You are on page 1of 8

6 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 2: Week 2
Learning Activity Sheets
Araling Panlipunan 6

Pangalan: __________________ Ikalawang Markahan: Ikalawang Linggo


Baitang/Pangkat : ____________ Petsa: _________________________

MGA PAGSISIKAP NG MGA PILIPINO


UPANG MAGKAROON NG MALAYANG PAMAHALAAN

Susing Konsepto
Mapagmahal sa bayan lalo na sa kalayaan ang mga Pilipino. Kapag naaapi, gumagawa tayo ng
paraan upang maputol ang gawaing ito. Sa paglisan ng mga Espanyol nakadama ng tagumpay ang
mga Pilipino sa kanilang layunin na maging malaya. Ngunit hindi naging ganap na malaya ang ating
bansa sapagkat muli itong napasakamay ng dayuhan. Ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang
pagsusumikap na magkaroon ng kalayaan at sariling pamahalaan ang ating bansa.
Ang Misyong Pilipino sa Pagkakamit ng Kalayaan
Bagaman at malaki ang kaibahan ng pamamalakad ng mga Amerikano sa mga Espanyol, hindi
pa rin nalimutan ng ating mga kababayan ang masidhing pagnanais na maging malaya. Iba’t ibang
misyon ang ipinadala sa Estados Unidos upang ipagpatuloy ang kampanyang ito.
Ang Unang Misyon Para sa Kasarinlan
Ang unang misyon ay pinangunahan ni Manuel L. Quezon na siyang pangulo ng senado noon.
Ang kabuuang 40 miyembro ng misyon ang patunay sa kakayahan ng mga Pilipino sa pagsasarili at
ito ay pinatibayan pa ni Gobernador Heneral Harisson. Pinakinggan naman ito ng kongreso ng
Estados Unidos ngunit hindi sumang-ayon dito si Manuel L. Quezon.
Ang Misyon Osrox
Pinamumunuan ito nina Sergio Osmeña at Manuel Roxas. Taong 1931 nang magtungo sila sa
Estados Unidos. Ito rin ang taong Great World Depression. Napagtanto marahil ng mga Amerikano
na makabubuti para sa kanilang ekonomiya kung bibigyan nila ng kasarinlan ng Pilipinas. Kaya’t
pinagtibay nila ang Batas-Hare-Hawes-Cutting. Ngunit hindi sumang-ayon dito si Manuel L. Quezon.
Ang Misyon Quezon
Muling nagtungo si Manuel L.Quezon sa Estados Unidos upang kumbinsihin ang mga Amerikano
na handa na tayong magsarili. Naging masuwerte naman siya at inaprubahan ng kongreso ng
Estados Unidos ang Batas Tydings-McDuffie. Ayon dito, maibibigay ang kasarinlan ng Pilipinas kapag
naisakatuparan ang mga probisyon ng batas.
Mga Pag-aalsa
Marami sa mga Pilipino ang nagpatuloy ng pagpupunyagi upang matamo ang ganap na kalayaan.
Heneral Gregorio Del Pilar
Tinaguriang Bayani ng Pasong Tirad si Gregorio Del Pilar. Noong panahong tinutugis ng mga
Amerikano si Pang.Aguinaldo ay hinarangan niya at ng kanyang mga tauhan ang Pasong Tirad upang
hindi mahuli si Aguinaldo. Sa pook na ito rin siya napatay ng mga kaaway noong Disyembre 2, 1899.

