You are on page 1of 5

Aralin 2

Universal Declaration of Human Rights


Mahalagang dokumentong naglalahad ng karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat
aspekto ng buhay ng tao.
Kabilang ditto ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal at kultural
Ito ay naging bahagi ng adyenda ng UN General Assembly noong 1946
Nabuo ito ng maluklok bilang taga-pangulo ng Human Rights Commission ng UN si Eleanor Roosevelt
Binalangkas ng Human Rights Commission ang mga pangunahing karapatang pantao at tinawag itong Universal
Declaration of Human Rights.
Tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre 10, 1948 at binansagan itong “International
Magna Carta for all Mankind”
Ito ang naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang-batas.
Saan ito makikita?
Sa Preamble at Artikulo 1 ng UDHR – likas na karapatan ng tao tulad ng pagkapantay-pantay at pagiging Malaya
Artikulo 3 hanggang 21 – karapatang sibil at political
Artikulo 22 hanggang 27 – karapatang ekonomiko, sosyal at kultural
Artikulo 28 hanggang 30 – tungkulin ng tao na itaguyod ang mga karapatan ng ibang tao
ang 30 artikulo ng Universal Declaration of Human rights

Ang 30 artikulo ng Universal Declaration of Human rights?


Artikulo 1  Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.
Artikulo 2  Ang bawat tao'y karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang nakalahad sa Pahayag na ito.
Artikulo 3  Ang bawat tao'y may karapatan sa buhay, kalayaan at kapanatagan ng sarili.  
Artikulo 4  Walang sino mang aalipinin o bubusabusin; ipagbabawal ang ano mang anyo ng pang-aalipin at ang
pangangalakal ng alipin.  
Artikulo 5  Walang sino mang pahihirapan o lalapatan ng malupit,di-makatao o nakalalait na pakikitungo sa parusa.
Artikulo 6  Ang bawat tao'y may karapatang kilalanin saan mang dako bilang isang tao sa harap ng batas.  
Artikulo 7  Ang lahat ay pantay-pantay sa harap ng batas at may karapatan sa walang pagtatangi ng pangangalaga
ng batas.  
Artikulo 8  Ang bawat tao'y may karapatan sa mabisang lunas ng karampatang mga hukumang pambansa tungkol
sa mga gawang lumalabag sa pangunahing mga karapatan na ipinagkaloob sa kanya ng saligang batas o ng batas.  
Artikulo 9  Walang sino mang ipaiilalim sa di-makatwirang pagdakip, pagpigil o pagpapatapon.  
Artikulo 10  Ang bawat tao'y may karapatan sa ganap na pagkakapantay-pantay, sa isang makatarungan at hayag
na paglilitis ng isang hukumang malaya.
Artikulo 11  Ang bawat taong pinararatangan ng pagkakasalang pinarurusahan ay may karapatang ituring na
walang-sala hanggang di-napatutunayang nagkasala.
Artikulo 12  Walang taong isasailalim sa di-makatwirang panghihimasok sa kanyang pananhimik, pamilya, tahanan
o pakikipagsulatang ni sa tuligsa sa kanyang karangalan at mabuting pangalan.
Artikulo 13  Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkilos at paninirahan sa loob ng mga hanggahan ng
bawat estado.  
Artikulo 14  Ang bawat tao'y may karapatang humanap at magtamasa sa ibang bansa ng pagpapakupkop laban sa
pag-uusig.  
Artikulo 15  Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pagkamamamayan.  
Artikulo 16  Ang mga lalaki't babaeng may sapat na gulang ay may karapatang mag-asawa at magpamilya nang
walang ano mang pagtatakda dahil sa lahi, bansang kinabibilangan o relihiyon.  
Artikulo 17  Ang bawat tao'y may karapatang mag-angkin ng ari-arian nang mag-isa gayon din na kasama ng iba.  
Artikulo 18  Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pag-iisip, budhi at relihiyon.
Artikulo 19  Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag.
Artikulo 20  Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagsasamahan.  
Artikulo 21  Ang bawat tao'y may karapatang makilahok sa pamahalaan ng kanyang bansa, sa tuwiran o sa
pamamagitan ng mga kinatawang malayang pinili.  
Artikulo 22  Ang bawat tao, bilang kasapi ng lipunan, ay may karapatan sa kapanatagang panlipunan at nararapat
na makinabang sa pamamagitan ng pambansang pagsisikap at pakikipagtulungang pandaigdig.
Artikulo 23  Ang bawat tao'y may karapatan sa paggawa, sa malayang pagpili ng mapapasukang hanapbuhay, sa
makatarungan at kanais-nais na mga kalagayan sa paggawa at sa pangangalaga laban sa kawalang mapapasukang
hanap-buhay.  
Artikulo 24  Ang bawat tao'y may karapatan sa pamamahinga at paglilibang, kasama ang mga makatwirang
pagtatakda ng mga oras ng paggawa at may sahod sa mga pana-panahong pista opisyal.  
Artikulo 25  Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat para sa kalusugan at
kagalingan ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya, kasama na ang pagkain, pananamit, paninirahan at
pagpapagamot.
Artikulo 26  Ang bawat tao'y may karapatan sa edukasyon.
Artikulo 27  Ang bawat tao'y may karapatang makilahok nang malaya sa buhay pangkalinangan ng pamayanan,
upang tamasahin ang mga sining at makihati sa mga kaunlaran sa siyensiya at sa mga pakinabang dito.  
Artikulo 28  Ang bawat tao'y may karapatan sa kaayusang panlipunan at pandaigdig na ang mga karapatan at mga
kalayaang itinakda sa Pahayag na ito ay ganap na maisasakatuparan.  
Artikulo 29  Ang bawat tao'y may mga tungkulin sa pamayanan sa ikaaari lamang ng malaya at ganap na
pagkaunlad ng kanyang pagkatao.  
Artikulo 30  Walang bagay sa Pahayag na ito na mapapakahulugan ang nagbibigay sa alin mang Estado, pangkat o
tao ng ano mang karapatang gumawa ng ano mang kilusan o magsagawa ng ano mang hakbang na naglalayong
sirain ang nakalahad dito.

