You are on page 1of 53

KARAPATANG PANTAO

ARALIN 6
Pambungad na panalangin
AMA NAMIN
Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw
araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa
amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
LAYUNIN:

01 masusuri ang kahalahagan ng mga karapatang pantao


sa pag susulong ng pag kapantay-pantay at respeto sa
tao bilang kasapi ng pamayanan, bansa, at daigdig;

02 malalaman ang iba’t ibang anyo ng


paglabag sa mga karapatang pantao.

03 mauunawaan ang mga epekto ng paglabag sa


mga karapatang pantao.
NILALAMAN:

01 PINAGMULAN AT KAHALAGAHAN NG KARAPATANG PANTAO

02 NILALAMAN NG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS.

03 MGA PAGLABAG SA MGA KARAPATANG PANTAO

04 ANYO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO

05 MGA EPEKTO NG PAGLANAG SA KARAPATANG PANTAO

06 MGA HALIMBAWA NG PAGLABA9G SA KARAPATANG PANTAO

07 PAGSULONG NG KARAPATANG PANTAO


Saiyong
sariling
pananaw ano
ang
karapatang
pantao?
KARAPATANG PANTAO

Ito ay sumasaklaw sa
lahat ng tao, anoman
ang kanilang
kasarian, edad,
nasyonalidad,
relihiyon, o estado sa
buhay.
PINAGMULAN AT
KAHALAGAHAN NG
KARAPATANG PANTAO
Paano nga ba nagsimlua ang karapatang pantao?
- Sa Isang dokumentado, ay ang mga ukit sa batong nagmula pa noong
539 B.C.E sa Persia.
- Nakasulat sa mga mandato ng Haring si Cyrus the Great noong sakupin
Niya ang lungsod na Babylon.
- May mga dineklara si Haring Cyrus the Great nong sinakop Niya ang
Babylon :
- Pinalaya Niya ang mga alipin
- Pinayagan Silang pumili ng relihiyon
- At ang pagkakapantay pantay ng lahat ng lahi

- Ang mga Idineklara ni Haring Cyrus na ito, ay nakatala sa Isang malaking


cylinder na tinatawag na "Cyrus Cylinder "
- Mahalaga nang malaman natin ang konsepto ng
pagdodokumento ng karapatang pantao, dahil ito ay
magsimulang lumaki ang mga sibilisasyon sa Mundo.

- Ang mga ito ay protektahan ang mga tao sa Isang


sibilisasyon o grupo, Isang insentibo sa pag-anib sa mga ito,
nagiging dahilan kung bakit iisa lamang ang pagka-
deklarasyon sa karapatang pantao at konstitusyon ng Isang
Bansa.

- Ang isa sa mga sinaung dokumentong tumutukoy ito ay ang


Magna Carta.
MAGNA CARTA
- inlathala nong 1215 ni Haring John I
- Isang monarkiya at naglalayong ipatibay ang
hustiya at paghuhukom para sa bawat
indibidwal
- Isa sa mga dokumentong ito ay limitahan
ang kapangyarihan ng hari ng Bansa.
FRENCH DECLARATION OF THE
RIGHTS OF MAN AND OF THE CITIZEN
- inilatha nong 1789
- naglalaman ng mga payak at hindi
mapag-aalinlangang prinsipyo na dapat
tinatama sa bawat mamamayan
BILL OF RIGHTS
- inilatha nong 1791
- naglalaman ng hindi karapatang pantao
kung hindi pati na rin ang paglimitasyon
ng maaaring Gawin ng pamahalaan.
UDHR - UNIVERSAL DECLARATION OF
HUMAN RIGHTS
-isa sa mga dokumento na nagsasaad ng mga
karapatang pantao na dapat kilalanin ng bawat
indibidwal at Bansa.
- Inilatha noong Disyembre 10, 1984 sa Paris,
France ng United Nations.
- Isinalin na rin ang dokumento sa mahigit na
500 wika.
PART NI MONTA
TALAHANAYAN 6.1
ARTIKULO

1. Isinilang na malaya at pantay-pantay ang lahat ng tao.

2. Saklaw ng UDHR ang bawat tao, anoman ang kasarian, nasyonalidad, relihiyon, paniniwalang
politikal,
3. Lahat ay may karapatan sa buhay, kalayaan, at seguridad na pansarili.

