You are on page 1of 20

Araling Panlipunan

Kwarter 3 Modyul 3:
z

Reaksiyon ng Pilipino sa
Epekto ng Pagsasarili ng
Bansa
Magandang buhay sa inyong lahat. Ipakita ang ngiti sa inyong
pisngi dahil
z sa araw na ito pagkatapos ng aralin 1, ikaw ay
inaasahang:
 
1. Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at
pagpapahalaga sa pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa
pagtugon sa mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan.

2. Nakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribusyon ng mga


nagpunyaging mga Pilipino sa pagkamit ng ganap na
kalayaan at hamon ng kasarinlan.

3. Nasusuri ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga


epekto sa pagsasarili ng bansa na ipinapahayag ng ilang di-
pantay na kasunduan tulad ng Philippine Rehabilitation Act,
Parity Rights at Kasunduang Base Militar
 
A.Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tumutukoy sa
z
epekto ng Colonial Mentality ng ikalawang digmaang
pandaigdig at isulat naman ang MALI kung hindi. Isulat
ang sagot sa iyong kwaderno.
 
_____1. Naiiba ang pakikitungo ng mga anak sa mga
magulang.
_____2. Pagbati gamit ang “Hi”.
_____3. Hindi nagbago ang mga pagkaing Pilipino.
_____4. Hindi nasanay ang mga Pilipino noon sa paggamit ng
mga bagay na yari sa
United States.
_____5.Sumulat ng wikang Ingles ang maraming Pilipino.
Reaksiyon ng Pilipino sa
Epekto ng Pagsasarili ng
z
Bansa
Hinimok ni Manuel A. Roxas ang Kongreso na
z
tanggapin ang dalawang batas na ginawa ng kongreso
ng Amerika-Tyding Act (Philippine Rehabilitation Law) at
Bell Trade Act (Philippine Trade Law).
Mga suliraning kinahaharap ni Pangulong Roxas
1.Pagsasaayos muli ng ekonomiya ng bansa.
2.Panunumbalik ng kaayusan at kapayapaan ng
bansa.
3.Pagsasaayos ng kultura ng
bansa.
4. Kakulangan sa pagkain,
kagamitan at gamot.
5. Krisis pinansyal.
Ano ang Philippine Rehabilitation Act?
z
Ang Philippine Rehabilitation Act of 1946 ay kilala rin
bilang “War Damage Act”. Ito ay batas na naglalayong
magbigay ng tulong pinansyal sa mga tao o negosyo na
naapektuhan ng digmaan ngunit may kasamang kondisyon.
Ang mga kondisyong nakapaloob dito ay:
1. Pagtatag ng Philippine War Damage Commission.
2. Pag-ootorisa sa pamahalaan ng Amerika na ibigay ang
surplus military equipment at property
sa pamahalaan ng Pilipinas.
3. Pagbibigay ng karapatan sa mga
Amerikano na gamitin ang likas na
yaman ng bansa, kapalit ng tulong
pinansyal.
Epekto
z ng Philippine Rehabilitation Act of
1946
Ang batas ay magdudulot ng milyun-milyong
dolyar na US para sa rehabilitasyon at pagtatayo
ng bansa, gayunpaman, bilang kapalit ng tulong
pang-ekonomiya ng Estados Unidos, inilatag ng
Estados Unidos ang isang kondisyon. Ito ay ang
tinawag na Parity Rights o pantay na karapatan ng
Pilipinas At Estados Unidos na gamitin at
pakinabangan ang mga mapagkukunan ng bansa,
at itatayo ang mga mahahalagang pampublikong
kagamitan sa Pilipinas.
Reaksyon
z
ng mga Pilipino sa mga Epekto
ng Philippine Rehabilitation Act”
 
1. Napilitan ang mga Pilipino na sumang-ayon sa kasunduan
na ipinapatupad ng Amerikano.
2. Ang mga Pilipino ay walang pagpipilian ngunit upang
baguhin ang konstitusyon upang bigyan ang mga karapatan
ng Parity Rights sa mga mamamayang amerikano biang
kapalit ng pang-ekonomiyang tulong sa U.S.
3. Nagalit ang mga tao sa ginawa ng pamahalaan sa
pakikipag-ugnayan ng mga Amerikano sa ating bansa.
4. Marami ang tumuligsa sa naipasang batas.
Pag-aralan natin ngayon
z
ang reaksyon ng mga
Pilipino sa epekto ng
Parity Rights.
 
