You are on page 1of 9

PANGKATANG GAWAIN: GROUP 5

Febelyn B. Apuya
Dani Leigh B. Brioso
Glorina M. Mendez
Katrin Kei Guianne C. Rosal
Aiken B. Sanchez
Justice Rein V. Saplan
Katrina Mae T. Soriano
HULING TALUMPATI NI NINOY BENIGNO AQUINO JR
Bumalik ako sa sarili kong kagustuhan upang makiisa sa mga nagpapakahirap ipanumbalik
ang ating karapatan at kalayaan sa mapayapang paraan.

Hindi ako humihingi ng komprontasyon. Idinadalangin ko lamang at pinagsusumikapan ang


isang tunay na pambansang pagkakasunduan na nakasalig sa katarungan.

Nakahanda ako sa pinakamasamang maaaring mangyari, at nakapagpasya na ako taliwas man


sa payo ng aking ina, tagapayong espiritwal, maraming subok ko nang kaibigan, at ilan sa
aking mga pinakapinahahalagahang tagapayo sa pulitika.

May parusang kamatayang naghihintay sa akin. Dalawa pang kaso ng subersiyon, parehong
humihingi ng parusang kamatayan, ang inihain mula nang umalis ako tatlong taon na ang
nakararaan at nakabinbin na ngayon sa korte.

Pinili ko sana ang pumasok sa political asylum sa Amerika, subalit ramdam kong tungkulin
ko, dahil ito ang tungkulin ng bawat Pilipino, na magdusa kasama ng aking mga kababayan
lalo na sa panahon ng kagipitan.

Hindi ako kailanman humingi, at ni hindi rin ako binigyan ng kahit anong kasiguruhan, o
pangako ng kabaitan mula sa rehimen. Boluntaryo akong nagbabalik, armado lamang ng
isang malinis na budhi at pinatatatag ng pananampalatayang sa kahuli-hulihan, katarungan
ang mananaig sa lahat.

Ayon nga kay Gandhi, ang kusang-loob na sakripisyo ng inosente ang pinakamabisang tugon
sa walang pakundangang paniniil na ni hindi pa naaarok ng Diyos at tao.

Tatlong taon ang nakaraan nang umalis ako para sa isang emergency heart bypass operation,
hinangad ko at idinasal na maibalik na ang mga karapatan at kalayaan ng ating mga
kababayan, na bumuti na ang kondisyon ng kanilang pamumuhay, at tumigil na ang pagdanak
ng dugo.

Sa halip na sumulong, gumalaw tayong paurong. Nadagdagan ang pagpatay, nalugmok ang
ekonomiya, at nabulok ang karapatang pantao.
Noong panahon ng batas militar, duminig ang Korte Suprema ng mga petisyon tungkol sa
habeas corpus. Pinakamabalintuna na matapos daw alisin ang batas militar, ipinasya ng Korte
Suprema nitong nakaraang Abril na hindi na ito tatanggap pa ng mga petisyon ukol sa habeas
corpus para sa mga taong ikinulong sa ilalim ng Presidential Commitment Order, na sakop
ang lahat ng kaso ng pambansang seguridad, na sa kasalukuyang mga pangyayari ay
maaaring mangahulugan ng basta kahit ano.

Labis-labis na ang hirap na pinagdaraanan ng bansa. Mga problemang pang-ekonomiya,


panlipunan, at pampulitika ang nagpapasakit sa Pilipino. Maaalpasan natin ang mga
problemang ito kung nagkakaisa tayo. Subalit magkakaisa lamang tayo kung ang mga
karapatan at kalayaang tinatamasa natin bago ang Setyembre 21, 1972 ay tuluyang maibalik
na.

Hindi humihingi ang Pilipino ng higit pa rito, ngunit siguradong hindi tatanggap ng kulang sa
lahat ng karapatan at kalayaang ipinangako ng 1935 Konstitusyon–ang pinakabanal na
pamana mula sa ating mga ninuno.

Oo, pasensiyoso ang Pilipino, subalit may hangganan ang kanyang pasensiya. Hihintayin pa
ba nating mapatid ang pisi ng ating pasensiya?

