You are on page 1of 3

Asignatura Homeroom Guidance Baitang Apat

W2 Markahan Ikatlo Petsa ____________________________


I. PAMAGAT NG ARALIN Pangangalaga sa Sariling Kalusugan at Kaligtasan
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Practice personal care and safety lessons in times of needs.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO HGIPS-IIIb-4
(MELCs) Naisasagawa ang pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan sa
oras ng pangangailangan.
III. PANGUNAHING NILALAMAN Pagsasagawa ng wastong pangangalaga sa sariling kalusugan at
kaligtasan
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 5 minuto)
Natutunan mo sa nakaraang aralin ang wastong pangangalaga upang maprotektahan ang personal at
pribadong impormasyon sa social media. Subalit hindi lamang ang mga bagay na may kinalaman sa pakikisalamuha at
pakikipagtalastasan ang dapat nating bigyang pansin, dapat din nating pangalagaan an gating sariling kalusugan lalo
ngayong panahon ng health crisis.

Sa araling ito, masusubok ang iyong kakayahang maisagawa ang wastong pangangalaga sa sariling kalusugan
at kaligtasan sa oras ng pangangailangan.
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)
May kasabihan tayo na “ang kalusugan ay kayamanan”. Kaya naman mahalaga na pangalagaan ang sarili sa
pamamagitan ng pagkain nang tama at sapat, pag-eehersisyo, paglilinis ng katawan at pagsunod sa mga alituntunin upang
makaiwas sa sakit tulad ng COVID-19. Mahalaga rin na maging handa ka sa anumang sakuna o kalamidad upang
mapanatiling ligtas ang iyong sarili sa oras ng pangangailangan.

Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng isang bagong virus. Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, pag-ubo,
namamagang lalamunan at hirap sa paghinga. Ang virus ay maaaring kumalat mula sa isang tao patungo sa ibang tao,
ngunit ang tamang pag-aalaga sa sarili at kalinisan ay makatutulong upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Suriin ang bawat larawan. Magbigay ng angkop na paraan kung paano nakatutulong ang
mga bagay na ito upang mapangalagaan ang sariling kalusugan at kaligtasan.

1. 2.

_________________________________________________ _____________________________________________

3 4.

_________________________________________________ _____________________________________________

5.
_________________________________________________
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Iguhit ang bituin kung ang pahayag ay nagsasaad ng wastong pangangalaga ng

sariling kalusugan at kaligtasan at buwan nman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel,
_____________1. Pagsusuot ng facemask at face shield sa tuwing lalabas ng tahanan o pupunta sa mataong lugar.
_____________2. Panonood at pakikinig ng balita sa telebisyon at radyo upang maging handa sa pagdating ng bagyo.
_____________3. Kapag nakaranas ng lindol, ay isa walang bahala ito at ituloy lamang ang panonood ng cartoons sa
telebisyon.
_____________4. Kumain ng gulay, prutas at iba pang masustansyang pagkain upang lumakas ang pangangatawan.
_____________5. Ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng mga hakbang upang mapangalagaan ang sariling
kalusugan at kaligtasan sa oras ng pangangailangan.

A. Mga dapat ihanda kapag may parating na bagyo B. Hakbang upang maiwasan ang
pagkalat ng sakit na COVID-19

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 5 minuto)


Matapos mong sagutan ang mga gawain, natutunan mo ang mga paraan kung paano maisagawa ang wastong
pangangalaga sa sariling kalusugan. Ito ay pagkain nang tama, pag-eehersisyo, paglilinis ng katawan at pagsunod sa
alituntunin upang makaiwas sa sakit. Natutunan mo rin, na maging handa sa anumang sakuna o kalamidad upang
mapanatiling ligtas ang ating mga sarili sa oras ng pangangailangan.

Magtala ng mga paraan ng pangangalaga sa kalusugan at pagpapanatili ng kaligtasan na iyong ginagawa upang
maiwasan ang anumang sakit o sakuna. Lagyan ng tsek (/) ang talaarawan upang maipakita kung gaano mo ito kadalas
ginagawa.
GAWAIN LINGGO LUNES MARTES MIYERKULES HUWEBES BIYERNES SABADO
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)
Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
- Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2
Bilang 3

VII. SANGGUNIAN
Homeroom Guidance MELCs
“Vitamin Drawing at GetDrawings: Free Download.” at GetDrawings | Free download.
Accessed May 18, 2021. http://getdrawings.com/vitamin-drawing.
MidoSemsem. “Green Bar of Soap.” Green Bar Soap Stock Photo (Edit Now) 106301033.
Accessed May 18, 2021.
https://www.shutterstock.com/image-photo/green-bar-soap-106301033.
“Hand Sanitizer Drawing Html Stock Illustrations – 546 Hand Sanitizer Drawing Html Stock
Illustrations, Vectors & Clipart.” Dreamstime. Accessed May 18, 2021.
https://www.dreamstime.com/illustration/hand-sanitizer-drawing.html.
Vincent, Brandi. “Health Agencies Seek Face Mask Designs of the Future.” Nextgov.com.
Nextgov, April 14, 2021.
https://www.nextgov.com/emerging-tech/2021/03/health-agencies-seek-face-mask-designs-
future/172828/.
“Transparent Vegetable Png - Fruits And Vegetables Drawing, Png Download , Transparent Png
Image - PNGitem.” PNGitem.com. Accessed May 18, 2021.
https://www.pngitem.com/middle/TTxoJb_transparent-vegetable-png-fruits-and-vegetables-
drawing-png/.

Inihanda ni: Sinuri nina: ROWENA M. FAYLON


MARILYN P. MONTALBO
MARIA ELENA J. OPANO
JOYCE N. RABOR

CAROLYN I. CHAVEZ
MA. LETICIA JOSE C. BASILAN
PHILIPS T. MONTEROLA

You might also like