You are on page 1of 14

8

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

ARALING PANLIPUNAN
Kwarter IV – Linggo 1
Dahilan at Mahahalagang Pangyayari
sa Unang Digmaang Pandaigdig

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


CONTEXTUALIZED LEARNING
SCHOOLS DIVISION ACTIVITY
OF PUERTO PRINCESASHEETS
CITY
SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan - Baitang 8
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 1: Dahilan at Mahahalagang Pangyayaring
sa Unang Digmaang Pandaigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Catherine B. Arambulo
Pangnilalamang Patnugot: Cyrus B. Mamagat
Editor: Jouilyn O. Agot

Tagawasto: Cyrus B. Mamagat, Nimfa V. Alaska

Tagasuri: Marites L. Arenio, Fe O. Cabasal, Nimfa V. Alaska, Rodney M. Ballaran,


Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Tagalapat: Carissa M. Calalin

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Maritess L. Arenio, EPS, Araling Panlipunan
Fe O. Cabasal, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald S. Brillantes, Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin,
Jouilyn O. Agot

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Dahilan at Mahahalagang Pangyayaring
sa Unang Digmaang Pandaigdig
MELC :Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang
Digmaang Pandaigdig (AP8AKD-IVa-1)
Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang pangyayaring nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig.
2. Naipaliliwanag ang mga pangyayaring nagbigay daan sa Unang Digmaang
Pandaigdig.
3. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari na naganap noong Unang
Digmaang Pandaigdig.

Subukin Natin
Panuto: Unawain mo ang mga katanungan at isulat sa patlang ang tamang sagot.
_____1. Alin ang HINDI kabilang sa Triple Entente o mas kilala bilang Allied Powers?
A. Great Britain B. Japan C. Ottoman Empire D. United States

_____2. Ano ang itinuturing na entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig?


A. Africa B. America C. Asya D. Europe

_____3. Saan nakasaad ang pagkakabunyag ng nga Amerikano na naglalaman ng


paghihikayat ng Germany sa Mexico na maging kaalyado nito?
A. Armistice C. Blockade
B. American Expedition Forces D. Zimmerman Note

_____4. Ano ang itinuturing na dahilan ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?


A. Pagkahuli kay Archduke Franz Ferdinand
B. Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand
C. Pagkapanganak kay Archduke Franz Ferdinand
D. Pagkahirang bilang hari ni Archduke Franz Ferdinand

_____5. Ano ang kinikilalang katawagan sa Unang Digmaang Pandaigdig na sinasabing ito
ay nagpabago sa takbo ng kasaykasayan ng daigdig?
A. Apocalypse B. Battle of the Century C. Crimean War D. The Great War

_____6. Paano napasali ang United States sa Unang Digmaang Pandaigdig?


A. Dahil galit ang United States sa Germany.
B. Dahil sa paghihimasok ng ibang bansa sa kanilang bansa.
C. Dahil napagtanto ng United States na mas maraming teritoryo ang Germany.
D. Dahil sa pagtorpedo sa barkong Amerikano at maraming namatay at
pagpapalubog ng barkong Lusitania noong May 7, 1915 kaya maraming nasawi
na mga Amerikano.

_____7. Alin dito ang hindi kabilang sa mga bansang bumubuo sa Triple Alliance?
A. Austria-Hungary B. Bulgaria C. Germany D. Italy

1
_____8. Sa pasimula ng Unang Digmaang Pandaigdig ang United States ay nagdeklara ng
hindi pagpanig sa anumang alyansa subalit ito ay nagbago dahil sa isang
pangyayari noong Mayo 1915. Alin dito?
A. Pagbomba sa Pearl Harbor, Hawaii
B. Pagpatay kay Archduke Ferdinand
C. Pagpapalubog sa barkong Lusitania
D. Pakikialam ng British Government sa America

_____9. Paano pansamantalang winakasan ng mga magkalabang bansa ang Unang


Digmaang Pandaigdig?
A. Sa paglagda sa Armistice C. Sa pamamagitan ng pagbobomba
B. Sa pagsuko ng Germany D. Dahil sa Treaty of Brest-Litovsk

_____10. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang HINDI kabilang sa mga naganap noong
Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa
B. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente.
C. Pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa.
D. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa.

Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan ng Ang digmaan ay hindi biro ito ay karaniwang


ginagamitan ng dahas at kung minsan ay nagbubuwis ng
Balakid buhay. May sariling ipinaglalaban na ayaw pagapi sa isa’t isa.
Ang pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig ay talagang
nakaapekto hindi lamang sa bansang naglalaban kundi halos
Allied Powers- sa buong daigdig.
tawag sa alyansang Maraming mga taong naapektuhan sa pangyayaring ito,
itinatag ng United nayanig ang buong daigdig dahil nagdulot ito ng malaking
States, England, pinsala hindi lamang sa tao kundi pati na rin sa mga likas na
France at Great yaman sa iba’t ibang lugar.
Britain. Natatandaan niyo pa ba ang nakaraang aralin? Ang
Central Powers - tungkol sa Pagpapahalaga sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa
tawag sa alyansang Sumiklab
Europa ang digmaan
at iba’t ibang Bahagi ng Daigdig?
itinatag ng Japan,
Germany, at Italy Napag-alaman natin na maraming mga paraan kung
noong 1940. papaano ipamamalas ang pagiging Makabayan. Sa iba habang
ipinaglalaban nila ang kanilang bansa, may mga pangyayari na
humahantong sa digmaan.

2
Mga Salik sa Pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig
Europe ang entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig. Dito naganap ang
mahalagang labanan na kinasangkutan ng mga pangunahing bansa rito tulad ng Austria,
France, England, Russia, Belgium, Germany, Italy, kasama ang mga bansa sa rehiyong
Balkan at Baltic. Ang Digmaang ito ay tinawag ding The Great War dahil nagpabago ito sa
takbo ng daigdig.
Marami ang mga pangyayari na naging sanhi o dahilan ng pagsiklab ng Unang
Digmaang Pandaigdig.

NASYONALISMO Ang pagkakaroon ng damdaming makabansa o


damdaming nasyonalismo ay ang dahilang
nagpasidhi sa mga tao upang maging malaya ang
kanilang bansa. Kadalasan ang mga bansang patuloy
sa pag-unlad ay malaking posibilidad na sumiklab
ang digmaan. Ang pagnanais na makapagsarili ang
naging sanhi ng tensyon sa pagitan ng Slav sa Serbia
at Austria. Nais naman ng Germany na palawakin
ang kanilang imperyo. Maraming mga Europeo tulad
(Pinagkunana: nccaofficial
ng Czech, Slovak, Bosnian at Slav ang nagnanais na
“monumento”, pamahalaaan ang sarili.
https://search.creativecommons.org/p
hotos/f068b428-b6a6-4b85-9cdb-
950447838b34.Creative Commons
Attribution-Non Commercial
ShareAlike 2.0 Generic.)
IMPERYALISMO Ang pagnanais na manguna sa paligsahan sa
pagpapalaki ng imperyo ito ay ang paraan upang
mapalawak ang pambansang kapangyarihan nag-
uunahan na sumakop ng mga lupain at magkaroon
ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng
Africa at Asia ito ang nagdulot ng sigalot sa pagitan
ng France, Britain, Russia, Holland, Germany at iba
pa. Ang Germany at Britain ay pinag-awayan ang
Tanganyika (East Africa) Naging magkalaban din ang
ang Great Britain, Germany, at Japan sa pagsakop
(Pinagkunan: Jens-Olaf, “Germans in sa China. Hindi nasiyahan ang Germany at Italy sa
ussia”, pagkakahati-hati ng Africa sapagkat kaunti lamang
https://search.creativecommons.org/p ang kanilang nasakop samantalang malaki naman
hotos/8ac6b691-9b16-4e6b-81d7- ang bahaging nakuha ng England at France.
725eb8dd2293. Creative Commons
Attribution-Non Commercial
ShareAlike 2.0 Generic.)