Patuloy na tumitindi ang rebelyon sa buong bansa at nanganganib na sumabog sa isang


madugong himagsikan. May lumalaking pangkat ng mga kabataang Pilipino na napagtanto na
rin sa wakas na ang kalayaan ay hindi hinihintay ibigay, kundi ipinaglalaban. Kailangan ba
nating ulitin ang pagdadalamhati at pagdanak ng dugo sa nakaraan na nagbigay-daan sa ating
republika o posible bang magsama-sama tayo sa hapag bilang magkakapatid at pag-usapan
ang ating di-pagkakaintindihan gamit ang katwiran at kabutihang-loob?

Madalas kong gunam-gunamin kung ilang mga hidwaan ang madali sanang nasolusyunan
kung naging matapang lamang ang bawat panig na linawin ang kanilang hangarin.
Kung kaya, upang hindi magdulot ng kahit anong di-pagkakaintindihan, liliwanagin ko ang
aking mga hangarin:

Anim na taon na ang nakalipas, nasentensiyahan akong mamatay sa pamamagitan ng


pagbaril sa pasya ng korteng militar na hindi ko kailanman kikilalanin ang kapangyarihan.
Panahon na ngayon para sa rehimen na magpasya. Ipag-utos ang agarang pagbitay sa akin, o
palayain ninyo ako.
Sinentensiyahan akong mamatay dahil daw sa pagiging numero unong Komunistang lider.
Hindi ako Komunista, hindi dati at hindi kailanman.
Maaaring makamit ang pambansang pagkakaintindihan at pagkakaisa, subalit sa
pamamagitan lamang ng hustisya, kabilang na ang hustisya para sa mga kapatid nating
Muslim at Ifugao. Walang maaaring maging kasunduan sa isang diktador. Walang
kompromiso sa diktadurya.
Sa himagsikan, walang tunay na nagwawagi, kundi pawang mga talunan lamang. Hindi natin
kailangang pumuksa para lamang lumikha.
Nag-uugat ang subersiyon sa mga isyung pang-ekonomiya, panlipunan, at pampulitika. Hindi
ito malulutas ng purong militar na solusyon; maaari itong pahinain hindi sa pamamagitan ng
mas matinding panlulupig, bagkus, sa mas patas na pagbabahagi ng yaman, dagdag na
demokrasya, at dagdag na kalayaan.
Upang muling umusad ang ekonomiya, kailangang ibigay sa manggagawa ang makatarungan
at karapat-dapat na bahagi ng kanyang pinagtrabahuhan, at kailangang mapanumbalik ang
pag-asa sa mga may-ari at tagapangasiwa kung saan laganap ang alinlangan, kung hindi man
kawalang pag-asa.
Sa isa sa mga mahahabang pasilyo ng Harvard University, nakaukit sa granito ang mga salita
ni Archibald Macleish: “How shall freedom be defended? By arms when it is attacked by
arms; by truth when it is attacked by lies; by democratic faith when it is attacked by
authoritarian dogma. Always and in the final act, by determination and faith. [Paano ba dapat
ipagtanggol ang kalayaan? Sa pamamagitan ng sandata kung inatake ito ng sandata; ng
katotohanan kung inatake ng kasinungalingan; ng pananampalatayang demokratiko kung
inatake ng paniniwalang awtoritaryo. Lagi at sa pinakahuling yugto, sa pamamagitan ng
determinasyon at pananalig.]”

Bumalik ako mula sa pagkakawalay sa bansa at walang kasiguraduhang hinaharap, na


determinasyon at pananalig lamang ang maiaalay–pananalig sa ating mga kababayan at
pananalig sa Panginoon.
Mga Bahagi sa Pagsusuri

