You are on page 1of 1

Dausin, Nathaniel Ivan T.

BEED – 2B

Makabagong Bayani

Mga bagong bayani ng ating bayan


Malasakit ang tunay na kasangkapan
Sariling buhay alay para sa bayan
Itataya ang sariling kaligtasan

Patuloy na lumalaban sa pandemya


Kahit malayo sa sariling pamilya
Nagbibigay ng kalakasan at saya
Upang magwakas ito ating pandemya

Kayong tuloy sa pagliligtas ng buhay


Ng hindi madagdagan ang mga bangkay
Na Covid and dahilan ng pagkamatay
Patuloy na masagip kanilang buhay

Aming pasasalamat sa inyong lahat


Na tuloy ang bigay ng serbisyong tapat
Hindi mapapantayan at masusukat
Ang inyong sakripisyo para sa lahat

You might also like