You are on page 1of 11

Grade 1 to 12 School INFORMATION & COMMUNICATION TECHNOLOGY HIGH SCHOOL Grade Level 7

DAILY/DETAILED LESSON PLAN Teacher MICHAEL L. QUIAZON Learning Area AralingPanlipunan


(DepEd Order No. 42, s. 2016) Teaching Dates WEEK7 Quarter Ikatlong Markahan

Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay sa Kurikulum. Sundin ang pamamaraan upang matamo ang layunin, maari ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng Pamantayang Pangkaalaman at
Kasanayan. Tinataya ito gamit ang mga istratehiya ng Formative Assessment. Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa Gabay sa
Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at nilalaman.
Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya
A. Pamantayang Pangnilalaman sa Transisyonal at Makabagong Panahon (Ika-16 hanggang ika-20 siglo)
(Content Standards)
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at
B. Pamantayan sa Pagganap kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
(Performance Standards)
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto MELC No.8: Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
(Learning Competencies/Objectives
Write the LC code for each)
1. Nasusuri ang anyo at tugon sa neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya; at
D. Layunin 2. Natataya ang epekto ng kalakalan sa pagbabagong pang-ekonomiya at pangkultura ng mga bansa sa Asya.
(Objectives)
I. NILALAMAN Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay saKurikulum. Maaari itong tumagal ng isahang hanggang
dalawang linggo.
(Content)
NEOKOLONYALISMO
KAGAMITANG PANTURO Itala ang mga Kagamitang Panturo gagamitin sa bawat araw. Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang higit na mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-
(Learning Resources) aaral.
A.Sanggunian(References)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs)

2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-


aaral (LMs) Soriano, Ria M. Modyul 7: Neokolonyalismo. DepEd Region III, SDO City of San Fernando, Pampanga High School. 2020

3. Mga Pahina sa Teksbuk (Other Ref) Blando, Rosemarie C. et al. Asya: Pagkakaisa ng Pagkakaiba. Pasig City: Eduresources Publishing, Inc. 2014.
Mateo, Grace Estela C. etal. Kasaysayan ng Daigdig. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc. 2012.
Most Essential Learning Competencies Matrix, Araling Panlipunan. Department of Education, 2020

4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal Google images para sa mga ginamit na larawan, video from: https://www.youtube.com/watch?v=fQJ9srKCPJw
ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, cellphone, tablet
II. PAMAMARAAN Gawin ang pamamaraang ito nang buong linggo at tiyakin na may gawain sa bawat araw. Para sa holistikong pagkahubog, gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga
istratehiyang formative assessment. Magbigay ng maraming pagkakataong sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag-isip ng analitikal at kusang magtaya ng dating
(Procedures) kaalaman na iuugnay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan.

Reference: DepEd Order No. 42, s. 2016 (Policy Guidelines on Daily Lesson Preparation for the K to 12 Basic Educ. Program)
A. Reviewing previous lesson or 1. BALITAAN. (5-minutong balitaan) ng mga napapanahong isyu na may kinalaman sa nasabing kwarter. Ang guro ay aatasan
presenting the new lesson ang isang pangkat na mamumuno sa balitaan.
(Balik-aral sa nakaraang aralin at 2. BALIK-ARAL. Ang isang miyembro ng bawat pangkat ay magbabalik-aral sa nakaraang leksyon na sasagot sa iba’t ibang
pagsisimula ng bagong aralin) katanungan:
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Ayusin ang mga pinaghalong letra upang
makabuo ng isang salita na tumutugon sa inilalarawan ng pangungusap. Isulat ang mga sagot sa sagutang
papel.