I.PAMAGAT: Huling Talumpati ni Ninoy Aquino


(IPALIWANAG ANG KAHULUGAN AT KABULUHAN NG PAMAGAT BATAY SA
MGA PANGYAYARI SA AKDA)
• Ang “Huling Talumpati ni Ninoy Aquino” ay nagtataglay ng kaniyang kahandaan sa
kamatayan na inaasahan niya sa kaniyang pagbabalik sa Pilipinas. Ito ang siyang nagmulat at
gumising sa natutulog na damdamin ng mga mamamayang Pilipino. Nabuksan ang isipan ng
mga taong-bayan ukol sa ipinaglalaban ni Ninoy para sa ating bansa. Ang kaniyang talumpati
ang nagsilbing tinig upang maipahayag ang hinaing ng bawat mamamayan at mabigyang
kalayaan ang mga Pilipino. Lakas loob siyang tumindig para sa layuning itigil na ang
diktaturya ni Pangulong Ferdinand Marcos at ibigay ang kalayaan para sa lahat. Ito rin ang
nagsilbing tulay upang maisakatuparan ang demokrasya sa Pilipinas.
II. MAGTALA NG MGA MATATALINGHAGANG PAHAYAG MULA SA
AKDA AT IBIGAY ANG KAHULUGAN NITO
• “The Filipino is worth dying for”- an excerpt from his 1980 speech.
Nasaad ni Ninoy Aquino ang katagang ito dahil siya ay nababahala sa mga nangyayari sa
Pilipinas tulad ng korapsyon, paglabag sa karapatang pantao, kahirapan at iba pa dahil sa
pagdeklara ni dating Pang. Ferdinand Marcos ng Martial Law noong 1972. Nasa Amerika
noon si Aquino dahil siya ay napatawan ng political exile. Nagpasya si Aquino na bumalik sa
bansa, kahit na alam niya na nasa bingit siya ng kamatayan dahil siya’y binalaan na siya ay
makukulong o papatayin pero dahil sa pagmamahal niya sa kanyang bansa na kung kapalaran
niyang mamatay sa bala ng kanyang kalaban, ay lugod niyang tatanggapin dahil nais lang
niyang mapabuti ang kapakanan ng mahal niyang Pilipinas.
• “The only advice I can give you: live with honor and follow your conscience.”-
Ninoy’s letter to Noynoy.
Mayroon tayong kalayaang pumili na mamuhay nang may dangal na nangangahulugan ng
pagiging tapat, patas, at karapat-dapat sa paggalang. Maari tayong subukin ng buhay at may
marami tayong pagdadahanan na mga hadlang, na minsan ay maaaring magtukso sa atin na
gumawa ng labag sa ating prinsipyo. Ang sumulong sa patas at tapat na paraan, ang kumilos
ayon sa ating konsyensya, gaano man kahirap, ay isang pangaraw-araw na desisyon na ating
ginagawa. Pagkatapos ng mahabang araw ang kaisipan na ginawa natin ang tama ay isang
gantimpala para sa ating sarili.
• “There is no greater nation on earth than our Motherland. No greater people than our
own. Serve them with all your heart, with all your might and with all your strength.”- Ninoy’s
letter to Noynoy.
Ang mamuno ng tapat ay isang pagmamahal sa ating mahal na Pilipinas, pagpapahalaga sa
ating mga kababayan, paglilingkod batay sa linagdaang kasulatan tungkol sa responsibilidad
sa pamumuno, at ginagawan ng paraan ang mga problemang kinahaharap ng bansa sa abot ng
makakaya. Dahil ang kagalingan ng namumuno ay nagreresulta sa pagusbong ng ekonomiya
at nagkakaroon ng mas matibay na pagkakaisa na kung saan walang naiiwan sa laylayan ng
lipunan.

III. BUOD: (20-50 PANGUNGUSAP)


- Matapang na pagpapahayag ng kahandaan sa kamatayan ni Ninoy Aquino sa pag-uwi niya
sa Pilipinas ang bungad niya. Matapos ang tatlong taon ng pagtigil niya sa Boston upang
operahan sa puso, tapos na din ang nilaan na panahon ng pamahalaang diktaturya para sa
kanya. Alam niya na pagdating dito ay “death sentence” ang sasalubong sa kanya, inihanda
na niya ang sarili sa pinaka malalang mangyayari. Siya ay inakusahang nangungunang
komunista sa bansa na kanyang pinabulaanan. Nahahabag siya sa buhay na dinaranas ng mga
kababayan niya matapos ipatupad ang “Martial Law” noong Setyembre 21, 1972. Ang
Pilipinas ang naging isang mundo ng takot at krimen na lalong nagpapahirap sa mga tao
upang makabangon. Gusto niya rin ipabatid sa mga tao na kailangan ng kumilos at mas
paigtingin ang kagustuhang maibalik ang demokrasya.Sa tulong ng Diyos at mga taong
nagtutulong –tulong ay makakmit din ang kalayaan sa diktaturya sa administrasyon ng
pangulong Marcos. Tinapos niya ito sa mga salitang “I return from exile and an uncertain
future with only determination and faith to offer – faith in our people and faith in God.”

