You are on page 1of 6

Davao de Oro State College

New Bataan Branch


New Bataan, Davao de Oro

Semi-Detailed Lesson Plan for


Final Demo-Teaching

SSED 27 – Production of Social Studies Instructional Materials

Prepared by:
Maximo Jr. A. Sinon
BSED Social Studies 3A

Davao de Oro State College


New Bataan Branch
Purok 1 Cabinuangan, New Bataan, Davao de Oro
Taon ng Paaralan 2022-2023
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan X
Unang Markahan
Disyembre 01, 2022

I. Mga layunin:
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:
a. nasusuri ang konsepto ng limang tema ng heograpiya;
b. naiuugnay ang iba’t-ibang pananaw at perspektibo ng globalisasyon.

II. Paksang Aralin


A. Paksa : Limang Tema ng heograpiya
B. Sanggunian : K to 12 Araling Panlipunan
Gabay Pangkurikulum Mayo
2016 (Pp. 166-184)

C. Kagamitan : Visual Aids, Telepono at 3D


Model
D. Kodegong Numero : AP8HSK-ID-4
E. Pamantayang Nilalaman : Ang mga mag-aaral ay
naipamalas ang pag-unawa sa limang temang ng heograpiya
ng nagbigay daan malaman ang
F. Pamantayan sa Pagganap : Nakakabuo ng programang
pangkabuhayan (livelihood
program) batay sa mga
pinagkukunang yaman na
matatagpuan sa pamayanan
upang makatulong sa paglutas
sa mga suliraning
pangkabuhayan ng mga
mamamayan.
G. Pamantayan sa Pagkatuto : Naipapaliwanag ang konsepto
ng globalisasyon.
H. Pokus sa Halaga : Pagkaunawain, Kakayahang
tumugon at Responsable
I. Pinagsamang ng Kurikulum : ESP – Nabibigyang halaga
ang mga ibinigay na gawain at
napaiiral ang mga natutunan
sa totoong buhay.
III. Pamamaraan
A.

Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtali ng lumiban sa klase
4. Pagsasaayos ng silid aralan
5. Pagsusuri

B. Panlinang na Gawain
4 PICS, ONE WORD
Pamamaraan:
Ang mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat. Bawat grupo ay bibigyan lamang ng
tatlongpong sigundo upang sagutin ang bawat isang larawan. Ang grupo na makakakuha
ng

tamang sagot ay bibigyan ng


katum-bas na puntos. Kapag ang oras na inilaan ay tapos na ang mga sagot ay hindi na
maa-ring tanggapin kahit ito ay wasto.
1. Pagsusuri
1. Batay sa gawain, anong kaugnayan sa ating talakayin
batay sa mga larawan na inilahad?
2. Ano sa tingin ninyo ang paksang tatalakayin natin
ngayong araw?

3. Paghahalaw
• Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng
mga tao, bagay, impormasyon, at produkto sa iba’t- ibang panig ng
daigdig (Ritzer, 2011).
• Proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao,
kompanya, bansa o samahang pandaigdigan sa tulong ng teknolohiya
at impormasyon.
• May mga pangyayaring nakakapagpabagal ng proseso
Mga Perspektibo ng Globalisasyon
Una, ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa. – Nayan
Chanda (2007)
Pangalawa, ang globalisayon ay isang mahabang siklo ng pagbabago.
– Scholte (2005)
Pangatlo, ang globalisayon ay may anim (6) na “wave” o epoch o
panahon. – Therborn (2005)
1. Ika-4 na siglo hanggang ika-5 siglo
- Globalisasyon ng Relihiyon
2. Huling bahagi ng ika-5 siglo
- Pananakop ng mga Europeo
3. Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng ika-
19 na siglo
- Digmaam sa pagitan ng mga bansa sa Europa
4. Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918
- Rurok ng Imperyalismong Kanluranin
5. Post-World War II
- Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersa ng
ideolohikal
6. Post-Cold War
- Pananaig ng Kapitalismo bilang sistemang
pangekonomiya
Pang-apat, ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong
pangyayaring naganap sa kasaysayan.
Panglima, ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa
kalagitnaan ng ika-20 siglo.

4. Paglalapat Pinoy
Henyo!
Ang mga mag-aaral ay mahahati sa dalawang pangkat. Bawat
pangkat ay dapat may dalawang kalahok sa palaro. Ang isang kalahok
ang siyang huhula kung ano ang salitang nakalagay sa kanyang nuo
habang ang pangalawang kalahok ang siya namang magsasabi kung
wasto ba ang hula. Kapag ito ay nahulaan na, ilalagay ng kalahok ang
papel sa larawang angkop na nasa pisara. Ang bawat miyembro
naman ay salitan sa paglarawan at pagpapaliwanag sa bawat tamang
sagot o hula. Kung ano ang kinalaman ng larawan at mga salita sa
paksang tinalakay. Bibigyan lamang ng tatlong minuto ang bawat
pangkat upang maglaro.

• 2020 COVID-19 Pandemic • Inflation

• Russia and Ukraine War • Refugees


• Human Trafficking • Food Insecurity

• International Terrorism • Unemployment


IV. Pagtatasa
Sa isang buong papel, gumawa ng isang mapa ng konsepto na
nagpapaliwanag ng proseso ng pagdaloy o paggalaw ng globalisasyon.

Takdang Aralin:
Sa isang buong papel, gumawa ng isang tsart ng talahayan at itali ang
mga institusyon na gaganap sa proseso ng globalisasyon, sa kabilang hanay
naman ay isulat ang gampanin ng bawat institusyon sa proseso ng
globalisasyon.

Pamantayan 10-8 7-4 3-1


Organisayon ng mga Mahusay ang May naipakitang Hindi
Ideya pagkakasunodsunod debelopment sa masyadong
ng mga ideya gamit pagbuo ng mga organisado ang
ang mga ideya. pagkakalahad ng
transisyunal na bawat ideya.
pantulong upang
may kalinawan sa
mga ideya.
Nilalaman ng Detalye Lohikal at May sapat na May kakulangan
makabuluhan ang kahulugan sa sa pangunahing
detalye upang paghayag ng ideya at sa
maipahayag ang bawat ideya. paghayag ng
ideya. detalye.
Mekaniks at Gamit Wasto lahat ang Halos tama ang Mali ang
paggamit ng mga paggamit ng mga paggamit at
bantas at walang bantas at ang pagkakalagay ng
pagkakamali sa estruktura ng mga bantas at
estruktura ng mga mga hindi maayos ang
pangungusap. pangungusap. estruktura ng
mga
pangungusap.
Kabuuang Marka

You might also like