1. Isang maluwag at mahabang damit panlabas. Kadalasan, hanggang lupa ang laylayan nito. (BYAAA)
2. International Day for the Elimination of Violence against Women. (REBMETPES 52)
3. Website na naglalaman ng mga pananaliksik, ulat, at statistics tungkol sa kababaihan sa Ehipto, Jordan,
Lebanon, Palestine, Syria, Yemen, U.A.E, at Qatar. (BARA ENWOM TNNECOC)
4. Maluwag at mahabang talukbong na hawak sa kamay upang matakpan ang katawan maliban sa mukha.
(DORHAC)
5. Kabilang sa 100 na pinakamakapangyarihang negosyante sa buong mundo ayon sa Forbes at Time
Magazine. (ANLUB MANLIUS ANYALO)

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Mababakas na sa kabila ng pagtatapos ng kolonyalismo
B. Establishing a purpose for the at imperyalismo sa ating bansa patuloy ang pagpasok ng impluwensya ng mga Kanluraning bansa sa Asya. Ito
lesson ang pangunahing dahilan ng makabago at tahimik na paraan ng pananakop. Ating tuklasin at alamin ang bagong
(Paghahabi sa layunin ng aralin) aralin. Handa ka na ba? Simulan na natin ang iyong pagkatuto.

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit


• Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
• Mga Anyo at Pamamaraan ng Neokolonyalismo
• Tugon sa Neokolonyalismo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya

Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:


• Nasusuri ang anyo at tugon sa neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya; at
• Natataya ang epekto ng kalakalan sa pagbabagong pang-ekonomiya at pangkultura ng mga bansa
sa Asya.

Gawain
C. Presenting examples/ instances of Panuto: Ano ang mga salitang naiisip mo kapag nakikita mo ang salitang sumusunod. Sumulat ng salita
the new lesson
Reference: DepEd Order No. 42, s. 2016 (Policy Guidelines on Daily Lesson Preparation for the K to 12 Basic Educ. Program)
(Pag-uugnay ng mga halimbawa na naglalarawan sa salitang nasa loob ng hugis. Pagkatapos mong maibigay ang mga salita, pagsamahin
sa bagong aralin) mo ang dalawang salita upang makuha ang tema ng leksyon natin ngayon.
NEO+KOLONYALISMO=_________________________

Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya


D. Discussing new concepts and Ang neokolonyalismo ay di-tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang bansang
practicing new skills #1 malaya na may mahinang ekonomiya . Ito ay ang bagong pamamaraan ng pananakop ng mga malalakas at
(Pagtalakay ng bagong konsepto
mauunlad na bansa sa mga hindi masyadong maunlad na bansa.
at paglalahad ng bagong
kasanayan #1) Ang mga bansang kabilang sa Third World ang madalas na makaranas at magkaroon ng mahinang
ekonomiya sapagkat patuloy silang umaasa sa mga bansang kailang sa First World o bansang may maunlad
na ekonomiya at industriya.

Ang pag-iral ng neokolonyalismo sa mga tulong at donasyon na ipinagkakaloob ng dating mananakop na


bansa ay may kapalit na pagkontrol sa ekonomiya ng dating sinakop na bansa. Sa ganitong paraan
nagtatagumpay sila na maitaguyod ang kanilang mga sariling interes.
Ang halimbawa ng neokolonyalismo ay maaaring sa aspeto ng politika, ekonomiya, kalakalan, kultura, at
iba pa. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagbibigay ng dayuhang tulong o foreign aid ng mga
mayayamang bansa sa mga mahihirap na bansa.

Dayuhang Tulong (Foreign Aid) – Ito ay maaaring sa paraan na pang-ekonomiya na kung saan inililipat ang
kapital, produkto at serbisyo mula sa ibang bansa papunta sa isang bansa upang ito ay magbenepisyo.
Maaari rin itong tulong pangkultura, pangmilitar at pampulitikal.

Mga Anyo at Pamamaraan ng Neokolonyalismo


1. Neokolonyalismong Politikal
Isang patunay na kayang kontronlin ng makapangyarihang bansa ang mga bansang mahihina ay sa
larangan ng politika. Tahimik na pamamaraan ang ginagawang pangkilos upang maimpluwensiyahan ang

mga mahihinang bansa. Ang halimbawa nito ay ang eleksiyon na kung saan ito ay paraan ng pagbabatas sa
ilalim ng pamaraaang politikal.