2
Macario Sakay
Si Macario Sakay ay kasama sa pinunong nagtatag ng Republikang Tagalog o Pamahalaang
Supremo sa Tanay Rizal. Matagal bago siya nadakip ng mga Amerikano. Napasuko lamang siya sa
tulong ni Dominador Gomez. Pagkatapos malitis ay ipinapatay siya noong Setyembre 13, 1907.
Heneral Antonio Luna
Ang pinakamagaling na heneral noong panahon ng rebolusyon laban sa mga Amerikano ay si
Hen.Antonio Luna. Napatay ng mga kalaban noong Hunyo 5, 1899 sa Cabanatuan Nueva Ecija.
Si Miguel Malvar ng Batangas at Simeon Ola ng Guinobatan,Albay ang mga huling heneral na
sumuko sa mga Amerikano. Bagama’t nakipaglaban ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng
lakas at sandata, mayroon ding mga makabayang Pilipino ang gumagamit ng panulat upang
maipahayag ang kanilang saloobin. Inilathala ang mga pahayagang El Renacimiento at Muling
Pagsilang na pag-aari ni Martin Ocampo. Ang mga ito’y naging instrumento sa pagbubunyag sa mga
katiwalian ng mga namumuno sa pamahalaan.
Ipinakita rin ng mga Pilipino ang kanilang paghihirap sa pamamagitan ng mga palabas o
pagtatanghal na ang tema ay pagmamahal sa bayan at kalupitan ng mga kaaway. Isa sa mga ito ay
ang “Tanikalang Ginto” na isinulat ni Juan Abad at ang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio
Tolentino. Inilathala rin ang “Malaya” ni Tomas Remigio at “Hindi Ako patay” na pawang may diwang
makabansa at pagtuligsa sa pamahalaang Amerikano.
Trinidad Tecson
Isinilang si Trinidad Tecson sa San Miguel, Bulacan noong Nobyembre 18, 1848. Siya ay isang
pambihirang babae na nakipaglaban sa labindalawang labanan ng Himagsikan ng 1896 sa ilalim ng
limang heneral na Pilipino. Tumulong siya sa panggagamot ng mga sugatang kawal-Pilipino. Dahil
sa kanyang ipinamalas na katapangan, tinawag siyang Ina ng Biak-na-Bato.
Ang pagpapakain sa mga kawal na Pilipino ang naging gawain niya noong Digmaang Pilipino at
Amerikano. Sumuko siya sa mga Amerikano at namatay noong Enero 28, 1928 sa gulang na 80 taon.
Heneral Artemio Ricarte
Isinilang si Artemio Ricarte sa Batac, Ilocos Norte noong Oktubre 20, 1866. Dahil sa kahirapan,
namasukan siya bilang katulong upang makapag-aral. Vibora ang pangalang ginamit niya noong
Himagsikan ng 1896. Nang sakupin ng mga Amerikano ang ating bansa, napiit siya dahil sa
pagtangging manumpa sa bandilang Amerikano.
Anim na buwan siya sa bilibid hanggang siya’y ipatapon sa Guam kasama ni Apolinario Mabini.
Heneral Francisco Macabulos
Isinilang si Heneral Francisco Macabulos sa La Paz, Tarlac noong Setyembre 17,1871. Siya ay
isang rebolusyonaryong nagtatag ng kanyang pamahalaan sa Gitnang Luzon pagkatapos ng
Kasunduan sa Biak-na-Bato. Noong panahon ng labanan ng mga Pilipino at Amerikano, si Heneral
Macabulos ay nakipaglaban sa Tarlac at Pampanga. Sumuko siya sa mga Amerikano noong Hulyo
21, 1900 sa ilalim ng Amnesty Proclamation.
Simeon Ola
Taga-Guinobatan, Albay si Simeon Ola. Siya ang kinikilalang kahuli-hulihang heneral ng
Himagsikan ng 1896. Sumuko siya sa mga Amerikano noong Setyembre 25, 1903.
Jose Corazon De Jesus
Kilala sa taguring Huseng Batute at pangunahing makata sa Wikang Tagalog, si Jose Corazon
De Jesus ay maraming isinulat na mga tulang pandamdamin. Ang isa rito ay ang tulang Bayan ko.
Ang tulang ito ay isang awitin ngayon.

3
Kasanayang Pampagkatuto:
Naipaliliwanag ang mga pagsusumikap ng mga Pilipino tungo sa pagtatatag ng nagsasariling
pamahalaan
Mga layunin:
1. Natatalakay ang pagsisikap ng mga Pilipinong magkaroon ng malayang pamahalaan.
2. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa pagkakaroon ng malayang
pamahalaan.
3. Naipagmamalaki ang pagsisikap ng mga Pilipinong magkaroon ng malayang pamahalaan.

