You are on page 1of 2

Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 8

Inihanda ni: Bahinting, Anabel A.


Petsa: Asignatura: Baitang: Oras:
May 28, 2020 Kasaysayan ng Daigdig 8 1 oras
Mga Kasanayan Nasusuri ang mga uri ng neokolonyalismo at ang epekto nito sa mga bansang
sinakop.
Susi ng Pag-unawa na Nahihinuha ang kahulugan, layunin, uri at epekto ng neokolonyalismo.
Lilinangin
1. Mga Layunin:
Kaalaman (Knowledge) Natutukoy ang kahulugan at mga uri ng neokolonyalismo.

Kasanayan (Skills) Nakakagawa ng isang slogan na nagsasaad sa pagpapahalaga sa mga bagay na


likas na angkin ng bansa.

Kaasalan (Attitude) Naipapahayag ang mga saloobin upang maibsan ang epekto ng
neokolonyalismo

Kahalagahan (Values) Napapahalagahan ang pagmamahal sa sariling bayan lalong-lalo na sa


paraang pagtangkilik sa sariling kultura at sa pagpapaunlad sa aspetong pang-
ekonomiya.

2. Nilalaman Aralin : Neokolonyalismo


Sanggunian: https://prezi.com/j61cp-h-arbj/neokolonyalismo/
Kaasalan: “Tangkilikin, mahalin at ipagmalaki ang sariling atin.”
Integrasyon ng ibang displina: Antropolohiya, Sosyolohiya & Ekonomiks
3. Mga Kagamitang  Visual Aids
Pampagtuturo  Mga Larawan
4. Pamamaraan
 Panalangin
Panimulang Gawain  Pagtala ng lumiban sa klase
 Pagbabalik-aral
Gabay na Katanungan:
1. Ano ang Cold War?
2. Paano ito nakakaapekto sa mga bansang kasangkot nito?
Pagganyak Magpapakita ang guro sa mga mag-aaral ng mga larawan tungkol sa mga
kasalukuyang nakapag-impluwensiya ng mga Pilipino at ipapatukoy ang mga
ito.

Pagsusuri 1. Bakit mas maraming mga Pilipino ang tumatangkilik o humahanga sa


mga nakita niyo sa larawan?
2. Paano ito nakakaapekto sa ating kultura, ekonomiya at maging sa
buong bansa?
3. Bilang isang mag-aaral, paano ka ba naapektuhan sa mga
impuwensiyang galing sa dayuhang bansa?
4. Nakakatulong ba ang mga impluwensiyang ito sa iyo o hindi? Bakit?

Paglalahad Ano ba ang Neokolonyalismo?


Ito ang patuloy na pang-ekonomiya at pangkulturang impluwensiya ng mga
mananakop sa dating kolonya nito. Naiiba ito sa kolonyalismo sapagkat wala
na itong tuwirang military o politikal na kontrol dito.
Pagtatalakay Ano-ano ang mga layunin ng nagpapatupad nito?
1. Patatagin ang pamumuhunan ng kolonyalistang bansa.
2. Pigilan ang pagkamit ng tunay na kalayaan.
3. Kunin ang mas malaking kita ng negosyo.

Ano-ano ang iba’t-ibang uri ng neokolonyalismo?


1. Ekonomiko - napapalaganap sa pamamagitan ng kunwaring tulong tungo sa
pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng bansa, ngunit nakatali na ang
bansang tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang tumulong.
2. Kultural - nababago ang pananaw sa mga bagay na likas na angkin ng
bansa, dala ng ipinakilala ng mga dayuhan.

Paano ito nakakaapekto sa mga Pilipino?


1. Labis na pagdepende sa iba
2. Kawalan ng karangalan
3. Patuloy na pang-aalipin

Paglalahat Magtatanong sa mga mag-aaral ng kanilang natutunan sa buong talakayan.


1. Ano ang neokolonyalismo at ang mga layunin nito?
2. Bilang isang mag-aaral, ano ang inyong sariling saloobin upang
maibsan ang matinding dulot ngneokonyalismo?
3. Paano niyo maipapakita ang pagpapahalaga sa aspetong ekonomiko at
kultural?

Paglalapat Pang-isahang Gawain


Gumawa ng isang slogan tungkol sa pagpapahalaga sa mga bagay na likas na
angkin ng bansang Pilipinas.

Rubriks:
Pagkamalikhain - 10
Mensahe - 20
Kabuuan - 30 puntos

Pagtataya Magbigay ng isang pasulit gamit ang itinakdang katanungan.


(5 na minuto) Panuto: Gumawa ng talaan ng mga produktong yari sa Pilipinas at produktong
galing sa ibang bansa. Isulat ito sa isang kalahating papel.
MGA PRODUKTONG GALING SA:
A. PILIPINAS B. IBANG BANSA
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
Ayon sa talahanayang ginawa mo, masasabi mo bang ikaw ay isa sa mga
biktima ng neokolonyalismo?

Takdang-Aralin Magsasaliksik sa iba’t-ibang pangalan ng pandaigdigang organisasyon at


sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano-anong mga pandaigdigang organisasyon ang nilahokan ng bansang
Pilipinas?
2. Paano ito nakakatulong sa bansa?

Panapos na Gawain  Pagkolekta ng mga papel


 Panapos na panalangin

You might also like