3
MILITARISMO Upang hindi makuha at mapangalagaan ang kani-
kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansang
Europeo ng magagaling at mahuhusay na mga
hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin
ang pagpaparami ng armas. Ang Germany ay
nagsimulang magtatag ng malaking hukbong
pandagat, ayon sa iba ito ay tahasang paghamon sa
kapangyarihan ng England bilang Reyna ng
karagatan. Maraming militar ang may impluwensya
sa mga patakaran ng bansa. Naniniwala sila na
madaling malulutas ang mga sigalot hindi sa
pamamagitan ng komperensya kundi sa labanan,
(Pinagkunan: Ookami-sama, hindi sa paggamit ng pluma kundi sa espada, hindi
“Militarismo”, sa tinta kundi sa dugo. Dinagdagan ang badyet sa
https://search.creativecommons.org/p armas at pinalaki ang mga hukbo. Inihanda ang
hotos/b3b4a452-36fc-45d6-ba0c- plano ng depensa at sa isang iglap, maari silang
545896185e0a. Creative Commons magdeklara ng digmaan.
Attribution-Non Commercial
ShareAlike 2.0 Generic.)

PAGBUO NG MGA ALYANSA Dahil sa inggitan, pinaghihinalaan, at lihim na


pangamba ng mga bansang makapangyarihan,
dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo- Ang
Triple Entente at ang Triple Alliance. Si Otto von
Bismarc ng Germany ang nagsimulang magtatag ng
mga alyansa, ang Triple Alliance na binubuo ng
Austria, Hungary, Italy at Germany at ang Triple
Entente naman ay ang France, Great Britain at
Russia. Sa kalaunan ng labanan sa Unang Digmaan
(Pinagkunan: historicair and ang Italy ay tumiwalag na sa Triple Alliance.
Fluteflute & User:Bibi Saint-Pol,
“File:Map Europe alliances 1914-en
greyscale v02.svg”,
https://search.creativecommons.org/p
hotos/08a28017-3bff-42b9-8ce3-
f784afa4eb59. Creative Commons
Attribution-Non Commercial
ShareAlike 2.5 Generic.)

Simula ng Unang Digmaang Pandaigdig


Noong 1908 nagsimula ang sigalot nang sakupin ng Austria ang Bosnia-
Herzegovina mga lalawigan ng Balkan, Slav ang tawag sa mga mamamayan nito.
Tumutol ang Serbia sa pangyayaring ito sapagkat gusto nilang mapasakamay ang
nasabing mga lalawigan. Noong Hunyo 28, 1914 naging malubha ang krisis sa
Bosnia nang patayin ang tagapagmana ng trono ng Austria na si Archduke Francis
Ferdinand kasama ng kanyang asawa.Naganap ang pagpatay sa Sarajevo, Bosnia.
Sila ay pinaslang ni Gavrilo Princip isang rebeldeng Serbian. Nagalit ang
pamahalaang Austria at binigyan ng ultimatum ang Serbia.
Nakalista ang mga kahilingan ng Austria na lubhang malupit at mahirap
tuparin. Isa lamang ang hindi sinunod ng Serbia ang pangangasiwa ng Austria sa
imbestigasyon. Nilusob ng Austria ang Serbia nang hindi sumunod ang huli sa
ultimatum. Nakisangkot sa gulo ang mga bansang hindi nasiyahan sa mga
pangyayari tulad ng Russia na agad na pumanig sa Serbia at nagpahayag ng
pakikidigma laban sa Austria- Hungary. Pumanig ang France sa Russia habang
nagpasya ang Germany na tumulong sa Austria-Hungary.

