You are on page 1of 8

Pangasinan State University

Bayambang Campus
Bayambang, Pangasinan
Laboratory Integrated School-Elementary

Masusing Banghay-Aralin sa
Araling Panlipunan VI

Ipinasa ni:

Arcelee S. Cayabyab
(Gurong Nagsasanay)

Ipinasa kay:

Bb. Rhea Mae O. Soriano


(Gurong Tagapagsanay)

Araw ng Pagpasa: Marso 20, 2023


Araw ng Pagturo: Marso 23, 2023
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nailalahad ang mga patakarang pasipikasyon ng pamahalaang Amerikano;
B. Napagsunod-sunod ang mahahalagang pangyayari sa pamahalaan ng mga Amerikano sa
Pilipinas at;
C. Naipapakita ang pagiging nasyonalismo ng mga Pilipino.

II. Paksang-Aralin
A. Paksa- Aralin 5: Pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas.
B. Sanggunian- Antonio E., Banlaygas, E., Dallp, E., Kayamanan sa Filipno 6.
Pahina 90-94.
C. Kagamitan- Litrato, power point presentation at cartolina
III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral
A. Balik - Aral

Ano ang tinalakay natin kahapon? Mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa
kalayaan noon.

Magaling! Sino ang mga nasa larawan?

1. Heneral Emilio Aguinaldo

2. Heneral Antonio Luna


3. Melchor Aquino

4. Gregorio Del Pilar

Magaling!

B. Pagganyak

Kayo ay aking igrugrupo sa tatlo at gamit ang


“Venn diagram”, ibigay ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng pamahalaang mmilitar at
pamahalaang sibil. Pagkatapos ay inyong
iprepresenta sa harapan.

Pagkakaiba:
1. Ang pamahalaang military ay
pinamumunuan ng mga militar para
mapukso ang Pilipinong girilya.
2. Ang pamahalaang sibil ay isang uri ng
pamahalaan na pinamumunuan ng mga
sibilyan.
Pagkakapareho:
1. Sila ang nagpapatupad ng batas sa kamay
C. Paglalahad ng military at sibilyan.

Ano sa tingin nyo ang ating tatalakayin sa araw


na ito?
Pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas
Magaling! Ilang taon tayo sinakpop ng mga
Amerikano?
Tatlong taon po, guro
D. Malayang Talakayan

Maraming pagbabago ang naganap sa lipunan sa


panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa
ating bansa. Una na rito ang pagbabago sa
pamahalaan.

Pakibasa ang Pamahalaang Militar.


Nang mailipat ng mga Espanyol sa Amerika ang
Pilipinas agad nilang ipinatupad ang isang
pamahalaang militar. Inatasan ng pangulo ng
United states ni Heneral Weley Meritt na
manugkulan sa Pilipino bilang unang gobernador-
militar. Binigyan si Meritt ng kapangyarihang
tagahukom, tagapagbatas at tagapagpaganap.

Salamat! Tinutulan ito ni Heneral Emilio


Aguinaldo ngunit hindi sya pinakinggan kaya’t
nagkaroon ng digmaan.

Pakibasa ang susunod na talata. Gaya ng nabanggit sa nakaraang aralin, marami


ang mga naging labanan ng Pilipino at
Amerikano. Dinakip at pinatay ang mga gerilya na
tumanggi sa pinuno ng mga Amerikano.
Salamat, kung kaya’t ipinatapon sina Mabini at
iba pang irreconcilables sa Guam.

Dumako tayo sa patakarang pasipikasyon,


nakasaad dito ang puspusang pagtugis at
pagpapataw ng mabigat na kaparusahan sa mga
Pilipinong nagsulong ng nasyonalismo.

Pakiibasa ang Sedition Law ng 1901 o Act No.


292.
Noong Nobyembre 4, 10901 nagpapataw ng
kamatayan o matagalang pagkakabilanggo sa mga
Pilipinong nangangampanyang kalayaan ng
Pilipinas mula sa Estados Unidos.
Salamat, ano naman ang pangalawa?
Ang Brigandage Act ng 1902 noong Nobyemvre
12, 1902 na nagbabawal sa mga Pilipino na
magtayo o bumuo ng mga samahan at kilusang
makabayan.
Magaling! Ano naman ang pangatlo?
Ito ang tinatawag ng Reconcentration at noong
1903 o mas kilala bilang “zona” ito ay ang
puwersahang pagpaptira sa mga Pilipino sa
kabayanan upang maputol ang tulong a pagkain at
supota sa mga gerilya.
Ito din ay nagdala ng epidemya at gutom sa
maraming Pilipino, partikular na sa Batangas
kung saan umabot sa 50,000 katao ang namatay
dahil sa epekto ng batas.

Ano naman ang huling batas na ipinatupad ng


mga Amerikano? Ito ay tinatawag na Flag law ng 1907 na
nagbabawal sa paggamit o paglabas ng lahat ng
bandila , banderitas, siagasig o anumang
ginagamit ng mga kilusang laban sa tinatawag na
“Susog spooner”?

Ano ang pamahalaang sibil?


Noong taong 1901, naitatag ng mga Amerikano
ang pamahalaang sibil sa Pilipinas. Ito ay batay sa
batas na tinatawag na “Susog Spooner”.
Tama! Ang pangulo ng Amerika ay binibigyan
ng kapangyarihang magtayo ng pamahalaang
sibil sa Pilipinas.

Hulyo 4, 1901 pinasinayan ang pamahalaang


sibil sa Pilpinas at hinirang si William Howard
Taff bilang unang gibernador-sibil.

