You are on page 1of 4

MARIA CLARA LOBREGAT NATIONAL HIGH SCHOOL

Tickwas, Dumalinao, Zamboanga del Sur


mclnhs@yahoo.com
Ikalawang Markahang Pagsusulit
Filipino 9
Pangalan:________________________________________________Taon at Seksyon:_________________

KABUUANG PANUTO:
1. Isulat sa espasyo bago ang bilang ang inyong mga sagot.
2. Basahing mabuti ang bawat aytem.
3. Piliin ang titik ng tamang sagot.
4. Sumulat ng malinis at malinaw. Iwasan ang magbura.

___1. Ilang pantig binubuo ang isang haiku?


a. 31 b. 12 c. 17 d. 15
___2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa tanka?
a. Binubuo ito ng 17 na pantig. c. Kalikasan ang madalas na tema ng tula.
b. Ito ay may tatlong taludturan. d. Pagbabago at pag-ibig ang karaniwang paksa.
Araw na mulat
Sa mat gintong palayan
Ngayong taglagas
Di ko alam kung kelan
Puso ay titigil na
___3. Ano ang pag-ibig na ipinahiwatig ng may salungguhit na pahayag sa itaas?
a. May sakit sa puso ang taong nagmamahal.
b. Ihihinto na niya ang pagmamahal sa tao.
c. Dinibdib niya ang sakit na ibinibigay ng kaniyang minamahal.
d. Naghihintay siyang masuklian ang kanyang pag-ibig.
___4. Dama niya ang saya ng kapatid nang manalo ito sa isang paligsahan. Ano ang ibig sabihin ng salitang
nakadiin?
a. damit na isinuot ng babae c. siyang pakay
b. kaligayahan d. hangarin o ninanais
___5. Kapitan Pablo ang tatay ko. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
a. Ipinakilala niya kay Kapitan ang tatay niyang si Pablo.
b. Sina Kapitan at Pablo ay ipinakilala niya sa kanyang tatay.
c. Ang tatay niya ay ipinakilala kay Kapitan Pablo.
d. Ang pangalan ng tatay niya ay Kapitan Pablo.
___6. Anong uri ng tula kung may hati ng pantig na 5-7-5-7-7
a. Haiku b. Tanaga c. Tanka d. Karaniwang Tula
___7. Anong ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig na
maaring makapasigla, makapagbigay –kahulugan at makapagpahayag ng iba’t-ibang damdamin?
a. Tono b. Diin c. Hinto d. Antala
___8. Ito ay tumutukoy sa lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig ng salita.
Ang ponemang suprasegmental na ito ay ____?
a. Tono b. Diin c. Hinto d. Antala
___9. Alin sa mga sumusunod na katangian ang pagkakatulad ng tanka at haiku?
a. May parehong bilang ng pantig bawat linya c. Kapuwa kalikasan ang paksa ng tula
b. Binubuo ng 5 taludturan d. Nagpapahayag ng masidhing damdamin
___10. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga tula particular ang tanka?
a. Manyoshu b. Kana c. Kiru d. Kireji
___11. “Inay, huwag mo akong iwan!”, any palahaw ng anak na palaka. Ano any mahihinuhang
damdamin mula sa pahayag ng anak na palaka?
a. Masaya b. Malungkot c. Nagdadalamhati d. nanghihinayang
___12. “Huwag kang lalayo sa may kanto, narinig ko sa usapan kanina na may parating na ahas,” sabi ng
inang palaka. Masasabi nating an gina ay ____________.
a. Pinaalalahanan ang anak dahil mahal ito. c. Natakot ang ina na umalis ang anak.
b. Pinagsabihan ang anak dahil sa takot sa ahas. d. Ayaw ng in asa malaking ahas.

“Wala akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom na ako! Hindi ako kumain ng ilang araw!”,
tugon ng Tigre.
___13. Anong mahihinuhang samsamin sa pahayag ng Tigre sa Lalaki?
a. Pagkainip b pagkapursigido c. pagkagahaman d. pagkamaawain
“Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula kami maisilang, naglingkod na kami sa tao. Kami ang
nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin, inaararo ang bukirin upang makapagtanim sila. Ano ang
ginawa nila, pinatay nila kami at ginawang pagkain!”, ang tugon ng baka.

___14. Anong ekspresyon ang nababagay sa diyalogo ng Baka?


a. b. c. d.