4
Sentro ng Labanan Paglalarawan
❖ Naganap dito ang pinakamaiinit na labanan noong Unang
Digmaang Pandaigdig. Sa simula ang hilagang Belgium ay
nasakop ng Central Powers hanggang Switzerland. Lumusob sa
Kanlurang Europe Belgium ang hukbo ng Germany at winalang -bahala ang
pagiging neutral ng una upng malusob ang mga Belgian sa Leige.
Binigo ni Heneral Joseph Joffre sa Unang Labanan ng Marme
ang balak na magapi ang France sa loob lamang ng ilang linggo.
❖ Sa pangunguna ni Grand Duke Nicolas pamangkin ni Czar
Nicholas II lumusob ang Russia sa Prussia(Germany). Ngunit
nang dumating ang saklolo ng Germany, natalo ang hukbong
Ruso sa Digmaan ng Tannenberg. Sa Galicia, nagtagumpay ang
hukbong Ruso. Ngunit hindi nagtagal ang tagumpay nila
sapagkat pinahirapan sila ng mga Aleman sa Poland. Dito
Silangang Europe tuluyang bumagsak ang hukbong sandatahan ng Russia. Ang
sunod-sunod nilang pagkatalo ang naging dahilan ng pagbagsak
ng Romanov noong Marso 1917 at ang pagsilang ng komunismo
sa Russia. Upang matiwalag ang Russia sa digmaan,
nakipagkasundo si Vladimir Lenin sa ilalim ng pamahalaang
Bolshevik sa Germany sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of
Brest-Litovsk noong ika-3 ng Marso 1918.
❖ Ang Serbia ay nilusob ng Austria. Ngunit nakabawi rin
pagkaraan ng ilang buwan. Upang makaganti ang Bulgaria sa
kanyang pagkatalo sa Digmaang Balkan, sumapi ito sa Central
Powers noong Oktubre 1915. Noong 1916, napasailalim na sa
Central Powers ang karamihan sa mga bansa sa Balkan.
Balkan ❖ Tumiwalag naman ang Italy sa Triple Alliance at nanatiling
neutral hanggang 1915 nang sumali ito sa League of Nations.
Hinangad nitong maangkin ang mga teritoryong Latin na hawak
ng Austria at ang mga kolonya nito sa Africa. Kumampi ang
Turkey sa Germany upang mapigilan ang Russia sa pag-angkin
sa Dardanelles.
❖ Sa unang bahagi ng digmaan, nagkasubukan ang mga
hukbong pandagat ng Germany at England. Nagtaboy sa mga
barkong pandigma ng Germany mula sa Seven Seas ang lakas-
pandagat ng England. Kumanlong ang plota ng Germany sa
kanal Kiev. Naging mainit ang labanan. Makapangyarihanang
hukbo ng mga Alyado sa dagat. Sa kabilang dako, nakagawa
na malalaking pinsala sa kalakalang pandagat ng mga Alyado
ang mabilis na mananalakay at mga submarinong U-Boat ng
kanilang kalaban. Amden ang pinakamabagsik sa mga
mananalakay na U-Boat ng Germany. Sa dakong huli,
Digmaan sa Karagatan napalubog ito ng Sydney, isang Australyanong cruiser.
❖ Sa karagatan, pinakamahalaga ang labanan sa Jutland sa
baybayin ng Denmark mula ika-31 ng Mayo hanggang unang
araw ng Hunyo 1916. Si Admiral Sir John Jellicoe ang
nanguna sa plota ng Ingles na binubuo ng 150 barkong
pandigma. Sinagupa ng mga ito ang 99 barkong pandigma ng
Germany sa pamumuno ni Admiral Reinhard Scheer. Bagaman
higit na maraming barko at buhay ang nawala sa puwersang
Ingles, nakuha nitong pabalikin ang puwersang Aleman at
muling maghari sa karagatan.

5
Pagpasok ng United States sa Digmaan

Sa pagsisimula ng 1917, nanghihina na ang magkabilang panig sa walang


humpay na paglalabanan sa loob ng apat na taon ito ay ang Allies at Central Powers.
Nagbago ang takbo ng mga pangyayari nang pumasok ang United States sa digmaan
sa alyansa ng mga Allies na tumutukoy sa bansang Great Britain, France, Russia
at sa kinalaunan kasama na ang Italy at Japan Samantalang ang Central Powers
naman ay tumutukoy sa Germany, Austria-Hungary, Bulgaria, at Imperyong
Ottoman. Dahil sa simula walang pinapanigan ang United States at nagpalabas pa
ng Proclamation of Neutrality si Pangulong Woodrow Wilson, subalit noong Abril 2,
1917 ang United States ay napilitang magpahayag ng pakikidigma sa Germany dahil
sa sumusunod na pangyayari;

1. Pagkamatay ng maraming Amerikano dahil sa walang tigil na pagtorpedo


sa mga barko na nasa karagatan.
2. Pagpapalubog sa Lusitania, isang barkong Ingles noong ika-7 ng Mayo
1915. Sa 1,198 pasaherong nasawi, 128 ang Amerikano.