IV. TEORYA NA MAAANINAG SA AKDA


1. TEORYANG HUMANISMO
-Ang layunin ng talumpati ay ang iparating sa mga Pilipino na kailangan na nilang kumilos at
mas pag-igtingin ang kagustuhang maibalik ang demokrasya upang makamtan nila ang
kalayaang matagal na nilang gustong makamit. Ang talumpating ito ay isang teoryang
humanism sa kadahilanang nabigyang tuon na ang mga Pilipino ay may kakayahan at
kapangyarihan ding ipaglaban ang Pilipinas upang makamit nila ang kanilang Kalayaan.
Binigyang tuon din sa talumpati na ang kagustuhan lamang ni Ninoy Aquino ay bumuti na
ang kondisyon ng pamumuhay ng mga Pilipino, at tumigil na ang pagdanak ng dugo.
Naipakita din sa talumpating ito ang kabutihang hangad ni Ninoy Aquino at ang kanyang
katatagan na ipaglaban ang katarungan ng mga Pilipino kahit na alam niyang kamatayan ang
naghihintay sa kanyang pagbabalik. Naipakita sa talumpating ito na gusto ni Ninoy Aquino
na pagkaisahin ang mga Pilipino upang ipaglaban ang kanilang karapatanag pantao. Nasabi
rin ni Ninoy Aquino sa kanyang talumpati na hindi kailangang magdanak ng dugo upang
magkaintindihan at magkaroon ng Kalayaan. Ipinaintindi niya na hindi ito malulutas ng
purong military na solusyon, kailangan din na ipinaglalaban nila ang kanilang Karapatan sa
mabuting paraan tulad ng pakikipag-usap o pakikipagkasundo.
2. TEORYANG REALISMO
- Nailahad sa talumpati ang mga nakakatakot na nagaganap sa Pilipinas at labis na
hirap na pinagdaraanan ng bansa na tulad ng Martial Law, nadadagdagan ang pagpatay o
namamatay, nalugmok ang ekonomiya ng pilipinas at nabulok ang karapatang pantao ng mga
Pilipino. Nailahad ang mga problemang pang-ekonomiya, panlipunan, pampulitika na
nagpapasakit sa mga Pilipino. Nailahad din ditto na patuloy parin ang tumitinding rebelyon sa
buong bansa at nanganganib na sumabog sa isang madugong himagsikan.
3. TEORYANG FORMALISMO/FORMALISTIKO
- Ang talumpating ito ay isang teoryang formalism/formalistiko na kung saan
ipinarating ni Ninoy Aquino ang kanyang saloobin sa kanyang huling talumpati. Ipinarating
niya ang kanyang nais sabihin sa kapwa niya Pilipino. Ipinarating niya ito na walang halong
simbolismo, biro at direkta niyang sinabi ang kanyang gustong ipaintindi sa mga Pilipino
upang kanilang maunawaan ang kanyang gustong iparating nang walang paligoy-ligoy o
magpapagulo sa mga binitawan niyang salita. Binaggit rin ni Ninoy Aquino sa kanyang
talumpati na hindi kailangang magdanak ng dugo upang magkaintindihan at magkaroon ng
Kalayaan. Ipinaintindi niya na hindi ito malulutas ng purong military na solusyon, kailangan
din na ipinaglalaban nila ang kanilang Karapatan sa mabuting paraan tulad ng pakikipag-usap
o pakikipagkasundo.
4. TEORYANG EKSISTENSYALISMO
- Ang talumpating ito ay ipinakita na may kalayaan at kapangyarihan ang mga Pilipino
upang ipaglaban ang kanilang kalayaan ngunit ito ay nasa kanila na kung sila ay magkakaisa
at magtutulong tulong upang makamit nila ang kanilang kalayaan.
5. TEORYANG ROMANTISISMO
- Ito ay teoryang romantisismo din sa kadahilanang naipapakita sa talumpati ang
pagmamahal at pagpapahalaga ni Ninoy Aquino sa bansa at sa mga Pilipino.
6. TEORYANG MARKISMO/MARXISMO
- Ang talumpating ito ay ipinakita na may kalayaan at kapangyarihan ang mga Pilipino
upang ipaglaban ang kanilang kalayaan ngunit ito ay nasa kanila na kung sila ay magkakaisa
at magtutulong tulong upang makamit nila ang kanilang kalayaan. Naitalakay din ditto ang
pang-ekonomiyang kahirapan, suliraning panlipunan at pampulitika.
7. TEORYANG SOSYOLOHIKAL
- Ang talumpating ito ay inilahad ang mga suliraning kinakaharap ng bansa at nailahad
din dito na ang gusto ni Ninoy Aquino ay ang pagkaisahin ang mga Pilipino upang ipaglaban
ang kanilang karapatanag pantao. Nasabi rin ni Ninoy Aquino sa kanyang talumpati na hindi
kailangang magdanak ng dugo upang magkaintindihan at magkaroon ng Kalayaan.
Ipinaintindi niya na hindi ito malulutas ng purong military na solusyon, kailangan din na
ipinaglalaban nila ang kanilang karapatan sa mabuting paraan tulad ng pakikipag-usap o
pakikipagkasundo.