Pagsasanay I
Panuto: Lagyan ng (√) kung ang ipinahahayag ng pangungusap ay tama ay (X) kung mali.
______1. Iba’t ibang misyon sa Amerikano ang isinagawa ng mga Pilipino upang makamit ang
kalayaan at pagsasarili ng bansa.
______2. Ang Batas Jones ang nagtakda ng kalayaan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946.
______3. Isa sa probisyon ng Batas Tydings-McDuffie ang pagtatag ng pamahalaang Komonwelt.
______4. Napatay si Gregorio del Pilar sa Palanan, Isabela.
______5. Halos sa buong kapuluan may nagaganap na pag-aalsa laban sa mga Amerikano.
______6. Si Simeon Ola ng Albay ang huling heneral na sumuko sa mga Amerikano.
______7. Ang misyon OsRox ay katumbas ng Hare-Hawes-Cutting.
______8. Si Emilio Aguinaldo ay makabayang mamamahayag sa panahon ng Amerikano.
______9. Si Manuel L. Quezon ang namuno sa huling misyong pangkalayaan ng bansa.
_____10. Matatapang at makabansa ang mga Pilipino.

Pagsasanay 2

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang layunin ng mga misyong pinadala ng mga Pilipino sa Estados Unidos?

a. maging isa sa mga estado ng Estados Unidos ang Pilipinas

b. makuha ang kalayaan ng Pilipinas

c. manghingi ng tulong,

d. manirahan doon,

2. Ano ang naging bunga ng unang misyon ni Manuel L. Quezon sa Estados Unidos?
a. ibinalita sa mga peryodiko ang pagpunta niya roon
b. ibinigay ang hinihingi niya
c. kinausap siya ng Pangulo

4
d. pinakinggan siya ng Kongreso,
3. Ano ang naging bunga ng misyong OSROX?
a. Hare-Hawes-Cutting Law
b. OSROX Mission
c. Quezon Mission
d. Tydings-McDuffie Law
4. Alin ang nagtakda ng kasarinlan ng Pilipinas?
a. Hare-Hawes-Cutting Law
b. OSROX Mission
c. Tydings-McDuffie Law
d. Quezon Mission
5. Sino ang tumutol sa Batas-Hare-Hawes-Cutting?
a. Francis Harrison
b. Manuel L. Quezon
c. Manuel Roxas,
d. Sergio Osmeña

Pagsasanay 3
Panuto: Isulat ang titik ng katangiang ipinamalas ng mga Pilipino sa bawat pangyayari
_______1. Pakikipaglaban sa mga Amerikano a. tiyaga
_______2. Pagpapadala ng misyon para sa kalayaan b. kagitingan
_______3. Pagsisiwalat ng mga katiwalian ng mga Amerikano c. lakas ng loob
_______4. Pagsusulat ng Saligang Batas d. karunungan
_______5. Pagtanggap ng mga dayuhang Amerikano e. pakikipag-kaibigan

Pagsasanay 4
Panuto: Pumili ng isang bayani na lumaban para sa kalayaan noong panahon ng Amerikano.

Gamitin ang Caravan Web. Isulat ang katangian o ugaling naipakita ng bayani.

5
Pangalan ng Bayani Katangian ng Bayani

6
Pangwakas: (Performance Task)

Ngayon alam mo na kung paano nagsikap ang mga Pilipino na magkaroon ng malayang
pamahalaan, marapat na ipagmalaki natin ito. Paano mo maipagmalaki ang ginawang ito ng mga
natatanging Pilipino noong panahon ng Amerikano?

Sumulat ng ilang talata tungkol dito.


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
____________________________________

Mga Sanggunian:

Barrientos Gloria P., Capiña Estelita B., Pilipinas: Bansang Malaya 2000, SD Publishing

House, Inc. G. Araneta Avenue, cor. Ma. Clara St. 1107 Quezon City, Phillippines

Capiña Estelita B., Palu- Ay Alvenia P., Bansang Papaunlad 2000, SD. Publishing House Inc.,

Gregorio Araneta Avenue, cor. Maria Clara Street, Quezon City Philippines

7
8
Teacher- I
JAY AR D. ALBOROTE
Inihanda ni:
Pagsasanay 1:
Pagsasanay 2: Pagsasanay 3:
1. √ 1. B 1. B
2. X 2. D. 2. A
3. √ 3. A 3. C
4. X 4. C 4. D
5. √ 5. C 5. E
6. √
7. √
8. X
9. √
10. √
Pagsasanay 4: Tanggapin ang pagkakaiba ng sagot ng mag-aaral
Pangwakas: Tanggapin ang pagkakaiba ng sagot ng mag-aaral

You might also like