Katipunan ng mga Karapatan


(Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas)
SEKSYON 1
Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ariarian ang sino mang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas,
ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.
SEKSYON 2
Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay,
papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsamsam sa ano mang
layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warant sa paghalughog o warant sa pagdakip
maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang
mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyakang
tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at ang mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.
SEKSYON 3
Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya maliban sa legal na utos ng
hukuman, o kapag hinihingi ang naiibang kaligtasan o kaayusan ng bayan ayon sa itinakda ng batas.
Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin sa paglilitis ang ano mang
ebidensya na nakuha nang labag dito o sa sinusundang seksyon.
SEKSYON 4
Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng
pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa
pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.
SEKSYON 5
Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa malayang
pagsasagamit nito.  Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng
paghahayag ng relihiyon at pagsamba nang walang pagtatangi o pamimili.   Hindi dapat kailanganin ang
pagsusulit panrelihyon sa pagsasagamit ng mga karapatang sibil o pampulitika.
SEKSYON 6
Hindi dapat bawahan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga
katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman.  Ni hindi dapat bawahan ang
karapatan sa paglalakbay maliban kung para sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa, kaligtasang
pambayan, o kalusugang pambayan ayon sa maaaring itadhana ng batas.
SEKSYON 7
Dapat kilalanin ang karapatan ng taong-bayan na mapagbatiran hinggil sa mga bagay-bagay na may
kinalaman sa tanan.  Ang kaalaman sa mga opisyal na rekord, at sa mga dokumento at papeles tungkol
sa mga opisyal na gawain, transaksyon, o pasya, gayon din sa mga datos sa pananaliksik ng pamahalaan
na pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa ilalim ng mga
katakdaang maaaring itadhana ng batas.
SEKSYON 8
Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga taong-bayan kabilang ang mga naglilingkod sa publiko at
pribadong sektor na magtatag ng mga asosasyon, mga unyon, o mga kapisanan sa mga layuning hindi
labag sa batas.
SEKSYON 9
Ang pribadong ariarian ay hindi dapat kunin ukol sa gamit pambayan nang walang wastong kabayaran.
SEKSYON 10
Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng mga kontrata.
SEKSYON 11
Hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang malayang pagdulog sa mga hukuman at sa mga kalupunang
mala-panghukuman at sa sapat na tulong pambatas nang dahil sa karalitaan.
SEKSYON 12
Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay dapat magkaroon ng karapatang mapatalastasan
ng kanyang karapatang magsawalang-kibo at magkaroon ng abogadong may sapat na kakayahan at
malaya na lalong kanais-nais kung siya ang maypili.  Kung hindi niya makakayanan ang paglilingkod ng
abogado, kinakailangang pagkalooban siya ng isa.   Hindi maiuurong ang mga karapatang ito maliban
kung nakasulat at sa harap ng abogado.
Hindi siya dapat gamitan ng labis na pagpapahirap, pwersa, dahas, pananakot, pagbabanta, o ano pa