1. Masayang
nagpatuloy
ang Kuneho
palundag-
lundag
pagkatapos
___15. Alin sa sumusunod ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?
a. 5-2-1-3-4 b. 3-5-2-4-1 c. 3-5-4-2-1 d. 1-2-4-3-5
Iantas, ang mga salita batay sa tindi ng emosyon o damdamin.
16. 17. 18. 19. 20.
1- Kalungkutan 1- Hikbi 1- Pagkawala 1- Galit 1-Kagalakan
2- Kapighatian 2- Nguyngoy 2- Pagkaubos 2-Inis 2- Kasiyahan
3- Kalumbayan 3- Iyak 3-Pagkasira 3-Poot 3- Katuwaan
4- Kasakitan 4- Hagulhol 4-Pagkawasak 4-Suklam 4- Kaligayahan

___16. a. 1-2-3-4 b. 1-3-2-4 c. 1-3-4-2 d. 1-4-3-2


___17. a. 3-2-1-4 b. 3-4-1-2 c. 3-1-2-4 d. 3-2-4-1
___18. a. 1-2-3-4 b. 1-3-2-4 c. 1-3-4-2 d. 1-4-3-2
___19. a. 1-2-3-4 b. 1-3-2-4 c. 1-3-4-2 d. 1-4-3-2
___20. a. 1-2-3-4 b. 1-3-2-4 c. 1-3-4-2 d. 1-4-3-2
Si Liza ay nanood ng balita tungkol sa pandemyang laganap sa ating bansa. Nasabi niya na “Sa aking
palagay, mahihirapan ang Pilipinas sa pagsugpo ng Covid-19 dahil sa kulangan ng pundo.”
___21. Ano ang pahayag na ginamit ni Liza?
a. Mungkahi b. Opinyon c. Pananinindigan d. Suhestyon
___22. Ano ang ginamit na pahayag ni Liza sa pagbibigay ng opinion?
a. Dahil sa b. sa aking palagay c. tungkol sa d. nasabi niya
___23. Alin sa sumusunod ang hindi opinion?
a. Naniniwala ako na siya ay makakapagtapos ng pag-aaral.
b. Sa lahat ng kaniyang sinabi ay puro kasinungalingan.
c. Ayon sa pag-aaral ng mga syentipiko, bago matapos ang taon ay may vaccine na.
d. Walang makakatalo sa kaniyang angking talino.
___24. Ayon sa talumpati ni Pangulong Lee Myung-bak sinabi niya na “Ngayon ay panahon na upang
sama-sama tayong kumilos.” Ano ang saloobin angkaniyang ipinapahiwatig?
a. Hayaang magbigay tulong ang mayayamang bansa.
b. Humingi ng tulong sa ibang bansa para umangat ang ekonomiya ng isang bansa
c. ahat ay kumilos para sa pagbabago.
d. Lahat ay kumilos para sa pag-unlad ng iisang bansa lamang.
___25. “Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing ‘ako muna’ ang pinakamabilis na paraan upang sagipin ang
mundo”. Paano ka makakabuo ng sariling paninindigan sa pahayag ma ito?
a. Kung tayo ay may disiplina sa sarili walang problema ang pagtulong.
b. Higit na mainam na huwag maging makasarili.
c. Sikapin mong magbago para sa bayan.
d. Walang mabuting maidudulot ang pagiging makasarili.
___26. Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA, sinabi niya na “No Vaccine, No Class.” Paano
makakabuo ng opinion sa pahayag na ito?
a. Talagang tama ang desisyon ng Pangulo para sa kaligtasan ng mga bata at guro.
b. Mainam na ipagpatuloy pa rin ang pagtuturo kahit walang face-to-face.
c. Makakabuti kung ipagpaliban muna ang face-to-face.
d. Upang madaling masugpo ang Covid-19 dapat na sumunod sa protocol.
___27. Anong uri ng talumpati ang ginawa ni Pangulong Lee Myung-bak?
a. Nagpapakilala b. Pangkabatiran c. Pampasigla d. Pampalibang
___28. __________________ walang disiplina sa sarili ang mga taong nagtatapon ng kanilang mga basura.
Ano ang angkop na pahayag ang kailangan sa pangungusap upang makabuo ng isang opinion?
a. Kapag b. Kung c. Sa tingin ko d. Higit na
___29. “Ang usapin khinggil sa pagbabago ng panahon.” Ano ang nais ipahiwatig ni Pangulong Lee
Myung-bak?
a. Ang ating mundo ay unti-unti nang nasisira.
b.Maraming kalamidad ang nararanasan
c. Ang pagbabago ng klima dahil sa pagkasira n gating planeta.
d. Ang kaligtasan ng tao sa pagbabago ng panahon.
___30. Ang mga sumusunod ay ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng mungkahi. Maliban sa
isa; a. higit na mainam b. ngunit c. makabubuti kung d. gawin mo

(31-35) Bigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolong ginamit sa kuwento.

