Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon
sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos. Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga sundalongHapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbor, Hawaii, Estados Unidos. Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras sina Heneral Douglas MacArthur na kasama angpamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Bumagsak ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ngTarlac. [1]
Pagkaraan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapon, nagpunta si MacArthur sa Australia. Pinalitan siya sa Corregidor ni Heneral Jonathan Wainwright, upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang sumuko ang mga Pilipino at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw. Nagtagal nang tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga Hapones sa Pilipinas. Nagtatag ang mga Hapones ng isang pamahalaang tau-tauhan lamang nila, na ang nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel. [1]
Sino Sino ang mga nnakipaglaban sa mga Hapon?
Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga Hapones nang lumapag ang mga puwersa ni Douglas MacArthur sa Tangway ng Leyte. Naproklaman bilang bagong pangulo ng Pilipinas si Sergio Osmea nang mamatay si Manuel Quezon. Malakas na nabomba ng mga sundalo ng Estados Unidos ang Maynila noong Pebrero 1945. Nasukol ng mga Amerikano ang mga puwersang militar ni Heneral Homma sa Lalawigang Bulubundukin(Mountain Province), na napilitang sumuko noong mabigo ang mga ito sa tinatangka nilang pagtakas. Nuong Septiyembre 1942, sumugod ang hukbong Hapon sa bundok Arayat upang puksain ang mga Huk, ngunit ilan lamang ang napatay, at binaling ng mga Hapon ang galit sa malupit na pag-usig ng mga mamamayan ng Luzon. Lalong dumami ang namundok at sumapi sa Huk, at pagkaraan lamang ng 2 buwan, umabot ng 5,000 ang mga sandatahang Huk. Sinimulan muli nilang lusubin ang mga garrison ng PC at mga Hapon upang nakawin ang mga sandata, gamit at pagkain. Maraming naakit sa kanilang tapang at dahas, at nadoble ang mga kasapi nilang namundok , umabot ng 10,000 nuong Marso 1943. Nuong buwang iyon lumusob uli ang mga Hapon, - 5,000 sundalo, pulis, PC at Makapili - sa 1,500 Huk sa hilaga ng Pampanga. Sa 10 araw na madugong labanan, 100 Huk at ilang mataas na pinuno ang napipilan at nahuli ng mga Hapon, ngunit karamihan ay nakatalilis. Lalong lumaganap ang pagtangkilik ng mga tao at lumawak ang mga lupaing hinawakan o pinamahalaan ng mga Huk sa Luzon. Nakapagtayo pa sila ng Stalin University sa mga bundok ng Sierra Madre. Ang mga guro ay ang mga komunistang sundalo mula sa China, mga beterano sa paglaban sa mga Hapon.
Death March
Ang Bataan Death March ay ang sapilitang pagpapalakad sa mahigit kumulang 70,000 bilanggo ng digmaan (prisoners of war o POW) na binubuo ng mga Filipino at Amerikano na nadakip ng mga Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagsimula noong 9 Abril 1942, ang pagmartsang ito ay nag-umpisa sa Mariveles, Bataan patungong San Fernando, Pampanga (na umabot ng 88 kilometro ang layo), hanggang Capas, Tarlac at muling naglakad ng layong 13 kilometro hanggang matunton ang Himpilang O'Donnell. Tumagal ang pagmamartsang ito ng anim na araw.
Kinilalang Death March, ang sapilitang pagmamartsa na ito ay nagdala ng matinding pahirap at trahedya sa mga sundalong napabilang dito. Ang mga sundalong Filipino at Amerikano na lumaban para sa depensa ng Bataan ay itinuring na mga bilanggo ng digmaan, o mas kilala bilang prisoners of war (POW). Sa pagsukong ginawa ni King kay Heneral Masaharu Homma, ipinaalam niya sa huli na marami sa kanyang pangkat ang may karamdaman at nagugugutom. Dahil dito, iminungkahi ni King kay Homma na siya na mismo ang magdadala sa mga sundalo sa Himpilan ng O'Donnel gamit ang kanilang sasakyang pangmilitar. Ngunit di ito inalintana ni Homma, bagkus ay pinanindigan nito na maging ang mga may kapansanan ay kinakailangang makilahok sa martsang magaganap patungo sa kampo na siyang magsisilbing kulungan ng mga bilanggo.
Ang Pagtatapos ng digmaan
Nakipagsagupaan muli sa Bataan at Corregidor ang mga Amerkano laban sa mga Hapon ngunit nagkabaligtad ang kanilang katayuan - ang mga Hapon naman ngayon ang walang pag-asang makatanggap ng tulong at karagdagang sandata mula sa labas. Tuluyang nagapi ang mga ito nuong katapusan ng Junio, 1945, at ipinahiwatig ni General MacArthur ang pagkatupad ng kanyang sumpang Ako ay magbabalik! nang ihayag nuong Julio 5, 1945, na napalaya na ang buong Pilipinas. Sa Mindanao at ilan- ilang pulo, nagpatuloy ang ang bakbakan hanggang sa pagsuko ng Japan nuong Septiembre 1945.