Lalong umigting ang tensyon sa pagitan ng United States at Germany dahil


sa pagkabunyag ng Zimmerman Note na nakasaad dito ang mensahe ni Arthur
Zimmerman kalihim ng usaping panlabas ng Germany na kung saan ang balak ng
Germany na hikayatin ang Mexico na makidigma laban sa United States at kung
sakaling pumayag ito sa isang alyansa, ibabalik ng Germany ang Texas at iba pang
estado ng United States sa kanila.
Sa pagsali ng United States, lumakas ang Allies at tuluyang natalo ang
Germany at mga kaalyansa nito. Naganap ang pagkapanalo ng Allies bagama’t
umurong sa digmaan ang Russia nang lagdaan nito ang Treaty of Brest-Litovsk
noong Marso 3, 1918. Naganap ito matapos magtagumpay si Lenin at ang
Rebolusyong Bolshevik, at nagkaroon ng paglagda sa Armistice.

(Pinagkunan: Rosemarie C. Blando et al., Araling Panlipunan: Kasaysayan ng


Daigdig, Modyul para sa Mag-aaral, Pasig City: Department of
Education-Bureau of Learning Resources, 2014,413-421.)

(Pinagkunan: Grace Estela C. Mateo et al., Kasaysayan ng Daigdig- Batayang


Aklat sa Araling Panlipunan, Quezon City: Department of
Education Vibal Group 2012, 309-312.)

(Pinagkunan: Teofista L. Vivar et al., Kasaysayan ng Daigdig-Batayang Aklat,


Quezon City: Department of Education-SD Publications, Inc. 2000, 237-241.)

6
Tayo’y Magsanay
Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga clue sa bawat bilang. Tukuyin ang konseptong inilalarawan sa
pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa loob ng mga kahon.

1. Alyansang binubuo ng Great Britain, France, at Russia

A L S

2. Pagkakampihan ng mga bansa

A Y S

3. Damdaming makabansa

N S A L O

4. Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europe


I I R S O

5. Alyansang binubuo ng Austria, Hungary, at Germany

T L E L L I E

Gawain 2
Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Grand Duke Nicolas 1916 1915 Triple Alliance

Kanlurang Europe Amdem Treaty of Breast-Litovsk

1. Sa _______________ naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang


Digmaang Pandaigdig.
2. Sa pamamagitan ng paglagda ng _______________ ay nangangahulugan ng
pagtiwalag ng Russia sa Digmaan nang dahil sa pakikipagsundo ni Lenin sa
ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Germany.
3. Ang _________ ang pinakamabagsik na U-Boat ng Germany.
4. Pinangunahan ni _____________ ang paglusob sa Prussia, siya ay pamangkin
ni Czar Nicholas II.
5. Noong _____ karamihan sa mga bansa sa Balkan ay napasailalim na sa
Central Powers.

Paano nakaaapekto ang digmaan sa mundo? May epekto rin ba ito sa


pamumuhay ng tao?

7
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng flow chart ang pangyayari sa Unang Digmaang
Pandaigdig.

SIMULA WAKAS

Gawain 2
Panuto: Isulat sa loob ng balloons ang mga pangyayari kung bakit sumali ang United
States sa Digmaan.

Pagsali ng US sa
digmaan

Ang kapayapaan ay isang mailap na adhikain, paano ako magiging


instrumento ng kapayapaan?

8
Ang Aking Natutuhan
Panuto: Punan ng angkop na impormasyon ang patlang upang mabuo ang talata.

Allies Hunyo 28, 1914


Armistice Pagpatay kay Archduke Francis Ferdinand
Central Powers Naglaban ang mga bansa

Ang unang digmaan ay nagsimula noong ____________________. Ito ay nangyari dahil


sa ____________________________ na naging dahilan upang ___________________________.
Mahigpit na magkalaban ang alyansang ___________________, _______________ sa huli
minabuti ng mga lider na ihinto na ang labanan sa pamamagitan ng paglagda ng
____________.

