You are on page 1of 2

Ma. Theresa D.

Jandugan BSEd-Filipino III

Malikhaing Pagsusulat

Gawain 1.

Repleksyong Papel

Ang tulang pinamagatang “Sapagkat gusto mong maging makata” ay nagbigay sa


akin ng ideya sa kung ano ang mga dapat taglayin sa ating sarili upang maging isang
makata. Base sa naintindihan ko sa tula, dapat masipag tayo sa pagsulat o pagtala ng mga
pangyayaring nagaganap sa ating paligid. Mga ideyang maaari nating magamit sa ating
gagawing akda. Kinakailangan malawak ang ating pag-iisip nang sa ganun maging
malikhain ang kalalabasan ng ating akda. Sapagkat gusto mong maging makata, hindi
lamang nakapokus sa mga kakayahang dapat taglayin ng isang taong ninanais maging
makata. Sinasabi rin dito na dapat maging isang boses tayo para sa mga musmos na naaapi,
maging daan tayo para mamulat ang lahat sa katotohanang nakakubli at nakagapos sa
sulok. Sapagkat gusto mong maging makata, kailangan maging matapang sa pagharap sa
hamon ng buhay.

Sa kabilang banda, ang tulang pinamagatang “Kahit walang babasa” ay patungkol sa


mga pagsubok na nangyari sa isang ina. Mga paghihirap na hindi niya malimutan . ngunit
nang dahil sa isang supling na iniluwal niya, muling nabuhay ang kanyang lakas ng loob.
Para sa’kin ang supling ay sumisimbolo sa mga tagumpay na nakamit ng isang tao, mga
mithiing natupad, at mga pangakong naisakatuparan.

Ang dalawang tula ay nagbigay sa akin ng aral sa buhay. Una, huwag tayong
matakot na harapin ang bukas. Matuto tayong lumaban sa mga pagsubok sa buhay. Tulad
ng nabanggit sa tula, maging daan o boses tayo para sa mga taong binabalot ng kaapihan,
mga batang inaapi ng walang kalaban-laban, dapat ay tulungan natin ang bawat isa na
maiahon sa hirap at pighating nangyayari sa komunidad. Sapagkat gusto mong maging
makata, dapat taglay mo ang tapang, at talino ng isang totoong makata. Pangalawa, matuto
tayong bumangon sa kahirapan, pighati at sakit. Lahat ay may lunas, mayroong kapalit na
kaligayahan at kaginhawaan. Kaligayahan na magdadala sa atin sa mundong mapayapa at
kanais-nais. Kahit walang makikinig sa ating mga tinig, patuloy tayong lalaban para sa
kinabukasan at kaginhawaan ng sanlibutan. Kahit walang babasa sa ating mga piyesa,
patuloy tayong aasa sa pag-asang dala-dala ng bawat isa.

You might also like