You are on page 1of 9

Paaralan: Malabog National High School Antas: Baiting 7

Gurong Mag-aaral: Rhea A. Bermundo Asignatura: ARALING PANLIPUNAN 7

Oras at Petsa: Febraruary 25,2026 Kwarter: Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad, at


Pangnilalaman pagpapatuloy at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)

B. Pamantayan sa Nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy


Pagganap sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16
hanngang ika-20 siglo)

C. Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) Nasusuri ang mga dahilan, paraan, at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang
Asya.

Mga Tiyak na Layunin

 Naiisa-isa ang mga Mga dahilan ng Ikalawang Yugto ng Imperyalsmo at


Koloyalismo sa Timog at Kanlurang Asya

 Naipahahayag ang sariling idea o repleksyon sa mga kaganapan ng mga


bansang nasakop sa Asya at nanakop na mga kanluranin.

 Napaghahambing ang pagkakaiba ng unang yugto at pangalawang yugto ng


imperyerlismo at kolonyalismo sa timog at kanlurang Asya.
.

II. NILALAMAN Aralin 1: Panahon ng kolonyalismo at Imperyolismo sa Timog at Kanlurang Asya

Mga Dahilan ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at


Kanlurang Asya (Ika-18 Hanggang Ika-19 Siglo)

III. MGA KAGAMITAN SA PAGTUTURO: Mga larawan, Video, TV, Laptop

A. SANGGUNIAN ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 206-214


1. Mga pahina sa ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 206-214
Gabay sa Guro
2.Mga pahina sa
Kagamitan pang mag-
aaral
3.Mga pahina sa
teksbuk
4.Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resources

IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


1. Pagbati
PANIMULANG GAWAIN 2. Pagdarasal
3. Pagtala ng liban o di liban sa klase
1. Ano ang layunin sa paglalakbay ng mga Ang layunin ng ng paligsahan ay
A. Balik-aral sa bansang naggalugad at nagtuklas ng mga palawakin ang mga lupain na sakop
nakaraang aralin at Bansang Kanluranin? upang itanghal na
pagsisismula ng pinakamakapangyarihan na bunsa sa
bagong aralin mundo.

2. Ano ang dalawang bansa na nanguna sa Portugal at Spain.


paggalugad at pagtuklas ng mga Bansang
Kanluranin.
GAWAIN: DECODING
B. Paghahabi sa layunin Panuto: Hanapin ang katumbas na titik ng
ng aralin mga numero na nakasulat 1. NASYONLISMO
2. REBOLUSYONG INDUSTRIAL
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 3. KAPITALISMO
A B C D E F G H I J 4. WHITE MAN’S BURDEN

11 12 13 14 15 16 17 18 19 20
K L M N O P Q R S T

21 22 23 24 25 26
U V W X Y Z

1. 14, 1, 19, 25, 15, 14, 1, 12, 9, 19, 13,15

2. 18, 5, 2, 15, 12, 21, 19, 25, 15, 14, 7


9, 13, 4, 21, 19, 20, 18, 9, 25, 1, 12

3. 11, 1, 16, 9, 20, 1, 12, 9, 19, 13, 15

4. 23, 8, 9, 20, 5, 13, 1, 14’ 19, 2, 21, 18, 4,


5, 14

PAMPROSESONG TANONG:
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong 1. Ano sa palagay ninyo ang koneksyon ng
aralin. mga nahanp niyong salita sa ating aralin Eto po ma’am ang Mga Dahilan ng
ngayon? Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at
Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya
Tayo class ay natapos na sa unang yugto ng
D. Pagtatalakay ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at
bagong konsepto at Kanlurang Asya ngayon naman ay dadako
paglalahad ng bagong na tayo sa pangalawang yugto.
kasanayan
Ano ano nga ulit class ang mga pinag aralan Mga dahilan na nagbunsod sa mga
natin sa unang yugto? kanluranin na magtungo sa Asya

Paggalugad at Pagtuklas ng mga


Bansang Kanluranin

Tama magaling!
Ngayon ano ano naman yung mga dahilan Mga Krusada
na nagbunsod sa mga kanluranin na Ang paglalakbay ni Marco Polo
magtungo sa Asya. Ang Renaissance
Ang pagbagsak ng Constantinople
Ang Merkantilismo

Very good class


Ngayon naman ang ating pag aaralan ay ang
mga dahilan ng Ikalawang Yugto ng
Imperyalsimo at Koloniyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya.