Ating Tayahin
Panuto: Unawain mo ang mga katanungan at isulat sa patlang ang tamang sagot.
___1. Ano ang itinuturing na dahilan ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagkahuli kay Archduke Franz Ferdinand
B. Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand
C. Pagkapanganak kay Archduke Franz Ferdinand
D. Pagkahirang bilang hari ni Archduke Franz Ferdinand

___2. Ano ang kinikilalang katawagan sa Unang Digmaang Pandaigdig na sinasabing ito ay
nagpabago sa takbo ng kasaykasayan ng daigdig?
A. Apocalypse C. Crimean War
B. Battle of the Century D. The Great War

___3. Ano ang itinuturing na entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig?


A. Africa B. America C.Asya D. Europe

___4. Alin dito ang hindi kabilang sa mga bansang bumubuo sa Triple Alliance?
A. Austria-Hungary B. Bulgaria C. Germany D. Italy

___5. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig


MALIBAN sa?
A. Pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa.
B. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente.
C. Pagpapalakas ng hukbong military ng mga bansa.
D. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa.

9
___6.Sa pasimula ng Unang Digmaang Pandaigdig ang United States ay nagdeklara ng hindi
pagpanig sa anomang alyansa subalit ito ay nagbago dahil sa isang pangyayari noong
Mayo 1915. Alin ito?
A. Pagpatay kay Archduke Ferdinand
B. Pagbomba sa Pearl Harbor, Hawaii
C. Pagpapalubog sa barkong Lusitania
D. Pakikialam ng British Government sa Ameica

___7. Alin ang HINDI kabilang sa Triple Entente o mas kilala bilang Allied Powers?
A. Great Britain B. Japan C. Ottoman Empire C. United States

___8. Saan nakasaad ang mensahe ni Arthur Zimmerman, kalihim ng usaping panlabas ng
Germany na naglalaman nang paghihikayat ng Germany sa Mexico na maging
kaalyado nito na ikinagalit ng United States?
A. Armistice C. Blockade
B. American Expiditionary Forces D. Zimmerman Note

___9. Paano pansamantalang winakasan ng mga magkalabang bansa ang Unang


Digmaang Pandaigdig?
A. Sa paglagda sa Armistice C. Sa pamamagitan ng pagbobomba
B. Sa pagsuko ng Germany D. Dahil sa Treaty of Brest-Litovsk

___10. Paano napasali ang United States sa Unang Digmaang Pandaigdig?


A. Dahil galit ang United States sa Germany
B. Dahil sa paghihimasok ng ibang bansa sa kanilang bansa.
C. Dahil napagtanto ng United States na mas maraming teritoryo ang Germany.
D. Dahil sa pagtorpedo sa barkong Amerikano at maraming namatay at
pagpapalubog ng barkong Lusitania noong May 7, 1915 kaya maraming nasawi
na mga Amerikano.

10
Susi sa Pagwawasto

TAYO’Y MAGSANAY
SUBUKIN TAYAHIN Gawain 1 Gawain2
1.Allies 1.Kanlurang Europe
1.C 1.B 2.Alyansa 2.Treaty of Breast-Litovsk
2.D 2.D 3.Nasyonalismo 3.Amdem
3.D 3.D 4.Militarismo 4.Grand Duke Nicolas
4.B 4.D 5.Triple Alliance 5.1916
5.D 5.A
6.D 6.C
7.D 7.C Aking Natutunan
8.C 8.D 1. Hunyo 28, 1914
9.A 9. A 2. Pagpatay kay Archduke Francis Ferdinand
10.A 10.D 3. Naglaban ang mga bansa
4. Allies
5. Central Powers
6. Armistice

Ating Pagyamanin
Gawain 1:Ang mga kasagutan ay nasa pahina 4-6 ng modyul
Gawain 2: Ang mga kasagutan ay nasa pahina 6 ng modyul.

References
Aklat

Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu,
Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, at
Kalenna Lorene S. Asis. Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig, Modyul para
sa Mag-aaral. Pasig City: Depatment of Education-Bureau of Learning Resources,
2014.

Mateo, Grace Estela C., Rosita D. Tadena, Mary Dorothy Jose, Celinia E. Balonso,
Celestina P. Boncan, at John N. Ponsaran. Kasaysayan ng Daigdig-Batayang Aklat
sa Araling Panlipunan, Quezon City: Department of Education Vibal Group.
2012.

Vivar, Teofesta L., Zenaida M. De Leon, Priscilla H. Rillo, at Nieva J. Discipulo.


Kasaysayan ng Daigdig-Batayang Aklat. Quezon City: Department of Education-SD
Publications, Inc., 2020.

11
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

12

You might also like