___31. Kailangang palakasin niya ang kaniyang loob; kung ididilat lamang niya ang kaniyang mata,
paandarin ang utak, at di-matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat.
a. Nararapat lamang siyang magpalakas ng kaniyang pangangatawan upang magkaroon siya ng
lakas.
b. Dapat maging maliksi siya sa kaniyang pagtitinda upang hindi sia masalisihan.
c. Kinakailangan niyang maging matiyaga at huwag agad panghinaan ng loob at magplanong mabuti.
d. Kailangang maging prangka sa pagsasalita, hindi patulog-tulog sa pagtatrabaho at mag-isip.
___32. Saan man siya magpunta, laging may nagsasabi sa kanya kung ano ang dapat at di-dapat gawin; sa
pagtingin sa kanya ng mababa, umaangat ang kaniyang sarili.
a. Sa buhay ni Huiquan, marami ang pumupuna at nagsasabi kung ano ang dapat at di dapat gawin,
ngunit siya’y nagpakumbaba sapagkat alam niya ang kanyang kalakasan.
b. Hindi maiiwasan minsan na sadyang maraming tsismosa sa paligid kaya ‘wag na lang silang patulan.
c. Marami man ang pumupuna sa kanya, alam niya ang dapat niyang gawin.
d. Marami ang mga dapat at di dapat gawin, minsan kailangan maging tanga upang maging malakas sa iba.
___33. Gusto niyang lumaban, pero wala siyang lakas. Kaya magpapanggap siyang tanga, umiwas sa mga
magmamasid at mapagmatyag.
a. Wala siyang magawa sa kanyang sitwasyon, kaya magpapanggap na lang siyang walang alam
upang hindi siya pag-iinitan ng iba.
b. Nais niyang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga nang-aapi sa kanya ngunit hindi niya
magawa kaya magpapanggap na lang siyang walang alam sa buhay.
c. Hindi na lang siya lalaban sa mga nang-aapi sa kanya upang maiwasan ang gulo.
d. Iiwas na lang siya sa gulo sapagkat di niya kayang ipagtanggol ang kanyang sarili.
___34. Isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas.
a. Isang api na ang tingin sa sarili ay mahina at mababa sa iba kaya nais na lamang mag-isa.
b. Taong pinagkaitan ng hustisya kaya nawalan ng tiwala sa sarili.
c. Mababang uri ng tao na walang alam kaya ayaw ring makialam sa iba.
d. Isang hamak na tao na kinakaya ng iba kaya mas ninais niyang mapagisa.
___35. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil walang nakaaalam kung kailan kakatok ang
oportunidad.
a. Ipinapahiwatig nitong antayin na lang ang grasyang darating kasi kusa ating ibibigay ng pagkakataon.
b. Ang nais ipakahulugan nito ay mag-antay sa grasyang darating sapagkat habang may buhay may pag-
asa.
c. Ang ibig sabihin ay huwag mawalan ng pag-asa, maging matiyaga sa buhay sapagkat kusang darating
ang oportunidad na nakalaan sa iyo.
d. Ang nais ipahiwatig na mas mabuti pa rin ang maghintay kaysa mawalan na ng pag-asa sa mga darating
na panahon.
___36. Alin sa sumusunod ang HINDI pagkaing Tsino?
a. Pansit b. Siomai c. Pizza d. Dumpling
___37. Ano ang paraan ng pamumuhay ni Li Huiquan?
a. Pagkakariton b. pagtitinda sa kalye c. pagtitinda ng prutas d. paglalako ng kakanin
___38. Ano ang kaugaliang ipinakita ni Li Huiquan sa binasa na masasalamin sa kultura ng mga Tsino?
a. May kahinaan ang loob b. mapagkumbaba c. mapangarapin d. may tiyaga sa ginagawa
___39. Ano ang nagbigay ng inspirasyon kay Huiquan sa matamlay na pagharap niya sa negosyo sa araw
na iyon?
a. Nang makita niya ang kaniyang Tiya Lou.
b. Ang pagbili ng mga karpentero sa kanyang mga paninda.
c. Dahil nabilhan siya ng muffler ng aleng dumaan.
d. Sinuwerte siya sa araw na iyon.
___40. Batay sa akdang binsa, ano ang ugaling Tsino ang makikita sa katauhan ni Li Huiquan?
a. May kahinaan ang loob ngunit masipag sa pagtitinda.
b. Matiya, maparaan at may tiwala sa sarili na magtatagumpay sa pagnenegosyo.
c. Naghahanap ng koneksyon sa pamahalaan, at naniniwala sa suwerte.
d. Maparaan at naglalagay ng mga pampasuwerte sa pagtitinda.

Inihanda ni :

SAMANTHA MAY S. FRANCIS


Guro sa Filipino

You might also like