You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
Rehiyon I
Tanggapan ng Paaralan ng Pansangay I ng Pangasinan
BINMALEY SCHOOL OF FISHERIES
T.P. 2022 – 2023

Paaralan: BINMALEY SCHOOL OF FISHERIES Baitang/Antas: 7


Guro: CYRA ANGELINE D. DE GUZMAN Asignatura ARALING PANLIPUNAN 7
Petsa: 19 MAYO 2023 Markahan IKAAPAT
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at
Pangnilalaman pagpapatuloy sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
B. Pamantayang Nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy
Pagganap sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-
16 hanggang ika-20 siglo).
C. Mga Nasusuri ang mga anyo, tugon, at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at Kanlurang
Pinakamahalaga Asya.
ng Pamantayan
sa Pagkatuto
(MELCS)
D. Layunin a) Natutukoy ang kaibahan ng konsepto ng neokolonyalismo sa kolonyalismo;
b) Naiuulat kung paano lumalaganap ang neokolonyalismo sa aspekto ng ekonomiya,
kultura, militar, at politika; at
c) Nabibigyang halaga ang kulturang Pilipino sa kabila ng paglaganap ng
neokolonyalismo.
II. NILALAMAN Neokolonyalismo ng Silangan at Timog-Silangang Asya
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian 1. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba pp. 280-281.
1. Teachers Guide 2. Self Learning Modules Quarter 4, Module 8
pahina
2. Learner’s
Material pahina
B. Iba pang PowerPoint Presentation, chalkboard, cartolina, marker, larawan, video, telebisyon, at
kagamitang internet
panturo
IV. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain A. Panalangin
B. Pagbati
C. Pagtatala ng lumiban sa klase
D. Pagpapaalala ng mga tuntunin sa klase
E. Pagpasa sa guro ng mga natapos ng gawain
A. Balik- ACTIVITY TITLE: “CROSSWORD PUZZLE”
aral/Pagsisimula
ng bagong Aralin Bilang pagbabalik tanaw sa nakaraang aralin, bubuin ang crossword puzzle ukol sa
mga relihiyon sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga inilalarawan sa bawat bilang.

PABABA
1. Ang isa sa pangunahing paniniwala sa relihiyong ito ay ang Karma kung saan
magagantimpalahan ang mga gumagawa ng kabutihan at nagdurusa naman ang
gumagawa ng masasama sa kanilang kapuwa.
3. Ang mga diyos sa relihiyong ito ay sina Ahura Mazda, ang kataas-taasang diyos, at
Ahriman, ang tagapaagtaguyod ng kasamaaan.
5. Paniniwala sa relihiyong ito na lahat ng bagay sa mundo ay may espiritu kaya
nararapat lamang na ang mga ito ay pangalagaan at iwasang saktan.
8. Naniniwala ang mga taga-sunod sa relihiyong ito kay Allah.

PAHALANG
2. Ito ay ang relihiyong itinatag ni Siddhartha Gautama at ayon dito ang buhay ng tao
ay puno ng pagdurusa kaya marahil lamang na sundin ang walong dakilang daan
upang matamo ang kaliwanagan.
4.Ito ang pinakamalaki sa lahat ng relihiyon sa mundo batay sa dami ng mga
tagasunod at kasapi nito.
6. Isa ito sa mga relihiyon na naitatag sa India at hangad nito na ipalaganap ang
kapatiran.
7. Ito ay isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig at naniniwala lamang sila sa
iisang diyos.
B. Paghahabi sa ACTIVITY TITLE: “I CHOOSE YOU!”
layunin ng aralin
Magpapakita ang guro ng dalawang larawan ng produkto. Susuriin ng mga mag-aaral
ang mga ito at pipili sila kung alin sa mga produktongg ito ang mas nais nilang bilhin o
tangkilikin.

