You are on page 1of 4

2 URI NG PANGNGALAN

1. PANTANGI – ay tumutukoy sa TIYAK na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. Ito’y
nagsisimula sa MALAKING TITIK.
Halimbawa: Gng. Carmelita G. Pedraza
Panasonic
Picnic Grove
Mahal na Araw

2. PAMBALANA – ay tumutukoy sa KARANIWANG NGALAN ng tao, bagay, hayop, lugar o


pangyayari. Ito’y nagsisimula sa MALIIT NA TITIK.
Halimbawa: guro telebisyon pusa pasyalan

2 URI NG PANGNGALANG PAMBALANA

1. KONKRETO O TAHAS – ay tumutukoy sa mga bagay na material o ginagamitan ng pandama ---


NAKIKITA, NAAAMOY, NARIRINIG, NALALASAHAN at NAHAHAWAKAN
Halimbawa: hardinero halaman bulaklak prutas

2. DI – KONKRETO O BASAL – ay tumuhtukoy sa mga bagay na hindi material kundi DIWA o


KAISIPAN
Halimbawa: bait buti sama pag – asa kaligayahan
PANG – ABAY – mga salitang naglalarawan sa PANDIWA, PANG – URI o KAPWA PANG –
ABAY

1. PANG – ABAY NA NAGLALARAWAN SA PANDIWA


PANDIWA – bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw
(pang–abay) (pandiwa)
Masiglang naglalaro ng football si Edmarch

- Ang PANG – ABAY na MASIGLA ay naglalarawan sa PANDIWANG, NAGLALARO

2. PANG – ABAY NA NAGLALARAWAN SA PANG – URI


PANG – URI – naglalarawan ng pangngalan o panghalip

(pang-abay) (pang-uri)
Talagang mahirap ang larong football.

- Ang PANG – ABAY na TALAGA ay naglalarawan sa PANG – URING, MAHIRAP

3. PANG – ABAY NA NAGLALARAWAN SA KAPWA PANG – ABAY


(pang-abay) (pang-abay) (pandiwa)
Totoong magagaling maglaro ang mga atletang Pinoy.

- Ang salitang TOTOO ay naglalarawan sa PANG – ABAY na MAGAGALING. Ang mga


MAGAGALING ay naglalarawan sa pandiwang MAGLARO. Kung gayon, ang TOTOO ay isa ring pang
– abay na naglalarawan sa kapwa pang – abay na MAGAGALING

URI NG PANG – ABAY


1. PAMARAAN – pang – abay na naglalarawan sa PARAAN kung paano ginagawa ang kilos ng
pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na PAANO.
Halimbawa: Iningatang mabuti ng mga empleyado ang buto.
Ito ay mabilis na tumubo.
2. PAMANAHON – pang – abay na nagsasaad ng PANAHON kung kalian ginagawa ang kilos ng
pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na KAILAN
Halimbawa: Araw – araw pinatutugtog sa radio ang mga awitin ng Black Eyed Peas.
Maya – maya’y dumating ang kabataan para mag – break dancing.

3. PANLUNAN – mga pang – abay na nagsasaad ng LUGAR o LUNAN kung SAAN GINAWA
ang kilos ng pandiwa
Halimbawa: Sa bahay na nagpagaling si Raissa.
Papasok pa rin siya sa unibersidad.
PANGATNIG – mga kataga o salitang nag – uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o
pangungusap
Halimbawa: a. Ang mga matatanda ay dapat igalang at mahalin.

b. Parati silang samahan upang maramdamang hindi sila nag – iisa.

c. Masaya sila kung kasama ang mga apo.

NARITO ANG TALAAN NG MGA PANGATNIG


O NGUNIT KAPAG O PAG UPANG
NI SUBALIT DAHIL SAKALI
AT HABANG SAPAGKAT BAGKUS
MAGING KUNG KAYA DATAPWAT

PANG – ANGKOP – mga katagang nag – uugnay sa salita sa kapwa salita. Ito ay walang taglay na
kahulugan. Nagpapaganda lamang ito ng pariralang pinaggagamitan.

1. Ang pang – angkop na NA ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay NAGTATAPOS SA


KATINIG MALIBAN SA N
Halimbawa: buhay na masagana
matayog na pangarap

2. Ang pang – angkop na NG ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay NAGTATAPOS SA


PATINIG
Halimbawa: malayong lugar
malaking puhunan

3. Ang NG ay ginagamit din kung ang sinundang salita ay NAGTATAPOS SA KATINIG NA N


Halimbawa: butihin ina (kaltasin ang N at idugtong ang NG) butihing ina
tahanan maayos (kaltasin ang N at idugtong ang NG) tahanang maayos

PANG – UKOL – ay maaaring kataga, salita o pariralang nag – uugnay ng isang pangngalan sa iba
pang bahagi ng pangungusap
Halimbawa: Maglaan ng kalidad na oras para sa pamilya.
Ayon sa lola, si Gabriel ay mabuting ama.

IBA PANG HALIMBAWA NG MGA PANG - UKOL

SA LABAN SA / KAY / KINA


BATAY SA PARA SA / KAY / KINA
AYON SA / KAY / KINA SANG – AYON SA / KAY /
KINA
ALINSUNOD SA / KAY / TUNGKOL SA / KAY / KINA
KINA
HINGGIL SA / KAY / KINA UKOL SA / KAY / KINA

PARIRALA – lipon ng mga salita subalit walang buong diwa


Halimbawa: mahabang bakasyon
apat na magkakaibigan

PANGUNGUSAP – ay isang salita o lipon ng mga salitang may buong diwa. Sinisimulan ito sa
malaking titik at nagtatapos sa bantas
Halimbawa: Naging masaya ang bakasyon ng magkakaibigan.
Nadagdagan pa ang kanilang kaalaman.

You might also like