You are on page 1of 4

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

I. Pangkalahatang Nilalaman
Asignatura Araling Panlipunan Baitang 7
Saklaw ng Peace Education
Health Education Values Education
Integrasyon
Paksang
Sub-Tema
Pangkwarter
II. Mga Detalye ng Sesyon
Pamagat ng Mga Anyo at Epekto ng Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-
Aralin Silangang Asya
Kasanayang Nasusuri ang mga anyo at tugon sa neokolonyalismo sa Timog at
Pampagkatuto Kanlurang Asya (AP7TKA-IIIh-1.24)
Layunin a. Naipaliliwanag ang kahulugan at tunay na layunin ng
neokolonyalismo sa Silangan at Timog – Silangang Asya
b. Nasusuri ang mga anyo at epekto ng kolonyalismo sa Silangan at
Timog-Silangang Asya
c. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa
mga anyo at epekto ng neokolonyalismo sa Silangan at Timog-
Silangang Asya

Susing a. Nagiging bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng isang


Konsepto karaniwang pilipino ang mga produktong galing sa mga
sa Integrasyon mayayamang bansa
b. Ang neokolonyalismo ay isang penomenong di- direktang
pangongolonya sa pamamagitan ng politika, ekonomiya at
kultura ng isang bansa
c. Binabasag ng penomenong ito ang kalayaang tinatamasa ng isang
bansa

III. Pamamaraan sa Pagpapadaloy

Laang-
Bahagi Mga Gawain at Proseso
oras
Picture Analysis (4pics1word)

Suriin ang larawan at sagutin ang sumusunod na mga


pamprosesong tanong:

Pagganyak 5 mins

Sagot: neokolonyalismo
Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang larawan?

Page 1 of 4
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

2. Paano nakakaapekto ang mga produktong ito sa


pang-araw-araw na buhay ng isang karaniwang
pilipino?
3. Sa paanong paraan nakakaapekto ang penomenong
ito sa ekonomiya ng mga mamimiling bansa?

Suriteksto
Bago Magbasa:
● Imapa ang mga produktong ginagamit ng isang
karaniwang pilipino sa pang-araw-araw na buhay
mula paggising sa umaga hanggang pagtulog
● Sagutin ang mga pamprosesong tanong:
● Anong karaniwang produkto ang
pinakagamitin?
● Saan gawa ang mga produktong ito?
● Mayroon bang katulad nito na lokal sa ating
bansa?
Ipabasa ang teksto sa klase.

Pagtuklas sa
Konsepto/
20 mins
Paglinang ng
Kasanayan

(Pinagkunan: “Project EASE-Araling Panlipunan 8 :Modyul 20-Neo-Kolonyalismo”, DepEd Schools Division of South Cotabo Learning Resource Management
Section”, DepEd, Bureau of Learning Resources, last modified May 19, 2020, https://sites.google.com/view/depedsocotlrms/.)

Page 2 of 4
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Habang Nagbabasa:
Sagutin ang pamprosesong tanong gamit ang Frayer’s
Model.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang tunay na layon ng neokolonyalismo sa
Silangan at Timog – Silangang Asya?
2. Anong mga sektor ang di-direktang kinokolonya?
3. Sa iyong palagay, paano kinokolonya ng mga
dambuhalang bansa ang mga maliliit na bansa sa
pamamagitan ng neokolonyalismo?
Pagkatapos magbasa:
Pangkatang Gawain: Mind Map

Hatiin ang klase sa maliliit na grupo. Bigyan ang bawat


grupo ng kopya ng teksto tungkol sa mga epekto ng
neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
Link: https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/2022/05/AP7-Q4-MOD8.pdf

Ipaliwanag na ang bawat grupo ay gagawa ng isang mind


map na nagpapakita ng kanilang mga natutuhan tungkol
sa naibigay na teksto. Dapat nilang isama ang mga
sumusunod na elemento sa kanilang mind map:
❖ Kahulugan ng Neokolonyalismo: Maikling
depinisyon sa gitna ng papel.
❖ Mga Anyo ng Neokolonyalismo: Ekonomiya,
Politika, Kultura, at Militar.
❖ Epekto sa Bansa: Positibo (kung meron) at
negatibo.
❖ Halimbawa: Mga konkretong halimbawa mula sa
rehiyon.

Page 3 of 4
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Pagkatapos ng paggawa ng mind map, bawat pangkat ay


magpapakita at magbabahagi ng naging awtput sa klase.

Pamprosesong Tanong:
1. Anong mga positibo at negatibong epekto ng
Pagpapahalaga 10 mins neokolonyalismo?
2. Paano nakakaapekto ang neokolonyalismo sa
pagtupad ng sustainable development sa ating
bansa?

Itanong sa klase at iproseso:


● Paano mo magagamit ang natutunan mo tungkol sa
neokolonyalismo para ….?

Exit Ticket

Bigyan ang bawat mag-aaral ng kopya ng exit ticket.


Ipasagot ang mga tanong sa ticket.

Replektibong Pangalan at Petsa:


10 mins
Pagtatala

Paksa ng Aralin:

Noon, akala ko…

Ngayon, nalaman kong…

Inihanda Ni:

Krisha Anne M. Soriano


Senior Education Program Specialist
Teaching and Learning Division
Bureau of Learning Delivery

Page 4 of 4

You might also like