4. Walang sinoman ang dapat alipinin; ipinagbawal din ang pangangalakal ng alipin.

5. Walang sinoman ang bibigyan ng malupit o di-makataong parusa.

6. Bawat tao ay may karapatang kilalanin sa harap ng batas, nasaan man siya sa mundo.

7. Ang lahat ay pantay sa paningin at pangangalaga ng batas.

8. Kung malalabag ang karapatan ng isang indibidwal, karapatan niya ring makakuha ng lunas para
rito sa pamamagitan ng isang hukuman.
TALAHANAYAN 6.1
9. Ipinagbabawal ang walang katuwirang pagdakip o pagpapatapon.

10. Lahat ay may karapatan sa isang patas at makatarungang paglilitis, anoman ang paratang na
krimen sa kaniya.

11. Ang bawat taong pinaratangan ay may karapatan na ituring na walang-sala hanggang hindi pa
napatutunayan ang pagkakasala niya sa isang paglilitis.

12 . Ipinagbabawal ang walang katuwirang panghihimasok sa pribadong buhay, pamilya, tahanan, o


pakikipagsulatan; maging ang pag-atake sa puri at reputasyon ng isang tao.

13. Bawat isa ay may karapatang kumilos sa loob ng hangganan ng pinaninirahang estado, gayon
din ang umalis ng isang bansa at bumalik dito.

14. May karapatan na humanap ang bawat isa ng ibang bansa na kukupkop sa kaniya sa harap ng
pag-uusig.

15. May karapatan sa nasyonalidad ang bawat isa; may karapatan ding magpalit ng nasyonalidad
ang sinoman.
TALAHANAYAN 6.1
16 May karapatan ang bawat lalaki at babae na magpakasal, kung sila ay parehong nasa tamang
gulang at lubos na sumasang-ayon dito.

17 Bawat isa ay may karapatan sa kaniyang ari-arian; hindi rin dapat kunin sa kaniya ang ari-arian na
ito nang walang katuwiran.
18 May karapatang pumili (o magpalit) ng relihiyon ang bawat isa, maging ang magsabuhay nito sa
pamamagitan ng pagtitipon o pagtuturo.
19 Bawat isa ay may karapatang magpahayag ng saloobin o opinyon.

20 Lahat ay may karapatan sa mapayapang pagtitipon at pagpupulong; wala ring pipiliting sumali sa
isang kapisanan.
21 Ang bawat isa ay may karapatang makilahok sa kaniyang pamahalaan; pinahahalagahan din ang
patas na paghalal ng mga kinatawang manunungkulan para sa pamahalaan.
22 Pinahahalagahan ang pakikinabang ng isang indibidwal sa lipunan sa pamamagitan ng pakikilahok
niya sa pambansang pagsisikap o pakikipagtulungang pandaigdig.пока
23 Lahat ay may karapatang pumili ng hanapbuhay at tumanggap ng nararapat na bayad para dito;
may kalayaan din ang mga empleado na magbuo ng unyon.
TALAHANAYAN 6.1
24 Bawat isa ay may karapatang mamahinga at maglibang.

25 Ang bawat tao ay may karapatan sa pagtamasa ng antas ng pamumuhay kung saan natutugonan niya
ang pangangailangang pansarili at pampamilya;
binibigyan ng espesyal na kahalagahan ang pagtamasa ng mga ina at bata sa antas ng pamumuhay na
ito.

26 Bawat isa ay may karapatan sa edukasyon na siyang magpapaunlad sa kaniyang pagkatao.

27 Lahat ay may kalayaan na makilahok sa mga kultural na gawain sa komunidad, kabilang na ang
sining, panitikan, at agham.

