You are on page 1of 6

PAGSASANAY SA FILIPINO

PAGSUSURING KONTEKSTO
Panuto. Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga katanungan at bilugan ang titik ng wastong sagot.

Kape’t Asukal
ni G. Abayon

Sa pagmulat ng aking mata, nasilayan ko ang kariktan ng bukangliwayway.. Dulot nito’y kapayapaan ng puso.
Nagtimpla ako ng kape.. sa aking imahinasyon biglang sumagi.. “Ang buhay natin parang kape kadalasan puno ng
pait ngunit hindi naman siguro puro pagsubok, kaya nga may asukal na pambalanse ng lasa.. Pinapatamis ang
kapaitang nalalasahan. Sa aking paghigop, napaso ako “aray !tsk” hindi pala dapat padalus-dalos sa buhay,
kailangan ng ibayong ingat. At nang aking malasahan, nanuot sa aking lalamunan ang masarap na lasa ng kape.
Dito ko napagtanto na nasa tao ang kontrol kung paano titimplahin ang buhay. Iba-ibang lasa gaano man daw
kasarap ang pagkakatimpla nito habang tumatagal ito’y sasarap o tatabang kung hahayaan.

1. Ang akda ay halimbawa ng talatang a) nagpapaliwanag b) naglalarawan c) nagngangatwiran d)


nanghihikayat
2. Mahihinuha na ang nagsasalita ay puno ng a) imahinasyon b) inspirasyon c) karunungan d) pag-asa
3. Ang mga simbolong ginamit sa teksto ay maihahalintulad sa kaisipang “Ang buhay ay gaya ng ______. “
a) gulong b) kandila c) kalsada d) sasakyan
4. Upang maiwasan ang pagkapaso sa buhay kailangan ng a) kalakasan b) ingat c) gabay d) tapang
5. Ang mensahe ng teksto ay a) gawing balanse ang buhay b) makuntento sa biyayang dumarating
c) nasa tao ang ikagaganda ng kanyang kapalaran d) ang pagsubok ay may kakambal na tagumpay

Salamin
ni G. Abayon
Ako ang buhay. Bawat kilos ko’y larawan ng aking sarili.. Salamin ng aking mga magulang. Kung paano nila ako
pinalaki, inalagaan at tinuruan ay bunga ng kanilang pagpapahalaga sa buhay. Nadama ko ang kanilang
pagmamahal, nasubok ko ang kanilang pang-unawa at namulat ako sa kahalagahan ng pagtitiwala at pananalig.
Kung mayroon mang kakulangan iyon ay mapupunan at palalakasin pa ng mga karanasang darating pa sa buhay
ko. Napakapalad ko.. Ang bawat pintig ng aking puso’y nagbabadya na ako-TAO ay buhay sa tunay na kahulugan
ng buhay.

6. Ang teksto ay mayaman sa a) larawang-diwa b) imahinasyon c) kaalaman d) aral ng buhay


7. Ito ay halimbawa ng talatang a) nagsasalaysay b) naglalarawan c) naglalahad d) nangangatwiran
8. Ang tono ng pananalita ng nagsasalita ay naglalayong a) manghikayat b) mangaral c) magsalaysay d)
mangatwiran
9. Ang tinutukoy na kanila sa ikalimang pangungusap ay a) kapwa b) Diyos c) magulang d) sarili
10. Ang huling pangungusap ay nagpapahiwatig ng pagpapahalaga sa a) buhay b) pamilya c) puso d) tao

