Professional Documents
Culture Documents
GRADE 9e
GRADE 9e
DIGMAAN
Sa simula pa lang ng kasaysayan ng ating mundo, mayroon nang di-pagkakasundo
sa pagitan ng dalawang grupo ng tao. Anumang pag-aaway na naglalayong sirain, talunin
at pagharian ang bawat isa ay maituturing na digmaan.
Ang digmaan, civil war, cold war o world war ay nagsisimula lamang sa di-
pagkakaunawaan sa isang maliit o hindi kaya ay malaking bagay. Nagmimistulang bingi
ang magkabilang panig sa pananaw at pangangailangan ng bawat isa kaya’t ito ay
nagbubunga sa mas matinding pag-aaway. Ang digmaan ay nagaganap kapag ang isang
grupo o bansa ay handang makidigma, makuha lamang ang ninanais.
Ang digmaan ay maihahalintulad sa pakikipag-away ng magkaibigan; mas malawak
lamang ang bunga at mas malupit ang kinahihinatnan. Ang away ay nagsisimula dahil may
nag-umpisa at sinusundan pa ito ng kampihan. Mayroon ding tumatangging makisangkot at
nanatiling neutral. Mayroon din kung saan higit na makikinabang ay doon papanig; at kapag
nagbago ang kapalaran ng pinapanigan at nahalatang natatalo, lilipat na lamang sa panig
ng nananalo.
Sa kasalukuyan, maraming bansa ang handang makidigma. Bagaman walang
malawakang deklarasyon ng digmaan, nakakakita tayo ng maliliit na hidwaan na nangyayari
sa loob at labas ng ating bansa. Sa gitna ng diplomatikong pag-uusap upang mapanatili
ang kapayapaan sa buong mundo, may ilang malalakas at malalaking bansa ang
naghahanda kung sakaling sumabog ang isang malawakang digmaan. Patuloy na
pinapalawak ng maraming bansa ang military at warfare nito. Halos kalahati ng mundo ay
naglalaan ng badyet sa militarisasyon kaysa sa pangunahing pangangailangan ng tao.