Base sa mga sinagutan niyo kanina ano ano Nasyonalismo


kaya ito? Rebolusyon Industryal
Kapitalismo
White Man’s Burden

Tama magaling!

Ngayon class atin munang balikan kung ano Kolonyalismo:


ang ibig sabihin ng Kolonyalismo at
Imperyalismo Ang kolonyalismo ay ang sistema ng
pagsakop ng isang bansa sa ibang
teritoryo, tinatawag na kolonya, upang
maangkin ang likas-yaman nito,
maisakatuparan ang pang-ekonomiyang
interes, at magsagawa ng pangkultura at
panglipunang pagbabago sa nasakop na
lugar. Karaniwan, ang bansang
kolonyalista ay nagsasagawa ng kontrol
sa pamahalaan, ekonomiya, at iba't
ibang aspeto ng buhay ng nasakop na
teritoryo.

Imperyalismo:

Ang imperyalismo ay mas


pangkalahatang konsepto na tumutukoy
sa patakaran ng isang bansa o teritoryal
na entidad na magpapalawak ng
kanilang impluwensya o kontrol sa ibang
bansa o teritoryo, kadalasang sa
pamamagitan ng pang-aagresibong
paraan o diplomasya. Ang layunin ng
imperyalismo ay mapalawak ang
teritoryo, makamit ang ekonomikong
interes, at mapabuti ang posisyon ng
bansa sa pandaigdigang palakasan.

Very good class.

Ang imperyalismo noong Ika-18 ay naging


resulta ng apat na pangunahing salik ang eto
na nga class ang una ito ay ang
Nasyonalismo.

Ano ba ang nasyonalismo class? Ito ay damdaming Makabayan na


maipakikita sa matinding pagmamahal at
pagpapahalaga sa Inang-bayan o
bansa.

Noong ika-18 siglo, ang kaisipang


nasyonalismo ay nagbukas ng daan sa
mga pagbabago sa mga lipunang
Europeo. Ang kaharian at imperyo ay
bumagsak, at ang mga ideya ng
pambansang pagkakakilanlan at
kalayaan ay nagsilbing pangunahing
pwersa sa mga pangyayari ng panahong
iyon.

Tama ngayon naman class dahil sa udyok ng nais ng mga nasyon sa Europe na
nasyonalismo, nais ng mga nasyon sa magkaroon ng malawak na
Europe na magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang
kapangyarihan upang labanan ang kanilang kanilang mga karibal na mga bansa.
mga karibal na mga bansa.

Ano nga ulit ang dahilan?

Tama so iyon ang unang salik.

Ang pangalawa naman class ay tungkol sa


Rebolusyong Industrial. Ang Rebolusyong Industriyal ay isang
panahon noong huling bahagi ng ika-18
Ano naman kaya ang Rebolusyong siglo at unang bahagi ng ika-19 na siglo
Industrial? nang nagkaroon ng marubdob na epekto
sa sosyo-ekonomika at pang-kulturang
katayuan sa Britanya ang malaking
pagbabago sa agrikultura, paggawa ng
produkto, pagmimina, at transportasyon.

Tama dahil sa noon ay nangangailangan ng


pagkukunan ng mga hilaw na materyal at
pamilihan ng mga produktong yari mula sa
kanila kaya sila ay nagpalawak ng kanilag
mga teritoryo.
Noong ika-18 dantaon ay naging salik sa
paghahanap ng mga bansa sa Europe at
Hilagang Amerika ng mga pamilihan na
maging bagsakan ng kanilang mga
produktong ginawa. Kinailangan nila ng mga
pagtatayuan ng mga bagong pabrika para sa
paggawa ng maraming produkto mula sa
mga hilaw na materyales na sa mga
bansang kanilang sakop lamang libreng Rubber, copper, at ginto na galing sa
makukuha. Africa
Bulak at jute sa india
Ano ano kaya class ang mga produkto na Tin sa Timog- Silangan Asya.
iyon?

