You are on page 1of 6

Villaroza, Mariemar S.

BEED 3A

Gawain 1. Isang malayang tula (pero ang aking ginawa ay may tugma sir)

“Pag-ibig”

Ang pagtagpuin ang landas at mata.

Kahit pilitin mong wag humanga,

Pag puso’y pinana

Hindi mo na mapipigilan pa.

Kahit ilang buwan at taon ang lumipas pa

Hindi mapupukaw ang pag-hangang nadarama

Puso’y mabilis ang pagtibok umaagos ang tuwa

Mga labing pininturahan ng saya.

Habang humahakbang papalapit puso’y may musika

Hindi mo mapaliwanag ang ligayang nadarama

Pana ng pag-ibig di na napigilan pa

Sa bawat pagpikit mukha ang nakikita.

Ang pag-ibig kahit nasaan ka

Pag pana ni cupido ay natamaan ka Hindi kana makakawala pa

May sakit na kaakibat, ang tunay na pag-ibig hindi puro saya

May luhang kaakibat dahil nagmamahal ka.

Pag-ibig…
2. Isang may sukat at tugma

“Dekalidad na Edukasyon Laban sa Pandemya”

Edukasyon susi tungo sa tagumpay

Sa isang bayang matatag at matibay

Sistema nabago, binago ,pinanday

Hinamon ng isang pandemya ang buhay.

Isang unos na siyang sumubok sa tibay

Madaming nagbahala, di mapalagay

Sa kabila ng panawagan patuloy,

Edukasyon sinulong, kulay ng buhay

Pagsubok sa buhay ay naghihinatay

Sa online learning estudyanteng sunog kilay

Para pagdating ng araw buhay may kulay

At makamit ang matamis na tagumpay.

Dekalidad na edukasyon nabigay

Serbisyong sapat edukasyon binuhay

Dilim na nakita sinulong ang kulay

Liwanag sa bawat isa ang binigay


Gurong, nagbigay liwanag at bumuhay

Dekalidad na edukasyon tinuloy.

Pundasyon ng edukasyon ay matibay

Para sa edukasyon buhay ialay.

Kaalamang taglay kailangan ay tunay

Taglay ang araling mahalagang tunay

Tinurong ganap ng gurong mahusay

Na magiging tulay sa ating tagumpay

Mga magulang na umalalay ,gumabay

Igalang at sila’y wag bigyan ng lumbay

Magulang na ilaw at daan ,gumabay

Edukasyon lang na sapat maibigay.

Kahit mahirap haharapin ng tunay

Edukasyong dekalidad at tagumpay

Pandemyang sumubok sa tibay ng buhay

Edukasyon susi ng magiging buhay.


Gawain 2:pagsusuri sa akda ni Alejandro Abadilla “ Ako ang Daigdihg”

i. Unang bahagi
a. Pamagat
 Ako Ang daigdig
b. Ang may Akda
 Alejandro Abadilla
c. Kahulugan ng pamagat
 Pagiging malaya
d. Kulturang Pilipino
 Ipaglaban any karapatan
e. Kalagayang sosyal at kultural
f. Pilosopiyang Piliino
 Nagpapahiwatig na ang mga Pilipino ay ipaglaban ang kalayaan.

g. Paglalapat ng teoryang pampanitikan

 Historical ipinakita kasi ng may akda ang isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang
kasanayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

h. Kaisipan
1. Bisa sa isip- mabisa ito sa isip dahil tinutulungan kang alamain kung ano ang ibig
sabihin ng tula.
2. Bisa Sa damdamin- mabisa sa damdamin lalo na kapag yung pagbasa mo ay gaya ng
pagsulat ng may akda na may damdamin.
3. Bisa sa kaasalan- dahil paulit ulit ang mga salita

i. Pangkalahatang repleksyon
 Ang tula ay sinasabing wag kang susuko lumaban ka lang ipaglaban mo ang iyong
sarili upang tagumapy iyong makakamit.

ii. Pangalawang Bahagi


a. Sukat
1. Pantig
 Magkakaiba nag mga pantig ng bawat taludturan ng tula.
2. Sesura
 Nag papahayag ang tula ngisang saloobin na kalayaan na maging Malaya.

b. Tugma
1. Ganap
2. Di-ganap
c. Mga simbolismong nagamit
 Ako
Ginamit ito para iparating satin na gusto niya ng pagababago.
 Daigdig
Ginamit niya ito upang baguhin natin ang mundo matuto tayong lumaban para sa
ating karapatan.

You might also like