You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7-IKATLONG

MARKAHAN
Paaralan Cataggaman National High School Grade Level Ika Pitong (7) Baitang
Guro Lowelyn M. Mariano Learning Araling Panlipunan
Area
Oras ng Pagtuturo Isang Oras Quarter 3rd Quarter

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
pagbabago, pag-unlad, at pagpapatuloy sa Timog
A. Pamantayang Pangnilalaman at Kanlurang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20
siglo).
Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng
kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad, at
B. Pamantayan sa Pagganap pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa
Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16
hanggang ika-20 siglo).
Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng
C. Pamantayan sa Pagkatuto digmaang pandaigdig sa kasaysayan ng mga
bansang Asyano.
Pagkatapos nang isang oras na talakayan, ang
mga mag-aaral ay inaasahang:
A. naiisa-isa ang mga dahilan ng Unang
Digmaang Pandaigdig;
B. naipaliliwanag kung paano nasangkot ang
mga Asyano sa Unang Digmaang
D. Layunin
Pandaigdig;
C. natutukoy ang mga epekto ng Unang
Digmaang Pandaigdig; at
D. nakagagawa ng timeline tungkol sa
naging kaganapan noong Unang
Digmaang Pandaigdig..
Paksa: Karanasan at Implikasyon ng Digmaang
Pandaigdig sa Kasaysayan ng mga Bansang
Asyano
 Unang Digmaang Pandaigdig
II. NILALAMAN
Sanggunian: Araling Panlipunan Ikatlong
Markahan – Modyul 3
Kagamitan: Laptop, telebisyon, power point
presentasyon, mga larawan

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
 Pambungad na Dalangin  Mabuhay, ma’am!
- Mabuhay, klas! (Ang mga mag-aaral ay
mananalangin)

 Kalinisan at Kaayusan (Isasaayos ng mga mag-aaral ang


kanilang mga upuan)
 Pagsusuri ng Pagdalo

 Pagbabalik-aral
- Noong nakaraang lingo, nabigyan
natin ng pagpapakahulugan ang
nasyonalismo, dalawang uri ng
nasyonalismo, mga manipestasyon ng (Ang mga mag-aaral ay binigyang
nasyonalismo, mga nasyonalista sa pagpapakahulugan ang naturang
Timog at Kanlurang Asya at ang talakayin noong nakaraang lingo)
kanilang mga pamamaraan na ginamit
upang makamit ang kalayaan.
Anu-ano ang nga ang mga ito?

- Ano nga ulit ang dahilan kung - Umusbong ang nasyonalismo sa


umusbong ang nasyonalismo sa Timog Timog at Kanlurang Asya dahil sa
at Kanlurang Asya? kagustuhang ng mga mananakop na
palaguin ang kanilang nasasakupan.

- Tunay ngang may tumatak sa inyong - Yes, ma’am!


kaisipan sa ating nagdaang aralin.

- Bago tayo dumako sa ating


A. Pagganyak panibagong aralin, kayo ay
magkakaroon ng isang aktibidad na (Ang mga mag-aaral ay manonood)
tinatawag na “Watch Me”.

(Ang guro ay magtatanong batay saan (Ang mga mag-aaral ay magbibigay


ang kanilang napanood) ng kanilang sariling pananaw)

B. Paglalahad - Nakuha ko ba ang inyong atensyon - Yes, ma’am!


mula sa inyong napanood?

- May ideya na ba kayo kung ano ang - Yes, ma’am


ating pag-aaralan ngayong araw na ito, - Tungkol sa digmaan, ma’am!
klas?

- Okay! Ang aralin natin ngayon ay may


kinalaman sa inyong napanood

- Kapag naririnig niyo ang Unang - Madami po ang namatay na


Digmaang Pandaigdig, ano ang sundalo, ma’am!
pumapasok sa inyong isipan?
- Maraming mga gusali ang nasira,
ma’am!

C. Pagtatalakay Ang Timog at Kanlurang Asya sa


Dalawang Digmaang Pandaigdig

Anu-ano sa palagay niyo ang mga


dahilan ng Unang Digmaang (Ang mga mag-aaral ay ibabagi ang
Pandaigdig? kanilang mga kaalaman)

- Noong naganap ang Unang digmaang


Pandaigdig ay mas lalong nasubok ang
pagpapakita ng nasyonalismo sa mga
lider ng mga bansang nasakop noong
nangyari ang digmaang pandaigdig.