2. Neokolonyalismong Pangmilitar
Ito ay ang pagtulong at pagsuporta ng malalakas na bansa sa mga mahihinang bansa na kung saan
nagagawang tumulong ng mga kanluraning bansa sa kanilang mga dating kolonya kapag ito ay nanganganib
na sakupin o lusubin ng ibang bansa. Handa itong magbigay ng kanilang hukbong sandatahan at iba pang
tulong pangmilitar. Halimbawa nito ay ang pagtulong sa Kuwait ng United States nang lusubin ito ng
Reference: DepEd Order No. 42, s. 2016 (Policy Guidelines on Daily Lesson Preparation for the K to 12 Basic Educ. Program)
bansang Iraq, nagbigay ng hukbong sandatahan ang bansang America upang lumaban para sa Kuwait.

3. Neokolonyalismong Kultural
Isa sa paraan ng makapangyarihang bansa ay gamitin ang kultura upang sila ay yakapin ng mga
mahihinang bansa. Sinisikap nilang panatilihin ang paraan ng pamumuhay, kaugalian, paraan ng pananamit,
sayaw, awit, ostilo ng buhok, pagkain, libangan, at pati na ang paraan ng kanilang pagdiriwang. Hinuhubog
ng makapangyarihang bansa ang kultura gamit ang mass media at edukasyon.Isang halimbawa nito ay ang
naganap sa India mula sa bansang Britain. Ang edukasyon sa India ay ibinatay sa sistemang British at
ginamit ang wikang Ingles sa pagtuturo upang maging mahusay na manggagawa at kawani kanilang
pamahalaang kolonyal.

Globalisasyon ng Edukasyon (intelektwal na pananakop)


• Pagpapalitan ng iskolar at iba pang paraan sa ibang bansa upang mapaunlad ang kaalaman ng bawat
isa.

• Nababalewala ang mga kurikulum na dapat sundin sa edukasyon ng mahihirap na bansa dahil sa
patuloy na pagsunod sa sistema ng edukasyon sa Kanluran.

• Nakikipag-ugnayan ang mga tagapamahala ng mga pamantasan sa mga paaralang Kanluranin upang
mabago ang kanilang mg alibro at kagamitan at ang pagdaragdag ng pondo ng mga Kanluraning bansa
upang maisakatuparan ang dagdag kurso at maging maayos ang kanilang intelekwal na kurkulum.

Epekto ng Neokolonyalismo sa mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya

International Monetary Fund at World Bank ang dalawang ahensya na nagpapautang ng salapi sa mga
dating kolonyang bansa upang may magamit sa kanilang mga pangangailangan tulad sa edukasyon, mga
pagawain at iba pang proyekto ng bansang nangungutang.

- Dahil sa patuloy na pagtulong ng mayayamang bansa sa mga bansa sa Asya ay naging palaasa o over-
dependent na lamang ang mga mahihirap na bansa sa mga mauunlad na bansa.
- Sila rin ang namamahala sa pera ng mga bansa sa Ikatlong Daigdig kung ano ang dapat pondohan ng mga
ito tulad ng dapat ipambayad sa mga utang-panlabas na siyang dahilan upang hindi napapaunlad ang sektor
ng agrikultura na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga bansa.
- Isang hindi magandang ginagawa ng mga mauunlad na bansa ay diktahan ang mga bansang papaunlad pa
lamang na upang liitan ang pondo sa edukasyon at kalusugan kaya naghihirap ang ilang mga bansang

Reference: DepEd Order No. 42, s. 2016 (Policy Guidelines on Daily Lesson Preparation for the K to 12 Basic Educ. Program)
mahihirap.

Ang (IMF) International Monetary Fund o Pandaigdigang Pondong Pananalapi - ay isang organisasyong
internasyunal na pinagkatiwalaang mamahala sa pandaigdigang sistema sa pananalapi sa pamamagitan ng
pagmamasid sa mga halaga ng palitan at balanse ng mga kabayaran, gayon din ang pag-alok ng teknikal at
pinansyal na tulong kapag hiningi.