Ano kaya kahalagahan ng mga hilaw na Ang mga hilaw na materyales na ito ay
materyales class? nakatulong sa pagpapalaki at
pagpapalagong mga industriyasa
America at sa Europe.

Ayan magaling class! Iyon ang mga produkto


at ang kahalagahan nito ngunit po ay may
mga ilang karagdagan pa sa mga
produktong nakilala sa mga pamilihang
pang-internasyonal.
Saging, Dalandan, melon, tsaa,
Ano anong kaya ito? tsokolate, kape, sabon na galing sa palm
oil, at langis ng niyog.

Tama!

May mga katanungan po ba tungkol sa Wala na po.


Rebolsyong Industrial?

Okay sa ngayon naman talakayin natin ang


pangatlong salik, ito ay ang Kapitalismo.

Ano ang Kapitalismo? Ang kapitalismo ay isang sistemang


pang-ekonomiya na batay sa pribadong
pagmamay-ari ng mga paraan ng
paggawa at ang kinaling operasyon para
tumubo.
Tama!
Sino sino dito ang may mga tindahan? Kami po ma’am

Yun ang kapitalismo class. Halimbawa po


nito kung ikaw ay gustong mag patayo ng
isang sari-sari store bago ka po makapag
patayo o mag tinda ay kailangan mo muna
ng Kapital para masimulan ito.

Ano ulit ang Kapitalismo? Ito po ay isang sistemang kung saan


mamumuhunan ng kaniyang salapi ang
isang tao upang magkaroon ng tubo o
interes.

Yun dahil dito kaya nahikayat na gamitin ng


mga mangangalakal na kanluranin ang
kanilang salapi na naipon sa mga pananim at
minahan sa mga kolonya para ito mas
kumita.

May mga katanungan papo ba kayo Wala na po ma’am


patungkol sa Kapitalismo?

Panghuling salik ay ang White Man’s Burden


na isinulat ni Rudyar Kupling

So sino si Rudyard Kupling may nakakakilala Si Joseph Rudyard Kipling ay isang


po ba sakanya? Ingles na nobelista, manunulat ng
maikling kuwento, makata, at
mamamahayag. Ipinanganak siya sa
British India, na nagbigay inspirasyon sa
karamihan ng kanyang trabaho. Kasama
sa mga gawa ng fiction ni Kipling ang
Jungle Book duology, Kim, ang Just So
Stories at maraming maikling kwento,
kabilang ang "The Man Who Would Be
King"

Bakit kaya kasama ang White Man’s Burden Dahil po ipinasailalim sa kaisipan na ang
sa mga dahilan? mga Asyano sila ay pabigat sa mga
kanluraning bansa. Na ang kanluranin
ay may tungkulin na turuan at tulungan
upang paunlarin ang kanilag
nasasakupan.

May mga katanungan pa po ba class? Wala na po ma’am.

Ngayon class Ang mga Imperyalistang bansa


ay gumamit ng iba’t ibang pamamaraan
upang makakuha ng bagong lupain.

Ano ano kaya ito? Minsan sila ay gumagamit ng mga


kasunduan, binibili ang mga lupain o
kaya simpleng sinasakop ang isang
lupain sa pamamagitan ng puwersang
militar.
Tama!

Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay


patuloy na sinakop ng mga bansang
kanluranin gaya ng great britain, Spain, at
Netherlands, sa aspektong pangkabuhayan,
politika, at pamumuhay ng mga tao.

Ngayon naman class, ating pag aralan ang


tungkol sa Ang mga British sa India.

Ang pagsisimula ng paggalugad ng mga


bansang Europe ang nagtulak upang
magkaroon ng pagkakataon.

Sa paanong paraan kaya class na control Sa pamamagitan po ng pagtatag ng


mga tritish ang ruta ng kalakalan tngo sa East Indian Company.
India?

Tama, so dahil po sa malaking kita na


tinatanggap ng kompanyang British sa
kalakalan ay nagkaroon ito ng
kakumpetensyang bansa.
Ito po ma’am ang French East India
Ano kaya sa tingin ninyo ito?? Company.