Matayog na Lipad ni Mr. GG

1.) Hindi ko alam kung paano ako napagbago ng paaralang ito, basta’t ang alam ko isa akong
guro na masayang naglilingkod. 2.) Isa yan sa tatak ng mga Paconian…. ang pagkakaroon ng “Dakilang
tungkulin”. 3.) Hindi lang diyan batikan ang paaralan bagkus patuloy itong nagbabahagi ng kalidad at
spiritwal na edukasyon.
4.) Taglay din nito ang disiplina, kapayakan pagkakapantay-pantay at pananalig sa Maykapal… yan ang
mga katangiang mas nagpapatingkad sa sawikaing “Noblesse Oblige”. 5.) Bagama’t maraming pagsubok
ang pinagdadaanan patuloy pa ring kapit-kamay ang lahat sa pagkamit ng adhikain .6.) Gaano pa man
kalayo ang lalakbayin tuloy pa rin ang pakikipagsapalaran . 7.) Gaya ng ibong malayang nilalandas ang
malawak na alapaap. Lilipad tungo sa pag-asa ng bukas.
11. Ang talata ay mauuri sa talatang a) naglalarawan b) naglalahad c) nangangatwiran d)
nagsasalaysay
12. Anong salita sa ikatlong pangungusap ang kasingkahulugan ng “bantog”? a) bagkus b)
dakila c) batikan d) kalidad
13. Alin sa mga pangungusap ang nagpapatunay na ang PCS ay maipagmamalaki? A) Unang
pangungusap b) Ikalawang pangungusap c) Ikatlong pangungusap d) Ikaapat na
pangungusap
14. Bukod sa pagkakaroon ng “Dakilang tungkulin “ ng mga mag-aaral, ano pang aspeto nakikilala
ang paaralang PCS? a) pagkakaroon ng Genyo E-learning b) pagkakaroon ng “Air-
conditioned” c) mga pasilidad na kaaya-aya d) pagbabahagi ng kalidad at spiritwal na
edukasyon
15. Mahihinuha sa ikalimang pangungusap na ang PCS ay may katangiang a) masayahing
institusyon b) matatag sa anumang hilahil c) nagkakaisa sa isang layunin d) may maayos
na komunidad
16. Ayon sa huling pangungusap , ditto inihalintulad ang tagumpay na natatamasa ng paaralan a)
kalapati b) ibon c) uwak d) isda

1) Isang araw pagkatapos ay dumating si Tenoriong Talisain. Gusot-gusot na ang


balahibo ng katyaw. Pilay pa ang isang paa, pasang-psa ang buong katawa at hindi halos
makagulapay. 2) “Bakit?Ano ang nangyari?” ang tanungan ng mga kalahing manok. 3) “Iyan
pala ay maluwat nang nakaakinisan ng mga katyaw na leghorn,” ang wika ni Toniong Tandang.
“Kangina’y nakita ko na lamang na pinagtutulungan ng apat na katyaw na leghorn” 4) “Bakit
hindi mo pinabayaang mapatay? Ang wika ng mga kalahing manok “Tayo rin lamang ay
ikinahihiya at itinatakwil pa..” 5) “Talaga nga sanang ibig kong pabayaan” ang wika ni
Toniong Tandang. Ngunit hindi rin ako nakatiis. At talaga namang kung hindi ako sumaklolo’y
nasirang Tenoriong Talisain na siya ngayon. 6) “Nakita mo na, Tenoriong Talisain!” ang wika
ni Aling Martang Manok. “Iyang kalahi, kahit masamain mo’y talagang hindi makatitiis

17. Ang unang pangungusap ay ginamitan ng istilong a) paglalarawan b) pagsasalaysay c)


pagpapaliwanag d) pangangatwiran
18. Ang nakasalungguhit sa ikalawang pangungusap ay nagpapakita ng damdaming a) pagkagulat
b) pagtataka c) pagkainis d) pagkabahala
19. Ang salitang “katyaw” ay nangangahulugan ng a) inahin b) tandang c) sisiw d) pato
20. Bakit maraming nagagalit na kalahi kay Tenoriong Talisain? a) dahil sa kayabangan b)
dahil sa kagaspangan ng ugali c) dahil hindi ito marunong makisama d) dahil hindi siya
tapat
21. Sa ikalimang talata, ang mga pahayag na binitawan ni Toniong Tandang ay nagpapakita ng a)
pagkagitla b) panghihinayang c) pagkaawa d) pagkatakot
22. Ang magandang kaisipang makukuha sa akda ay a) gaano man itakwil ang isang tao,
nananalaytay pa rin ang dugo b) anumang sama ng tao, kapag kadugo hi ndi rin matitiis c)
may mga taong sala sa init , sala sa lamig d) huwag tayong tumingin sa panlabas bagkus
alamin natin ang kalooban

