You are on page 1of 2

Pagsulat ng Kolum

Isa sa mga palagiang nilalaman ng pahinang editoryal sa bawat isyu ng pampaaralang


pahayagan ay ang kolum-editoryal o tudling-editoryal. Ito ay karaniwang ibinibigay sa
pinakamagaling na mga manunulat ng patnugutan na may malawak na kaalaman at may
namumukod tanging kakayahan sa paglalahad ng opinyon tungkol sa iba’t ibang kaganapan,
kontrobersya o isyu. Kaya nga, karaniwan nang matutunghayan ang larawan ng manunudling
sa kanyang akda bilang pagkilala sa kanya ng patnugutan.
Bagama’t ang kolum o tudling ay palagiang pitak ang pahinang editoryal, ito ay
nababasa rin sa ibang pahina ng pahayagan tulad ng pahinang lathalain, panitikan at
pampalakasan. Ito ay karaniwang. Ito ay karaniwang matatagpuan sa sulok ng pahina na
palagian nitong kinalalagyan sa bawat isyu.
Nagkakaiba-iba ang pagkakalahad ng mga opinyon sa isyung tinatalakay; maaaring
pormal o di-pormal, depende sa istilo ng manunudling.

Katuturan ng Kolum-editoryal
Ang kolum-editoryal ay isang pitak na naglalaman ng kuru-kuro, ideya, opinyon at
paninindigan ng manunudling o kolumnista tungkol sa isa o higit pang paksa. Ito ay sariling
opinyon lamang ng may-akda at hindi ng buong patnugutan.

Mga Layunin ng Kolum- editoryal


1. Ipabatid sa mambabasa ang mahahalagang bagay sa likod ng isang pangyayari.
2. Tumulong upang makabuo ng pampublikong opinyon sa pamamagitan ng makatwiran,
nakapagpapatawa o maemosyong komento.
3. Magbigay ng kahulugan at puna tungkol sa isyu.
4. Paigsiin ang pangunahing balita sa malinaw, lohika at mabisang mga pangungusap o talata
upang bigyang-diin ang pinakamalaman nito.
5. Magbigay ng mga storyang nakaligtaan o sanligan sa mga pangunahing balita sa pamukhang
pahina ng pamahayagan.
6. Magsilbing tagahusga.

Mga katanigan ng kolum-editoryal


1. Tumatalakay sa napapanahong paksa o isyu. Maaari ring hindi pang-editoryal ang paksa,
ngunit ginagawang kawili-wili sa pamamagitan ng sariwang katalasan ng kolumnista o
manunudling.
2. May batayang balita.
3. Nasusulat sa sariling istilo ng kolumnista.
4. Maaaring iisang paksa lamang ang tinatalakay o maaari ring higit pa sa isang paksa na
walang kaugnayan sa isa’t isa.
5. Maaaring pormal o di-pormal ang estilo ng pagkakalahad.
6. Maaring ang paglalahad ay patula o pasalaysay.

Mga Katangian ng Isang Mabisang Manunudling


1. Palabasa
2. Malawak ang kaalaman sa iba’t ibang paksa o isyu
3. Matalas ang pang- unawa sa kahalagahan ng pangyayari
4. May sapat na kaalaman sa pinapaksang tudling
5. Mahusay ang diplomasya
6. Malawak ang talasalitaan
7. Makatarungan sa pagpapasya
8. May sariling istilo sa pagsulat at may orihinalidad.

Mga anyo ng Kolum-editoryal


1. Maramihang paksa. Naglalaman ito ng maraming paksa o isyu na nilalagyan ng mga
personal na opinyon ng manunudling.
2. Pag-analisa sa balita. Ito ay isang mapagpakahulugang sanaysay batay sa kasalukuyang
nga pangyayari. Ang ganitong anyo ng kolum ay kailangang timbang at walang kinikilangan.
3. Mapamunang pagsusuri. Ito ay nagsisiskap sumuri ng kalidad ng isang aklat, dula, pinta,
pangmusikang bilang, pelikula at iba pang anyo ng sining.
4. Kolum ng mambabasa. Dito inilalagay ang mga padalang sulat ng komentaryong tungkol sa
mga isyu mula sa mga mambabasa. Karaniwang tinatawag itong “Liham para sa Patnugot”.

You might also like