You are on page 1of 14

BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL

City of Balanga

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO SA ARALING PANLIPUNAN

Paaralan Bataan National High School Antas Grade 7


GRADES 1 to Guro Rica S. Arceo Asignatura Araling Panlipunan 7
12 Petsa/Oras May 17, 2022 (7-Caparaz) Markahan Ika-apat na Markahan
Pang-araw- 8:00am – 12:00pm
araw na Plano May 18, 2022 (7-Wuzetian)
Sa Pagtuturo - 12:00pm – 05:00pm
DLP

PHASES OF LEARNING
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa
pagbabago, pag-unlad, at pagpapatuloy sa Timog at
Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo).
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na
pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad, at pagpapatuloy
sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo).
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo ng mga kanluranin sa
ikalawang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila
sa Silangan at Timog-Silangang Asya

LAYUNIN
a. Natatalakay ang mga naging dahilan, paraan at
epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya
sa ikalawang yugto;
b. Naipaliliwanag ang mga naging dahilan, paraan at
epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa
Silangan at Timog-Silangang Asya sa ikalawang
yugto; at
c. Napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano
sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at
pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang
Asya sa kabila ng pananakop.
II. NILALAMAN
KAGAMITANG PANTURO
1. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang- Grade 7 Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan
Mag-aaral Modyul: Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at
Timog Silangang Asya
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource
2. Iba pang kagamitang Panturo Panturong biswal tulad ng mga larawan, laptop,
internet connection
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain a. Panalangin
b. Mga alituntunin sa Online Classroom
Ipapanuod ang inihandang video presentation patungkol sa
mga itinakdang alituntunin sa klase.
c. Pagtala ng Liban
d. Balitaan
TANONG: Ano ang maaaring maging epekto nito sa ating
pamumuhay?
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
B. Balik-Aral GAWAIN: RE-MEMORYA!

Bago tayo dumako sa ating aralin ngayong PANUTO: Sagutin ang katanungan sa bawat bilang.
araw nais ko muna na tayo’y magkaroon
ng isang pagbabalik aral patungkol sa Sagutin gamit ang:
ating nakaraang aralin. Opsyon 1: Classpoint
Opsyon 2: Comment Box

TANONG:
Ano anong mga bansa sa Silangan at Timog-Silangan
ang nasakop sa unang yugto ng kolonyalismo at
imperyalismo?
SAGOT:
 Pilipinas, Indonesia at Malaysia

TANONG:
Ano ano ang mga naging dahilan ng pananakop ng
mga Kanluranin sa mga bansa sa Timog-Silangan
Asya?
SAGOT:
 Sapagkat nabatid po nila ang karangyaan ng
Magaling, Klas! mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
Tunay nga na kayo’y nakinig at natuto sa
ating naging talakayan noong nakaraan.
C. Pagganyak GAWAIN: MAPA-NGALAN!

PANUTO: Ibigay ang bansang nagmamay-ari ng bawat


watawat.

D. Pagtatalakay sa Aralin

Ngayong araw ay ating tatalakayin ang


Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Silangan at Timog-
Silangang Asya
Maki basa ang ating layunin ngayong
araw. LAYUNIN:
Sa katapusan ng aralin, 100% ng mga mag-aaral ay
inaasahang makatatamo ng humigit kumulang na 85%
sa mga kasanayan na:
a. Natatalakay ang mga naging dahilan, paraan at
epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya
sa ikalawang yugto;
b. Naipaliliwanag ang mga naging dahilan, paraan at
epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa
Silangan at Timog-Silangang Asya sa ikalawang
yugto; at
c. Napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano
sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at
pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang
Maraming Salamat! Asya sa kabila ng pananakop.

Sa unang yugto nang imperyalismo ay


hindi gaanong naapektuhan ang Silangang
Asya, nagbago ito sa panahon ng
ikalawang yugto dahil maraming bansang
kanluranin ang nagnais na masakop ang
China.

Bilang pagpapatuloy ay ating tatalakayin


ang mas malawak na ikalawang yugto ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan
at Timog-Silanagang Asya.

Unahin natin ang Silangang Asya.


Ang bansang China.
Isolationism, sa loob ng mahabang
panahon ay ipinatupad ang paghihiwalay
ng kaniyang bansa mula sa daigdig.