MILITARISMO

M L T R M O

ALYANSA

A L Y S

IMPERYALISMO

I M R Y L S O

NASYONALISMO

N S O A S M O

Pamprosesong Tanong:
1. Anu sa tingin niyo ang kinalaman ng
MAIN sa digmaang pandaigdig?

- Sa araling ito, ating matutunghayan (Ang mga mag-aaral ay sasagot)


ang mga naging kaganapan sa Unang
Digmaang Pandaigdig na siyang
nagbigay daan upang magkaroon ng
pagbabago sa pangunguna ng mga
Asyanong lider.
- Ipinakita nila ang kanilang dedikasyon
upang makamit ang inaasam nilang
kalaayan mula sa imperyalistang bansa.

Pamprosesong Tanong:
1. Anu-anong mga bansa ang
tinaguriang Imperyalistang Bansa?
(Ang mga mag-aaral ay magsasabi
ng mga bansa na posibleng
Unang Digmaang Pandaigdig (1914- kabilang sa imperyalistang bansa)
1918)

Ang Unang Digmaang Pandaigdig o


“World War 1” ay naganap noong
Agosto 1914-1918.

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit sumiklab ang unang digmaang
pandaigdig?

- Ito ay kinasangkutan ng mga


makapangyarihang bansa sa mundo na (Sasagot ang mga estudyante base
noon ay napapangkat sa dalawang sa kanilang kaalaman)
magkalabang alyansa.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang tawag sa dalawang pangkat
ng bansa na magkalaban?
2. Anu-anong bansa ang binubuo ng
Central Powers?
3. Anu-anong bansa naman ang
bumubuo sa Allies?
(Ang mga mag-aaral ay nagpahayag
Tama! ng sarling opinion)
- Ang Central Powers ay alyansa ng
mga bansang Germany, Austria, at
Hungary samantala, ang Allies naman
ay binubuo ng mga bansang France,
England at Russia. Isang sanhi ng
digmaan ang pagpapalakas ng hukbong
sandatahan o Militarismo bilang bahagi
ng sukatan ng kapangyarihan.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pinakasanhi ng Unang
Digmaang Pandaigdig?

-Ang pinakasanhi ng Unang digmaang


pandaigdig ay ang pagpatay sa (Ang mga mag-aaral ay magtataas
tagapagpana ng trono ng Austria- ng kamay upang sumagot)
Hungary na si Archduke Franz
Ferdinand noong Hunyo 28, 1914. Kung
saan, kahit ang sentro ng didmaan ay sa
Europa ay naging malaking epekto pa
rin ito sa Kontinente ng Asya.

Timeline ng mga Naganap sa Asya sa


Gitna ng Unang Digmaang
Pandaigdig

1914- nagkaisa at tumulong ang India sa


pwersa ng Allies, nagpadala sila ng mga
Indian sa labanan sa ilalim ng
pamamahala ng mga Ingles.
-Ginamit ng Russia at Great Britain ang
Iraq upang isagawa ang pag-atake nito
sa Ottoman Empire na nakipag-alyado
sa Germany.
1914- natuklasan ang langis sa
kanlurang asya dahilan upang mas
maging interesado ang mga Kanluraning
bansa rito at magtatag ng sistemang
mandato.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naging dulot ng pag-atakeng
ito sa mga Iranian?

- Tama! Ito ay nag-iwan ng malaking


pinsala sa bansang Iran. Ang naging dulot nito ay maraming
namatay at nasirang mga gusali.
Taong 1917 naman, ano sa tingin niyo
ang naging kaganapan, klas?
-Tama! Ipinalabas ang Balfour
Declaration.
1917, nasakop na ng Allied Powers ang Ang Balfour Declaration, ma’am
iba’t ibang importanteng lugar sa
Kanlurang Asya katulad ng Baghdad,
Iraq, at ang Jerusalem.

1918- Nobyembre 11, 1918 ay


nagkaroon ng Armistice of Murdos o
Kasunduang nagpatigil sa Unang
Digmaang Pandaigdig at nauwi sa
pagsuko ng Central Powers.

1919- Nilagdaan noong Hunyo 28, 1919


ang Kasunduan sa Versailles.
Ano ang Kasunduang Versailles o
Treaty of Versailles, klas?