Tugon sa Neokolonyalismo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya


Pagkatapos ng kolonyalismo at imperyalismo, umusbong ang kakaibang pagpasok ng impluwensiya ng
Kanluraning Bansa na tinatawag na neokolonyalismo. Ito ay ang pagtulong ng mga makapangyarihan at
mayayamang bansa sa mga mahihirap na bansa gamit ang ekonomiyang sektor.
Ang mga ilang mga bansa sa Asya ay napilitang yakapin ang ganitong sistema upang makabangon ang
kanilang naghihikahos na ekonomiyang bunga ng digmaan.
Kabilang dito ang mga Arabong bansa sa pangunguna ng Saudi Arabia, Iraq at Kuwait na may hawak ng
malaking reserba ng langis sa daigdig. Kasama ang tatlong bansang ito sa Organization of the Petroleum
Exporting Countries (OPEC) na siyang nagkokokontrol ng presyo ng langis sa pandaigdigang kalakalan.

Nag-unahan ang mga Kanluraning bansa na masakop ang mga bansa sa Kanlurang Asya nang matuklasan
ang langis sa rehiyon.

Turkey. Taong 1945, nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ni Pangulong Harry S. Truman (USA) at
Pangulong Celal Bayar (Turkey) ang pagtulong ng bansang America sa Turkey upang mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa at ang sistema ng hukbong pangmilitar ng Turkey. Dahil sa liberalismong pang-
ekonomiyang patakaran na ipinatutupad sa bansang Turkey ay patuloy na pagtanggap ng dayuhang tulong
mula sa United States.

Iran. Humingi ng tulong teknikal sa mga bansang France, Germany , Italy si Sha Reza upang lubos
maiwasan ang pagkontrol ng Great Britain at Russia sa Anglo-Iranian Oil Company sapagkat nananatiling
pag-aari ng Great Britain ang kompanya ng langis na pag-aari ng Irann.

Israel. Si Yasser Arafat ang dating tagapangulo ng Palestinian Liberation Organization. Kinilala ito ng
mga Arabe bilang isang makabayang samahan, dahilan na maraming samahang nabuo sa mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya na muling nagpakita ng kanilang pagiging makabayan.

India. Sa bansang ito nanatili ang paggamit ng wikang ingles at patuloy na paglalaro ng cricket at
Reference: DepEd Order No. 42, s. 2016 (Policy Guidelines on Daily Lesson Preparation for the K to 12 Basic Educ. Program)
badminton.

Maraming bansang Asyano sa kasalukuyan ang nagsisikap na makatayo sa kanilang sariling mga paa at
hindi na umasa pa sa mga makapangyarihan at maimpluwensiyang bansa. Nagsilbing hamon din sa kanila na
kaya nilang matumbasan ang anumang kaunlaran mayroon ang mga makapangyarihang bansa.
Sa kabila na ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay hindi nasakop ng mga Kanluranin, may mga
pandaigdigang sistema sa ekonomiya ang hindi nakatutulong sa pag-unlad ng mga ito. May mga
pandaigdigang kompanya ang nagbibigay ng mga patakaran sa papaunlad na bansa. Ang liberasyon ng
ekonomiya sa daigdig sa kasalukuyan ay nagbigay-daan sa pagbubukas ng mga pamilihan ng pagpapaunlad
ng mga bansa na wala namang maitutumbas sa malayang pagpasok ng teknolohiya ng mauunlad na bansa.