Ngunit class hinadlangan ito ng mga British

Sa paanong paraan kaya? Sa pamamagitan ng Battle of Plassey


noong 1757.

Ano ano kaya ang Mga Patakarang Pinairal 1.Pagbabawal sa Sati o Suttee- ang
ng mga British sa India. boluntaryong
pagsunog sa katawan ng asawang
babae sa ibabaw
ng bangkay ng asawa
2. Pinayagang mag-asawa ang mga
babaeng Hindu
na balo
3. Pagbaba ng katayuan sa lipunan ng
mga Brahman
4. Pagpataw ng buwis sa mga may-ari
ng lupain
Ano naman kaya ang Rebelyong Sepoy Ito ay isang grupo ng mga kawal sa
India o kilala sa tawag na Sepoy ang
nag-alsa upang tutulan ang
pagsisimula ng pag-impluwensya ng
mga British sa pananampalataya at
panlipunang pamumuhay ng mga
taga-India.

Ano ang Mga pagbabagong naganap sa 1. Tuwiran nang pinamahalaan ng Great


India pagkatapos ng Rebelyong Sepoy? Britain ang India. Noong 1877,
ganap nang itinalaga si Reyna Victoria
bilang empress ng India
2. Ang mga maseselang posisyon ay
nasa pamahalaang Ingles
3. Binigyan ng malaking pabor ang mga
katutubong prinsipe na
makipagtulungan at ang ayaw
makisama ay may kaparusahan
4. Pagkakaroon ng eksaminasyon sa
mga nagnanais na mamasukan sa
pamahalaan
5. Pagpataw ng malaking buwis sa mga
magsasaka
6. Upang lalong maisaayos ang interes
sa kalakalan sa India, ipinasaayos
ang mga estadong may hidwaan
7. Nagtatag ng maayos at
sentralisadong pamahalaan
8. Dinala ng mga Ingles ang
makabagong teknolohiya
9. Upang mabilis na madala ang mga
kalakal sa
pantalan, ipinagawa ang
mga daan, tulay at riles ng tren, mga
pagawaan,
at sistema ng irigasyon
10. Nagpatayo ng mga hospital. Bago pa
dumating
ang mga Ingles may sakit sa India na
hindi
mahanapan ng lunas gaya ng
tuberculosis,
bubonic plaque, malaria atbp
11. Nagpatayo ng mga paaralan.
Ginamit ang
wikang Ingles bilang wikang
panturo sa paaralan
12. May mga Indian na pinadala at
pinag-aral sa England
13. Pinaunlad ang agrikultura
14. Sapilitang pinagtanim ang mga
magsasaka ng mga produktong
kakailanganin ng England para sa
kanyang pag-unlad
15. Pagtatangi ng lahi

May mga tanong po ba kayo class?? Wala po ma’am

Kung gayon ngayon naman ay ating pag-


usapan ang kanlurang Asya

Ano ang inyong alam tungkol sa Kanlurang Ang sinaunang kabihasnan sa


Asya? Kanlurang Asya ay dumaan sa
maraming pananakop. Ang malakas na
imperyong sumakop rito ay ang mga
Turkong Ottoman na nagmula sa
Turkey. Naghari ito ng maraming siglo,
ang relihiyong Islam ay kanila ring
ginamit upang lalong magkaisa ang mga
Arabe.
Tama Ang Kanlurang Asya ay sumailalim sa
pananakop ng mga kanluraning
England at France noong 1914 ng isang
tsarter o mandato ng Liga ng mga Bansa.
Ang mga Europeong nanalo sa Unang
Digmaang Pandaigdig ay magiging mandato
ng ilang teritoryo ng mga natalong bansa.
Ang Iraq, Palestine, West Bank, Gaza
Strip at Jordan ang mandato ng Great
Britain. Ang mandato ng France ay ang
Syria at Lebanon. Ang sistemang mandato
ay nangangahulugang pansamantala
silang sasailalim sa kamay ng mga
Kanluranin habang tinutulungan silang
makapagsarili at makapagtatag ng
pamahalaan. Wala po ma’am

May mga katanungan po ba class?

Ngayon naman ay pag aralan natin ang Mga


Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya
Ekonomiya
Ano-ano ang mga larangan na ito? Politika
Sosyo-Kultural
Tama ngayon naman ay isa-isahin nating
pag-aralan.

