Professional Documents
Culture Documents
Karapatang Sibil
Karapatang Sibil
Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong
at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
A. Karapatang Sibil
Kinikilala ng bayan ang mga karapatang sibil ng mga mamamayan. Ito ay sumasakop sa
kalayaan nating makamit ang kaginhawaan at makipag-ugnayan sa isa’t isa. Kabilang sa
karapatang sibil ay karapatan sa pananalita at pamamahayag, kalayaan sa relihiyon,
paninirahan at paglalakbay, magkaroon ng ari-arian, maiwasan ang pagka-alipin, at iba
pa.
May karapatan ang bawat isa, maging anuman ang katayuan nito sa lipunan, laban sa di-
makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo. Ang writ of habeas corpus ang
kautusang mula sa hukuman na nagsisiguro sa karapatang ito. Dagdag pa rito ang
kautusang Miranda (Miranda Rule) na buod ng mga karapatan ng nasasakdal.
Itinadhana ang mga ito at ipinagtibay. Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng
isang nakasuhang mananatiling inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala
(innocent until proven guilty) at nang walang pasubali (beyond reasonable doubt).
Maipatutupad ito kung isasailalim sa isang mablis, hayagan, at patas na paglilitis. Ang
pagdadaos ng mabilis na paglilitis at pagkakaloob ng hustisya ay ayon na rin sa
kasabihang “justice delayed is justice denied.”
3. Paano kaya ipinapakita ng ating bayan ang pagkilala sa karapatang sibil? (Inferntial)
a. Hindi ito nilalabag sa ating bansa.
b. Pinag-aaralan ang mga ito ng lahat ng mamamayan.
c. Inililimbag at ipinapaabot sa lahat ang tungkol dito.
d. May mga kautusang nagsisiguro sa pagkilala ng mga ito.
8. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?
(Critical)
a. Binanggit ang pinagmulan ng paksa.
b. Nakasaad ang mga suliranin ng paksa.
c. Tinalakay ang sanhi at mga bunga ng paksa.
d. Nagbigay ng mga halimbawa tungkol sa paksa.