Sa palagay ninyo, bakit nag-isolate o


nagpatupad ng isolationism ang bansang
China?
Ma’am para po magkaroon po sila ng kalayaan at
hindi po mabago ang kanilang kultura o paniniwala.
Tama! Sapagkat mataas ang pagtingin niya
sa kanyang kultura at naniniwala siya na
makasisira ito kung maimpluwensiyahan
ng mga dayuhan. Bunga ng isolation,
umunlad at napatatag ng China ang
kaniyang ekonomiya, kultura at politika.

Klas, kapag ang isang bansa ay maunlad


ano sa tingin ninyo ang magiging
kalamangan nito sa ibang bansa? Hindi na po sila aasa sa ibang bansa.
Magaling! Sa madaling salita, nagawa
nitong makatayo sa sarili nitong mga paa.

Bagama’t pinahihintulutan ang mga


kanluranin, pinapayagan lamang sila sa
daungang katulad ng Guanghzou.

(pagpapakita ng larawan)
Ito ay ang kowtow, ano ang napapansin Pagluhod po sa lupa.
ninyo sa larawan?

Magaling! Sa tingin ninyo para saan at


bakit lumuluhod ang isang Ang Kowtow po ay isang ritwal na isinasagawa ng
mangangalakal sa larawan? mga dayuhang mangangalakal bilang paggalang sa
emperador ng China.

Ayan, ang bawat mangangalakal ay


nararapat lamang na magbigay galang sa
emperador ng China. Ritwal na pagluhod
at pagyuko na nakasayad ang noo sa lupa
bilang simbolo ng paggalang.

Sa panahong ito, ang mga Kanluranin


(Europeans) ang umaasa ng malaki sa
pakikipagkalakalan sa bansang China.

Matagal nang hinahangad ng mga


Kanluranin na masakop ang China.
Nagsimula ang pananakop sa China dahil
sa tinutulan ng Emperador na ipasok sa
bansa ang produktong opyo ng bansang
England.

Isang halaman po.

(pagpapakita ng larawan) Opyo, isang halamang gamot na kapag inabuso ay


Alam nyo ba kung ano ang opyo, klas? nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan.

Tama! Maki basa ang ating presentasyon.

Dahil din dito ay nabaliktad ang sitwasyon


ng mga British at mga Tsino. Sapagkat mas
marami na ngayon ang produktong
inaangkat ng mga Tsino mula sa mga
British kaysa inaangkat ng mga British
mula sa China.

Patuloy na nagpasok ng opyo ang mga


British sa mga daungan ng China.
Sinamantala ng England ang pagpapasok
ng opyo kahit pa ito ay ipinagbabawal.

Kung kaya’t ito ang naging dahilan ng mga


Digmaang Opyo na naganap sa pagitan ng
China at England.

Ngayon ay pag-usapan naman natin ang Dahilan ng pananakop. Una, makuha ang yaman ng
naging dahilan at paraan ng pananakop sa China; at Ikalawa, hindi pagpayag ng China na
China. maipasok ang produktong opyo ng England.
Paraan ng pananakop. Una, ang Una at Ikalawang
(pagpapabasa sa presentasyon) Digmaang Opyo; Ikalawa, Sphere of Influence; at
Ikatlo, Open Door Policy.

Maraming Salamat! Ngayon ay ipapakita


ko sainyo ang ilang pangyayari sa
digmaang opyo.

(pagpapakita ng table sa una at ikalawang


digmaang opyo) Lagi pong talo ang China sa digmaang opyo.

Matapos ninyong mabasa ang talahanayan,


ano ang napansin ninyo sa una at
Hindi po, sapagkat ang mga kasunduan ay laging
ikalawang digmaang opyo?
pabor sa mga Kanluranin.
Tama! Dahil nga diyan ay umusbong ang
kasunduang Nanking at Tainjin. Sainyong
nabasa patas ba ang nilalaman ng mga
kasunduan?

Magaling! Dahil nga sa digmaang opyo ay


humina na ang pamahalaan ng China.
Nagkaroon ng mga kasunduan na umayon
sa mga Kanluranin.
Extraterritoriality – ang isang estado ay
exempted o libre mula sa kapangyarihan
ng mga lokal na batas.

