You are on page 1of 37

PROYEKTO PARA SA BUWAN NG PAGBASA

(Nobyembre 2021)

“UNAWAAN SA PAGBASA”
Timpalak sa Pagbasa

Layunin: Mapaunlad ang kakayahan sa


maunawang pagbasa ng mga mag-aaral
sa Grade 7 ng Parada National High
PAANYAYA
Ipinagbibigay-alam sa larang na
ang Timplalak sa Maunawang
Pagbasa ay gaganapin sa ika-_
ng Nob.2021 sa ganap na _____-
_____ via zoom

Paalala: Makipag-ugnayan lamang sa inyong


guro sa Filipino para sa iba pang detalye.
“Unawaan sa Pagbasa”
(Pangalan ng Proyekto)

Ang pagbasa ay pagkilala ng mga simbolo o sagisag ng


nakalimbag at pagpapakahulugan o interpretasyon sa
mga ideya o kaisipan na gusto ng manunulat na ilipat sa
kaisipan ng mambabasa.Ito ay nangangailangan ng
kakayahang pangkaisipan.

Ito ay isang mental na aktibidad.Hindi ito pangmata o


pagtingin lamang sa nakasulat o nakaakda, kundi ito ay
pagtuklas sa mga nakapaloob nitong kahulugan.Kaya
marapqat na maging mapanuri sa mga binabasa.

Kung kaya’t bilang pakikiisa ng departamento ng Filipino sa


“Pagdiriwang ng Buwan ng Pagbasa” ngayong
Nobyembre , ang buong pamunuan ay nagnanais
makalinang ng mga mag-aaral na nagtataglay ng malalim
na pagtitiwala sa sarili hinggil sa kanilang angking
kakayahan at kaalaman sa maunawang pagbasa.
Mga Inaasahang Gagamiting Paraan sa
Pagtatanong
a. Literal na tanong- ito ay tanong mula sa mga detalye ng
kuwento.

b.Inperensyal na tanong- Ang sagot ay hindi direktang


makukuha sa kuwento

c. Kritikal na tanong - tanong na nangangailangan ng sariling


ideya o kritikal na pag-iisip .

d. Pag-uugnay sa sarili -tanong na maghihikayat sa bumasa


upang maiugnay ang sarili sa akda/kuwento

e. malikhaing tanong - tanong na maghihikayat sa nagbasa


upang magbigay ng sariling ideya saparaan ng
pagsasalaysay.
Gabay ng Kalahok sa Timpalak ng
Maunawang Pagbasa
ü Magbabasa ng akda

ü Sa bawat slide ,1 minutong pagbabasa ang nakalaang oras.

ü Sasagutin ang limang tanong .

ü 10 segundong pagbabasa ng tanong sa bawat bilang.

ü 5 segundo ang nakalaan sa pagsagot .

ü Itatala ng kalahok ang kanilang sagot gamit ang show me


board o kaya isang malinis na papel (bondpaper)

ü Sa hudyat na “UP” ,ipapakita ang mag-aaral ang kanilang


sagot.

ü Sa hudyat na “STOP” titigil ang mag-aaral sa pagsulat ng sagot.

ü Ang magkakamit ng pinakamataas na puntos ang magwawagi.