PANUTO. Salungguhitan ang tamang sagot


Ngunit ako ay hindi natatakot Luha ko’y naubos na,
Loob ko’y tatatagan at magtitiis panahon na upang ako ay
bumangon sa putik na malagkit
Ang pangyayaring ito ay parte ng buhay Tila kay sarap ng sikat ng
araw
Kahit ako’y nakakulong, pag-asa pa rin sa akin ay nabubuhay na dinadaluyan ng tagumpay

23. Ang tula ay nasa anyong ( may sukat may tugma, walang sukat walang tugma, malayang
taludturan)
24. Ang tema ng tula ay ( pag-ibig sa bayan, pag-ibig sa kapwa, pag-ibig sa kalikasan, pag-ibig
sa pamilya)
25. Ang una at ikalawang taludtod ay nagpapakilala na ang tao ay
(mapagmalaki, matibay ang prinsipyo, hindi sumusuko)
26. Bakit tinaguriang “ISANG DIPANG LANGIT” ang pamagat ng tula? ( may kalutasan lahat ng
pagsubok, may liwanag na naghihintay sa mga taong nagsisi sa kanilang kasalanan, huwag
husgahan ang mga preso)
27. Ang PAG DIPA ay sumisibolo na ang tao’y matutong ( humingi ng patawad sa pagkakamali,
hamakin lahat ng tao, akuin ang kasalanan ng iba)
28. Sa pahayag na “ang Diyos ay hindi natutulog “, ito’y nahahawig sa salawikaing ( madaling
maging tao mahirap magpakatao, Nasa Diyos ang awa Nasa tao ang gawa, Ang buhay ay
puno ng talinghaga)
29. Ang nakasalungguhit sa ikalawang saknong ay nagpapatunay na ( lahat ng tao ay may
pagsubok, marupok ang tao, walang pagsubok sa lupa na hindi dinilig ng luha)
30. Ang nakasalungguhit sa dulo ng tula ay nagpapahiwatig na siya’y (nakalaya na sa kulungan,
nakalaya na sa kasalanang pinagsisihan, nakatapos na ng pag-aaral)
31. Upang hindi danasin na mabilanggo, dapat na mayroong ( tiwala sa sarili, kayamanan,
disiplina ) ang tao.
32. Ang tema ng tula ay ( patas na hustisya sa lahat , pagpapahalaga sa yaman, pagkakaroon ng
paninindigan)

PAGSASANAY SA FILIPINO bilang 8

Isulat ang A- dapat at B-kung hindi dapat ang mga ss. na sitwasyon sa loob ng simbahan
1. Papasok ng simbahan na tumitingin sa kasuotan ng ibang tao _____________
2. Kumakain at gumagamit ng cellphone habang nagmimisa _____________
3. Nananalangin sa pamamagitan ng isip at puso. _____________
4. Hindi tinatapos ang misa sa halip ay nagtutungo sa Mall. _____________
5. Tahimik na nakikinig sa homiliya ng pari. _____________

Paglinang ng Talasalitaan
6. Ang lumbay ay hindi kayang pawiin ng anumang ngiti. _____ a) alaala
7. Isang tinik sa dibdib ang mga sinabi mo sa akin. ____ b) mayaman
8. Puno ng masayang gunita ang ating pagsasamahan. _____ c) lungkot
9. Walang perpekto sa mundo, dahil lahat tayo’y may kapintasan. ____ d) pasakit
10. Hindi porke nahihiga ka sa banig ng pera ay magyayabang ka na. ____ e) kahinaan
Pagtukoy sa Simbolismo

