You are on page 1of 9

Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:
Pagtakda ng Layunin:
Alamin kung ano ang kakaibang lugar na pinuntahan ng tauhan sa kuwento.

Babasahin ng guro ang pamagat:


Ang pamagat ng ating kuwento ay “Ang Kakaibang Mundo”.

Basahin ang kuwento.

Nakasisilaw na liwanag ang hindi inaasahang bumulaga sa akin. Tumambad sa


harap ko ang isang lugar na di ko pa nararating. Hindi mabilang ang malalaki at
maliliit na mga robot na kumikilos tulad ng mga tao. May makukulay na mga
sasakyang panghimpapawid na animo saranggolang nakasabit sa langit.
Marami ang mga sasakyang hindi ko malaman kung kotse o dyip.

Iginala ko pa ang aking paningin. Malinis ang paligid, abala ang mga tao.
Matiwasay at masayang namumuhay ang komunidad.

Napadako ako sa malawak na hardin. May kakaibang hugis at laki ang mga
gulay at prutas. Makikita rin ang iba’t ibang uri ng hayop, matataba at
malulusog, malalaki at maliit. Tunay na kakaiba ang mundong ito!

“Ahhh, ano naman kaya ang makikita sa gawi roon ?”

“Anak, gising na! Bangon na!,” marahang tapik ni Ina.

Level: Grade 4
Bilang ng mga salita: 134

Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.


1. Alin ang HINDI nasasaad sa kuwento?
a. May kakaibang halaman sa hardin.
b. Maraming saranggola ang lumilipad sa langit.
c. Iba’t iba ang laki ng mga robot sa lugar na iyon.

2. Tumambad sa harap ko ang isang lugar na di ko pa nararating.

1
Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:
Ang ibig sabihin ng tumambad ay ________________ .
a. dumaan
b. lumantad
c. nang-aakit

3. Sa iyong palagay, paano napunta sa kakaibang mundo ang


nagkukuwento?
a. Nag-iisip siya ng ganitong mundo.
b. Dulot ito ng kanyang imahinasyon.
c. Nakatulog siya ng mahimbing at nanaginip.

4. Ano kaya ang nararamdaman ng naglalahad ng kuwento?


a. Nalilito siya.
b. Nagtataka siya.
c. Natataranta siya.

5. Ano ang layunin ng sumulat ng kuwento?


a. Hangad nitong mang-aliw.
b. Hatid nito ang isang balita.
c. Taglay nito ang bagong kaalaman.

6. Ano ang ginamit ng sumulat ng kuwento para ihatid ang mensahe nito?
a. Gumamit ito ng makukulay na mga salita sa paglalarawan.
b. Kaakit-akit na mga lugar ang dinayo ng tauhan sa kuwento.
c. Maganda ang palitan ng pag-uusap ng mga tauhan sa kuwento.
Ano-ano ang ipinagdiriwang ninyo sa inyong relihiyon?

Pagtakda ng Layunin:
Alamin sa sanaysay kung ano naman ang ipinagdiriwang ng mga Muslim.

Babasahin ng guro ang pamagat:


Ang pamagat ng ating sanaysay ay “Eid-ul-Fitr”.

Basahin ang sanaysay.

2
Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:
Islam ang relihiyon ng mga Muslim. Hango sa mga salitang “pagsuko sa Diyos”
ang Islam. Itinuturing nila na sumuko sila sa kapangyarihan ng Diyos. Si Allah
ang kinikilala nilang panginoon. Ang banal na aklat ng Koran ang gabay nila sa
pamumuhay. Ginugunita nila sa Koran ang rebelasyon kay Mohammed na isang
propeta ng Islam.

Isang pagdiriwang ng mga Muslim ang Eid-ul-Fitr na isang uri ng pagpapahayag


ng pasasalamat. Ang Eid ay isang salitang Arabo na nangangahulugang
pagdiriwang samantalang ang Fitr naman ay may pakahulugang wakas ng pag-
aayuno. Kaya’t ang Eid-ul-Fitr ang tanda ng wakas ng halos isang buwang pag-
aayuno nila sa panahon ng Ramadan.