Ngayon naman ay dumako tayo sa sphere


of influence.

Ma’am pagkakahati hati po ng bansang China.

Sphere of Influence, ito ay tumutukoy sa mga rehiyon


(pagpapakita ng larawan) sa China kung saan nangingibabaw ang karapatan ng
Base sa larawan, ano sa palagay ninyo ang Kanluraning bansa na kontrolin ang ekonomiya at
ibig sabihin ng sphere of influence? pamumuhay ng mga tao dito.

Magaling, Klas!

(pagpapabasa ng presentasyon)

Dahil nga sa pagkatalo sa digmaang opyo,


sinamantala ng mga kanluranin na sakupin
ang bansa. Upang maiwasan ang digmaan
ay hinati nila ang China sa mga sphere of
influence.
Open Door Policy, isang polisiya kung saan ay
(pagpapakita ng graphic organizer ng mga magiging bukas ang China sa pakikipagkalakan sa
bansang nagkaroon ng sphere of influence sa ibang bansa na walang sphere of influence.
China)
John Hay, ang nagpatupad ng Open Door Policy.
Sumunod ang Open Door Policy. Secretary of State ng United States of America.

(pagpapabasa sa presentasyon) Dahil po ang mga bansang hindi kabilang sa sphere of


influence ay hindi na makakapasok sa China.

Bakit kaya nila ipinatupad ang ganitong


polisya?

Mahusay! Sapagkat ang pagkakaroon ng


Sphere of Influence ay nagdulot ng
pangamba sa bansang United States dahil
sa posibilidad na isara ang China sa
pakikipagkalakalan sa mga bansang Epekto ng pananakop. Dahil sa mga patakarang
walang sphere of influence. Kapag sphere of influence at open door policy, napanatili ng
naganap ito, mapuputol ang ugnayang China ang kaniyang kalayaan, subalit nanatiling
pangkalakalan ng United States sa China. kontrol ng mga mananakop ang kaniyang ekonomiya.
Nawala sa kamay ng mga Tsino ang kapangyarihan na
Dahil sa mga pangyayaring ito ay may magtakda ng kanilang mga patakaran para sa mga
malaking epekto ito sa China. dayuhan. Gumuho ang dating matatag na
pamamahala ng mga emperador dahil sa
(pagpapabasa sa presentasyon) panghihimasok ng mga dayuhan. Higit sa lahat,
pumasok sa China ang iba’t ibang impluwensiya ng
mga Kanluranin na nakaapekto sa kanilang iniingatan
at ipinagmamalaking kultura.

Napaunlad ng Japan ang kanyang ekonomiya,


napatingkad ang kultura, napatatag ang pamahalaan
Magaling! Ngayon nalaman niyo na ang dahil sa pagsasara ng mga daungan nito sa mga
naging kapalarang ng China sa ikalawang dayuhan.
yugto.

Dumako naman tayo sa bansang Japan.


Maki basa ang ating presentasyon.

Salamat! Bagama’t may ugnayan sa mga


bansang Netherlands, China at Korea
(Joseon), hindi nito pinahintulutan na
makapasok sa bansa ang mga dayuhan.

Sa pagdating ng mga kanluranin sa Asya,


isa ang Japan sa mga ninais masakop ng
mga kanluranin. Nagpadala ng kani-
kanilang mga kinatawan ang mga bansang
England, France, Russia at United States of Paraan ng pananakop. Ipinadala ni Pangulong
America subalit lahat sila ay tinanggihan Milliard Filmore ng United States si Commodore
ng bansang Japan. Matthew Perry upang hilingin sa emperador ng japan
na buksan ang kaniyang mga daungan para sa mga
Ang naging dahilan ng pananakop sa barko ng United States. Ang mga naglalakihang barko
Japan ay dahil nga pagnanais na pagdaan ay armado ng kanyon. At ang Kasunduang Kanagawa
sa daungan. na binuksan ang mga daungan ng Hakodate at
Shimoda para sa mga barko ng United States.
(pagpapabasa sa presentasyon)

Salamat! Sa pagpunta nya ay dala niya ang


naglalakihang barko na armado ng
kanyon. Kahit hindi tuwirang sinabi ni
Perry ay naging babala ito para sa mga
Hapones na kung hindi papayag ay
gagamitan sila ng puwersa.