Gawain:
Panuto. Kumpletuhin ang talahanayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Bumuo ng mga
pangungusap.
1. Ano ang neokolonyalismo?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________
2. Nagaganap pa ba ito sa kasalukuyan? Magbigay ng isang halimbawa.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________
3. Ano ang importansya ng International Monetary Fund at World Bank?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________

Kalakalan sa Timog at Kanlurang Asya


E. Discussing new concepts and Tinatawag na kalakalan ang anomang transaksiyon na nagaganap sa dalawang tao, maging sa mga bansa.
practicing new skills #2
(Pagtalakay ng bagong konsepto
at paglalahad ng bagong May dalawang klase ng kalakalan:
kasanayan #2) a. Barter – ito ay simpleng pakikipagkalalan na hindi ginagamitan ng salapi. Nagaganap ang kalakalan sa
pamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga produkto sa ibang produkto hanggat nagkakaroon ng kasunduan
sa dalawang panig.
b. Money economy- ang pakikipagkalakalan ay nagaganap sa pamamagitan produkto at salapi.

Reference: DepEd Order No. 42, s. 2016 (Policy Guidelines on Daily Lesson Preparation for the K to 12 Basic Educ. Program)
May dalawang uri ng kalakalan:
a. Kalakalang panloob – ang pakikipagkalakalan o palitan ng produkto ay nagaganap sa loob ng bansa
lamang.
b. Kalakalang panlabas- nahati sa dalawang uri ang kalakalang panlabas
• export o produktong iniluluwas
- Tulad ng bansang Syria na nagluluwas ng mga produktong petrolyo, tela, bulak, prutas, gulay, tabako sa
mga bansang Germany, Italy, France at iba pang bansa.
- Nagluluwas din ng mahahalagang bato, alahas, tela, kemikal at carpet ang bansang India.
• import – produktong may kaugnayan sa mga inaangkat mula sa ibang bansa.
- Nariyan din naman ang bansang India na umaangkat ng mga kemikal, makinarya, electronics at fertilizers
mula sa United States, Singapore, Belgium, United Kingdom at Germany.

Mga Ilang Kaganapan Sa Kalakalan, Kultura at Ekonomiya ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
a. Ang Asya ay naging malaking pamilihan ng mga produktong gawa ng mga bansang Asyano at mga
dayuhang mangangalakal.
b. Naging magkakompetisyon ang bansang India at mga bansang Ingles sa industriya ng paghahabi.
c. Ang malaking reserba ng langis ay pinangungunahan ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Iraq
at Kuwait. Ang mga bansang nabanggit ay kabilang din sa Organization of Petroleum Exporting
Countries (OPEC) na siyang kumokontrol sa pamilihan ng langis sa pandaigdigang kalakalan. Ito rin ang
naging dahilan kung bakit maraming mangangalakal ng langis tulad ng Pilipinas, Pakistan, India,
Thailand, Sri Lanka at Indonesia ang bumibili sa mga bansang Saudi Arabia, Iraq at Kuwait.
d. Kontrolado ng bansang India ang pagluluwas ng bigas habang ang Sri Lanka naman ang nangunguna sa
bentahan ng tsaa sa pandaigdigang kalakalan.
e. Ang sentro naman ng information technology ay ang Bangalore, India.
f. Naging matatag din ang ugnayan ng mga bansa sa pagtatatag ng South Asian Association for Regional
Cooperation (SAARC) noong 1997. Ito ay nagsilbing forum sa India at Pakistan na siyang may hawak ng
usaping panseguridad at pang-ekonomiya sa Kanlurang Asya.

Epekto ng Kalakalan sa mga Pagbabagong Pang-ekonomiya at Pang-Kultura ng mga bansa sa Timog at


Kanlurang Asya

a. Ang Islam ay nakilala dahil sa mga mangangalakal at misyonerong kasama sa kalakalang naganap sa silk
route.
b. Kabilang sa mga kalakal na ibinebenta ng mga artisano, mangangalakal at mga misyonerong
Reference: DepEd Order No. 42, s. 2016 (Policy Guidelines on Daily Lesson Preparation for the K to 12 Basic Educ. Program)
manlalakbay ay ang kani-kanilang mga bagong ideya, teknolohiya at mga paniniwala upang
makahikayat ng mga pananampalataya.
c. Nagkaroon ng magandang ugnayan ang mga mangangalakal sa iba’t ibang lupain dulot ng bentahan ng
seda. Sinikap ding matutuhan ang lokal na wika at kaugalian ng kanilang mga bansang pinupuntahan.
d. Paghahati- hati ng populasyon ng mga bansa sa iba’t ibang relihiyon na ipinapakilala sa kanila. Ang ilang
halimbawa ay