V. KAUGNAYAN SA KALUKUYANG PANAHON NG MGA


MAHAHALAGANG PANGYAYARI MULA SA AKDA: (ITALA ANG MGA
MAHAHALAGANG PANGYAYARI MULA SA AKDA AT ILAHAD ANG
KAUGNAYAN NITO SA KASALUKUYANG PANAHON – nangyayari na ba ito sa
tunay na buhay?)
“Sa halip na sumulong, gumalaw tayong paurong.”
- Ang batayang sektor ng lipunan ay ang agrikultural na sektor. Bilang economic base ng
lipunan, dapat lang na ito ang palaguin. Ngunit sa halip na pasulong ay paurong ang
nangyayari agrikultural na sektor. Ito ay dahil sa namamayani ang mga panginoong-may-lupa
na walang interes na paunlarin ang agrikulutura; ang mahalaga lang sa kanila ay ang kikitain
at pagmomonopolyo sa mga malalaking hacienda.

“Maaalpasan natin ang mga problemang ito kung nagkakaisa tayo.”


- Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, di matatapos itong gulo.” Kinakailangang
makibaka sa pagbaliktad nitong tatsulok ng lipunan. Ngunit hindi ito magiging madaling
gawin dahil ang mga makapangyarihan na nasa itaas ay gumagamit ng lakas para manatili sa
kanilang luklukan. Gayunpaman, hindi dapat tayo panghinaan ng loob bagkus ay dito pa
hugutin ang tatag na lumaban. May lakas sa sama-samang pagkilos.
VI. BISA SA ISIP: (ILAHAD AT IPALIWANAG ANG SARILING KAISIPAN SA
NABASANG AKDA)
Base sa nabasa nating makabagdamdaming huling talumpati ni Benigno Simeon Ninoy
Aquino, Diko maiwasang ma mangha sa kanyang pagiging makabayan na kahit alam niyang
pagbalik niya sa pilipinas ay ang hatol sa kanya ay death sentence. Pinili paring niyang
bumalik para ipaalam sa mga mamayang ng Pilipinas na ang dictatorial na pamumuno ni
presidenteng marcos ay dapat ng wakasan para maisilang ang demokrasya kung saan lahat
tayo ay pantay pantay at walang diktador na dumidikta sa ating bansa. Ang talumpati ni
Ninoy ang nagpapatunay na may mga tao paring handing isakripisyo ang lahat para sa bayan.
Benigno Simeon Ninoy Aquino isa kang tunay na bayani.
VII. BISA SA DAMDAMIN: (ILAHAD AT IPALIWANAG ANG NARAMDAMAN
PAGKATAPOS MABASA ANG AKDA)
Mula elementarya, itinuro sa akin na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. ay pinaslang sa Tarmac
noong ika-21 ng Agosto, 1983 na nagresulta sa isang mas malakas na bansang Pilipino. Hindi
ko alam na ang bahaging ito ng kasaysayan ng Pilipinas ay higit pa sa isang pagpaslang, higit
pa sa pagkamatay ng isang bayani, at ito ay higit pa sa isang nakaraan na dapat balewalain at
kalimutan. Ito ay ilan lamang sa mga insight na natutunan ko matapos manood ng isang
documentary film tungkol sa Aquino assassination na ginawa ng ABS-CBN noong taong
2008. Minsang sinabi ni dating Senador Ninoy Aquino, “Filipinos are worth dying for.”
Napatunayan niya sa amin ang pahayag na ito sa pamamagitan ng pagtataya ng kanyang
buhay nang bumalik siya pagkatapos ng kanyang pagpapatapon sa sarili mula sa Boston
patungo sa kanyang bansa, kahit na ang mata ng diktador at ang kanyang mga kasama ay
nasa kanya.Buong tapang na tumayo si Ninoy laban kay Ferdinand Marcos. Mahigpit niyang
tinutulan ang Batas Militar at pumatay ng libu-libong buhay at hinatulan ang mga tao sa
kahirapan hanggang sa siya ay arestuhin at nakulong ng halos walong taon. Nang magkasakit
si Ninoy, pinayagan siya ni Marcos na pumunta sa Boston para maoperahan. Tatlong taon
siyang nanatili roon at lumipad sa iba't ibang bansa para makabalik sa Pilipinas gamit ang
passport na may pangalan ng ibang tao para sa kanyang kaligtasan. Ang kanyang pagbabalik
ay upang tuparin ang kanyang pangako na tumakbo para sa susunod na halalan. Mahusay na
binalak ang pagbabalik ni Ninoy at pinangalanang 'Oplan Balikbayan' kasama ang humigit-
kumulang 1000 sundalong magbabantay at tumulong. Pagdating nila sa Manila International
Airport (na ngayon ay tinatawag na NAIA), siya ay tinulungan ng tatlong militar pababa ng
hagdan. Pagkatapos ay isang putok ng baril ang nagpaputok. Sina Senator Ninoy at Rolando
Galman ay natagpuang patay sa sahig ng Tarmac. Ayon sa sabwatan ng militar, si Galman
ang assassin ni Ninoy ngunit kalaunan ay binago ito at napatunayang gawa-gawa. Maraming
aspeto ang makikita sa kaso na ito at mga bagay na dapat isaalang alang, isa na dito sa Imelda
Marcos, Danding Coquanco, at Ferdinand Marcos. Nasa ilalim ng kanyang bisig ang militar
at may motibo, paraan, at pagkakataong utakan ang pagpaslang kay Sen. Ninoy Aquino. 36
na taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang pagpatay. Binuksan nito ang mga mata ng
milyun-milyong Pilipino upang ipaglaban ang hustisya at demokrasya sa ilalim ng
diktadurang Marcos. Ang sakripisyo ni Ninoy ay naging daan para sa isang mas malakas na
bansa at nagkakaisang Pilipino, na magkaroon ng rebolusyon para sa kung ano ang
makatarungan, para sa kapayapaan at demokrasya sa pamamagitan ng EDSA revolution.Sa
ngayon, nahahati na naman ang Pilipinas na nagpapalakas sa rehimen ng malupit na
paghahari ni Duterte. Laganap ang mga EJK, inaalis ang soberanya ng ating bansa, isinasara
ang mga lider ng kabataan, aktibista, at pamamahayag. Ngunit tulad ng natutunan ko noong
QnA sa programa, hindi natin kailangan ang isa o isa pang Ninoy para mamatay, kailangan
natin ang Ninoy sa bawat isa sa atin para makagalaw.