Unahin natin ang epekto sa larangan ng 1. Pagkakaroon ng mga pamilihan na


Ekonomiya ano ang inyong maibabahagi pinaglagyan ng mga
patungkol dito? produktong galing sa mga bansang
mananakop
2. Pinagkuhanan ng mga hilaw na
materyales sa pagyari ng
kanilang mga produkto
3. Paglalagay ng mga pabrika sa mga
bansang sakop sa paggawa ng
mga produkto mula sa mga hilaw na
materyales
4. Ang natural na kapaligiran ng mga
bansang Asyano ay untiunting naubos at
pinagkakitaan ng mga dayuhan
5. Malaking pakinabang at kita ang
napunta sa mga Europeong
bansa
6. Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren,
at kalsada ang mga
mananakop upang maging mabilis ang
pagdadala at pagluluwas
ng mga produkto
7. Nagkaroon ng mga Asyanong naging
mangangalakal o Middle
Men. Sila ay umunlad sa buhay at
naging tagapagtaguyod ng
mga batas na nagpatibay sa
kolonisasyon

Yan tama magaling class.

Ano naman ang inyong alam tungkol sa Nagtatag ang mga mananakop ng
larangan ng Politika sentralisadong pamamahala,
ngunit ang mataas na posisyon ay sa
mga mananakop at
mababang posisyon sa katutubo
2. Naalis sa kolonya ang karapatan na
pamahalaan ang sariling
bansa
3. Nagkaroon ng fixed boarder o
takdang hangganan ang teritoryo ng
bawat bansa

Magaling ngayon ano namang ang alam Nagkaroon ng bagong paniniwala,


ninyo tungkol sa Sosyo-Kultural pilosopiya at relihiyon sa
mga bansang sakop
2. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng
mga katutubo at
kanluranin upang makuha ang katapatan
ng kolonya
3. Ang kaugalian ay nahaluan at ang
istilo ng pamumuhay ay
ginaya
4. Nagpatayo sila ng mga paaralan para
sa maykaya lamang at
may mga Asyanong nakapag-aral sa
Europa
5. Nagkaroon sila ng mga liberal na
kaisipan na nakatulong sa
pagpukaw ng damdaming Nasyonalismo
sa mga Asyano

Magaling class! May mga natutunan po ba


kayo? Meron po ma’am

May mga katanungan pa po ba kayo class? Wala na po ma’am

Okay so yan po ang ating topic sana ay may


mga natutunan kayo sa ating aralin.

Tree Diagram
E. Paglinang sa Panuto: Isulat sa kahon ang mga dahilan ng pananakop ng mga kanluranin sa ikalawang
kabihasaan
yugto ng imperyalismo at kolonyalismo sa Asya.

Mga dahilan na Nagbunsod sa mga kanluranin na lalong Maghangad ng kolonya sa


Timog at Kanlurang Asya

Panuto: Sagutin ang mga katanungan


F. Paglalapat ng aralin
sa pang araw-araw na 1. Ano ano ang dahilan na nagbunsod sa
buhay mga kanluranin na lalong maghangad ng
kolonya sa Timog at kanlurang Asya
2. Tunay ba na ang mga Kanluranin ay
nakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng
mga Asyano? Pangatwiran

G. Paglalahat ng Aralin
H. Pagtataya ng aralin Panuto: Sa isang buong papel ipahayag
ang sariling idea o repleksyon sa mga
kaganapan ng mga bansang nasakop sa
Asya at nanakop na mga kanluranin.

Rubrics sa Pagmamarka:

PUNTOS
Paksa at Layunin 20
Pamamaraan 30
Pagsusuri 25
Wika at Estilo 15
Kasiglahan 10

I. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation

Kasunduan/Takdang Aralin

Magsaliksik at pag aralan ang tungkol sa Pag- usbong ng Nasyonalismob at Paglaya ng mga Bansa sa Timog at
Kanlurang Asya

INIHANDA NI:

RHEA A. BERMUNDO
PRE-SERVICE TEACHER
BINIGYAN PANSIN NI:

ARNIE N. OGATES
Teacher II

You might also like