11. Habang ang kandila ng sariling buhay. Magdamag na tanod sa aking libingan 1. ________
12. Kung tatanawin mo sa malayong pook, ako’t tila isang nakadipang kurus.” 2._________
13. Ang mga Ibon ay hindi na dumadapo sa aking puno. 3. ________
14. Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal. 4. ________
15. Ang mga Dahon ko’y magagamit sa pagharap sa mga pagsubok 5. ________
a) Pagsisisi b) Mga Kaibigan c) Pamilya d) Sakripisyo e) Kalakasan
Pagtukoy sa mga Pahiwatig
16. At iyong isipin nang nagdaang araw. Isang kahoy akong malago’t malabay 1. ________
17. Sa napakatagal na pagkakaluhod. Parang hinahagkan ang paa ng Diyos 2. ________
18. Ang mga kampana sa tuwing orasyon. Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy 3. ________
19. Ngunit tingnan ninyo ang aking narating. Natuyo, namatay sa sariling aliw.” 4. ________

a) Ang isang tao kapag nagkamali ay humihingi ng kapatawaran sa Diyos


b) Napapaluha ang isang tao sakaling maalala ang mga sinayang na pagkakataon at oras
c) Huli na ang lahat bago niya napagtanto ang kanyang mga pagkakamali
d) Noo’y malakas pa ang isang tao at nagtatamasa ng kasaganaan.

PAGSASANAY SA FILIPINO bilang 9

MATWID NA PANGANGATWIRAN.
Panuto. Basahin at unawain ang mga pangungusap. Bilugan ang pinakawastong pangangatwiran para sa mga
sumusunod na sitwasyon. ( 6pts)
1. Nararapat lamang na tumanggi si Don Diego sa planong pagtataksil ni Don Pedro kay Don Juan dahil ____
a) kapatid niya ito b) masama ang manakit ng tao
c) hindi mabuti ang hangarin sa tao d) hindi mapagtatakpan ng isa pang pagkakamali ang
pagkakamali

2. Nararapat lamang na tumawag sa Diyos lalo na sa panahon ng kasawian sapagkat ______.


a) dito matatamo ang kaliwanagan ng isipan b) ito ang magtuturo ng tamang pagpapasya
c) nagbibigay ito ng kapayapaan ng puso d) Siya ang ating tagapagligtas
3. Nararapat lamang na hindi matakot sa anumang pagsubok sapagkat _____
a) ang takot ay nasa isipan lamang b) dito tayo magiging matatag at matututo
c) anumang pagsubok ay mapagtatagumpayan d) lahat ay dumaraan sa pagsubok

4. Tama lamang ang pasya ni Haring Fernando na pagbigyan si Leonora sa kanyang panata dahil _____
a) ito’y gawaing dakila at makabuluhan b) dapat igalang ang karapatan ng mga babae
c) ito’y nagpapakita ng pagkakapantay-pantay d) dapat tugunan ng respeto ang gawaing
pagpapakabanal

5. Nararapat lamang na maghigpit ang magulang sa kanilang mga anak pagdating sa pag-ibig dahil ____
a) wala pa sila sa hustong gulang b) salat pa sila sa mga karunungan
c) kailangan nila ng gabay sa paglaki d) dapat nilang matutunan ang tama sa mali
6. Tama lamang na pagbigyan ang isang tao sa unang pagkakamali dahil _______.
a) bahagi ito ng pagkatuto b) lahat ay may pangalawang pagkakataon
c) sila’y kulang pa sa karanasan sa buhay d) maitutuwid na ito sa susunod na pagkakataon
7. Huwagtayongmagtatanimngsamangloobsaatingmgamagulangsapagkat. _____________.
a) anumanangsama at bait nila ay magulangmo pa rinsila b)
nakasasakittayongkanilangdamdamin c) nakadaragdagtayosakanilangmgapasakitsabuhay.
8. Angpag-ibig ay parasalahat at hindipinipilidahil _____________.
a) kahitsino ay pwedengumibig at kusaitonglumalabas b)
batayannatinangpanlabasnakatangianngtaoc) tulayitosamakinisnarelasyon at pagkakaisangbawattao.
9. Angbisyo ay hindidapattularanngmgakabataansapagkat ____________.
a) balakiditosamgapagtupadngmgapangarap b) ditonagsisimulangpagkakawatak-
watakngpamilyac) itoangtulaysapagkatutongmgamalinggawain
10. Mahalagangmahalinnatinangmahalsabuhayhabangnandiyan pa siladahil _________.
a) Silaangnagpalakisaatinsamundongito. b) hindisalahatngpagkakataon ay kasamanatinsila
c) magsisisitayosahulikapag di natinnaipadamaangkabuluhannilasabuhaynatin