VIII. MGA ARAL (ITALA AT IPALIWANAG ANG MGA ARAL MULA SA AKDA
AYON SA PAGKAUNAWA)

A. Pagkakaisa- dahil sa pagkakaisa, tayo ay makakatulong sa bawat isa,


nakakapaglaganap rin tayo ng mabuting pakikipag komunikasyon sa ibang tao at mas madali
ang mga gawain kung mayroon tayong pagkakaisa.

B. Pananalig- ang pananampalataya ay mahalaga, sapakat ito ang nagbibigay sa atin ng


pagkakataon na ipagkatiwala sa panginoon ang mga pangyayaring, wala tayong kontrol o
hindi natin hawak. Ito ay mahalaga, sapagkat nabibigyan natin ang ating sarili ng
katiwasayan at kasiguraduhan na mayroong magbabantay at mag poprotekta saatin sa lahat
ng panahon at oras.

C. Ang kalayaan ay hindi hinihintay, kundi ipinaglalaban- ang tunay na kalayaan ay


isang napakahalagang karapatan ng bawat tao. Ang pagkakaroon ng tunay na kalayaan ay
walang pumipigil o gumagapos sa anumang bagay na iyong ninanais at nilalayon sa buhay.
Mayroon kang laya na gampanan ang mga bagay na magpapaunlad at magpapaligaya sa iyo,
malaya kang magtatag at magsagawa ng mga makabuluhang bagay sa ikakaunlad ng iyong
sarili, mga kasamahan, at maging ang iyong pamayanan o bansa. Wala kang magiging
anuman na agam-agam o inaala-ala, maging maliit o malaki man, sa paggawa ng mga ito.

You might also like