Ano ang hawak ng kapangyarihan sa


Gobernador-sibil? Siya ang tagapangulo ng komisyon at ehekutibo o
tagapagpaganap st lihilatibo o tagapag batas.
Natutunan din ng mga Pilipino ang
demokratikong pamamaraan ng paghalal ng mga
pinuno. Kaya upang magkaroon ng kaayusan at
kapayapaan sa bansa bumuo si Pangulong
William Mckinley ng pangkat upang magkaroon
ng gabay ang bansang Pilipinas na may
nagmamasasid, nagsisiyasat at nag-uulat tungkol
sa Pilipinas at ito ay ang tinatawag na. Philippines Comission o komisyon ng Pilipinas
Ano ang unang komisyon? Ito ay ang komisyong Schurnman na itinatag ni
Jacob G. Schurman

Salamat, ipinahatid ng kommsyon na ito sa mga


Pilipino ang layubib sa Estados Unidos na… 1. Makipagmabutihan sa mga Pilipino.
2. Siayasatin ang kalagayan ng bansa.
3. Magrekomenda ng pamahalaang angkop sa
bansa.
Magaling ano naman ang pangalawang
komisyon? Ito ay pinamumunuan ni William H. Taft sa
komisyong ito inatasan siya ni Pangulong
Mckinley na paunlarin ang kabuhayan ng mga
Pilipino at ituro ang wikang ingles sa mga
paaralan.

Magaling! Sa ilalim ng pamumuno ni Taft


sinanay ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa
pamamahala sa bansa , kung kayat nagkaron ng :
“Batas Cooper” Nagkaroon ng Pilipino sa kongreso ng Amerika
tulad nila
1. Cayetano Arello - punong mahistrado
2. Gregorio Araneta - kalihim ng pananalapi
at katarungan
3. Sina Trinidad Pardo de tavera, Jose
luzuriaga, Rafael Palma, at Benito
Leganda mga miembro ng komisyong
Taft.

Binigyan din sila ng importansya ng kalinisan


ng kapaligiran at ibinahagi sa mga magsasakaya
ang mga ilang lupang kinamkam ng mga
espanyiol.

Ano ang meron noong Marso 2, 1903?


Ito ay tinatawag na ‘Census Day’ ditto itinala ang
bilang ng tao, uri ng kabuhayan at iba pang
impormasyon.
Napalapit si William H. Taft sa mga Pilipino at
ganun din ang mga Pilipino kay Taft dahil sa
kanyang makataong pamumuno.

Ano ang patakaran mo? “Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino”

Kung kaya’t nagpatibay ito ng kanyang


katapatang matulungan ang mga Pilipino kaya’t
ang paggalang at paghanga ng mga Pilipino ay
kanyang nakuha at nakamit.
Mahusay! Matapos ang kaniyang
panunungkulan, sumunod naman sila.

E. Paglalahat

Ano ang sistema ng pamahalaan ang unang


itinatag ng mga Amerikano sa ating bansa? Pamahalaang Militar

Magaling!

Ano ang pinagkaiba ng pamahalaang militar at


pamahalaang sibil? Ang pamahalaang military ay pinamumunuan ng
mga military tulad ng mga sundalo, guro, at ang
pamahalaang sibil naman po ay ang sibilyan ang
pwedeng mamuno sa isang bansa.
Mahusay!

F. Paglalapat

Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita


ang pagiging nasyonalismo sa pang araw-araw
mong gawain?
Bilang isang mag-aaral maipapakita ko ang
pagiging nasyonalismo ko sa pang araw-aaraw sa
pamamagitan ng panggalang at pagsunod sa
alintutunin sa paaralan.
Salamat, ano pa?
Pag aralan ang mga nakaraang pangyayari sa ating
Magaling! Ano pa? bansa o kasaysayan.

Salamat at natutunan nyo an gating talakayin sa Pagpapahalaga at pagmamahal sa ating bansa.


araw na ito.

IV. Pagtataya/Pagsulit

I. Tukuyin ang mga Batas sa ilalim na pasipikasyon (1-4).


A. Sedition Law B. Reconcentration Law
C. Flag Law D. Brigandage Act

___1. Ipinatupad upang mailipat sa kabayanan ang lahat ng pamayanang nagbibigay-suporta sa mga
rebolusyonaryong Pilipino?
___2. Nagbabawal sa pagpapahayag ng anumang laban sa mga Amerikano o paghihikayat ng rebelyon
ng mga Pilipino?
___3. Pagbabawal sa pagpapakita ng anumang uri ng watawat o sagisag na ginagamit sa
pakikipaglaban sa mga Ameirkano?
___4. Nagbabawal sa paglahok sa mga samahan ng mga tulisan o bandido?

II. Sagutan kung TAMA o Mali ang isinasaad na mga pangungusap (5-10).
___5. Ang pasipikasyon ang puspusang pagtugis at pagpapataw ng mabigatt na kaparusahan sa mga
Pilipinong nagsulong ng nasyonalismo.
___6. Ipinatapon sina Mabini at iba pang irreconcilables sa Malaysia.
___7. Noong taong 1901, naitatag ng mga Amerikano ang pamahalaang sibil sa Pilipinas. Ito ay batay
sa batas na tinatawag na “Susog Spooner”.
___8. Marso 2, 1903 ang tinatawag na Census Day.
___9. Hulyo 5, 1901 pinasinayan ang pamahalaang sibil sa Pilpinas at hinirang si William Howard
Taff bilang unang gibernador-sibil.
___10. Reconcentration o kilala bilang “zona”.
V. Takdang Aralin/Takdang Gawain

Suriin ang mga patakaran, batas at estratehiyang ipinatupad ng mga Amerikano na humadlang
at nakasagabal sa pagbuo ng Pilipinas bilang malayang bansa. Punan ang tsart.

Mga Batas Mga Ipinagbawal Mga Kaparusahan

You might also like