Nagsisimula ang Eid-ul-Fitr sa paggising sa mga Muslim gamit ang malalakas


na tambol. Nagbibihis sila ng magagarang kasuotan. Nagsusuot ng mahabang
belo sa mukha ang mga babaeng Muslim. Tinutungo nila ang mosque upang
doon manalangin. Habang nagdarasal ay sinasambit nila ang “Allahu Akbar” na
may kahulugang “Dakila si Allah”. Sa pagdiriwang na ito ay samasama ang mga
Muslim sa buong mundo na tunguhin ang pagkaka-isa.

Level: Grade 5
Bilang ng mga salita: 169
Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.
1. Ano ang Eid-ul-Fitr? Ang Eid-ul-Fitr ay isang uri ng pagdiriwang ng
_________________________.
a. pagsuko ng mga Muslim
b. pag-aayuno ng mga Muslim
c. pagsasalamat ng mga Muslim
d. pagkakapatiran ng mga Muslim

2. Alin sa sumusunod ang nasasaad sa seleksyon?


a. Masayang idinaraos ang Ramadan.
b. Unang nagaganap ang Eid-ul-Fitr sa Ramadan.
c. Tanda ng wakas ng pag-aayuno ang Ramadan.
d. Masayang pagdiriwang ang Eid-ul-Fitr para sa Muslim.

3
Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:
3. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng hango sa pangungusap sa
kahon?

Hango sa mga salitang “pagsuko sa Diyos” ang Islam.

a. hiniram
b. nagmula
c. nag-ugat
d. nanggaling

4. Ano ang ibig sabihin ng “tunguhin” sa sa pangungusap sa kahon?

Sa pagdiriwang na ito ay samasama ang mga Muslim sa buong


mundo na tunguhin ang pagkaka-isa

a. alamin
b. isaisip
c. puntahan
d. panalangin

4
Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:
5. Bakit kaya mahalaga ang pagdiriwang ng Eid-ul-Fitr at Ramadan para
sa mga Muslim? Mahalaga ang mga ito para sa mga Muslim dahil ito
ay __________________________.
a. ginagawa sa mosque
b. paggunita ng rebelasyon ng Koran
c. masayang pagdiriwang para sa kanila
d. kaugalian at tradisyon ng mga tagasunod ng Islam

6. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyong binasa?


Tinalakay sa seleksyon ang ______________________________.
a. kahulugan ng Islam
b. pinagmulan ng mga Muslim
c. mga paniniwala ng mga Muslim
d. pinanggalingan ng paniniwala ng Islam

7. Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang


mensahe nito?
a. Nagbigay ito ng maraming halimbawa.
b. Nakasaad dito ang sanhi at bunga ng paksa.
c. Tinalakay nito ang suliranin at solusyon sa seleksyon.
d. Malinaw ang pagkapaliwanag at paglalarawan ng paksa.

5
Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:
Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:
Ano sa tingin mo ang mahalaga sa pag-unlad ng bansa?

Pagtakda ng Layunin:
Alamin sa selesksyon ang isang mahalagang bagay sa pag-unlad ng
Pilipinas.

Babasahin ng guro ang pamagat:


Ang pamagat ng ating kuwento ay “Populasyon”.

Basahin ang seleksyon.

Ang usapin ng populasyon ay mahalaga para sa pag-unlad ng isang bansa. Ang


mabilis na paglaki ng populasyon ay kritikal sa madaling pagkaubos ng likas na
yaman. Kung ang likas na yaman ay isa sa pangunahing batayan ng pag-unlad ng
isang bansa, ang malaking populasyon ay nangangahulugang maramihang
paggamit sa likas ng yaman. Nangangahulugan ito ng mabagal na pag-unlad.
Marami ang naniniwalang ang malaking populasyon ng Piipinas ang sanhi kung
bakit karamihan sa Pilipino ay naghihirap.

Dahil sa malaking populasyon, hindi na matugunan ng pamahalaan ang


pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan. Kabilang dito
ang pagkain, tirahan, pananamit, edukasyon at kalusugan.