mang paraaan na pipinsala sa kanyang malayang pagpapasya.   Ipinagbabawal ang mga lihim na
kulungan, solitaryo, ingkomunikado o iba pang katulad na mga anyo ng detensyon.
Hindi dapat tanggaping ebidensya laban sa kanya ang ano mang pagtatapat o pag-amin na nakuha nang
labag sa seksyong ito o Seksyong 17 nito.
Dapat magtadhana ang batas ng mga kaparusahang penal at sibil sa mga paglabag sa seksyong ito at
gayon din ng bayad-pinsala at rehabilitasyon sa mga biktima ng labis na mga paghihirap o katulad ng
mga nakagawian, at sa kanilang mga pamilya.
SEKSYON 13
Ang lahat ng mga tao, maliban sa mga nahahabla sa mga paglabag na pinarurusahan ng reclusion
perpetua kapag matibay ang ebidensya ng pagkakasala, bago mahatulan, ay dapat mapyansahan ng
sapat na pyador, o maaaring palayain sa bisa ng panagot ayon sa maaaring itadhana ng batas.   Hindi
dapat bawahan ang karapatan sa pyansa kahit na suspendido ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus.
Hindi dapat kailanganin ang malabis na pyansa.
S E K S Y O N 1 4 ( 1 ) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang kriminal ang sino mang tao nang hindi
kaparaanan ng batas.(2)Sa lahat ng mga pag-uusig kriminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na walang
sala hangga't hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa ng karapatang magmatwid sa
pamamagitan ng sarili at ng abogado, mapatalastasan ng uri at dahilan ng sakdal laban sa kanya,
magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan, at hayagang paglitis, makaharap ang mga testigo at
magkaroon ng sapilitang kaparaanan upang matiyak ang pagharap ng mga testigo at paglitaw ng
ebidensyang para sa kanyang kapakanan.   Gayon man, matapos mabasa ang sakdal, maaring ituloy ang
paglilitis kahit wala ang nasasakdal sa pasubaling marapat na napatalastasan siya at di makakatwiran ang
kanyang kabiguang humarap.
S E K S Y O N 1 5 Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus, maliban kung may
pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasang pambayan.
S E K S Y O N 1 6 Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang paglutas ng kanilang
mga usapin sa lahat ng mga kalupunang panghukuman, mala-panghukuman, o pampangasiwaan.
59
seksyon 17Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.
seksyon 18Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang mga paniniwala at
hangaring pampulitika.
Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban kung kaparusahang pataw ng
hatol ng pagkakasala.
seksyon 19 Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit, imbi o di-makataong parusa,
o ang parusang kamatayan, matangi kung magtadhana ang Kongreso ng parusang kamatayan sa mga
kadahilanang bunsod ng mga buktot na krimen.  Dapat ibaba sa reclusion perpetua ang naipataw nang
parusang kamatayan.
Dapat lapatan ng kaukulang batas ang pagpapahirap na pisikal, sikolohikal, o imbing pagpaparusa sa sino
mang bilanggo o detenido o ang paggamit ng mga kaluwagang penal na di-makatao.
seksyon 20 Hindi dapat ibilanggo ang isang tao nang dahil sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng
sedula.
seksyon 21 Hindi dapat na ang isang tao ay makalawang masapanganib ng kaparusahan sa iisang
paglabag.  Kung pinarurusahan ng batas at ng ordinansa ang isang kagagawan, ang pagkaparusa o
pakaabswelto sa ilalim ng alin man dito ay magiging hadlang sa iba pang pag-uusig sa gayon ding
kagagawan.
seksyon 22Hindi dapat magpatibay ng batas ex post facto o bill of attainder

