You are on page 1of 2

Pagpupuri I Darakilang krus sa gitna ng parang Nabilad sa init, nalantad sa ulan Ikaw yaong kahoy na nagbigay buhay Sa isang

babaeng lubhang matimtiman. II Ang babaeng itong martir na sa hirap Noong isang gabiy siyang nakamalas Maningning na ilaw sa iyo nagbuhat Tuloy tinunton na ang gintong liwanag. III Siya ay tumawag at tuloy lumuhod Humingi ng tubig sa iyong alindog Sa pagkahabag moy pinagbigyang loob Pinuno ang banga hanggang sa umagos. IV At buhat nooy ikay napabansag Mahimalang krus sa sangmaliwanag Ang aw among taglay siyang hinahanap Nitong mga taong nasa dusat hirap. V Iyong iniligtas ang bayan ng bawang Sa bangis ng moron na hindi binyagan Diwa mong may bagsik siyang nagsanggalang Sa mga sakunang sa amiy nadalaw. VI Tanging ikaw lamang an gaming pag-asa Na makapagdudulot ng mga ginhawa Sa pagsinta naming ay di magbabawa Hanggang sa malagot ang tangang hininga. VII Ikaw ang kanlungan sa bagyo ng Sakit Ikaw ang silungan sa init ng hapis Sa maalong dagat at mga panganib Timbulan kang tunay na walang kaparis. VIII Kung hindi sa iyo awa mo at habag.

Sa matinding salot kamiy di naligtas Papaanoy ikaw nga an gaming tinawag Pintakasing patrong dakila sa lahat. Luluhod (pagkaluhod) I Oh, masintahing krus maawaing Poon Tinatawagan ka ng buong hinahon Sa bangin ng salay huwag ihahantong Itong puso naming ballot ng linggatong. II Kaawaan kami at iyong kupkupin. Ang mabuting gaway ituro sa amin Ang linis at buhay at mga damdamin Ipagkaloob mo magpa hanggang libing. III Bilang huling bati sa iyong kariktan Bilang isang samo ng aming barangay Kalingain kamit ingatan mong tunay Nang sa mundong ito kami ay mabuhay.

You might also like