You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN VII

Ni Bb. Allondra O. Rosales

I. MGA LAYUNIN
Pagkatpos ng aralin, ang mga magaaral ay inaaasahang:
A. Maipamamalas ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog
at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20
siglo).
B. Nakapagsasagawa ng kiritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy
sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16
hanggang ika-20 siglo).
C. Nasusuri ang matinding epekto ng mga digmaang pandaigdig sa pag-angat ng mga
malawakang kilusang nasyonalista (AP7TKA-IIIe-1.13)

II. MGA NILALAMAN


Paksang Aralin: Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa pag-usbong ng malawakang kilusang
nasyonalista
Kagamitang Panturo:
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Kagamitang Panturo: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba
(Batayang Aklat) pp. 252 – 262
B. Iba pang kagamitang panturo: laptop, projector, powerpoint presentation

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pagbati sa guro at sa mga mag-aaral
Pagtala ng liban
Paglalahad ng mga layunin
B. Pagganyak
May ipapakitang mga litrato ang guro sa klase kung saan ito ay kanilang susuriin.
Sila ay bibigyan ng ilang mga katunungan kaugnay rito na siya ring magsisilbing
gabay upang malaman nila ang paksa ng aralin.
C. Paglinang ng Aralin
a. Aktibiti (Activity)
Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat grupo ay inaatasang
basahin ang kabuoang teksto tungkol sa dalawang digmaang pandaigdig.
Nilalaman nito ang mga mahahalagang pagyayari at ang pagusbong
malawakang nasyonalista dulot ng pangyayaring ito. Pagkatapos basahin
ang tesksto ang bawat pangkat ay gagawa ng diagram at iprepresenta ito
sa buong klase pagkatapos ng inilaan na oras sa paghahanda. Ang
kanilang mga kasagutan ay iprepresenta sa pamamagitan ng Powerpoint
Presentation.
b. Paunlarin (Analysis)
Magkakaroon ng diskusyon sa silid-aralan kung saan ang bawat mag-aaral
ay bibigyan ng pagkakataoon upang ilahad ang kanilang mga opinion at
kasagutan. Gagamitin ang Random Name Picker na app sa pagpili ng mag-
aaral na sasagot.
1. Ano-ano ang nangyari sa Timog at Kanlurang Asya bago at matapos ang
Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
2. Paano nakaapekto ang nasabing digmaan sa mga tao at bansa ng
Timog at Kanlurang Asya noon at sa ksalukuyan?
3. Sa nangyayaring kaguluhan sa Timog at Kanlurang Asya, nanaisin mo
bang maulit pa ang isang digmaang pandaigdig? Bakit?
c. Pagnilayan at Unawain (Abstraction)
Upang lubos na masubok ang pag-unawa sa natalakay na paksa tungkol
sa nasyonalismo ay basahin ang napapanahong balita na may kaugnayan
sa ilang bansa sa Kanlurang Asya. Pagkatapos nito ay bibigyan ang klase
ng indibidwal na gawain na ipamamalas ang kanilang pansariling
pananaw at pagkaka-unawa.
d. Isabuhay (Application)
Sa bahaging ito, gagawa ang mga mag-aaral ng isang digital poster gamit
ang app na canva kung ssan naglalarawan ito ng pagiging makabayan at
lagyan ng iyong sariling kapsyon ng pangako ng pagsasakatuparan nito sa
iyong tahanan, pamayanan o paaralan.

IV. EBALWASYON
Isulat ang “T” kung sa iyong palagay ito ay TAMA at “M” naman kung ito ay mali.
______1. Nasyonalismo ang nagging pangunahing tugon ng mga Asyano sa pananakop
ng mga Kanluranin.
______2. Dahil sa Ikalawang Digmaang Paigdig, nagsibalik ang mga Jews sa Kanlurang
Asya.
______3. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ipinatupad ng mga Kanluranin ang
sistemang mandato sa Kanlurang Asya.
______4. Ang patakarang Divide and Rule ng mga Ingles ang nagbigay-daan sa
pagkakaisa ng mga Indian.
______5. Relihiyon ang nagging pangunahing batayan sa pagpapakita ng nasyonalismo
ng mga India.
V. TAKDANG-ARALIN
Inaatasang basahin ng mga mag-aaral sa kanilang batayang-aklat ang pahina 265
hanggang 268 para sa susunod na talakayan.

You might also like