TALATANG NAGLALARAWAN
Panuto. Isaayos ang wastong pagkakasunud-sunod ng kaisipan ng talata. Isulat ang bilang 1-6 sa
patlang.

11.___ Ang buhay ay kawangis sa makulimlim at maunos na panahon kung batbat ng pagsubok
12. ___ Dito’y makikita ang bahaghari ang makulay na tulay tungo sa pag-asa.
13. ___ Kaya’t walang dahilan upang maging mapusok kung nahaharap sa kawalang pag-asa
14. ___ Kung ito nama’y payapa , ito’y tulad ng makulay na bahaghari na pagkatapos ng sama ng
panahon ay nagbibigay kagandahan sa alapaap
15. ___ Nararapat isipin na ang kawalang pag-asa, mga pasanin at kabiguan ay mga patak ng ulang mag-
iiwan ng hamog na siyang sisimulan ng makulay na bahaghari.
Pagtukoy sa Simbolismo
16. ___ Kung unti-unti nang tumitimo sa puso ang pagsuko sa kabiguan ay tumingala sa langit.
17. Pag-akyat gamit ang hagdan_______ a) ang tagumpay
18. Paggamit ng Elevator. _______ b) ang kabiguan o pagkakamali
19. Tatsulok na daigdig. ______ c) sakripisyo upang magtagumpay
20. Tuktok ng Bundok. _______ d) hindi pinaghihirapan
21. Pagkahulog sa Bundok. ________ e) ingatan ang tagumpay

Paglinang ng Talasalitaan
22. Si ina ang nag-iwi _______ a) matinding kalungkutan
23. Huwag ka nang malumbay _________ b) ipinahayag
24. Kaiga-igaya _______ c) wagas
25. Isiniwalat ________ d) pagkalinga sa bata
26. Dalisay na ngiti ________ e) nakakapukaw ng interes

B. Tukuyin ang pinakamalapit na pagpapakahulugan sa mga pahayag


27. “Ang hiling ko lamang, bago paliparin. Ang Guryon mong ito ay pakatimbangin;” 1.
_________
28. “Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak, At baka lagutin ng hanging malakas.” 2.
_________
29. “Makipaglaban ka, subalit tandaan Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal”
3._________
30. “Dagiti’t dumagit saan man sumuot..O paliparin mo’t ihalik sa Diyos” 4.
_________
31. “Kung saka-sakaling di na mapabalik. Maawaing kamay nawa ang magkamit! “ 5.
_________
a) Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa
b) Maging alerto , maingat at balanse sa pagpapalipad ng iyong buhay
c) Sakaling masaliwa sa buhay ,mga tunay at mabuting kaibigan ang tutulong sa iyo.
d) Lakas ng loob at Pananalig ang susi sa pagtahak sa mga tinik at hilahil ng buhay
e) Lumaban nang patas at maayos kung saan di ka nakatatapak ng ibang tao.

Talasalitaan. Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin. a) Mawawala


32. May biyayang darating sa mga taong busilak ang loob. _______ b) Tinatahak
33. Ang daang binabagtas niya ay matinik at mapanganib . _______ c) Nag-
34. Huwag kang mahumaling sa kagandahang nakikita ng mata. ______ aalangan
35. Ang hari’y nag-alapaap na payagan si Don Juan sa paglalakbay. ______ d) Grasya
36. Hindi magmamaliw ang pag-ibig na galing sa kaibuturan ng puso. _______ e) maakit

You might also like