Ang Kasunduang Kanagawa ay upang


maiwasan ang pakikipagdigmaan sa isang
malakas na bansa, tinanggap ang
kasunduan.

At ang naging epekto ng pananakop ay


maraming bansa ang pumasok na rin dito
at ang modernisasyon na kung saan
maraming natutuhan ang mga Hapones na
nakatulong sa kanilang pag-unlad sa kabila
ng panghihimasok ng mga kanluranin.

Ngayon ay dumako na tayo sa susunod na


rehiyon ang Timog-Silangang Asya.
Nagpatuloy ang paghahangad ng mga
Kanluranin sa mga pampalasa ng mga
bansa sa Timog Silangang Asya.

Ginamit ng mga Kanluranin ang mga likas


na yaman na makukuha sa mga bansa rito
upang makagawa ng mas maraming Dahilan ng pananakop. Ang pagpapalawak ng lupain
produkto. ng United States, Istratehikong lokasyon at ang
pagkontrol sa kalakalan.
Pilipinas
Sa loob ng mahigit tatlong daang taon
napasailalim tayo ng mga Español.
Nagtangka ang mga Pilipino na makamit
ang kalayaan subalit sila ay nagbigo.
Ano ano ba ang naging dahilan ng
pananakop ng mga Kanluranin sa
Pilipinas, Klas?

Paraan ng pananakop. Una, tinulungan ng mga


Amerikano ang ating mga magigiting na
Ayan! Isa ang Pilipinas sa mga lupain na
rebolusyonaryong Pilipino. Si Emilio Aguinaldo
nais nitong makontrol dahil angkop ang
(1899-1901) - Unang pangulo ng Pilipinas. At noong
lokasyon ng bansa sa kaniyang plano na
Hulyo 12, 1898 – Kalayaan ng Pilipinas. Ikalawa,
sakupin ang iba pang bansa sa Asya at
Treaty of Paris o Kasunduan sa Paris. Nilagdaan
pagkontrol sa kalakalan sa Asya-Pasipiko.
noong Disyembre 10, 1898. Ang pagbili sa Pilipinas
mula sa Spain sa halagang 20 milyong dolyar ng
Ngayon ay dumako tayo sa naging paraan
United States
ng pananakop sa Pilipinas.

(pagpapabasa sa presentasyon)
Hindi po, sapagkat patibong lamang po ang ginawang
pagtulong sa bansang Pilipinas.

Sa pamumuno ni Aguinaldo at dahil sa


pagtulong ng Amerikano ay nagwagi ang
Pilipinas laban sa Espanyol. At idineklara
ang araw ng kalayaan sa Pilipinas.

Sa tingin ninyo, tunay nga ba na nakamit


ng Pilipinas ang kalayaan sa tulong ng
mga Amerikano?

Ayan, Klas! Dahil sa lihim na kasunduan,


pagsuko ng bansang Spain sa United States
at isasalin sa huli ang karapatang
pamunuan ang Pilipinas. Lingid sa
kaalaman ng mga Pilipino ay nagkaroon na
pala ng lihim na kasuduan ang bansa Spain
at United States ang bansang kanyang
itinuring na kaibigan. Samakatuwid, hindi
pa din malaya ang Pilipinas

Ngayon ay isa isahin anting ang mga


naging epekto ng pananakop sa bansang
Pilipinas.
Una, ang pagsiklab ng Digmaang Pilipino
– Amerikano noong 1902 kung saan ay
natalo ng mas malakas na puwersang
Amerikano ang mga Pilipino.
Ikalawa, Pagtatag ng mga Amerikano sa
Pamahalaang Militar at nang lumaon ay
naging Pamahalaang Sibil na parehong
pinamunuan ng mga Amerikano at
Pilipino.

Ikatlo, ang pagpapatayo ng paaralan,


kalsada, hospital, at mga gusaling
pampamahalaan. At ginawang libre para
sa lahat ang pag-aaral.

Thomasites, ang tawag sa mga unang


gurong Amerikano na dumating sa Dahilan ng Pananakop. Ang mataas na paghahangad
Pilipinas. ng mga taga-Europe sa mga pampalasa at produktong
agrikultura ang nagtulak sa mga Dutch na
Panghuli ang pagtatag ng Pamahalaang magpatupad ng isang patakarang tutugon sa mga
Commonwealth, dito sinasanay ang mga pangangailangan nila sa mga produktong pampalasa
Pilipino sa pagpapatakbo ng isang na ibinebenta sa pandaigdigang kalakalan.
pamahalaang demokratiko.