Paalala: Bukas ang CAMERA sa buong


panahon ng timpalak.
Talaan ng Opisyal na Kalahok
Kwentong Upuan , Binago ng Pandemya
ni :Kyla Marie J. Salva
Gusto kong maalala bilang isang dating
aktibong mag-aaral ng senior highschool ang
mga nakatutuwa at kapanapanabik na
pangyayari at kakaibang karanasan na
nagaganap sa bawat masayang araw sa loob
ng silid-aralan. Iyon bang mahigpit na
nakabantay sa mga madiskarteng estudyante
na natatanaw ang kabuuan ng silid habang
nasa likuran ang aming beternong guro sa
sipnayan. Sapagkat sa maraming pagkakataon,
ang madalas nating tinitingnan ay ang mga
bagay at palabas sa buhay na nasa harapan,
habang binabalewala ang mga nandoon sa
likuran. Silang mga tagapanood lamang at
tumatanaw, nasa malayo at di halos napapansin
dahil nga sa pwestong malayo sa nasa harapan.
Sa mga programang napapanood ko sa
eskwelahan, tuwing Buwan ng Wika, Nutrition
Month, United Nations, Recognition, o kahit na sa
Graduation, iyong mga upuang nasa itaas ng
entablado ang sentro ng mga mata ng mga
manonood. Iyong mga upuang may mga ukit na
disenyong bulaklakin, makinis dahil sa
pagkakabarnis, malambot at masarap upuan na
sadyang maayos na inihanay sapagkat uupuan ng
mga “mahal na tao.” Samantalang ang mga
upuan naman sa ibaba ng entablado ay inihanay
lamang nang madalian, madalas ay binagsak
nang pabarabara, na waring walang pag-aalala
kung masisira. Mga upuang kahit na madumi o
may sulat, luma at magaspang, at kung may sira
man o awang ay tinahi ng alambreng isinuot sa
mga butas na tusok upang hanggang sa
makakaya pa ay magamit at mapagpatungan.
Sa selebrasyon ng misa, ang upuang nakalaan
para sa pari ang pinamaganda. Kung gusto
mong makita ang pinakakomportableng
mauupuan sa paaralan, makikita mo ito sa
opisina ng punongguro. Ang pinakamalambot na
upuan ay nasa tanggapan ng presidente ng
isang kompanya at di naman mawawala ang
karingalan at kamahalan ng tronong inuupuan
ng hari sa isang kaharian. Sa upuan pa lang, may
simbolismo na ng lakas at kapangyarihan,
tungkulin at kayamanan. Ang mga karaniwang
upuan, ay nanduong pagpapatung-patungin
lamang upang maisalansan sa bodegang
taguan. Saka lang muli ilalabas kung gagamitin
para sa ilang oras na programa sa mga okasyong
hayag ang pagtatangi sa antas ng kalagayan.
Muli ay sisipatin ko an g u pu a n sa i t a a s n g
entablado.Ang upuang sentro ng lahat.
Nagyayabang sa kanyang lunan.
Isang hayag na pedestal na maghihiwalay sa
estado ng sinumang doo’y uupo at tiyak na
papalakpakan. Habang ang lahat ay nagnanais na
duo’y maluklok, isang pagpapasya ang nabuo sa
akin. Hindi ko kailangang nasain ang gayon. Sapat
na para sa isang tunay na lingkod na ang
manatiling nakatayo sa mga gilid-gilid upang
magbantay at magmasid sa kabalintuanan sa
aking paligid. Sapagkat habang ninanasa ng
marami ang maupo sa maringal na upuan, isang
bagay ang tiyak na mangyayari sa isang programa
ng buhay.
Matapos ang lahat ng mga espesyal na bilang,
masigabong hiyawan at palakpakan, maging ang
mga perpektong talumpati at pagpaparangal,
bababa ang mga nasa entablado, tatayo ang
mga nasa karaniwang upuan pati iyong mga
nakasalampak sa sahig. Lahat, upang lumabas sa
bulwagan, sapagkat pinatugtog na ang huling
musika ng paghihiwalay. At bago patayin ang ilaw,
muling isasalansan ang mga upuan, upang
magamit na muli ng iba sa mga darating na araw.
At ang mahahalagang upuan, ay matutulad din sa
iba. Maluluma at masisira hanggang sa isalansan
ding kasama ng iba sa bodegang taguan.
Kung naniniwala ang iba na ang
kaalaman ay nagmumula sa mga nasa
unahang upuan, magugulat ka kapag
nakita mo na ang karunungang maka-
langit ay mula sa likod, sa mga di
napapansing nasa dulo, sa mga nasa
hamak na mababa. Sa pader na
mapusyaw ang pintura kaysa sa pisara
o entablado na talagang
pininturahang maganda, malawak at
espesyal sa mata.
Ngayon, ang makahulugang upuan ay
biglang binago ng pandemyang may hatid perwisyo
sa tanan. Kaya anumang upuan, di dapat
magmalaki, sapagkat kahit gaano man kaganda at
kahalaga, isang katotohanan ang dapat na
maunawaan. Na ang upuan ay sumasalo sa
puwitan upang matiyak ang mabuting kalagayan
ng kapwang pinaglilingkuran na siyang tadhana ng
tungkuling dito ay ibinigay. Isang hayag na
pagkakamali na ituring ang sarili na angat sa iba.
Pagkat sa tunay na kalagayan, lahat ay mababa,
pantay-pantay lamang sa mata ng Manlilikha.
IHANDA NA ANG SHOW
ME BOARD / BOND
PAPER / SULATANG
PAPEL MAGING ANG
INYONG PANULAT.
TANONG
#1