C. Pag-uugnay ng PAMPROSESONG TANONG


mga halimbawa 1. Ano ang dahilan kung bakit mo napili ang produktong ito?
sa bagong aralin 2. Suriing mabuti ang mga produktong iyong napili, saang bansa nagmula ang mga
ito?
3. Ano ang kaugnayan ng mga larawang inyong napili sa ating aralin?
D. Pagtatalakay ng ACTIVITY TITLE: “PICSURI”
bagong
konsepto at Ipapakita ng guro ang dalawang ilustrasyon sa klase at susuriin ng mga mag-aaral
paglalahad ng kung ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng larawan.
kasanayan #1

PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang iyong napansin sa mga ilustrasyon?
2. Ano ang pinagkaiba ng dalawang ilustrasyon?

MGA PANGUNAHING KONSEPTO


 Kolonyalismo- isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga
sinakop upang makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling
interes.
 Neo-kolonyalismo- bagong paraan ng kolonyalisasyon sa pamamagitan ng
pagkontrol sa buhay, pampolitika, at pang-ekonomiya ng isang maunlad na
bansa sa hindi maunlad na bansa. Ito rin ay di-tuwirang pananakop sa isang
bansang malaya na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang
makapangyarihang bansa.
 Ang mga bansang kabilang sa Third World o ikatlong daigdig ang madalas
na nakararanas nito dahil sa pagkakaroon ng mahinang ekonomiya. Naging
palaasa sa First World o Unang Daigdig o mga bansang may maunlad na
ekonomiya at industriya.

E. Pagtatalakay ng PANGKATANG GAWAIN: “HULA MO, I-ULAT MO!”


bagong
konsepto at MGA TUNTUNIN SA PANGKATANG GAWAIN
paglalahad ng 1. Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat.
kasanayan #2 2. Magpapanuod ang guro ng apat na video kung saan ang bawat isa ay tumutugma
sa mga anyo ng neokolonyalismo: ekonomiya, kultura, militar, at pulitika.
3. Hulaan ng bawat pangkat ang isa sa mga salita na magsisilbing paksang kanilang
tatalakayin.
4. Bibigyan ng guro ang bawat grupo ng pitong minuto upang mag-usap usap at
bumuo ng presentasyon ukol sa anyo ng neokolonyalismo na kanilang sasagutan.
Isusulat nila ang kanilang kasagutan sa white cartolina.
5. Matapos ay pipili ang bawat grupo ng kanilang kinakatawan na siyang mag-uulat ng
kanilang natapos na gawain sa harapan.

PAMANTAYAN SA PAG-UULAT PUNTOS


1. Boses (Malinaw at Malakas ang boses habang 5
nag-uulat)
2. Awtput (Malaman, organisado, at malinis) 20
3. Pagpapaliwanag (tumpak ang pagpapaliwanag, 15
hindi paligoy-ligoy, at nakapagbibigay ng
halimbawa)
KABUUAN 40

MGA PANGUNAHING KONSEPTO


 Mga Anyo ng Neo-Kolonyalismo
1. Ekonomiya -napalaganap ito sa pamamagitan ng kunwaring tulong tungo sa
pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng bansa, ngunit sa katotohanan
ay nakatali na ang bansang tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang
tumutulong.

Dayuhang Pautang o Foreign Debt ay isang paraan ng pautang ng


International Monetary Fund (IMF), World Bank o ng Estados Unidos na may
kaakibat na mga kondisyon. Isa rito ay ang pagbubukas ng ekonomiya sa
dayuhang pamumuhunan at kalakalan, pag-angkat ng mga hilaw na gamit,
pagsasapribado ng mga kumpanya at pagbaklas ng mga monopoly,
pagpapababa ng halaga ng salapi at pagsasaayos ng sistema ng
pagbubuwis. Kapag hindi masunod ang mga kondisyon, hindi makautang at
hindi rin makaahon ang mahihirap na bansa- ito na ang tinatawag na Debt
Trap.
2. Kultural- patakaran ng makapangyarihang bansa na palaganapin sa
mahihinang bansa ang kanilang paraan ng pamumuhay tulad ng pananamit,
sayaw, awit, estilo ng buhok, pagkain, libangan at maging ang mga pagdiriwang.
3. Militar- ipinamigay ng Estados Unidos ang mga natitira o surplus na
kagamitang militar
4. Politika- nagawang maimpluwensiyahan ng makapangyarihang bansa ang
usapin tungkol sa mga kalagayang panloob, pagbabatas, pamamaraang politikal.
Lihim na Pagkilos (Covert Operation) - kung hindi mapasunod nang
mapayapa, gumawa ng paraan ang mga neo-kolonyalista upang guluhin ang
isang pamahalaan o ibagsak ito ng tuluyan.
F. Paglinang sa ACTIVITY TITLE: “PUNAN MO!”
kabihasaan
Upang malinang ang kabihasaan ng mga mag-aaral ukol sa aralin, pupunan nila ang
mga impormasyong hinihingi.