28 Karapatan ng bawat isa na makibahagi sa isang kaayusang panlipunan at pandaigdig kung saan
pinagtitibay ang mga nakasaad sa UDHR.
29 Ipinaaalala ang mga tungkulin na kaakibat ng mga karapatang isinasaad sa UDHR para sa ikauunlad
din ng kaniyang pagkatao.
30 Walang bahagi ng UDHR ang nagbibigay ng karapatan sa anomang estado, grupo, o indibidwal na
gumawa ng hakbang upang sirain ang nasasaad sa kasunduang ito.
TALAHANAYAN 6.2
ANYO NG PAGLABAG BAKIT LABAG SA KARAPATANG PANTAO
PAGPATAY Bakit labag sa karapatang pantao: Ang pagpatay ay pagputol sa buhay
na mayroon ang isang nilalang. Parang tinanggalan niya ng dignidad
ang kanyang sarili. Kaya Naman mabigat ang parusang ipinapataw Ng
pamahalaan sa Isang mamamatay-tao Taliwas ito sa Artikulo 3 ng
UDHR na nagsasaad na ang bawat tao ay may karapatang mabuhay.
PAG-AALIPIN Noong unang panahon, tanggap Ang pagmamay-ari ng isang
indibidwal upang pagsilbihan ang Isang amo, Ito rin ay naging sukatan
Ng estado sa buhay. Kadalasan Ang mga alipin ay sinasaktan at
binibigyan Ng mabigat na trabaho. Hindi rin Sila nabibigyan Ng sapat
na benepisyong salapi sa kanilang serbisyong nagawa.
KARAHASANG PISIKAL Ito ay labag sa karapatang pantao dahil ito ay pisikal na pang aabuso
sa Isang tao o pambubugbog. Hindi ito makatarungan o Hindi patas
KARAHASANG SEKSUWAL Kaugnay ng ating karapatan sa seguridad, nilalabag din ng
karahasang seksuwal ang kalayaan nating mabuhay nang walang
takot o pangambang magiging biktima ng krimen. Isa ring uri ito
ng opresyon laban sa mga minorya (tulad ng kababaihan o
miyembro ng LGBT community) at mga walang muwang (tulad ng
mga bata).
TALAHANAYAN 6.1

PAGLIMITA O PAGKAKAIT NG Malinaw na isinasaad sa Artikulo 13 ang "karapatan sa kalayaan


KALAYAANG MAGLAKBAY ng pagkilos at paninirahan sa loob ng mga hanggahan ng bawat
estado," maging ang "karapatang umalis sa alin mang bansa."
Kaya naman ang hindi makatuwirang pagpigil o paglimita sa
kalayaang maglakbay ay isang paglabag sa ating karapatang
pantao.
PAGLIMITA O PAGKAKAIT NG Bawat isa ay may kalayaang magsalita at ipahayag ang sarili.
KALAYAAN SA PANANALITA Sakop ng kalayaan sa pagpapahayag sa sarili ang pagpapahayag
AT PAGPAPAHAYAG SA ng saloobin sa pamamagitan ng panidikan at sining. Sa
SARILI pamamagitan ng mga kalayaang ito, naipaaalam natin ang ating
saloobin tungkol sa iba't ibang bagay. Ang paglímita o pagkakait
sa kalayaan sa pananalita at pagpapahayag sa sarili ay taliwas sa
sinasaad sa Artikulo 19 ng UDHR na nagsasabing: "Ang bawat
tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag.
DISKRIMINASYON Maraming uri ng diskriminasyon na maaring kaharapin ang isabg tao ilan na
rito ang diskriminasyon dahil sa kaniyang nasyonalidad, kasarian, o relihiyon
kadalasan nauuwi ang ganitong diskriminasyon sa pang aapi, karahasan, at
paglimita sa karapatan ng mga minorya ayon sa artikulo 2 ang lahat ng
nakasaad sa udhr ay dapat tinatama nang walang anomang uri pagtatangi,
tulad ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro kurong pampolitika o iba pa,
pinagmulang bansa o lipunan, ari arian, kapanganakan, o iba pang katayuan.
KAWALAN NG pinagkakatiwala natin ang batas upang protektahan ang ating mga karapatan
KATARUNGAN kaya naman itinuturing na karapatang pantao pagtatamasa ng patas na
pagturing ng batas at ng mga hukuman