Ngayon ay dumako naman tayo sa


bansang Indonesia (East Indies). Ang Ma’am, may kinalaman po sa pagtatanim.
bansang ito ay patuloy na pinamahalaan
ng Netherlands.
Culture system o Cultivation system, inatasan ng
Ano sa tingin ninyo ang naging dahilan mga Dutch ang mga magsasakang Indones na ilaan
ng pananakop sa bansang Indonesia? ang 66 na araw para sa pagtatanim ng mga
produktong iniluluwas ng mga Dutch tulad ng
Asukal, Kape, at Indigo.

Ang patakarang ito ay ang Culture system


o Cultivation System. May ideya ba kayo
kung ano ito, klas?

Mahusay! Maraming mga Indones po ang nahirapan sapagkat ito


(pagpapabasa sa presentasyon) po ay sapilitan.

Salamat! Nang makitang epektibo ang


culture system, sapilitang ipinatanim sa
mga Indones ang iba pang produkto tulad
ng bulak, tsaa, palms, tabako, at iba pang
pampalasa.

Paano nakaapekto sa pamumuhay nila


ang ipinatupad na culture system?

Tama! Nagpahirap ito sa mga Indones


sapagkat hindi na rin sila makapagtanim
ng sarili nilang pangangailangan.

Dumako naman tayo sa Singapore at


Malaysia.

Napasakamay ng mga British ang


Singapore, na noon ay bahagi pa ng
Malaysia dahil naghahanap sila ng
angkop na daungan para sa kanilang mga
barkong pangkalakalan mula India Maaari pong kontrolin din ng mga British ang
patungong China. Singapore at kumita ng malaki dahil sa
pakikipagkalakalan sa karatig na bansa at kanluraning
Dahilan ng pananakop sa bansang ito ay bansa.
dahil nakilala ang Singapore bilang isa sa
pinakamaganda at pinakamaunlad na
daungan sa Timog-Silangang Asya at may
malawak na plantasyon ng Goma (Rubber)
at pagkakaroon ng malaking reserba ng
Tin (Lata).

Sa palagay ninyo, ngayong kilala na sila sa


may malawak na plantsyon ng mga
nasabing produkto. Ano ang magiging
epekto nito sa kanila?
Opo, kasi po dadami yung mga manggagawa.

Tama! Dahil nga nabatid ng mga British


ito. Kinontrol nila ang kalakanan na kung
saan ay kumita sila ng malaki.

Upang mas mapabilis pa ang produksiyon,


hinikayat ng mga British ang mga Tsino na
mandayuhan sa Malaysia upang maging
manggagwa.

Klas, sa inyong palagay. Nakabuti ba o


nakasama ang ginawa nilang
panghihikayat sa mga Tsino?

Pwede, ngunit dahil nga sa panghihikayat


Paraan ng pananakop. Pagsiklab ng Digmaang Anglo-
ay di kalaunan mas dumami na ang mga
Burmese. (Tatlong beses naganap).
Tsino kaysa sa mga katutubong Malay.

Sumunod naman ang bansang Burma


(Myanmar)

Ang Dahilan ng pagsakop sa Burma ay


dahil sa ganda ng lokasyon nito. Ang mga British po sapagkat sila po ay malakas.

Sapagkat mahalaga ang Burma para sa


mga British dahil ito ay magagamit niya
upang mapigilan ang mga magtatangkang
sumakop sa silangang bahagi ng India na
noon ay kabilang sa sakop niyang mga Mapapasailalim po sila ng British.
lupain.

Epekto ng pananakop. Ang Resident System, isang


Noong una ay may maayos na ugnayan patakaran na ipinatupad ng mga British na kung saan
ang mga Kanluranin at Burma, subalit sa ang British resident ay kailangan manirahan sa Burma
hindi inaasahang pangyayari sumiklab ang bilang kinatawan ng bansa. Panghuli, ganap na
labanan sa pagitan ng mga British at sinakop ng England ang Burma at isinama ito bilang
Burmese. Sainyong palagay, sino ang probinsiya ng India.
nanalo sa digmaang anglo-burmese?