1. Budismo- Ipinakilala ng mga mangangalakal na Iranian mula sa Bactria, Parthia at Transoxania ang
relihiyong ito at lumaganap sa bansang China na nagpabago sa paraan ng pagkain, paraan ng
paglilibong, pananaw sa labas ng bansa at maging larangan ng arkitektura, pagpipinta at iskultura ay
nabago.

2. Ang mga paniniwalang Iranian ay napasama at kumalat sa relihiyong Kristiyanismo at Hudaismo.

Gawain A: Tukuyin kung anong uri ng neokolonyalismo ang ipinakikita ng mga sitwasyon. Isulat sa patlang
F. Developing mastery (Leads to ang pananda ng tamang sagot. PANGMILITAR, PANGKULTURA, PANG-EKONOMIYA,PAMPULITIKA
Formative Assessment)
(Pagtalakay ng bagong konsepto
at paglalahad ng bagong ________________1. Sa panig ng Saudi Arabia, sa ilalim ng pamumuno ni Haring Ibn Saud, Disyembre taong 1950
kasanayan) nang ito ay nakipagkasundo sa Arabian American Oil Company (ARAMCO) na ang 50% kita sa nasabing kompanya ay
maibigay sa Saudi Arabia nang sa gayon ay mapataas ang kita ng bansa.
________________2. Nagagawang impluwensyahan ng makapangyarihang bansa ang usapin tungkol sa mga
kalagayang panloob at paggawa ng batas tulad ng eleksiyon.
________________3. Ito ay ang patuloy na paggamit ng United States ng base militar sa Dharan kapalit ng tulong
teknikal at pagpapahintulot ng pagbili ng mga armas sa ilalim ng Mutual Defense Assistance Act.
________________4. Patakaran ng makapangyarihang bansa na palaganapin sa mahihinang mga bansa ukol sa
pamumuhay tulad ng paraan ng pananamit, sayaw, awit, estilo ng buhok, pagkain, libangan, at pati na ang
pagdiriwang.
________________5. Nagagawang tumulong ng mga Kanluraning bansa sa kanilang mga dating kolonya kung ito ay
nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa.

Gawain B: Basahin ang mga halimbawa. Dapat bang tanggapin ang mga sumusunod? Ilagay ang tsek (/)
kung dapat at ekis (x) kung hindi dapat.
_________1. Musika at pelikulang dayuhan
_________2. Tulong militar
Reference: DepEd Order No. 42, s. 2016 (Policy Guidelines on Daily Lesson Preparation for the K to 12 Basic Educ. Program)
_________3. Produktong dayuhan
_________4. Madalas na pag-utang
_________5. Tulong gamot, pagkain at edukasyon

Gawain C: Base sa mga sagot mo sa itaas, ipaliwanag kung kailan naging hindi dapat tanggapin ang
pagtulong mula sa ibang bansa at paano mo ito maiwawasto?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Ipaliwanag mo ang iyong sagot. (10 PUNTOS)
G. Finding practical applications of 1. Naniniwala ka ba na ang Pilipinas ay nakapaloob sa balangkas ng neokolonyalismo? Magbigay ng isang
concepts and skills in daily living halimbawa.
(Paglalapat ng aralin sa pang-
araw-araw na buhay)
2. Sa iyong palagay ano ang mabuting dulot ng neokolonyalismo sa ating bansa? Ipaliwanag.

Dugtungan ang isang pangungusap na hindi tapos tungkol sa neokolonyalismo ng Pilipinas.