KAWALAN NG malaking bahagi ang ginagampanan ng edukasyon sa paghubog ng


EDUKASYON pagkatao ng bawat isa kaya naman ang kawalan o pagkakait ng
edukasyon ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao sapagkat
nililimitahan nito ang paglago ng bawat indibbidwal, maging ang
kaalaman niya sa nga karapatabg dapat niyang tamasahin
MGA ANYO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO

Bagamat mataas ang pagpapahalaga ng ibat ibang sektor sa


karapatang pantao, may mga pagkakataon parin na nalalabag ang
mga karapatang ito. Dulot ng mga paglabag ang
paghihirap,opresyon, o maging kawalan ng buhay at ari-arian.
May mga uri ng paglabag na iilan lamang ang anyo o higit pa.
Isang halimbawa ang genocide o pag ubos ng isang lahi.
Lumalabag ito sa karapatan ng isang tao na maging ligtas mula sa
diskriminasyon ayon sa kaniyang nasyonalidad, maging sa
karapatan niyang mabuhay at maging malaya.
MGA ANYO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO

Bagamat mataas ang pagpapahalaga ng ibat ibang sektor sa karapatang


pantao, may mga pagkakataon parin na nalalabag ang mga karapatang ito.
Dulot ng mga paglabag ang paghihirap,opresyon, o maging kawalan ng
buhay at ari-arian. May mga uri ng paglabag na iilan lamang ang anyo o
higit pa. Isang halimbawa ang genocide o pag ubos ng isang lahi. Lumalabag
ito sa karapatan ng isang tao na maging ligtas mula sa diskriminasyon ayon
sa kaniyang nasyonalidad, maging sa karapatan niyang mabuhay at maging
malaya.
Tulad ng naunang nabanggit,
mahalaga ang pagtatalaga at
pagpapatibay ng ating mga
MGA EPEKTO NG karapatang pantao upang
PAGLABAG SA
manatiling payapa,
KARAPATANG
PANTAO
makatarungan, at ligtas ang
ating lipunan para sa bawat
tao.
Kahirapan ang isa sa pinakamabigat
na epekto ng paglimita o pagkakait
sa karapatang pantao sa mga kasapi
ng isang grupo o mga mamamayan
KAHIRAPAN ng isang bansa. Layon ng mga kara-
patang pantao na nakatala sa UDHR
at sa ating konstitusyon na umunlad
ang bawat indibidwal.
Sa South Africa, naging malaking
suliranin ang apartheid o
diskriminasyon sa mga African dahil
sa maitim na kulay ng kanilang
KAHIRAPAN balat. Ang mga ito ay inihiwalay sa
ibang lahi at itinu- ring na mas
mababang uri ng tao. Dahil dito,
hindi kinilala ng mga nakatataas ang
kanilang mga karapatang pantao.
Larawan ng isang
babae na biktima rin
ng diskriminasyon sa
isang bayan ng Africa
Para sa kababaihan. Ayon sa Amnesty
International (AI) sa US, isang
organisasyong nagsusulong ng karapatang
pantao, ang kahirapan ay isang isyung
kaugnay ng karapatang pantao. At higit sa