Parity Rights – ay ang
patakarang nagbigay ng
karapatan sa pantay na
pakinabang sa likas na
yaman ng mga Amerikano
at Pilipino sa Pilipinas.
 
Mabuting Epekto ng Parity
z
Rights
1.Madaling napaunlad nito ang
pangangalakal at industriyang
itinayo ng mga Amerikano sa
Pilipinas.
2.Dumagsa ang mas maraming
bilang ng mga produktong
Amerikano sa pamilihan ng
Pilipinas.
3.Nagkaroon ng mabuting
ugnayan sa dalawang bansa.
 
z

Masamang Epekto ng Parity Rights


1.Nauubos ang ating likas na yaman.
2.Pagsasamantala ng Amerikano
sa ating likas na yaman.
 
z

Mga Naging Reaksyon ng mga Pilipino sa


mga Epekto ng Parity Rights
● Maraming mga Pilipino ang tumutol.
● Ang mga pulitikong Pilipino ay suportado
ng mga Amerikano.
● Hindi natuwa ang mga Pilipino dahil sa
pagkasira ng kalikasan.
● Natuwa din ang ibang mga Pilipino.
z

Pakikipag-ugnayan ng Militar
sa
United States
Ang pangunahing suliraning hinarap ni Roxas sa kanyang
z
panunungkulan dahil sa malaking pinsala dulot ng digmaan
ay sa pagsasaka at industriya. Naging malapit ang ating
bansa sa United States noong mga panahong iyon sa
paniniwala ni Pangulong Roxas na ang katatagan ng
bansang Pilipinas ay nakasalalay sa pakikipagkaibigan sa
Estados Unidos.
Ipinagpatuloy
z
ang kasunduan ng Pilipinas at
Estados Unidos tungkol sa Base Militar na
pirmahan noong Mayo 14,1947 kung saan
binigyan ang Estados Unidos ng karapatang
upahan ang mga base militar sa loob ng 99 na
taon. Bukod sa Kasunduang Tulong Militar
(Military Assistance Agreement) na unang
nilagdaan noong Marso 21, 1947 ay nilagdaan
pa ang isa pang kasunduan noong Agosto
30,1951. Ito ang kasunduan sa Pagtatanggol
sa isa’t isa ( US-RP Mutual Defense Treaty).
Mga
z Reaksiyon ng mga Pilipino sa
Kasunduang Base Militar
1.Umani ng matinding batikos ang
administrasyong Roxas.
2.Nagalit ang mga Pilipino.
3.Mas ginusto nilang gamitin at tangkilikin
ang mga gawang stateside
4.Nakalimutan ng maraming Pilipino ang
pagtangkilik sa mga gawaing local.
z
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Napag-alaman mo na ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa
mga Epekto ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights,
Kasunduang Base Militar .Lagyan ng masayang mukha  kung ito
ay kabilang sa mga reaksiyon ng Pilipino at lagyan naman ng
malungkot na mukha kung hindi. Iguhit ang sagot sa iyong
kwaderno.
 
_____1. Nagalit ang mga Pilipino.
_____2. Ang mga Pilipino ay walang pagpipilian.
_____3. Nakiisa ang mga Pilipino ng buong puso.
_____4. Nagdiwang ang mga Pilipino dahil sa bagong batas.
_____5. Napilitan ang mga Pilipino na sumang-ayon sa kasunduan na
ipinapatupad ng Amerikano.
 
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
z
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat
angTAMA kung ito ay nagpapahiwatig ng reaksiyon ng mga
Pilipino sa mga Epekto ng Philippine Rehabilitation Act,
Parity Rights, Kasunduang Base Militar at isulat ang MALI
kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
_____1. Nagkaisa ang lahat ng Pilipino na sundin ang
kasunduan.
_____2. Maraming mga Pilipino ang taos pusong sumuporta sa
kasunduan.
_____3. Mas malaki ang kinita ng mga Amerikano kaysa sa
mga Pilipino.
_____4. Umunlad ang pangangalakal at industriya.
_____5. Umani ng matinding batikos ang administrasyong
Roxas
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
z

Panuto: Bilugan ang limang salita sa loob ng malaking kahon ang


mga reaksyon ng mga Pilipino sa di-pantay na Kasunduan ng
bansang Pilipinas sa bansang Amerika.

 
nagalit nasiyahan nalungkot
 
tumutol sumuporta nagdiwang
 
napilitan tumuligsa natuwa
 
 
z

MARAMING SALAMAT
SA INYONG PAKIKINIG

You might also like