H. Making generalization and Ang neokolonyalismo sa larangan ng ekonomiya sa Pilipinas ay kakikitaan
abstraction about the lesson ng______________________________________________________________________________________
(Paglalahat ng Aralin) ________________________________________________________________________________________
Pagtataya 1: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
I. Evaluating learning
(Pagtataya ng Aralin)

_____________1. Ang tawag sa mga bansang kabilang sa may maunlad na ekonomiya at industriya.
_____________2. Ito ay ang di-tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na may mahinang ekonomiya na
umaasa sa isang makapangyarihang bansa.
_____________3. Tawag sa pinakamahalagang sinaunang ruta kalakalan na nag-uugnay sa mga bansang tulad ng
China, Persia, at Europe.
_____________4. Siya ang nakipagkasundo sa Arabian American Oil Company upang ang 50% na kita ng nasabing
kompanya ay maibigay sa Saudi Arabia para mapataas ang kita ng bansa.
_____________5. Ang tawag sa anumang transaksiyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao o bansa na kabilang

Reference: DepEd Order No. 42, s. 2016 (Policy Guidelines on Daily Lesson Preparation for the K to 12 Basic Educ. Program)
sa isang pamilihan.
_____________6. Ito ay isang simpleng uri ng pakikipagkalakan na hindi nakabatay sa salapi.
_____________7. Siya ang namumuno na tumulong sa pang-ekonomiya at pangmilitar na pakikipagkasundo sa
United States.
_____________8. Produktong may ugnayan sa pag-aangkat sa ibang bansa
_____________9. Ito ang tawag sa ekonomiyang nakabatay sa salapi.
_____________10. Uri ng kalakalan kung saan ang palitan ay sa loob lamang ng bansa.

Pagtataya 2. Tukuyin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung
mali ang pahayag.
____1. Ang tatlong bansang nakapaloob sa OPEC ay ang Saudi Arabia, Iraq, at Kuwait.
____2. Iniluluwas ng bansang India ang mga produktong tulad ng mahahalagang bato, alahas, tela, kemikal,bakal,
carpet, at iba pa.
____3. Third World ang tawag sa mga bansang maunlad ang ekonomiya at industriya.
____4. Ang dalawang uri ng kalakang panlabas ay import at export.
____5. Si Yasser Arafat ang tagapangulo ng Palestine Liberation Organization.

J. Additional activities for A. Panuto: Buuin ang concept web. Lagyan ng wastong impormasyon ang kasunod na concept web.
application or remediation
(Karagdagang gawain para sa
takdang-aralin at remediation)

B. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa implikasyon ng Neokolonyalismo. (10 puntos)


Nilalaman- 5
Organisasyon-5
Kabuuang puntos-10

Reference: DepEd Order No. 42, s. 2016 (Policy Guidelines on Daily Lesson Preparation for the K to 12 Basic Educ. Program)
III. MGA TALA (Remarks)

Magnilaysaiyongmgaistratehiyangpagtuturo. Tayainangpaghubog ng iyongmga mag-aaralsabawatlinggo. Paanomoitonaisakatuparan? Ano pang


IV. PAGNINILAY (Reflection) - Weekly tulongangmaaarimonggawinupangsila’ymatulungan?
Tukuyinangmaaarimongitanong/ilahadsaiyongsuperbisorsaanumangtulongnamaaarinilangibigaysaiyosainyongpagkikita.
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
(No. of learners who earned 80% in the evaluation)

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng


iba pang gawain para sa remediation.
(No. of learners who require additional activities for
remediation who scored below 80%)

C. Karagdagang gawain na makatutulong sa mga


batang nakakuha nang mababa sa 80%.
(Remedial instruction/s)

D. Natutunan/Mga naging suliranin/ inaasahang


tulong mula sa kasamang guro, punong-guro,
superbisor/ mga kagamitang ginawa o
ginamit na nakatulong sa pagkatuto ng mga
mag-aaral

Isinumite ni: MICHAEL L. QUIAZON Iniwasto ni: CLAIRE R. YUMUL


PUNONG-GURO

Petsa: MAY 10, 2021

Reference: DepEd Order No. 42, s. 2016 (Policy Guidelines on Daily Lesson Preparation for the K to 12 Basic Educ. Program)

You might also like