You are on page 1of 3

Phil-IRI Pangkatang Pagtatasa sa Pagbasa, Grade 7

Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong
at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Karapatang Sibil

Kinikilala ng bayan ang mga karapatang sibil ng mga mamamayan. Ito ay sumasakop sa kalayaan
nating makamit ang kaginhawaan at makipag-ugnayan sa isa’t isa. Kabilang sa karapatang sibil ay
karapatan sa pananalita at pamamahayag, kalayaan sa relihiyon, paninirahan at paglalakbay, magkaroon
ng ari-arian, maiwasan ang pagka-alipin, at iba pa.
May karapatan ang bawat isa, maging anuman ang katayuan nito sa lipunan, laban sa di-
makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo. Ang writ of habeas corpus ang kautusang mula sa
hukuman na nagsisiguro sa karapatang ito. Dagdag pa rito ang kautusang Miranda (Miranda Rule) na
buod ng mga karapatan ng nasasakdal. Itinadhana ang mga ito at ipinagtibay. Kabalikat ng karapatang
ito ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang mananatiling inosente hanggang hindi napapatunayang
nagkasala (innocent until proven guilty) at nang walang pasubali (beyond reasonable doubt).
Maipatutupad ito kung isasailalim sa isang mablis, hayagan, at patas na paglilitis. Ang pagdadaos ng
mabilis na paglilitis at pagkakaloob ng hustisya ay ayon na rin sa kasabihang “justice delayed is justice
denied.”

Bilang ng mga Salita: 166


(Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino 6, Inocencio, et. Al (2006). Wizard Publishing Haws, Inc., Tarlac, Tarlac.)

Mga Tanong:
1. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng karapatang sibil? (Literal)
HINDI saklaw ng karapatang sibil ang karapatan _________________.
a. na maipahayag ang saloobin
b. na makapagbiyahe saan man nais
c. na magpatayo ng titirhan saan man
d. sa malayang pagsamba at pananalig
2. Alin sa sumusunod ang sinasabi sa seleksyon? (Literal)
a. Ang karapatan ay ayon sa katayuan natin sa lipunan.
b. Kilala ang ating bayan sa pagpaptupad ng Miranda Rule.
c. Maraming mga karapatang sibil na kinikilala ang ating bayan.
d. Mahusay na naipatutupad ang karapatang sibil sa ating bayan.
3. Paano kaya ipinapakita ng ating bayan ang pagkilala sa karapatang sibil? (Inferntial)
a. Hindi ito nilalabag sa ating bansa.
b. Pinag-aaralan ang mga ito ng lahat ng mamamayan.
c. Inililimbag at ipinapaabot sa lahat ang tungkol dito.
d. May mga kautusang nagsisiguro sa pagkilala ng mga ito.
4. Ano ang panlaban natin sa di-makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo? (Literal)
a. Ito ay napapaloob sa Miranda Rule.
b. Lilitisin at ikukulong ang nagkasala.
c. Makatarungan na paglilitis ang kasunod nito.
d. Tamang panangga rito ang writ of habeas corpus.
5. Ano ang nasasaad sa writ of habeaus corpus? (Literal)
a. Laban ito para hindi masampahan ng kaso.
b. Ito ay panangga sa di-makatwirang pagkadakip.
c. Nakalahad dito ang karapatan laban sa paglilitis.
d. Ipinapahayag nito ang karapatan na madama ang kaginhawahan.

6. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon? (Paghinuha)

a. Tunay na inosente ang nasasakdal na may prinsipyo.

b. Kabalikat ng taong nakasuhan ang kanyang prinsipyo.

c. May kabalikat ang taong nakasuhan lalo kung inosente.

d. May proteksyon ang nasasakdal hangga't hindi nasisiguro ang sala.

7. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Critical)

a. Hatid nito ang isang balita.

b. Gusto nitong magbigay ng aral.

c. Nais nitong magbigay ng kaalaman.

d. Hangad nitong magbigay ng pananaw.

8. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito? (Critical)

a. Binanggit ang pinagmulan ng paksa.

b. Nakasaad ang mga suliranin ng paksa.

c. Tinalakay ang sanhi at mga bunga ng paksa.

d. Nagbigay ng mga halimbawa tungkol sa paksa.

9. Saan matatagpuan ang pangunahing ideya ng seleksyon? (Critical)

Ito ay makikita sa ______________________ ng seleksyon.

a. gitna

b. simula

c. katapusan

d. simula at katapusan

10. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon? (Critical)

a. Pagkilala sa Ating Karapatan

b. Mga Halimbawa ng Karapatan

c. Mga Dulot ng Sibil na Karapatan

d. Sibil na Karapatan sa Malayang Bansa

You might also like