Ano ang buong


pamagat ng
binasang akda?
SAGOT
#1

Kwentong Upuan ,
Binago ng Pandemya
TANONG
#2

“Silang mga tagapanood lamang at


tumatanaw, nasa malayo at di halos
napapansin dahil nga sa pwestong
malayo sa nasa harapan.”
Sino
Silangang pinatutungkulan
mga tagapanood ng
lamang at tumatanaw, nasa
pahayag na ito?
malayo at di halos napapansin dahil nga sa pwestong
malayo sa nasa harapan.
a.karaniwang nilalang
b.tanyag na nilalang
c.may katungkulan
d. wala sa nabanggit
SAGOT
#2

a.karaniwang nilalang
a.karaniwang nilalang
TANONG
#3

Ang manunulat
ng binasang
akda ay
isang____?
SAGOT
#4

SENIOR HIGHSCHOOL
na
MAG-AARAL
TANONG
#4

Ang binasang akda ay


isang halimbawa ng
akdang pampanitikan
na____?
a.alegorya
b.editoryal
c.sanaysay
d.maikling kuwento
SAGOT
#4

c.sanaysay
TANONG
#5

Upang mapaganda at
lalong maging
makabuluhan ang
akda,ano ang ginamit
na simbolismo sa loob
ng akdang nabasa?
SAGOT
#5

UPUAN
/SILYA
TALAAN NG PUNTOS
TALAAN NG PUNTOS
Talaan ng Wagi
TANONG
#1
(CLINCHER)

Ano ang
mensaheng hatid
ng nabasang
Ano ang mensaheng hatid ng nabasang akdang
pampanitikan?
a. binabago ang pagkakataon ng

akdang
pampanitikan?
SAGOT
#1
(CLINCHER)

Ang pagsapit ng pandemya


ay naghatid ng malaking
pagbabago sa lahat
anumang antas ng
pamumuhay ng bawat tao .
TANONG
#2
(CLINCHER)

Ilarawan ang mga


upuang upuang
nasa itaas ng
entablado ayon sa
akda .
SAGOT
#2
(CLINCHER)

üang sentro ng mga mata ng mga


manonood.
ümga upuang may mga ukit na
ang sentro ng mga mata ng mga manonood. Iyong mga
disenyong
upuang bulaklakin,
may mga ukit na disenyongmakinis
bulaklakin, makinis
dahil
dahil sa pagkakabarnis,
sa pagkakabarnis, malambot at masarap upuan na
sadyang maayos na inihanay sapagkat uupuan ng mga
ümalambot at “mahalmasarap
na tao.” upuan na
sadyang maayos na inihanay
sapagkat uupuan ng mga
“mahal na tao.”
TANONG
#3
(CLINCHER)

Batay sa akda, saan


nagmumula ang
karunungang
makalangit?
SAGOT
#3
(CLINCHER)

Mula sa likod
PROYEKTO PARA SA BUWAN NG PAGBASA
(Nobyembre 2021)

“UNAWAAN SA PAGBASA”
Timpalak sa Pagbasa

Inihanda ni : Gng. Shirly J. Salva


( Teacher III )

pinagtibay ni : Gng. Charito B. Bacugan


( Head Teacher III )

You might also like