Magaling! Sa tatlong beses na digmaan ay


tatlong beses na natalo ang Burmese.

Sa tingin ninyo, ano ang maaring epekto


ng pagkatalo nila?

Mahusay!
(pagpapabasa sa presentasyon)

Dahilan ng pananakop. Pagkontrol sa mayamang


Salamat! dahil sa resident system,
kalikasan at magandang daungan ng Indo-China.
nabawasan ang kapangyarihan ng Hari at
nawala sa kaniyang kamay ang karapatan
na magdesisyon kung kaninong dayuhan
makikipagkaibagan at makikipag-
ugnayan.

At ang panghuling bansa ang French Indo-


China. Ito ay binubuo ng tatlong bansa:
Laos, Cambodia at Vietnam.

Nanggaling ang pangalang Indo-China sa


pinagsamang India at China, dalawang
pangunahing bansang nakaimpluwensya
sa kultura ng rehiyong ito.

Ano ano ba ang naging dahilan ng


pananakop sa bansang ito?

Magaling! Ito ang pangunahing layunin ng


kanilang pananakop.

Upang masakop ay gumamit ng pwersa o


militar ang bansang France. Upang
mapagbigyan ang kanilang kagustuhan.

Epekto ng Pananakop ay ang French na


ang humawak sa iba’t ibang posisyon ng
pamahalaan at paglaganap ng tag-gutom
sapagkat halos lahat ng inaaning palay ay
kinukuha ng mga French upang iluwas.

Mga Bansang hindi nasakop ng mga


kanluranin

Thailand – Pinamunuan ito ng mga


magagaling na hari kung kaya’t hindi ito
nasakop ng mga Europeo.
Korea – Isininara nila ang kanilang
kaharian sa lahat ng impluwensiyang
banyaga. Kaya tinawag ang Korea bilang
Hermit Kingdom.
Mongolia – Matatag ang pamahalaan.
Taiwan – Dating parte ng China.
East-Timor at Brunei – Mga bagong bansa
pa lamang.

Dito na natatapos ang ating talakayan


ngayong araw. Maraming Salamat!
E. Paglalahat GAWAIN: BEST DESCRIBE ME!

PANUTO: Magbigay ng isang (1) salita na


maglalarawan sa ikalawang yugto ng imperyalismo at
kolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

.
Ikalawang .
Yugto ng
Imperyali
smo
.
.
F. Pagpapahalaga GAWAIN: PAGNILAYAN KO!

PANUTO: Sa mga bagong natuklasan at karagdagang


kaalaman, sagutin ang tanong na nasa ibaba.

Paano naapektuhan ng pananakop ng mga kanluraning


bansa ang kalagayan ng bansang Asyano sa panahon ng
pananakop? Ipaliwanag.
G. Pagtataya PANUTO: Punan ang patlang. Ibigay ang mga
salitang tinutukoy sa bawat bilang.

Sasagutin gamit ang “GOOGLE FORM”

1. Ito ay tumutukoy sa mga rehiyon sa China


kung saan nangingibabaw ang karapatan ng
Kanluraning bansa na kontrolin ang ekonomiya at
pamumuhay ng mga tao dito.
2. Ritwal na pagluhod at pagyuko na nakasayad
ang noo sa lupa bilang simbolo ng paggalang.
3. Isang halamang gamot na kapag inabuso ay
nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan.
4. Ito ay binubuo ng tatlong bansa: Laos,
Cambodia at Vietnam.
5. Ito ay ang kasunduang nilagdaan noong
disyembre 10, 1898.

TAMANG SAGOT
1. SPHERE OF INFLUENCE
2. KOWTOW
3. OPYO
4. FRENCH INDO-CHINA
5. KASUNDUAN SA PARIS
H. Karagdagang Gawain GAWAIN: PAGHAHAMBING

PANUTO: Sa pamamagitan ng Venn diagram, suriin


ang pagkakatulad at pagkakaiba ng una at ikalawang
yugto ng imperyalismong Kanluranin sa Silangan at
Timog-Silangang Asya.

Yugto ng Imperyalismo

UNA IKALAWA

Inihanda ni: Binigyang pansin:

RICA S. ARCEO JERUSSELL J. SUÑGA

You might also like