KAHIRAPAN lahat, kababaihan ang naa- pektuhan nito;
binubuo nila ang 70 porsiyento ng
mahihirap sa mundo.
Malinaw ang dahilan ng pandaigdigang
hindi pagkakapareho na ito: limitadong
karapatan sa access sa edukasyon,
pagmamay-ari at sa pagboto; kultural na
pagkilala sa pagsasarili; at isang mahabang
talaan ng iba pang magkakaugnay na pang-
KAHIRAPAN aabuso sa kababaihan, na sama-samang
lubhang humahadlang sa pagtatamasa ng
kababaihan ng benepisyong ekonomiko
namamalas natin ang higit na mataas na
antas ng kahirapan ng kababaihan kaysa
kalalakihan.
Isang epektong hindi kagyat na maki-kita
ay ang mga sikolohikal na sugat na
natatamo ng isang biktimang nalabag ang
karapatang pantao. Kadalasan itong
DULOT SA nararamdaman ng mga biktima ng
ASKPEKTONG karahasan. Bukod pa sa sakit at sugat na
SIKOLOHIKAL dulot ng tinamong karahasan, maaaring sa
isipan o emosyonal na aspekto makikita
ang mas malalang pinsala na idinulot ng
pagkawala paglimita sa kanilang mga
karapatan.
Isang halimbawa nito pang-aabuso ng
militar sa Myanmar sa mga mamamayan
nito. Ayon sa mga tala ng Burma Link-
isang grupong nagsusulong ng karapatan ng
DULOT SA mga minorya sa Myanmar-ang mga naging
ASKPEKTONG biktima ng torture ng militar ay nakaranas
SIKOLOHIKAL ng depresyon at hirap sa pakikihalubilo
muli sa lipunan o paghahanap ng trabaho.
Liban sa mga biktima, mayroon ding
sikolohikal na trauma na nadarama ang
mga pamilya nila.
Dahil dito, marami ang
nagpapakalulong na lamang sa
bisyo upang kalimutan ang
DULOT SA
depresyon, na siya namang
ASKPEKTONG
SIKOLOHIKAL nagdudulot ng siklo ng
kahirapan sa pamilya.
Dahil sinasalamin ng ating batas ang ilan
kung hindi lahat ng mga probisyong
nakasaad sa UDHR ang paglabag sa
isang karapatang pantao ng kapuwa ay
maaring may karampatang parusa rin sa
PAGLAGANAP NG paningin ng batas. kaya naman ang
KRIMEN patuloy na pagkabit balikat sa paglabag
sa karapatang pantao ay
nangangahulugan ng pagdami ng kaso ng
kriminalidad
Ganito ang nangyarI sa isang
engkuwentro sa pagitan ng kapulisan
ng china at katutubong pangkat na
Uyghur sa rehiyon ng xinjiang noong
PAGLAGANAP NG 2014
KRIMEN
Islam ang pangunahing relihiyon ng
mga Uyghur dahilan upang
makaranas sila ng patuloy na
operasyon mula sa pamahalaang
tsino
Isang pagsasaliksik na pinamagatang
" The Paradoxical Consequences
Of Revenge" ang isinigawa ng mga
sikolohistang sina Daniel Gilbert,
PAGLAGANAP NG Kevin Carlsmith, at timothy Wilson
KRIMEN pinatunayan ng pag-aaral na ito na
ang paghihiganti ay hindi
nagbubunga ng paghihilom tulad ng
inaakala ng gumawa nito
MGA HALIMBAWA NG PAGLABAG SA
KARAPATANG PANTAO

