You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN

ARALING PANLIPUNAN 7
ARALING ASYANO

I.Layunin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap


Ang mag-aaral ay napapahalagahan ang pagtugon Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang
ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-
pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog- unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog
Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Silangang Asya sa Transisyoal at
Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo). Makabagong Panahon.

Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin
sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

Layunin
1.1 Naiisa-isa ang mga dahilan ng kolonyalismo.
1.2 Nasusuri ang mga nagbago at nanatili sa ilalim ng kolonyalismo.
1.3 Natataya ang mga epekto ng kolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

II. Nilalaman

Paksa Yunit IV : Ang Silangan at Timog-Silangang


Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon
Aralin 16: Ang Kolonyalismo sa Timog-
Silangang Asya
Sanggunian Aguilar, A. et al, Araling Panlipunan Alab
Araling Asyano , LM p. 186-189
Abulencia, Arthur. et al, KAYAMANAN
Araling Asyano, LM p. 257-279
At iba pang batayang Aklat sa Araling Asya
Kagamitan Power point presentation, laptop at zoom
meeting application

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Panalangin Tatawagin ng Guro ang mag-aaral para


pangunahan ang panalangin.

Pagbati Magandang umaga mga Mag-aaral!


Magandang umaga din po Bb. Katherine Bea
Muji!
Pag-ulat ng liban Ilalahad ng guro ang bilang ng dumalo sa
klase at kukuha ng litrato pagkatapos ng
talakayan.
Balik-Aral
a. Ihanda ang mga mag-aaral para sa
gagawing balik-aral.
b. Tumawag ng mga mag-aaral na sasagot
ng mga katanungan.
Pagganyak: Whack Me Up!

Mga Hakbang sa paglalaro:

Step1- I-click ang link na nasa chatbox. https://wordwall.net/play/31168/526/649?


fbclid=IwAR1U6AeONr3RXQ-
XNw9M2ILStQOMruqvrcCRqYJW7jvW8sNCgRDoXixmZDo
Step2- Ilagay ang pangalan bago magsimula.
Step3- Pindutin ang Hit Me! upang masimulan na ang laro.
Step4- Piliin at pindutin lamang ang nagpapakita ng tamang larawan at pangalan.

B. Paglinang ng Aralin:

1. Pagtatalakay
Tatalakayin ng guro ang mga sumusunod na paksa;
a. Aralin 16: Ang Kolonyalismo sa Timog-Silangang Asya
a.1 Mga Dahilan at Paraan ng Kolonyalismosa Timog-Silangang Asya

2. Paglalahat
Ipasagot ang katanungang:
a. Ano ang pangunahing dahilan ng pagsisimula ng kolonisasyon sa Timog-
Silangang Asya? Mayroon ba itong naidulot na mabuti?

3. Paglalapat
Panuto: Gamit ang reactions sa zoom, pindutin ang heart react kung ang
pangungusap ay positibong epekto at like react naman kung ito ay negatibong
epekto.

1. Ginawang monopolyo ng mga Portuges ang Silangang Ruta.


2. Natagpuan ang Spice Island o Pulo ng Pampalasa.
3. Nalamang bilog ang hugis ng mundo at natuklasan an mga karagatan.
4. Naikot ng Barkong Victoria ang buong daigdig.
5. Inangkin ng Portugal ang kalakalan sa Spice Island.

IV. PAGATATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot sa kahon na nasa
ibaba.
Spice Island Ferdinand Magellan Barkong Victoria

Prinsipe Henry Christopher Colombus

1. Isang Portuges na manlalayag ngunit ang katapatan ay nasa Espanya.


2. Pulo ng pampalasa na kilala rin sa pangalan na Moluccas.
3. Hinikayat ang mga manlalayag at mga kartograpo na makipagsapalaran sa
paggalugad at pagtuklas ng mga bagong ruta at teritoryo.
4. Italyanong manlalayag na ipinadala ng Espanya kung saan natagpuan niya ang
bagong lupalop na inakala niyang Asya, ngunit ang natagpuan pala ay ang Timog at
Hilagang America.
5. Naging mahalaga ang paglalayag nito dahil ito ang kauna-unahang nakaikot sa
buong daigdig.

V. KASUNDUAN

1. Basahin at unawain ang susunod na aralin sa inyong libro. Pahina 190 -194.

Inihanda ni:

Bb. Katherine Bea DL. Muji


GURONG NAGSASANAY

Binigyang puna ni:

Bb. Margie Gulapa


GURO SA ARALING PANLIPUNAN

You might also like