong Agosto
30, 1951. Ito ang Kasunduan sa Pagtatanggol sa isa't isa (US - RP Mutal Defense Treaty).
Nang bawian ng buhay si Pangulong Roxas noong Abril 15, 1948, si Elpidio Quirino ang humalili sa
kanya bilang bagong Pangulo ng ating bansa.
Pinagtibay din ng Kongreso ang pagtatakda ng pinakamababang sahod (minimum wage) sa mga
kawani at manggagawa. Upang makatulong sa pangangailangan ng mga magsasaka, ang Agricultural
Credit Cooperative Financing Administration (ACCFA) ay itinatag ni Pangulong Quirino. Nagtatag din
ng mga BANGKO RURAL sa mga bayan. Ang Labor Management Advisory Board ay itinatag upang
maging TAGAPAYO ng pamahalaan tungkol sa paggawa. Gayunpaman, hindi pa rin naiahon sa
kahirapan ang karaniwang mamamayang Pilipino.
ANG PAGLALA NG SULIRANIN SA HUK
Sa kabila ng ginampanang pagpapalaya ng mga Amerikano sa Pilipinas mula sa mga Hapones, naging
MAGULO ang KALAGAYANG POLITIKAL sa bansa partikular sa GITNANG LUZON. Tumangging
makiisa sa pamahalaan ang pangkat ng HukBaLaHap sa dati'y nanlaban na sa pananakop ng mga
Hapones.
ANG HukBaLaHap
Naging mabigat na suliranin para sa pamahalaan ang Huk na nakabuo ng higit na maraming bilang na
kasapi. Ayon sa PINUNO nito na si LUIS TARUC, ang pagdami ng kasapi ng samahan ay bunsod ng:
Inalok ni Pangulong Quirino ng MALAWAKANG AMNESTIYA ang halos lahat ng kasapi ng Huk. Bilang
kapalit ng amnestiya, pumayag si Luis Taruc na magpatala at isuko ang kanilang mga sandata sa
pamahalaan sa loob ng 50 araw, ngunit nabigo ang amnestiya.
Nang lumala ang ligalig sa pagitan ng mga Huk at pamahalaan, itinatag ni Pangulong Quirino ang
President's Action Committee on Social Amelioration (PACSA). Tungkulin nito ang puntahan ang mga
biktima ng Huk at magbigay ng mga pagkain, gamot, at damit.
Sumama si Kalihim Magsaysay sa mga puwersang militar ng pamahalaan sa kanilang mga kampanya
laban sa mga Huk. Dinalaw niya ang mga ito at hiniling na makiisa sa mabuting layunin ng bansa.
Dahil sa mabuting pakikiusap at pakikitungo ni Magsaysay sa mga Huk, unti - unti silang sumuko sa
pamahalaan. Ang mga nagsisukong Huk ay binigyan ng pagkakataong muling mamuhay nang
tahimik. Binigyan sila ng Economic Development Corporation (EDCOR) ng mga tirahan at lupang
sakahan.