Ang naunang talakayan ay nagbigay na ng ilang


halimbawa ng mga pagla bag sa karapatang pantao. Sa
baha ging ito, muli nating uusisain ang ilang insidente ng
paglabag sa karapatang pantao sa konteksto ng
proksimidad nito sa atin.
Bawat pamayanan ay pugad kung saan
ang mga naninirahan ay pinagbuklod
hindi lamang ng aspektong heograpi kal
kung hindi pati na rin ng iisang
hangarin na pagbutihin ang kinabibi
PAMAYANAN langang komunidad. Sa kasamaang
palad, may ilang pamayanang
nakararanas ng diskriminasyon dahil sa
kultura o paniniwala nila.
Sa isang insidente sa Surigao
del Sur noong 2015, tatlong
katutubong Manobo ang
PAMAYANAN
pinatay ng mga miyembro ng
armadong grupong Magahat
Bagani.
Sa pagtutulungan ng pamahalaan, mga pribadong
organisasyon, at pinuno ng mga katutubong pangkat,
patuloy na isinusulong ang karapatan ng mga katutubo
hindi lamang sa kanilang mga lupain kung hindi
maging sa kara- patan nilang mabuhay nang walang
takot sa diskriminasyon o karahasan. Kaugnay nito,
PAMAYANAN ipinatupad ang Republic Act No. 8371 o Indigenous
Peoples' Rights Act of 1997. Isinusulong ng batas na
ito ang karapatan ng mga katutubong pangkat sa
kanilang mga lupaing ninuno, maging ang kalayaan
nila upang pagyamanin ang kanilang kultura at mga
tradisyon.
Sa pagtutulungan ng pamahalaan, mga pribadong
organisasyon, at pinuno ng mga katutubong pangkat,
patuloy na isinusulong ang karapatan ng mga katutubo
hindi lamang sa kanilang mga lupain kung hindi
maging sa kara- patan nilang mabuhay nang walang
takot sa diskriminasyon o karahasan. Kaugnay nito,
PAMAYANAN ipinatupad ang Republic Act No. 8371 o Indigenous
Peoples' Rights Act of 1997. Isinusulong ng batas na
ito ang karapatan ng mga katutubong pangkat sa
kanilang mga lupaing ninuno, maging ang kalayaan
nila upang pagyamanin ang kanilang kultura at mga
tradisyon.
Ilang pangyayari na rin sa Pilipinas ang
gumimbal sa kamalayan ng mga
Pilipino at maging ng buong mundo
dahil sa dami ng naging biktima nito o
pagiging malubha ng naganap na
BANSA paglabag sa karapatang pantao. Isa na
rito ang tinaguriang Maguindanao
Massacre na kumitil sa buhay ng higit
50 sibilyan na karamihan ay mga
mamamahayag.
Naganap ang insidente sa panahon ng opisyal
na pagbubukas ng panahon ng halalan noong
2009. Bagama't hindi na bago sa bansa ang
iba't ibang karahasan na dulot ng
nagtutunggaliang mga kandidato, tumatak ang
Maguindanao Massacre sa kamalayan ng mga
BANSA Pilipino hindi lamang dahil sa pagiging
marahas nito ngunit dahil na rin sa ipinadala
nitong mensahe: na isa ang Pilipinas sa mga
pinakamapanganib na lugar para sa mga
mamamahayag.
Isa sa pinakatumatak na pangyayari sa
kasaysatan ang sistematikong paglabag sa
karapatang pantao ng mga Jew sa ilalim ng
pamumuno ni Adolf Hitler at ng partidong
Nazi, si Hilter ay panatiko ng ideolohiya ng
isang nakakatataas at purong lahing german
DAIGDIG na tinawag niyang lahing arman upang
makamit ito ninais niyang lipulin ang mga
Jew na itinuring niyang mababang uri ng mga
tao at siyang balakid sa paglago at pag unlad
ng lahing arman.
PAGSULONG NG
KARAPATANG
PANTAO
Commission on Human Rights (CHR)
- Ang ahensiya ng pamahalaang
nangangalaga at nag susulong sa
karapatang pantao sa bansa.

-Bukod sa CHR, may mga ilan ding


samahang di-pampamahalaan na
tumutulong sa mga biktima ng
paglabag sa karapatang pantao.
Balay Rehabilitation Center
-na umaagapay sa paghilom ng mga
sikolohikal na sugat na tinamo ng biktima
Philipine Alliance of Human Rights
Advocates (PAHRA)
- Layunin nitong ipagtanggol ang mga naaapi
at nalalabag ang karapatang pantao
Bilang mag-aaral ay mayroon ka ring magagawa upang
isulong ang kahalagahan ng karapatang pantao sa iyong
komunidad.

-Iminumungkahi ng isang artikulo mula sa Amnesty


International na magsimula ng isang organisasyon sa
iyong komunidad kung saan tatalakayin ang mga
posibleng insidented ng paglabag sa karapatang pantao sa
inyong lugar.
-Ang pagsulat ng liham sa mga nanunungkulan ay isa ring
mainam na paraan upang ilapit sa maykapangyarihan ang
mga hinaing ng mga nalalabag ang karapatang pantao.
Sa tingin mo
gaano
kahalaga ng
karapatang
pantao sa ating
mga tao?
MARAMING
SALAMAT SA
IYONG
PAKIKINIG!

You might also like