G. Paglalapat ng Tanungin sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong:


aralin sa araw- 1. Magbigay ng isang pangyayari sa iyong buhay kung saan sa tingin mo ay
araw na buhay nagpapakita ng impluwensiya ng neokolonyalismo.
2. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin para mapanatiling buhay ang
kulturang Pilipino sa kabila ng paglaganap ng neokolonyalismo?
H. Paglalahat ng ACTIVITY TITLE: "SPILL IT!”
Aralin
Tanungin sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong at kanilang ibabahagi
ang kanilang kasagutan:
1. Ano ang pinakamahalagang konsepto na inyong natutuhan sa ating talakayan?
I. Pagtataya ng MAIKLING PAGSUSULIT
Aralin
PANUTO: Suriin ang nilalaman ng bawat pahayag. Tukuyin kung anong anyo ng
neokolonyalismo ang inilalarawan nito: PULITIKAL, MILITAR, EKONOMIKO, o
KULTURAL ang sumusunod.

1. Nagbigay ng suportang pananalapi ang Australia sa Laos


upang palakasin ang sektor ng kanilang ekonomiya.
2. Iginawad na ng World Trade Organization ang dayuhang
pautang sa Timor Leste.
3. Nagpadala ang Pilipinas ng maraming Doktor sa United
States upang magpakadalubhasa kung paano susugpuin ang
COVID19.
4. Naging matalik na kaibigang bansa ng Japan ang
Cambodia upang makapag-angkat ng mga hilaw na
kagamitan sa kanilang bansa.
5. Nagsanib ng puwersa ang Mongolia at South Korea upang
paigtingin ang kanilang teritoryo laban sa China.
6. Natutong gumamit ng wikang Ingles ang mga Vietnamese
dahil kinakailangan nilang gamitin sa pagpapalakas ng
kanilang turismo sa Halong Bay.
7. Muling hinikayat ng United States ang Indonesia at
Pilipinas bilang arkipelagong mga bansa upang magsagawa
ng Military Exercises sa karagatan.
8. Mas mabenta sa Pilipinas ang anime Naruto Shippuden na
Made in Japan kaysa anime martial arts ng Made in China.
9. Pinaghihinalaan ng mga taga-Hong Kong ang isang lider
ng probinsiya ng China na nagbabalak pabagsakin ang
kanilang magandang pamamahala.
10. Si Jack Ma ay isang matalik na kaibigan ni Sen. Manny
Pacquiao na laging nagbibigay ng tulong pinansiyal upang
pambili ng mga facemask at iba pang Personal Protective
Equipment (PPE) na gagamitin ng mga Pilipinong frontliners.
J. Karagdagang KASUNDUAN: “ANO ANG TUGON?”
Gawain para sa
takdang aralin at PANUTO: Basahin at suriin ang teksto sa Modyul 8 ukol sa mga naging tugon ng
remediation mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa mga epektong bunsod ng
neokolonyalismo.

Inihanda ni: Iniwasto ni: Pinagtibay:

CYRA ANGELINE D. DE GUZMAN MILANIE D. BANGSAL FERDINAND S. BRAVO, PhD


Gurong Nagsasanay Gurong tagapagsanay/ Punongguro IV
OIC-Araling Panlipunan

You might also like