- Tama! Kung saan ang kasunduang ito (Ang mga mag-aaral ay magtataas
ay isa sa mga napagkasunduan sa ng kamay upang sagutin ang
naganap na Peace Conference noong katanungan)
Enero 1919.

Tanong:
1. Kailan bumagsak ang imperyong
Ottoman?
2. Batay sa ating naging talakayan, Marso 3, 1924
saan naganap ang Unang
Digmaang Pandaigdig? Europa
3. Bagaman sa Europa ang naging
sentro ng Unang Digmaang
Pandaigdig, sa palagay niyo (Ang mga mag-aaral ay ibabahagi
paano nasangkot ang Timog at ang alam nilang sagot)
Kanlurang Asya sa digmaan?

Epekto ng Unang Digmaang


Pandaigdig

1. Nagdulot ng malawak na
pinsala sa mga ari-arian,
pagkasawi ng milyo-milyong
sundalo at mga sibilyan.
2. Krisis sa pang-ekonomiya
3. Lumakas ang kilusang
nasyonalismo.
4. League of Nations
5. Pagkakaroon ng bagong bansa
Pamprosesong Tanong:
1. Mayroon bang naging
masamang epekto sa Timog at
(Sagot ng mga mag-aaral)
Kanlurang Asya ang Unang
Digmaang Pandaigdig? Paano?

Upang subukin ang inyong natutunan,


kayo ay magkakaroon ng isang gawain.
Gamit ang grahic organizer, inyong
D. Paglalapat ililista ang mga naging kaganapan
noong unang digmaang pandaigdig.

Himukin ang mag-aaral na ibigay


buod ng paksa.

Ano ang mga mahahalagang


natutunan sa araw na ito?

Sa tingin niyo klas may mahalaga


bang naidudulot ang digmaan?
Pangatwiranan ang sagot.

Sa kasalukuyan ang ating bansa at


ang China ay may hindi
pagkakaunawaan patungkol sa
pagmamay-ari sa teritoryong
E. Paglalahat Spratly Island.

Magmumgkahi klas ng mga


paraan kung paano maiiwasan ang
hindi pagkakaunawaan ng
F. Pagpapahalaga Pilipinas at China ukol dito.

Ang aking natutunan ngayong araw


ay tungkol sa
_____________________________
_____________________________

IV. PAGTATAYA
PANUTO: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Kailan naganap ang unang digmaang pandaigdig?
2. Anong bansa ang binubuo ng Central Powers?
3. Ang kasunduang ito ang nagpatigil sa Unang Digmaang Pandaigdig at nauwi sa pagsuko ng
Central Powers.
4. Kailan natuklasan ang langis sa kanlurang asya dahilan upang mas maging interesado ang mga
Kanluraning bansa rito at magtatag ng sistemang mandato.
5. Sistemang ipinatupad ng Allied Powers. Nakasaad dito na paghahati-hatian ng mga Allies ang
mga bansang dating sakop ng imperyong Ottoman.
6. Ano ang kahulugan ng akronim na MAIN?
7. Ano ang Ipinalabas ang noong 1917 ng mga Ingles na kung saan nakasaad dito na ang
Palestina ay bubuksan sa mga Jew o Israelite upang maging kanilang tahanan.
8. Kailan nagwakas ang unang digmaang pandaigdig?
9. Kailan nasakop ng Allied Powers ang iba’t ibang importanteng lugar sa Kanlurang Asya
katulad ng Baghdad, Iraq, at ang Jerusalem?
10. Magbigay ng isang epekto ng Unang digmaang Pandaigdig.

Susi sa pagwawasto:
1. 1914 6. Militarismo, Alyansa, Imperyalismo, Nasyonalismo
2. Germany, Austria at Hungary 7. Balfour Declaration
3. Armistice of Murdos 8. 1918
4. 1914 9. 1917
5. Mandate System 10. Lumakas ang kilusang nasyonalismo.
V. Takdang-Aralin:
Follow Up:
Bilang isang mag-aaral sa taong 21th century, nanaisin mo bang mailagay sa ganoong sitwasyon?
Oo o hindi, bakit?

Advance:
Basahin ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at isulat ang mga naging kaganapan noon at
sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:
1. Bakit sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
2. Paano nasangkot ang Asya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
3. Anu-ano ang mga Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Sanggunian: SLM Quarter 3, Modyul 3- Karanasan at Implikasyon ng Digmaang
Pandaigdig sa Kasaysayan ng mga Bansang Asyano.

You might also like