Pandaigdigang Organisasyon
a. Global Rights - layunin nito na ilantad ang pang-aabuso sa karapatang pantao at maka pagbigay ng
serbisyong legal
b. Asian Human Rights Commission - layunin ng samahang ito ang magkaroon ng higit na kamalayan
tungkol sa karapatang pantao at pagkasasakakatuparan nito sa buong Asya
c. Human Rights Action Center - saklaw nito ang karapatang pantao sa buong daigdig at nakikipag-
ugnayan sa musika, teatro, pelikula
d. Amnesty International- sila ay nagkakampanya laban sa pang-aabuso ng karapatang pantao na may
motto “ it is better to light a candle than to curse a darkness
e. African Commission on Human Rights - layunin nitong proteksyonan at itaguyod ang karapatan ng
mga tao at magbigay ng iterpretasyon sa African Charter on Human and Peoples Right

Mga Organisasyon sa Pilipinas


a. Commission on Human Rights - sa Pilipinas, ito ay ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang
karapatang pantao ng mamamayan.
b. Free Legal Asistance Group - pambansang grupo ng mga human rights lawyer na nagtaguyod at
nangangalaga ng mga karapatang pantao
c. PhilRights – Philippine Human Rights Information Center -konektado ito sa United Nations
Department of Public Information
d. KARAPATAN: Alliance for the Advancement of Peoples Right - ito ay alyansa ng ng mga indibidwal,
organisasyon at grupo na itinatag noong 1995.Itinataguyod at pinapangalagaan nito ang karapatang
pantao sa Pilipinas
e. Philippine Alliance of Human Rights Association itinatag ang alyansang ito noong 1896 at nilahukan ng
mahigit na 100 organisasyon mula sa iba’t ibang bansa

United Nations Convention on Rights of the Child (UNCRC)


- Ito ay tumutukoy sa children rights o karapatan ng mga bata sa mga karapatang pantao.
-ito ay may eded na 17 gulang at pababa maliban sa mga bansang may sariling batas sa pagtukoy ng
“legal age”.
- Ang karapatang ito ay kailangan ng mga bata upang magkaroon ng mabuti at ligtas na buhay at maging
yaman ng bansa sa hinaharap

Buod ng Karapatan ng mga Bata batay sa UNDRC:


Artikulo 1 – Paglalahad sa kuhulugan ng bata
Artikulo 2: Lahat ng mga bata at kabataan ay maaaring magtamasa ng mga karapatan, anuman ang
kanilang lahi, relihiyon, kakayahan, anuman ang kanilang iniisip o sinasabi, nang hindi makakaranas ng
diskriminasyon
Artikulo 14 – Ang mga bataan ay may karapatang mag-isip at paniwalaan ang gusto nila at magsagawa
kung alin man ang kanilang napiling relihiyon
Artikulo 22 : Dapat tiyakin ng mga pamahalaan na ang mga kabataang repyudyi ay magkaroon ng
parehong mga karapatan katulad ng mga bata na ipinanganak sa bansa nito.
Artikulo 30: Ang mga bata at kabataan ay may karapatang matutuhan at gamitin ang wika at tradisyon
ng kanilang pamilya.

Iba pang Karapatan ng mga bata ayon sa UNCRC


• Magkaroon ng legal at rehistradong pangalan, nasyonalidad at magulang
• Magkaroon ng proteksyon laban sa pag-aabuso pisikal, seksuwal, mental. Gayundin ang child
labor, drug abuse, kidnapping, at trafficking
• Magkaroon ng pangalagang pangkalusugan, standard of living, edukasyon, libangan at paglalaro
Antas ng Kamalayan ng Pagkamamayan batay sa Facilitators Manual on Human Rights Education 2003

Antas 1 – Pagpapaubaya at Pagkakaila – walang pasubaling pagpapaubaya sa mga paglabag ng


karapatang pantao

Antas 2 – Kawalan ng pagkilos at interes – may limitadong kaalaman tungkol sa mga karapatang pantao
ngunit may pagtanggi o kawalan ng interes na igiit ang karapatang ito dahil sa takot, panganib, o
kakulangan sap ag-unawa ng mga kondisyong panlipunan, ekonomiko at political ng bansa

Antas 3 – Limitadong Pagkukusa – kakikitaan ng pagtaguyod ng karapatang pantao , paghanap ng mga


solusyong gamit ang karaniwang pamamaraan tulad ng paglalahad ng reklamo

Antas 4 – Militance – Pagsasarili at Pagkukusa – may kamalayan, aktibo at malayang pagtatanggol sa


mga karapatang pantao sa pamamagitan ng matatag at sama-samang pagsisikap.

Sanggunian:

Araling Panlipunan 10
Isyu at Hamong Panlipunan

You might also like