Marami rin ang walang hanapbuhay kung kaya’t nangingibang -bansa sila kung
saan mas malaki ang kita. Bagamat malaki ang naitutulong ng Pilipinong
nagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa kanilang dollar remittance, napakalaking
pagtitiis ang mawalay sa pamilya para lamang matugunan ang pangangailangan
nito.

Ang iba naman ay nakikisangkot sa illegal na gawain tulad ng pagnanakaw,


pagbebenta ng illegal na droga at iba pang krimen. Ang krimen na dulot ng
matinding kahirapan ay hadlang din sa pag-unlad ng ekonomiya dahil sa kawalan
ng seguridad sa lipunan. Nagiging dahilan din ito upang mabigong mahikayat ang
mga dayuhan na mamuhunan sa ating bansa.

Level: Grade 6
Bilang ng mga salita: 202
Sanggunian: Kabihasnang Pilipino
Boncan , C.P., et, al.
Vibal Publising House Inc., 2005

6
Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:
Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng bunga ng malaking
populasyon?
a. Napipilitang gumawa ng krimen ang ibang mamamayan.
b. HIndi mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya sa bansa.
c. Nangingibang- bansa ang mga Piipino para maranasan ang ibang kultura.
d. Hindi lubos na natutugunan ang kalusugan at edukasyon ng mamamayan.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI nasasaad sa seleksyon?


a. Isang bunga ng malaking populasyon ang pagtaas ng krimen sa bansa.
b. Natutugunan ng pamahalaan sa pangunahing pangangailangan ng mga
Piipino.
c. Higit na maraming likas na yaman ang nagagamit ng mas malaking
populasyon.
d. May kaugnayan ang malaking populasyon sa paghahanapbuhay ng mga
Piipino sa ibang bansa.

3. Ano ang HINDI kahulugan ng salitang nakikisangkot sa pangungusap sa


kahon?

Ang iba naman ay nakikisangkot sa illegal na gawain tulad ng


pagnanakaw, pagbebenta ng illegal na droga at iba pang krimen. a.
nakikianib
b. nakikisama
c. nakikisuri
d. nakikisapi

4. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon?

Nagiging dahilang ito upang mabigong mahikayat ang mga dayuhan na


mamuhunan sa bansa.

a. Bigo ang dayuhan sa paghihikayat sa ating bansa.


b. May dahilan na kombinsihin ang dayuhan na mamuhunan sa bansa.
c. Walang tagumpay ang pag-akit sa dayuhan na mamuhunan sa bansa.
d. Nabibigo ang dayuhan na hikayatin ang Pilipinas na maglabas ng
puhunan.
5. Alin sa sumusunod ang pangunahing ideya ng seleksyon?
a. May solusyon sa malaking populasyon.
b. Ang usapin sa populasyon ay akma sa ating bansa.

7
Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:
c. Maraming dulot na bunga ang malaking populasyon.
d. Kaugnay sa malaking populasyon ang hanapbuhay ng mamamayan.

6. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon?


a. Hatid nito ang isang balita.
b. Hangad nitong manghikayat.
c. Gusto nitong magbigay ng aral.
d. Nais nitong magbigay ng kaalaman.

7. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe


nito?
a. Binanggit ang problema sa bansa .
b. Tinalakay ang sanhi at mga bunga ng paksa.
c. Isinalaysay ang mga pangyayari sa seleksyon.
d. Nakasaad ang mga suliranin at solusyon ng paksa.

8. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?


a. Usapin sa Populasyon
b. Sanhi ng Malaking Populasyon
c. Solusyon sa Malaking Populasyon
d. Mga Bunga ng Malaking Populasyon

KEY TO CORRECTION
Gr. 4 Gr. 5 Gr. 6

Ang Eid-Ul-Fitr Populasyon


Kakaibang
Mundo
1. b 1. c 1. c
2. b 2. d 2. b
3. c 3. a 3. c
4. b 4. c 4. c
5. a 5. d 5.c

Summary of Comprehension Responses (Talaan ng Pag-unawa)

8
Itanong ang mga sumusunod.

Pagganyak:

You might also like